1. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 1
MAPAIT NA KALIGAYAHAN
Direktor:Verdelyn Eroy
Iskrip at Editing:Wincel Mecca Egos
Musika at Tunog:Jundel Deliman
MGA TAUHAN:
Erika – anak ng mag-asawang Villa Fuerte; magiging Magna Cum
Laude sa paaralang St. Michael; kasintahan ni Samuel; nabuntis
ngunit walang asawa
Samuel – ningas-kugong kasintahan ni Erika; ama ng dinadalang
sanggol ni Erika
Carlo– kaibigan ni Samuel
Aling Rosario – dating tagalaglag ngunit tumigil na sa nasabing
gawain dahil sa labis na pagkakonsensya
Ramon – Tatay ni Erika
Lourdes – Nanay ni Erika
Jessica – Kapatid ni Erika
MGA NAGSIPAGGANAP:
Jundel– Carlo, Samuel at Ramon
Verdelyn – Tagapagsalaysay (1) at Erika
Mecca– Tagapagsalaysay (2), Aling Rosario, Jessica at Lourdes
2. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 2
TAGAPAGSALAYSAY (1):
(echo) Hi. Magandang araw sa mga tagasubaybay sa
programang ito at lalong lalo na sa mga magbibigay buhay sa
aking karanasan. Tawagin nyo na lang ako sa pangalang Erika, 25
anyos at may isang anak. Bago nyo po simulan ang aking kwento,
pahintulutan po ninyo akong humingi ng pabor. Nais ko pong
ipatugtog nyo ang awiting “Bakit Mo Ba Iniwan by Jundel
Deliman”.
(Jundel’s song)
(Background plays again)
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Fourth year College ako noon. Isang graduating student ng St.
Michael. Ngunit isang pangyayari ang bumago sa aking buhay.
Ito’y magsimula ng makilala ko si Samuel na kapwa ko ring
graduating student.
CARLO:
Hoy pareng Samuel. Nakikita mo bang nakikita ko?
SAMUEL:
Ang alin? Yong chicks na yon? Kanina ko pa sya
pinagmamasdan no!
CARLO:
Dyan talaga ako bilib sa’yo. Pagdating sa chicks ang taas
talaga ng radar mo! Lapitan mo na! Hindi ka naman siguro bading
no?
SAMUEL:
Ha, ako, shokla! Hmm… Makikita mo (lalapit kay Erika) Hi
miss…
ERIKA:
(nabigla at kinabahan) Ah eh… Hello
SAMUEL:
Ako pala si Samuel. Pero maaari mo akong tawaging Sam.
Ikaw?
3. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 3
ERIKA:
(mahinhin) Ah eh… Ako pala si Erika
SAMUEL:
Pwede makipagkaibigan?
ERIKA:
(‘Di makasagot) Hmm…
SAMUEL:
(sisingit) Tala punta tayo sa canteen. Trip ko.
ERIKA:
Ah eh, ano kasi… Nakakahiya naman. Ngayon lang nga tayo
nagkakilala.
SAMUEL:
‘Wag kang mag-alala. Sagot kita. ‘Di ba friends na tayo? What
are friends for?
ERIKA:
Sige na nga. Baka magbago pa isip mo.
(Background music: love songs)
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Simula noon naging magkaibigan na kami. Bumilis ang takbo
ng mga araw at pangyayari. Sa paglipas ng panahon, hindi ko
namalayang naging kami na pala.
(Background music: Basta’t kasama kita)
ERIKA:
Wow! Ang ganda naman dito Sam. Ngayon lang ako
nakapunta rito.
SAMUEL:
Pero mas lalong gumaganda dahil kasama kita, sweetheart.
4. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 4
ERIKA:
Hmm… Mambobola. Halika nga rito.
SAMUEL:
Sya nga pala. Bakit mo nasabing ngayon ka lang nakapunta
rito?
ERIKA:
Eh kasi alam mo naman, focus ako palagi sa pag-aaral.
Pangarap ko kasing maging Magna Cum Laude. Ako kasi ang
inaasahan ng pamilya ko.
SAMUEL:
‘Wag kang mag-alala. Basta’t kasama kita, lagi mo akong
maaasahan. Tutulungan kitang matupad ang mga pangarap mo.
ERIKA:
Maraming salamat Samuel. Mahal na mahal kita. (humalik)
(Mecca’s song)
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Ngunit sa isang iglap lahat ng pangarap ko’y biglang nawala.
Nalaman ko na lang na ako’y nagdadalantao na pala.
(Morning background)
ERIKA:
(gumising at naghikab) Ano ba ‘tong nararamdaman ko.
Nahihilo ako. Teka, parang magsusuka ako. (takbo sa C.R. at
magsusuka) (Flush background). Patay! Buntis ako! Paano na’to?
Kailangang malaman ito ni Samuel. E-titext ko nalang siya na
magkikita kami.
TAGAPAGSALAYSAY (2):
Sa skwelahan.
ERIKA:
5. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 5
Samuel, Samuel, meron sana akong sasabihin.
