SlideShare a Scribd company logo
Lihim
-Genesis Rose Bracero
Naglaho at tila walang nagdaan,
Nalimot ang siyang di pa nararanasan.
Minsa nang nagnais sumigaw at naimpit;
Naubusan ng hininga, di pa man makalapit.
Malugod na lamang na tinanggap ang tadhana,
Lumipas ang araw, panaho’y kumawala.
Buhay ay nakabitin sa pagod nang sinulid,
Pagkabahala’t takot, sa puso’y di lingid.
Pilit na kumakapit sa naghihingalong pangako,
Pangarap ay nababasag; katawa’y nagdurugo
Saklolong panalangin ay di malingap,
At bawat ngiti’y may luhang kayakap
Pagkatao’y wala na , at limot na ang pangalan,
Tunay nga bang ako, sa puso mo’y walang puwang?
Munting alaala ng dating sinabi,
Siya bang kasinungalingang sa pag-ibig nagkukubli?
Saglit na nahulog at nawalan ng malay,
Sa saglit na iyo’y higit isang taon na ng buhay.
Pag-asa pa ba itong matatawag?
Paghahanap ng katotohanan o pagiging duwag?
Kahit panaginip na lamang ang bumabalot
Sa maseselang damdaming napupuno ng takot
At siyang sa isip at puso’y sigalot,
Ay pagsintang kay tamis at hapdi pa dulot.
Sa iyong mukha’t tinig, akoy nagigiliw,
Wagas kong pag-ibig ay walang pagmamaliw.
Kung ang pagkakataon, ako’y pinagbigyan
Lambing at pag-ibig ko’y iyo sanang nararamdaman.
Kung huwag na lamang at tatalikod,
Puso ba’y makapapayag na di ito masunod?
Kung sa bawat pagsapit ng dapithapon,
Damdami’y umaapaw, daig pa ang mga alon.
Kailan magwawakas ang sakit paghihintay?
Sa landas na sayo’y tungo, di ako susuway.
Sa lihim kong pangako’y laging tapat.
Ang aking pag-ibig ay iyong lahat.
Pagkakataong Muli
Caridad de Vera
Sa pagdaan ng mga araw
Saiyo lamang tanging pagmamahal
Pintig ng puso ay di magbabago
Ikaw lamang ang tanging isisigaw
Winasak man ng tadhana
Puso ko man ay binaliwala
Munting alaala mo
Sa isip ay itinakda
Mga pangyayari aking kinalimutan
Sadyang bumabalik at nangingibabaw
Binaon na sa limo tang nakaraan
Ngunit ano itong dumarating?
Ito ba at tagna o sadyang lilipas lamang?
Sa iyong paglisan
tuluyan ng naibsan
ang ugat ng pagmamahalan
niyaring parang pugad
ang sakit na naramdaman
Ang araw ay sisikat din
Sa gintong silangan
Muling maghahatid ng saya at pag-asa
Balang araw ay maglalandas din
Ang ating mga gunita
Kusang sasara ang lipos na alaala
Pangungulila
Emalyn Canillo
Pagkawala mo’y hindi ko inasahan
Bigla sa isang iglap ika’y lumisan
Labis ang lungkot at hapdi ng damdamin
Di inakala na ako’y lilisanin
Ina, bakit di ka lamang nagpaalam?
Puso’t isipan ko’y labis na nagdaramdam
Ako’y nahuhungkag, mundo ko’y dumilim
Wala ng giya, daan ay marimarim
Makayanan ko kaya na ika’y wala?
Paano ang mabuhay kung wala ka na?
Buhay ko’y walang saysay, walang pag-asa
Pangungulila’y kalabisan na Ina.
Minsan naisip ko’y sumunod saiyo
Tapusin ang lahat, iwan itong mundo
Paraan upang ika’y makapiling ko
Nalalaman kong ito’y pasyang palalo
Isang kahangalang tunay kung gagawin
Sapagkat ako ay walang karapatan
Subalit di ko alam aking gagawin
Kung ika’y wala na sa aking paningin
Sana’y makaya ko na ika’y wala na
Patuloy ang ko kahit wala ka
At babangon sa labis na kalungkutan
Haharapin ang mga pagsubok at hamon
Tambayan
John Philip Pascua
