1. BULONG SA BUWAN
Richard P. Moral, Jr.
Bilog ang buwan ngayon!
Umaalolong ang aso sa ‘di kalayuan,
Dahil ang buwan ay bilog!Bilog na bilog!
Tahimik…walang ingay ang kalyeng dati rati’y ‘di natutulog.
‘Di natutulog ang kalye tuwing buwan ng Agosto,
‘Di nahihimbing, di inaantok…
Ngunit ngayon…may panginginig ang buwan…Nanginginig ang buwan.
Nilalamig ang gabi, malamig ang gabi.
bumubulong ang bituin hindi sila umaandap, nagbubulungan ang bituin, walang andap.
Bang! Nagulat ang lahat!
Bang! Kumaripas ang lahat!
Bang! Tumangis ang lahat!
Nagulat na kumaripas ang lahat,
Nagulat at tumangis ang lahat…
Kumaripas papalapitang lahat, may ibang papalayo…papalapit…papalayo…
Dalawang bangkay ang sumambulat!
Dalawang ulo ang tumimbulag!
Nakaposas, nakagapos,
Nakapiring, nakatabon,
May bitbit na plakard na “HUWAG TULURAN, KAMI’Y MGA SALOT”
“SALOT KAMI, HUWAG TULARAN!”
Saksi ang buwan sa malagim na patayan,
Habang kumikindatang bituin na waring pinagtatakpan ang lagim.
May ibinubulong ang hangin, may nais ikanta ang dilim…shhhhhhhhhh….
Nagulat ang lahat sa mukha ng pinagpipiyestahang katawan,
Nasindak sa nakitang kababalaghan,
Si Goryong sinto-sinto ang kanilang nabungaran!
Si Goryong sinto-sinto ang kanilang napagdiskitahan!
Si Goryong taga-igib ng tubig, si Goryong wala sa katinuan!
Si Goryong tagapasan, Si Goryong utusan,
Si Goryong…ginulantang ng gabi ang aming pagdududa…
Binagabag ng gabi ang aming pagtataka nang ang isang biktima ay si Totong magpupulis sana!
Si Totong magpupulis sana!Magpupulis sana si Toto! Shhhhhhhh….shhhhhhh
Baka nila marinig…
Si Totong gustong magpulis inutas ng pulis?
(A, dapat lang ‘yan sa kanila!)
Dapat nga ba?
Si Goryong kulang-kulang tinodas din nila?
(A, dapat lang ‘yan sa kanila!)
Dapat nga ba?
Naghihikbi sa paanan ng gabi ang kanilang mga kaanak,
Mga ligaw na kaluluwang humihingi ng paliwanag,
Bakit? Bakit? Sandamakmak na bakitang kanilang hagulgul.
Pumapalahaw sa gitna ng buwan, tinatanong ang kalangitan!
Sino ang dapat pagbintangan? Tikom ang bibig ninuman,
Walang ingay na nakatagulaylay…tahimik na nagbubulungan
Sshhhhhh….sshhhhhhhhhhhh
Buwan, sabihin sa amin ang iyong nakita?
Buwan, ikuwento sa amin ang iyong natunghayan,
2. Buwan, kami’y inyong tulungan, kami’y inyong damayan!
Buwan huwag kaming pabayaan!.............................
Sa kalawakan biglang nagtago ang buwan sa ulap,
Sa kalawakan biglang lumukob ang kadiliman,
Naiwang napipi ang lahat…
Pati buwan ayaw magsalita,
Pati ulap gustong pagtakpan ang nagbabanta,
Ayaw kumampi ng langit,
Ayaw magsalita sa lagim, gustong manahimik sa malakihang patayan,
Nanginginig ang lahat…puyos ang damdamin ng lahat,
Timpi…pinipilitnilang magtimpi…pinipilitnilang lunukin ang pait, ang sakit!
Pinilipilitnilang sumunod, pinipilitnilang lumuhod!
Walang gustong magsalita, walang gustong maging taya!
Piring…walang nakikita…
Piring…walang nararamdaman…
Piring…walang pakialam…
Muling umalingawngaw ang putok…
Isa, dalawa, tatlo…
Muling pumalahaw ang hikbi…
Muling nabalot nang pagdududa ang palagid…
May isang tumingin sa buwan,
May isang tumingin sa ulap,
Mabalasik, nagpupuyos, nagbabanta…
Bumulong ng: LAHAT AY MAY ORAS, LAHAT AY MAY WAKAS!
May sumali…Palakas…
LAHAT AY MAY ORAS, LAHAT AY MAY WAKAS!