SAMUEL:
Ano yon?
ERIKA:
Samuel, buntis ako!
SAMUEL:
(nabigla) Ha! Buntis ka! Ano, bakit, paano nangyari?
ERIKA:
Hindi ko alam Samuel. Anong gagawin natin?
SAMUEL:
Hindi ko rin alam Erika. Sige mamaya na lang tayo mag-usap.
May klase pa ako (aalis)
ERIKA:
Samuel, Samuel, teka lang.
(Background music: Porque/instrumental)
ERIKA:
(nagsasalita sa sarili) Huhuhu… Paano na ngayon ito? Bakit
nagkakaganito? Paano na ang mga pangarap ko. Patay ako nito sa
pamilya ko, tiyak na magagalit sila sa akin, lalo na si Nanay.
Huhuhu… Samuel, tulungan mo sana ako… huhuhu…(umiiyak ng
lubusan) Kailangan ko talaga siyang papanagutin nitong
ipinagbubuntis ko. (pinahid ang luha) Teka nga… tapos na siguro
siya ngayon sa klase niya. Aabangan ko na lang siya don sa room
niya. (naglalakad)
SAMUEL:
Erika, anong ginagawa mo rito? Bakit ka ba nandito?
ERIKA:
Samuel, kailangan nating pag-usapan itong problema natin…!
CARLO:
6. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 6
Samuel, halika na! ang tagal mo naman dyan! Ikaw na lang
ang hihintay ng barkada. Inip na sila sa’yo. Bilis na!
SAMUEL:
Sige Erika, paalam…
ERIKA:
Pero Samuel…
SAMUEL:
(sa kaibigan) Halika na pare. May nang-iisturbo pa kasi sa
akin eh (lakad palayo)
(Background music: Sad instrumental music)
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Ilang beses na akong sumubok na kausapin noon si Samuel
hinggil sa problema namin pero lagi na lang akong bigo. Sa tuwing
makasalubong ko sya, lagi siyang umiiwas at kapag tinatawag ko
siya, ‘di na sya pumapansin sa akin. Ibang Samuel na ang nakilala
ko noon. Lumipas ang ilang araw at linggo, ganoon pa rin ang
takbo na buhay namin. Hanap-iwas. ‘Di na rin maipagkaila sa
harap ng aking mga kaklase’t kaibigan hinggil sa aking kalagayan
bilang isang buntis. At ang labis na problema ko ay ang babala ng
aming School Dean ukol sa pagiging candidate ko sa magiging
Magna Cum Laude na nangangailangan ng Parents’ Consent ukol
sa aking pagkabuntis. Litong-lito ako noong mga panahong iyon.
Nalaman ko rin buhat sa aking mga kaibigan na si Samuel ay
umalis na sa School namin at isinama na sya ng kanyang parents
na mag-migrate sa U.S. Walang gabi na ‘di ako umiiyak. Iniisip ko
ang mga bagay na dapat kong gawin. Ayaw kong humarap sa
aking mga magulang dahil natatakot ako. Kaya, nakabuo ako ng
isang pasya.
ERIKA:
(kumatok at binuksan ng pinto) Good morning po. Kayo po ba
si Aling Rosario? May sadya po kasi ako eh.
ALING ROSARIO:
Oo, ako nga iha. Halika pasok…
7. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 7
ERIKA:
Salamat po.
ALING ROSARIO:
Hmm… Parang alam ko na ang sadya mo rito ah. Iha, may
pagkakataon ka pang humarap sa problema mo ngayon. Isipin mo
na napakarami ninyong naging ganyan at ipinaglalaban nila.
ERIKA:
Buo na po talaga ang pasya ko Aling Rosario. Ipalalaglag ko
po itong dinadala ko.
ALING ROSARIO:
Iha, asan ba ang ama nyang dinadala mo? Alam ba niya itong
gagawin mo? Ang mga magulang mo? Sa tingin ko sa’yo, bata ka
pa at palagay ko’y estudyante ka.
ERIKA:
Tama nga kayo Aling Rosario. Oo, estudyante ako at magiging
Magna Cum Laude sa pagtatapos na ito. Kaya nga pursigido akong
ipalaglag itong baby ko kahit labag sa kalooban ko. Tungkol
naman sa magiging ama nito… Patawarin sana siya ng Dios sa
pagkaduwag niyang harapin ang responsibilidad niya. At dahil na
rin sa magulang ko, ako’y takot sa kanila. Ayaw ko po silang
saktan kaya nagpasya ako ng ganito.
ALING ROSARIO:
Diyan ka nagkakamali iha. ‘Pag ipagpatuloy mo iyan, tiyak na
lalong magagalit sila. Masaktan! Oo, sa umpisa magagalit sila.
Masaktan ka man nila at mapagbuhatan ng kamay, tanggapin mo
na lang. Isa lang naman ang solusyon sa problema mo iha.
Harapin mo ang mga magulang mo. Walang magulang na hindi
maaawa sa kanilang anak. Sabihin mo sa kanila na nagkamali ka.