Sa aking paglalakad ako’y napahinto
Mga matang naakit ay napadapo
Sa makulay na karatulang nasa pinto
“Were open, bayad ay sampu”
Minsan, nakatutuwang pagmasdan,
Itong mga pag-asa ng bayan.
Sa kompyutershop na kanilang tambayan,
Sari-saring bagay kanilang pinagkakaabalahan.
May mga adik sa facebook,
Na sa larawa’y nabubusog.
May nanunuod, nakikinig ng youtube,
Sa misika nadadala habang nag-iencode.
Mga hari ng dota
Sa upuan nakataas ang paa.
Maririnig iba’t ibang terminolohiya.
Monster –kill at ano ba ang Imba?
Isang grupo, sa sulok makikita,
Tahimik, mukhang may seminar sila.
Wag kang istorbo at baka mamura ka.
Tetris player, time is gold: motto nila.
May estudyanteng napatanong,
“Anong oras na po ba Manong?”
“Ah, huling oras na ito ng hapon.”
Estudyanteng di makapaniwala, bumulong-bulong.
Dumungaw sa bintana madilim na nga.
Dito na napukaw, tulog niyang diwa.
Paaralang doon saba ang punta,
Di man lang nasilayan, mukha nitong umaasa.
Patakbo niyang tinahak ang daan,
Pang ilan na ba niya itong liban?
Kabataan, kabataan, kabataan
Pinapatay ninyo ang pag-asa ng bayan.
Tigreng ….
Liezel Ann Aguilar
Mga mata mong malagkit,
Bumabaga sa tuwing umiinit.
Mga kila’y mong nakakunot
Umiikot ng pabaluktot
Labi mong labis kung ngumuya,
Tinapon at ginawang pataba.
Bibig mo kapag tumunog
Kaparis ay nakakabinging torotot.
Kama’y mong puno ng balahibo,
Sa dulo’y nakatago matatalim na kuko.
Nananakit, tumitiris, mapanlinlang parang ipis.
Nagmamarka ang bawat hibla, sugat ang siyang dala.
Oh. Tigre! Anong lupit mo!
Kapahamaka’y dala mo sa mundo.
Kasamaa’y binunyag mo sa mga tao,
Dinagundong mo ang pusong bato.
Ngunit aking nalalaman,
Karma’y malapit lang, tigreng kaibigan.
Maaaring talino mo, ngayo’y kumikislap.
Subalit bukas paglilinlang ko sayo’y sisindak!
Aninag ng Bagong Pag-asa
Liezel M. Aguilar
Nadarama ko na ang ihip ng hangin,
Ang lagaslas ng dahon sa bintanang madilim.
Nakikita ko ang papalapit na liwanag,
Liwanag na napapawi sa karimliman ng aking bitag.
Napapawi na ang hapdi sa aking mga daliri
Dulot ng matiyagang paglathala ng sariling binhi.
Bumabalik ang kasawian ng aking isipan,
Na minsan’y nagging tigang sa labis na pakikipagsapalaran.
Naibibigay ko na ang katuturan sa huni ng ibon,
Ang sarap ng himig at lirikong baun-baon.
Sumasaklaw na sa mundo kong dati’y pawisan,
Heto’t nagbibigay ng kulay sa obrang karanasan.
Togang pinapangarap, salamin ng paghihirap,
Entabladong tinatanaw, unti-unting malalanghap.
Upang nakahanay, mamamalagi rin minsan,
Makakatapak din sa hagdang kaparis ay palayan.
Maihahandog ko na, ngiti sa aking irog.
Maisasabit ko rin, gintong produktong ikinalulugod.
Rolyong papel, sagisag ng aking pagtahak,
Totoo nga, ang aninag ng bagong pag-asa.
Kumusta? Gm # SAYANG
John Philip Pascua
Kang ako, nag isip-isip,
Kang gabos, satong nakaagi.
Sa hawak ko nagigwa ning kureyente.
Sa bulsa ko; baybreyt kan selpon sige sige.
Dai ko pighuna, na “sender” pangaran mo,
Anong ogma kan puso ko dahilan sa teks mo.
Pero napaisip ako, sain ako makua, ning pan “reply” saimo.
Pag- utang sa “smart” sakung naisipan.
Alagad igwa pa daa kong bayadan.