Palakas nang Palakas!
LAHAT AY MAY ORAS, LAHAT AY MAY WAKAS!
Palakas nang palakas nang palakas!
LAHAT AY MAY ORAS, LAHAT AY MAY WAKS!
3. SIGAW NI TITSER SA BATANG KN
(Espesyal na sulatin para sa Madulang Sabayang Pagbigkas ng KNCHS Intrams 2016)
RICHARD P. MORAL, JR.
Paano batang KN sisilipin ang kultura mo? Ang kultura niya?
Ang kultura nating iba?
Hindi, huwag mong sabihin Bata! Ba…ta? Bata pa ba ang KN?
Na hindi ka nakaranas kung paano ang tumakbo sa kamay ng guwardiya?
Oo, tawang-tawa ka pa! humahalakhak ka tuwing ikaw ay di nakikita…
Lumulusot ka sa siwang ng pader, pinagsisipa ang tanin ni Sir!
Ang landscape ay hindi naka-escape sa mata mong mukhang galit sa maayos!
Ayaw mo ng pormal… ayaw mo ng iba… gusto mo ikaw ang bida!
SIKAT ka nga di ba? Batang KN, tsk…tsk..tsk…
Iniiba mo ang tama, binabago ang dapat,
Hinampas ka ng pamalo, nagka-Gang ng Scorpion
Pinagalitan kita, pinalabas sa klasrum!
Sinabihan kita ng haliparot, malikot, layas ka dugyot!
Tuwang-tuwa ka! Ayaw mong magpagupit, ayaw mong magpahawak!
A! batang KN ka nga! Paano kita muunawaan?
Paano kita maiintindihan? Paano kita uunawain?
Paano ko susundin ang DepEd? Ang child-protection? (Nakakatawa)
Paano ko sisindihan ang aking kandila at magliwanag nang bahagya?
Paano kita tuturuan gayong ayaw mo ng leksiyon?
Pahahabain ko pa ba ng pisi ang aking pasensiya?
Iintindihin ko pa ba, ang iyong problema?…hay Batang KN ayaw ko na!
Ayaw ko ng magpadala sa iyong bola-bola!
Ngunit isang gabing tahimik… Shhhhhhht….
habang lalo akong nagdududa,
Habang lalo akong nagagalit…
Lumalabas sa aking isip…ipinipinta at iginuguhit,
Biktima ka ng pag-asa! (lagi kang sinisigawang tanga! Walang kuwenta!)
biktima ka ng media! (bakbakan at giyera)
Biktima ka ng buwaya! biktima ka ng politikong may bala! (Mga kurakot sila’t salot)
Biktima ka ng iyong pamilya! Wasak na pamilya!
Biktima ka ng iyong magulang! hiwalay! away!
Gulo! Magulo, magulong-magulo, ito ang iyong mundo!
Isang araw nakita kitang nababahala,
Sa sulok ng pader ikaw ay lumuluha …
Nais kong makita ang iyong malulutong na tawa ngunit hindi,
Sinilip kita sa di-kalayuan…may papel kang dala…
Kitang-kita ko, para ‘yon sa iyong Nana…
Batang KN ngayon ko nakita, hindi ang likot,
Nawala ang pagkadugyot! Ilang beses kitang sinabihan ng Langa!
“lumabas ka, bobo! Nakawawala ng gana!”
“lumabas ka, bobo! Anak ka ng tooooot…”
Pabalik-balik ang aking bulyaw, paulit-ulit ang aking bulyaw
4. Pabalik-balik…paulit-ulit…
Nakita ko ang aking sariling may bitbit nang panyo
Nagsisisi, pailing-iling…
Dahan…dahan…
“Hindi kita tinulungan sa gitna ng iyong pangangailangan.”
“hindi kita inakay sa landas patungo sa iyong bukas.”
“hindi kita minulat sa mundong puno ng paghihirap.”
Ngunit, hindi pa huli ang lahat…
Ang lahat ay hindi pa huli…
(Hoy haliparot! Ikaw na unggoy ka! Kalanga!)
Pabalik-balik…
(Hoy haliparot! Ikaw na unggoy ka! Kalanga!)
Pabalik-balik…
(Hoy haliparot! Ikaw na unggoy ka! Kalanga!)