Humingi ka ng tawad hanggang sa mapatawad ka nila. Ganoon
ang mga magulang iha, ‘di nila matitiis ang kanilang anak, at iha,
alam mo, matagal na akong tumigil sa ganitong gawain kasi grabe
na ang konsensya sa puso ko sa tuwing kikitil ako ng buhay ng
sanggol. Hindi mo ba napansin na iba na ang nasa loob ng aking
bahay? Puro halaman na lahat. Dyan ko na lang ibubuhos ang
aking oras iha. Sige na iha, habang may panahon pa. Pumunta ka
8. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 8
na sa mga magulang mo. ‘Di ba gusto mong makapagtapos ng pag-
aaral? Kaya lakad na. Hangad ko ang iyong kaligayahan at
ipagdadasal kita.
ERIKA:
Maraming salamat po, Aling Rosario dahil tinulungan nyo
akong magpasya ng tama. Salamat at nagkaroon ako ng lakas ng
loob upang harapin ang mga magulang ko’t ang pagsubok na ito.
(lalakad palayo)
TAGAPAGSALAYSAY (2):
Sa bahay.
JESSICA:
Nay, Tay, nandito na si Ate. Ate, nandoon sila Nanay sa loob.
Pasukin mo na at maglalaro pa kami.
ERIKA:
Oh sige Jessica… Heto, pasalubong ko sa’yo.
JESSICA:
Salamat ate. (lalakad palayo)
ERIKA:
Mano po Nay, Tay.
MGA MAGULANG:
Kaawaan ka ng Dios.
ERIKA:
Nay, Tay, dapat nyo talaga akong kaawaan kasi may
kasalanan po ako sa inyo at alam kong magagalit po kayo sa akin.
Pero ito lang masasabi ko, nagsisisi po ako ng labis at handa kong
tanggapin ang parusa ninyo sa akin.
RAMON:
Erika, ano ba iyang pinagsasabi mo?
LOURDES:
‘Di ka namin maintindihan!
ERIKA:
9. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 9
(nagsimulang umiyak) Nay, Tay, buntis ako at walang ama.
Umalis kasi sya.
RAMON:
(nagulat at nagalit) Ano?!... Buntis ka?!... Erika, pinalaki ka
naming ng maayos. Binihisan at pinaaral. Lahat ginawa namin
para sa’yo tapos itong igaganti mo sa amin? Pa’no na ngayon ang
pag-aaral mo? Wala kang hiya!
ERIKA:
‘Yon nga ang problema Tay. Kailangan kong tulong nyo.
Kailangan ko ang Parents’ Consent para maka-graduate ako.
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Wala na akong magawa. Lubha silang nagalit sa akin. ‘Di na
nila ako pinapansin at sinasalitaan. Lumipas ang ilang araw.
LOURDES:
(sa ama) Patawarin na natin ang ating anak Ramon. Wala na
tayong magagawa. Andyan na yan eh. Tulungan na lang natin sya.
Nagsisisi man sya, problema pa rin natin iyon. At isa pa… Ayaw
mo non? Magkakaapo na tayo. Lola na ako at Lolo ka na.
RAMON:
Tama ka nga Lourdes. Wala na tayong magawa. Mas mabuti
pa’y puntahan na natin si Erika.
LOURDES:
Anak, Erika, pinapatawad ka na namin.
ERIKA:
(nagulat at nasiyahan) Ha, Nay, talaga po? Thanks po nay.
Maraming salamat. Magsisipag na po ako lalo na ngayong may
baby na ako.
RAMON:
Basta’t ipangako mo yan sa amin.
ERIKA:
Opo Itay.
10. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 10
LOURDES:
Saka pala. Bukas, sasamahan ka namin sa School Dean mo.
Para sa Parents’ Consent mo.
ERIKA:
Maraming salamat po Nay.
JESSICA:
Ate, Nay, Tay. Totoo po bang narinig ko? May baby na po ba si
Ate?
ERIKA:
Oo Jessica, at magiging Tita ka na.
JESSICA:
Yehey… Tita na ako.
TAGAPAGSALAYSAY (1):
Dahil humarap ako sa aking mga magulang, ako ay nakaahon
mula sa aking problema. Oo, naging Magna Cum Laude ako noong
panahong iyon at pagkatapos ng graduation ay kabi-kabilang
trabaho ang inialok sa akin sa kabila man ng kalagayan ko. At ‘di
nagtagal natulungan ko ang pamilya ko. Lumipas ang ilang
buwan, ipinanganak ko ang batang babae, isang maganda at
malusog na sanggol. Sa kabila ng pait nakaramdam na rin ako ng
kaligayahan.
(Verdilyn’s song)
ARAL
Huwag sayangin angbuhay sa panandaliang sarap.
Mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan at laging
11. FILIPINO 102
MAPAIT NA KALIGAYAHAN 11
tandaan, ang mga magulang ay nandyan para sa ating
kaligayahan.