Tulos, kang sako inig maisihan.
Daing killing killing, ako duminalagan.
Sa tahaw kan uran,
Buta sa pusod kan kadikluman,
Rinuruso ko ang rulubak na agihan.
Anong ogmang teks mo masimbagan.
Pag-abot ko sa tindahan.
“Loading area” sarado na palan.
Tarantang puso, may naisipang.
Pagbasol saiyang nanuparan.
Ngunyan, panu ko masisimbag ang hapot mo?
Panu ko masasabing marahay ang kamugtakan ko?
Kasabay kan uran, luha ko tuminuroro.
Sa bulsa kinua ko, rupit na selpon dai na na-o-“on”.
Magulang
Flory Ann Competente
Kayo ang ugat na aming pinagmulan,
Ang dugo ninyo’y nananalaytay sa aming katawan,
Pinalaki’t inaruga ninyo kami sa kabutihan,
Dahil hangad ninyo’y mabuting kinabukasan.
Pinipilit ninyong kami’y pag-aralin.
Lahat ng hirap handa ninyong indahin,
Maibigay lang sa’min,
Kinabukasang pinapangarap ninuman.
Inaasam ninyong kami’y maging propesyunal.
Kaya positibong pananaw ninyong pinaninindigan,
Na balang araw pangarap nami’y aming mapagtatagumpayan,
Salamat sa suportang inyong ibinigay.
Sa amin dakila ang ngala’t sakripisyo ninyo,
Ikinararangal naming kayo,
Kaya pagpupugay iniaalay naming sa inyo,
At nawa’y marami pa ang tumulad sa inyo.
Kulayan Muli
Liezel Ann Aguilar
Matang malinaw, makislap at Masaya
Pag-asa’y puno, malakas ang pandama.
Layuning makinang, binaybay sa tuwina,
Pangarap na buo, hawak-hawak niya.
Trono na kasiyaha’y babalik muli,
Hangad na mawala pighati sa labi.
Kulayan muli ng krayolang minimithi,
Gawing pag-asa ang kumislap na ngiti.
Madilim na kabunduka’y itinapat,
Pusong dukha’y na puno ng paghihirap.
Nawawalang bituin kailan mahahanap?
Pag-asang nalugi, kailan malalanghap?
Sa sandali’y linunsad lebel ng buhay,
Kristal na hawak unti-unting namatay.
Napawi, nawala sa katinuang malay,
Nabigla ang pusong nasa gintong bagay.
Hiling
Liezel Ann Aguilar
Matagal na kitang hinihintay
Umaga’t gabi ako’y naglalakbay
Matagal ko nang nais marinig
Mabilis na tibok ng iyong dibdib
Matagal ko nang nais masulyapan
Mata mong puno ng kasiglahan
Matagl ko nang nais mahawakan
Kamay mong kasing lambot ng unan.
Matagal ko nang nais masandalan
Balikat mong matatag pa sa sinsunakuban
Matagal ko nang nais mahagkan
Katawan mong bundat sa kamalayan.
Matagal ko nang nais mapindot
Ilong mong sa tangos ay di malimot
Matagal ko nang nais himasin
Tenga mong palihim kong lumambing.
Matgal ko nang nais Makita
Tatak ng porma mong kakaiba.
Kapantay mo’y sikat na artista
Na nagpapahanga sa buong masa.
Matagal na kitang hinhanap
Maging sa masukal na dagat.
Ngunit tigang pa rin sa paglingap
Pagsuyo mo, kailan kaya malalsap?
Matgal ko nang nais matagpuan
Sino ka ba, oh aking Adan?
Sana itong munting panulat,
Liparin ng hangin at ika’y mamulat.
Tao
Jean Ann Masangkay
Bakit di mo tulungan ang iyong sarili?
Bakit bibig mo di matimpi?
Bakit paa mo’y laging nangangati?
Bakit mata mo’y parating lumalaki?
Nais mong tumulong sa iba
Sa pamamagitan ng maling balita
Ngunit sa palagay ko’y mali nagkakamali ka
Pagkat ang pagtulong ay pagdamay sa kapwa
Ay! tao, kawawa ka naman
Sinong tutulong sayo sa darating na araw?
Sinong magmumulat sayo’t aakay?
Kong ang lahat ng tao kaaway mong tunay.

