As the final project for my DEVC202 class, we were asked to produce any kind of material to show our what we have taken away from our class. I chose to write a poem in Tagalog reflecting what I have learned about Development Communication.
2. Ate, Kuya, sige na’t bilhin na.
Ang aking maraming produkto’t benta.
Ang aking bitbit ay di sabong panlaba,
Damit ay di puputi, amoy ay di mag-iiba.
ANG BENTA
KONG HALAGA
3. Dala ko’y di pampaputi ng
balat na para sa iyo’y hiyang,
Hindi makakabawas ng
balakubak, tigyawat o timbang.
Pero magtiwala ka;
ang ibibigay ko’y mahalaga.
Hirap mo’y gagaan,
buhay mo’y giginhawa.
ANG BENTA
KONG HALAGA
4. Ang aking produkto’y kaalaman;
Ang aking mensahe’y katotohanan.
Wag munang matakot at iwasan
ang aking masasabi.
Di ko kailangan ang pera mo,
ito ay tunay na libre.
ANG BENTA
KONG HALAGA
5. Ang aking tanging hiling:
Oras mo’t pagtiwala.
Ako na’y iyong dinggin.
Wag nang mabahala.
ANG BENTA
KONG HALAGA
6. Sapagkat hindi ko ipapataw
ang kaalamang hawak.
Ako’y makikibahagi lamang sa iyong buhay.
Isip mo at isip ko ay sabayang lalawak.
Hindi makitid ang kaalamang tunay.
ANG BENTA
KONG HALAGA
7. Kalusugan, Kalikasan,
Edukasyon, obligasyon,
Paghihirap, Pagsisikap,
Mga karapatan ng nasyon.
Eto ang mga produkto ng bayan,
Ating dapat suportahan.
Ito ang aking saysay at kabuluhan;
Eto ang aking tanghalan.
ANG BENTA
KONG HALAGA
10. Tayo’y magtulungan, mag-usap at
magkaintindihan,
Makabubuti sa akin ay nandito, para sa iyo’y
nandiyan.
Kung buksan mo ang iyong puso’t isipan
Mararating natin ang ninanais na kaunlaran.
KO MONATIN
ANG BENTA
KONG HALAGA
11. Bakit ka naghihirap?
Alam mo ba ang solusyon?
Ano ang iyong pangarap?
Bakit di ka umaksyon?
Epektibo ba ang gobyerno?
O ang iba pang institusyon?
ANG BENTA
KONG HALAGA
12. Malinis ba ang pagpatakbo?
Tama ba ang ating direksyon?
Bakit mahirap sumunod sa batas?
Saan ka di sumasang-ayon?
Ano ang iyong mga naiisip na lunas?
Tama ba ang iyong aktitud at emosyon?
ANG BENTA
KONG HALAGA
13. Bawat problema’y nababalot,
Ng maraming sitwasyon
Na siya ring nadudulot
Ng samu’t saring rason.
Sa sapat na pag-isip at analisis
Puno’t dulo nito’y makakahon.
Mula sa mga makabuluhang krisis
Sa wakas tayo’y makakabangon.
ANG BENTA
KONG HALAGA
14. Mga hangad na pagbabago
Ay posibleng matamo.
Sa patuloy na komunikasyon
At tulungan ng komunyon
Kaya ate, kuya,
Pag-usapan na
Kung kayo’y gagalaw at makikisama.
Bili na, kunin na
Ang progreso ng masa.
ANG BENTA
KONG HALAGA