Pabulong sa aking sarili…BATANG KN, MAGPAPAKAGURO AKO BUKAS…
Papalakas sa aking sarili… BATANG KN, MAGPAPAKAGURO AKO BUKAS…
Palakas nang palakas… BATANG KN, MAGPAPAKAGURO AKO BUKAS…
Pasigaw nang pasigaw nang pasigaw… BATANG KN, MAGPAPAKAGURO AKO BUKAS…
Bahandi sa Pagpaningkamot ug Pag-uswag
Ang kadamuan sa aton nagapamati lang sang mga sugilanon sang kaimolon, pagtinguha, pag-
antos, gutom, ang antad sang imol kag manggaranon, ang wala patugsiling sa isigkatao, paglaom.
Mga hambalanon nga may pagpahilabot sa aton nga buwas damlag. Nagatuytoy, makatandog
sang balatyagon. Mga hambalanon nga may tema nga mapuslanon kag mainuswagon tuhoy sa
pagpangabuhi sa idalom sang pungsodnon nga demokrasya.
Wala gid kita gaisip sang aton nga kaayuhon sa aton nga sarili, pagsakripisyo kag paningkamot sa
aton nga sarili nga kamot. Ano gid bala ang aton himuon para makab-ot naton ang pag-uswag?
Isa ka estudyante, isa ka bata, isa ka linghod nga tao sa aton nga sosyedad. Anhon naton ka
pagpaningkamot? Anhon naton ang pagka-ot sang aton nga damgo?
Siling sang isa ka maayo nga manunudlo, ang pagkab-ot sang kalipayon ara sa aton pagsakripisyo
kag pagpaningkamot…Pagpaningkamot sa aton pag-eskwela kag pagpaningkamot sa aton nga
pagtrabaho, ang pagpaningkamot dungagan tapa sang pagsakripisyo haron ang buwas damlag
naton maghimo ng bahandi nga mapreparar sa aton nga kusog kag kabaskog.
5. Karon, usab ginadaos ta ang aton nga Intrams, sa aton nga lengguwahe balikan ta ang katam-is
og kalami sa atong mga nahimo. Ano gid bala ang aton nga nahimo? Gitindog naton ang isa ka
eskwelahan nga indi lamang nagatuon sa atong pag-eskwela, isa ka ekwelahan nga gapanday
sang aton nga pagpaningkamot haron maabot naton ang pag-uswag. Kab-uton naton St. Alexian
ang katam-is sa aton nga kabaskog kag pagpaningkamot. Naningkamot kita amon nga nakaabot
kita diri, isog, wala nahadlok sa bagyo nga aton mabatyagan kay kabalko ta! Ginhimo kita sang
aton ekswelahan nga isog kag may pagtuo.
Magpati kita sang aton nga natun-an ang paghiniusaamo ang dako nga yabi sang aton paglambo.
Ang paglambo indi lang sa hilikuton sang is aka tawo, ang paglambo ara sa aton pagpaningkamot
kag pagtinabangay,kuhaan ta ang matam-is nga damgo bilang is aka St. Alexian.Nga may dungog
kag kabaskog magmata kita sa isa buntag nga ara na ang tanan kay tungod sa aton
pagtinabangay!
Maglantaw kita ng positibo sa kabuntagon nga nakab-ot naton ang aton damgo, isa ka adlaw nga
nagpaningkamot, adlaw sang pagkab-ot, mga matahom nga sugilanon nga magtaas sa aton nga
kabuhi. St. alexian,magtabangay kita aron makuha naton ang bibo kag makusog nga pakpak sang
agila nga magdala sa aton sa langit sang sang bahandi sang pag-uswag kag pagpaningkamot.
Go fly Alexian!
ST. ALEXIUS, LUPAD KAG MAGPATI
Sadto nga tinuon, akon gid nahanumdom
Ang St. Alexius isa lang ka panit sang dahon,
Simple, wala dako nga ikabugal kag gahum
Gamay lang nga tawo ang nakatalunton.
Tuig sa tuig nagabagsik, nagakusog,
St. Alexius amat-amat nga gaisog
Ang kurso kag kurikulum makabusog
Ginapanday ang kandindot kag kahimsog
Hala, lupad, St.Alexius lupad sa kahitaasan
Abta ang buwas damlag nga puno og bulawan
Ang damgo kag handom sang kabatan-unan
Indi pagpabay-an, indi pag isalig sa iban.
Ikaw nga nindot nga taga-alagad sang dunong,
Nagaangkon sang kabaskog kag katahom,
St. Alexius namon nga maanyag, nagakumkom
Sang pag-bag-o nga gakatabo sa aton nga punsod.
6. Indi ka magduha-duha sa pagkab-ot sang pagbag-o
Ara sa mga kamot mo ang kanindot sang aton pagtuo
St. Alexius nga gimahal hala padayon sa paglambo!
Aron kita makaabot sa langit nga atoang gidamgo.