More Related Content

What's hot

Mga Akda Mula sa Burma
Mga Akda Mula sa BurmaMga Akda Mula sa Burma
Mga Akda Mula sa Burmajohnlovesantos
 
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboMckoi M
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
Raquel Castillo
 
Titik sa Alapaap ng Pag-ibig
Titik sa Alapaap ng Pag-ibigTitik sa Alapaap ng Pag-ibig
Titik sa Alapaap ng Pag-ibig
Olga Geena Nova
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
faithdenys
 
Ang Alamat ng Durian.pdf
Ang Alamat ng Durian.pdfAng Alamat ng Durian.pdf
Ang Alamat ng Durian.pdf
rslruiz2
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
DepEd
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaPRINTDESK by Dan
 
Price support
Price supportPrice support
Price support
Moo03
 
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
asa net
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
APRILE PACHECO
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Juan Miguel Palero
 
Elemento ng maikling kwento
Elemento ng maikling kwentoElemento ng maikling kwento
Elemento ng maikling kwento
Alex Jose
 
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminPabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Abbie Laudato
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Juan Miguel Palero
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralin
benchhood
 

What's hot (20)

Mga Akda Mula sa Burma
Mga Akda Mula sa BurmaMga Akda Mula sa Burma
Mga Akda Mula sa Burma
 
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga ManoboTULALANG: Epiko ng mga Manobo
TULALANG: Epiko ng mga Manobo
 
Tula
TulaTula
Tula
 
Modyul 3 lipunang pang-ekonomiya
Modyul 3   lipunang pang-ekonomiyaModyul 3   lipunang pang-ekonomiya
Modyul 3 lipunang pang-ekonomiya
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Titik sa Alapaap ng Pag-ibig
Titik sa Alapaap ng Pag-ibigTitik sa Alapaap ng Pag-ibig
Titik sa Alapaap ng Pag-ibig
 
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
Modyul 7 rama at sita (epiko ng india)
 
Ang Alamat ng Durian.pdf
Ang Alamat ng Durian.pdfAng Alamat ng Durian.pdf
Ang Alamat ng Durian.pdf
 
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisanTula bulaklak ng lahing kalinis linisan
Tula bulaklak ng lahing kalinis linisan
 
Elehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuyaElehiya sa kamatayan ni kuya
Elehiya sa kamatayan ni kuya
 
Price support
Price supportPrice support
Price support
 
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
 
Elemento ng Tula
Elemento ng TulaElemento ng Tula
Elemento ng Tula
 
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang NagkaloobFilipino 9 Sino ang Nagkaloob
Filipino 9 Sino ang Nagkaloob
 
Elemento ng maikling kwento
Elemento ng maikling kwentoElemento ng maikling kwento
Elemento ng maikling kwento
 
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o DamdaminPabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Pabula, Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
 
May bagyo ma't ma'y rilim
May bagyo ma't ma'y rilimMay bagyo ma't ma'y rilim
May bagyo ma't ma'y rilim
 
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at SitaFilipino 9 Epiko ni Rama at Sita
Filipino 9 Epiko ni Rama at Sita
 
tulang Pilipino 'Hibik'
tulang Pilipino 'Hibik'tulang Pilipino 'Hibik'
tulang Pilipino 'Hibik'
 
Unang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralinUnang araw para sa unang aralin
Unang araw para sa unang aralin
 

Similar to Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013

Kay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptxKay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptx
MARIEZAFATALLA
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
KimberlyLaluan
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
Sanji Zumoruki
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
Sanji Zumoruki
 
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
NymphaMalaboDumdum
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
sarahruiz28
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
Bay Max
 
Ang Makata
Ang MakataAng Makata
Ang Makata
JOJOG
 
Uri ng-tula
Uri ng-tulaUri ng-tula
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
donna123374
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
Noemz1
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
DenandSanbuenaventur
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
rommel geanga
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santos
kiichigoness
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
Jered Adal
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
marryrosegardose
 

Similar to Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013 (20)

Kay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptxKay selya week 3.pptx
Kay selya week 3.pptx
 
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptxBulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan.pptx
 
Kay sleya
Kay sleyaKay sleya
Kay sleya
 
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
02 bulaklak ng lahing kalinis linisan ni jose corazon de hesus
 
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan2nd grading   02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
2nd grading 02 - bulaklak ng lahing kalinislinisan
 
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
8 ARALIN 2 Kay Selya.pptx florante at laura
 
Philippine folk songs
Philippine folk songsPhilippine folk songs
Philippine folk songs
 
Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10Tula Aralin 2.5 FIL 10
Tula Aralin 2.5 FIL 10
 
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesusbulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
bulaklak-ng-lahing-kalinislinisan-ni-jose-corazon-de-jesus
 
Ang Makata
Ang MakataAng Makata
Ang Makata
 
Uri ng-tula
Uri ng-tulaUri ng-tula
Uri ng-tula
 
Aralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptxAralin 2.5.pptx
Aralin 2.5.pptx
 
My favorite songs
My favorite songsMy favorite songs
My favorite songs
 
Huling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyakHuling hirit ng halimuyak
Huling hirit ng halimuyak
 
Ang pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptxAng pamana tula.pptx
Ang pamana tula.pptx
 
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptxangpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
angpamanatula g8 lesson 1 aned 2.pptx
 
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docxHele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay.docx
 
UPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. SantosUPDATED - Lope K. Santos
UPDATED - Lope K. Santos
 
Maikling tula
Maikling tulaMaikling tula
Maikling tula
 
Filipino8
Filipino8Filipino8
Filipino8
 

Mga Obra Fil Majors PSU Batch 2013

  • 1. Lihim -Genesis Rose Bracero Naglaho at tila walang nagdaan, Nalimot ang siyang di pa nararanasan. Minsa nang nagnais sumigaw at naimpit; Naubusan ng hininga, di pa man makalapit. Malugod na lamang na tinanggap ang tadhana, Lumipas ang araw, panaho’y kumawala. Buhay ay nakabitin sa pagod nang sinulid, Pagkabahala’t takot, sa puso’y di lingid. Pilit na kumakapit sa naghihingalong pangako, Pangarap ay nababasag; katawa’y nagdurugo Saklolong panalangin ay di malingap, At bawat ngiti’y may luhang kayakap Pagkatao’y wala na , at limot na ang pangalan, Tunay nga bang ako, sa puso mo’y walang puwang? Munting alaala ng dating sinabi, Siya bang kasinungalingang sa pag-ibig nagkukubli? Saglit na nahulog at nawalan ng malay, Sa saglit na iyo’y higit isang taon na ng buhay. Pag-asa pa ba itong matatawag? Paghahanap ng katotohanan o pagiging duwag? Kahit panaginip na lamang ang bumabalot Sa maseselang damdaming napupuno ng takot At siyang sa isip at puso’y sigalot, Ay pagsintang kay tamis at hapdi pa dulot. Sa iyong mukha’t tinig, akoy nagigiliw, Wagas kong pag-ibig ay walang pagmamaliw. Kung ang pagkakataon, ako’y pinagbigyan Lambing at pag-ibig ko’y iyo sanang nararamdaman.
  • 2. Kung huwag na lamang at tatalikod, Puso ba’y makapapayag na di ito masunod? Kung sa bawat pagsapit ng dapithapon, Damdami’y umaapaw, daig pa ang mga alon. Kailan magwawakas ang sakit paghihintay? Sa landas na sayo’y tungo, di ako susuway. Sa lihim kong pangako’y laging tapat. Ang aking pag-ibig ay iyong lahat.
  • 3. Pagkakataong Muli Caridad de Vera Sa pagdaan ng mga araw Saiyo lamang tanging pagmamahal Pintig ng puso ay di magbabago Ikaw lamang ang tanging isisigaw Winasak man ng tadhana Puso ko man ay binaliwala Munting alaala mo Sa isip ay itinakda Mga pangyayari aking kinalimutan Sadyang bumabalik at nangingibabaw Binaon na sa limo tang nakaraan Ngunit ano itong dumarating? Ito ba at tagna o sadyang lilipas lamang? Sa iyong paglisan tuluyan ng naibsan ang ugat ng pagmamahalan niyaring parang pugad ang sakit na naramdaman Ang araw ay sisikat din Sa gintong silangan Muling maghahatid ng saya at pag-asa Balang araw ay maglalandas din Ang ating mga gunita Kusang sasara ang lipos na alaala
  • 4. Pangungulila Emalyn Canillo Pagkawala mo’y hindi ko inasahan Bigla sa isang iglap ika’y lumisan Labis ang lungkot at hapdi ng damdamin Di inakala na ako’y lilisanin Ina, bakit di ka lamang nagpaalam? Puso’t isipan ko’y labis na nagdaramdam Ako’y nahuhungkag, mundo ko’y dumilim Wala ng giya, daan ay marimarim Makayanan ko kaya na ika’y wala? Paano ang mabuhay kung wala ka na? Buhay ko’y walang saysay, walang pag-asa Pangungulila’y kalabisan na Ina. Minsan naisip ko’y sumunod saiyo Tapusin ang lahat, iwan itong mundo Paraan upang ika’y makapiling ko Nalalaman kong ito’y pasyang palalo Isang kahangalang tunay kung gagawin Sapagkat ako ay walang karapatan Subalit di ko alam aking gagawin Kung ika’y wala na sa aking paningin Sana’y makaya ko na ika’y wala na Patuloy ang ko kahit wala ka At babangon sa labis na kalungkutan Haharapin ang mga pagsubok at hamon
  • 5. Tambayan John Philip Pascua Sa aking paglalakad ako’y napahinto Mga matang naakit ay napadapo Sa makulay na karatulang nasa pinto “Were open, bayad ay sampu” Minsan, nakatutuwang pagmasdan, Itong mga pag-asa ng bayan. Sa kompyutershop na kanilang tambayan, Sari-saring bagay kanilang pinagkakaabalahan. May mga adik sa facebook, Na sa larawa’y nabubusog. May nanunuod, nakikinig ng youtube, Sa misika nadadala habang nag-iencode. Mga hari ng dota Sa upuan nakataas ang paa. Maririnig iba’t ibang terminolohiya. Monster –kill at ano ba ang Imba? Isang grupo, sa sulok makikita, Tahimik, mukhang may seminar sila. Wag kang istorbo at baka mamura ka. Tetris player, time is gold: motto nila. May estudyanteng napatanong, “Anong oras na po ba Manong?” “Ah, huling oras na ito ng hapon.” Estudyanteng di makapaniwala, bumulong-bulong. Dumungaw sa bintana madilim na nga. Dito na napukaw, tulog niyang diwa. Paaralang doon saba ang punta, Di man lang nasilayan, mukha nitong umaasa. Patakbo niyang tinahak ang daan, Pang ilan na ba niya itong liban? Kabataan, kabataan, kabataan Pinapatay ninyo ang pag-asa ng bayan.
  • 6. Tigreng …. Liezel Ann Aguilar Mga mata mong malagkit, Bumabaga sa tuwing umiinit. Mga kila’y mong nakakunot Umiikot ng pabaluktot Labi mong labis kung ngumuya, Tinapon at ginawang pataba. Bibig mo kapag tumunog Kaparis ay nakakabinging torotot. Kama’y mong puno ng balahibo, Sa dulo’y nakatago matatalim na kuko. Nananakit, tumitiris, mapanlinlang parang ipis. Nagmamarka ang bawat hibla, sugat ang siyang dala. Oh. Tigre! Anong lupit mo! Kapahamaka’y dala mo sa mundo. Kasamaa’y binunyag mo sa mga tao, Dinagundong mo ang pusong bato. Ngunit aking nalalaman, Karma’y malapit lang, tigreng kaibigan. Maaaring talino mo, ngayo’y kumikislap. Subalit bukas paglilinlang ko sayo’y sisindak!
  • 7. Aninag ng Bagong Pag-asa Liezel M. Aguilar Nadarama ko na ang ihip ng hangin, Ang lagaslas ng dahon sa bintanang madilim. Nakikita ko ang papalapit na liwanag, Liwanag na napapawi sa karimliman ng aking bitag. Napapawi na ang hapdi sa aking mga daliri Dulot ng matiyagang paglathala ng sariling binhi. Bumabalik ang kasawian ng aking isipan, Na minsan’y nagging tigang sa labis na pakikipagsapalaran. Naibibigay ko na ang katuturan sa huni ng ibon, Ang sarap ng himig at lirikong baun-baon. Sumasaklaw na sa mundo kong dati’y pawisan, Heto’t nagbibigay ng kulay sa obrang karanasan. Togang pinapangarap, salamin ng paghihirap, Entabladong tinatanaw, unti-unting malalanghap. Upang nakahanay, mamamalagi rin minsan, Makakatapak din sa hagdang kaparis ay palayan. Maihahandog ko na, ngiti sa aking irog. Maisasabit ko rin, gintong produktong ikinalulugod. Rolyong papel, sagisag ng aking pagtahak, Totoo nga, ang aninag ng bagong pag-asa.
  • 8. Kumusta? Gm # SAYANG John Philip Pascua Kang ako, nag isip-isip, Kang gabos, satong nakaagi. Sa hawak ko nagigwa ning kureyente. Sa bulsa ko; baybreyt kan selpon sige sige. Dai ko pighuna, na “sender” pangaran mo, Anong ogma kan puso ko dahilan sa teks mo. Pero napaisip ako, sain ako makua, ning pan “reply” saimo. Pag- utang sa “smart” sakung naisipan. Alagad igwa pa daa kong bayadan. Tulos, kang sako inig maisihan. Daing killing killing, ako duminalagan. Sa tahaw kan uran, Buta sa pusod kan kadikluman, Rinuruso ko ang rulubak na agihan. Anong ogmang teks mo masimbagan. Pag-abot ko sa tindahan. “Loading area” sarado na palan. Tarantang puso, may naisipang. Pagbasol saiyang nanuparan. Ngunyan, panu ko masisimbag ang hapot mo? Panu ko masasabing marahay ang kamugtakan ko? Kasabay kan uran, luha ko tuminuroro. Sa bulsa kinua ko, rupit na selpon dai na na-o-“on”.
  • 9. Magulang Flory Ann Competente Kayo ang ugat na aming pinagmulan, Ang dugo ninyo’y nananalaytay sa aming katawan, Pinalaki’t inaruga ninyo kami sa kabutihan, Dahil hangad ninyo’y mabuting kinabukasan. Pinipilit ninyong kami’y pag-aralin. Lahat ng hirap handa ninyong indahin, Maibigay lang sa’min, Kinabukasang pinapangarap ninuman. Inaasam ninyong kami’y maging propesyunal. Kaya positibong pananaw ninyong pinaninindigan, Na balang araw pangarap nami’y aming mapagtatagumpayan, Salamat sa suportang inyong ibinigay. Sa amin dakila ang ngala’t sakripisyo ninyo, Ikinararangal naming kayo, Kaya pagpupugay iniaalay naming sa inyo, At nawa’y marami pa ang tumulad sa inyo.
  • 10. Kulayan Muli Liezel Ann Aguilar Matang malinaw, makislap at Masaya Pag-asa’y puno, malakas ang pandama. Layuning makinang, binaybay sa tuwina, Pangarap na buo, hawak-hawak niya. Trono na kasiyaha’y babalik muli, Hangad na mawala pighati sa labi. Kulayan muli ng krayolang minimithi, Gawing pag-asa ang kumislap na ngiti. Madilim na kabunduka’y itinapat, Pusong dukha’y na puno ng paghihirap. Nawawalang bituin kailan mahahanap? Pag-asang nalugi, kailan malalanghap? Sa sandali’y linunsad lebel ng buhay, Kristal na hawak unti-unting namatay. Napawi, nawala sa katinuang malay, Nabigla ang pusong nasa gintong bagay.
  • 11. Hiling Liezel Ann Aguilar Matagal na kitang hinihintay Umaga’t gabi ako’y naglalakbay Matagal ko nang nais marinig Mabilis na tibok ng iyong dibdib Matagal ko nang nais masulyapan Mata mong puno ng kasiglahan Matagl ko nang nais mahawakan Kamay mong kasing lambot ng unan. Matagal ko nang nais masandalan Balikat mong matatag pa sa sinsunakuban Matagal ko nang nais mahagkan Katawan mong bundat sa kamalayan. Matagal ko nang nais mapindot Ilong mong sa tangos ay di malimot Matagal ko nang nais himasin Tenga mong palihim kong lumambing. Matgal ko nang nais Makita Tatak ng porma mong kakaiba. Kapantay mo’y sikat na artista Na nagpapahanga sa buong masa. Matagal na kitang hinhanap Maging sa masukal na dagat. Ngunit tigang pa rin sa paglingap Pagsuyo mo, kailan kaya malalsap? Matgal ko nang nais matagpuan Sino ka ba, oh aking Adan? Sana itong munting panulat, Liparin ng hangin at ika’y mamulat.
  • 12. Tao Jean Ann Masangkay Bakit di mo tulungan ang iyong sarili? Bakit bibig mo di matimpi? Bakit paa mo’y laging nangangati? Bakit mata mo’y parating lumalaki? Nais mong tumulong sa iba Sa pamamagitan ng maling balita Ngunit sa palagay ko’y mali nagkakamali ka Pagkat ang pagtulong ay pagdamay sa kapwa Ay! tao, kawawa ka naman Sinong tutulong sayo sa darating na araw? Sinong magmumulat sayo’t aakay? Kong ang lahat ng tao kaaway mong tunay.