1. ano ang epiko og halimbawa ng epiko dapat kay handwrittenv
Ang epiko Ang epiko ay kuwento ng kabayanihan.
Punung-puno ito ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may
maipagmamalaking epiko. Halimbawa nito ay ang mga
sumusunod. Mga Epiko ng iba't-ibang rehiyon: * Biag ni
Lam-ang (Iloko) * Indarapatra at Sulayman(Muslim) *
Bantugan * Bidasari * Tuwaang (Bagobo) * Tulalang
(Manobo) * Ibalon (Bicolano) * Labaw Donggon
(Kabisayaan) Sana Makatulong sa inyo.
Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng
kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan
siya'y buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng
pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at
pakikidigma.
Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na
nangangahulugang 'awit' ngunit ngayon ito'y tumutukoy
sa pasalaysay na kabayanihan.
2.
3.
4. Kumintang - epiko ng Tagalog
Biag ni Lam-ang - epiko ng Ilokano
Darangan, Bidasari, Indarapatra at Sulayman- epiko ng Mindanao
Lagda, Maragtas, Haraya, Hari sa Bukid at Hinilawod - epiko ng Bisaya
Alim at Hudhud - epiko ng mga Ifugao
Ibalon - epiko ng Bikol
5. IBALON
Ayon sa salaysay ni Pari Jose Castaño sa narinig niyang kuwento ng isang
manlalakbay na mang-aawit na si Cadugnong, ang epikong Ibalon ay tungkol sa
kabayanihan ng tatlong magigiting na lalaki ng Ibalon na sina Baltog, Handiong, at
Bantong. Ibalon ang matandang pangalan ng Bikol.
Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking
baboy-ramo. Siya'y nanggaling pa sa lupain ng Batawara. Mayaman ang lupain ng
Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging
maunlad ang pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga
tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing sumasapit ang gabi ay
namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban.
Tinulungan siya ng kanyang kaibigang si Handiong.
Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga
dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw at lumilipad na mga pating at mga
halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang
engkantadang nakapag-aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito
ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang hayop sa
Ibalon.
Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao
ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan ni Handiong ay tumulong sa
kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.
Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang
paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan sa pagluluto.
Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay
gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at iba pang kasangkapan sa
bahay.
Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na
namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating hayop. Siya si Rabut.
Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May
nagtangkang pumatay sa kanya subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan
ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay kay
Rabut.
6. Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay
habang natutulog.
Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama
man si Rabut, dapat ay binigyan ng pagkakataong magtanggol sa sarili nito.
Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.
Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang
ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na bundok. Nang kumati ang
tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa
pamumuno ni Bantong.
ULALIM
Sinugbuhan, isang pulo sa Panay na ang nakatira
ay ang mga Ita, pinamumunuan ni
Datu Pulpolan. Sa katagalan ng panahon at dahil na
rin sa kanyang katandaan upang
pamahalaan ang isang pulo, napagpasyahan niya
na isalin ang kanyang kapangyarihan sa
kanyang anak na si Datu Marikudo. Tinataglay ng
kanyang anak ang mga katangian ng isang datu
kaya't ito naman ay sinang-ayunan ng lahat. Isang
kaugalian nila nabago manungkulan ang isang
datu, nararapat na siya ay pakasal. Sa dami ng
babae na naghahangad sa kanya ang mahirap na si
Maniwantiwan ang kanyang pinakasalan.
Ang mga Ita sa Sinugbuhan ay nabubuhay sa
pamamagitan ng pagtatanim at
7. pangingisda. Ang kanilang paboritong pagkain ay
usa, baboy-ramo, butiki, pusa, isda at iba pang
pagkain na matatagpuan sa gubat at ilog. Di sila
nahihiyang lumakad na walang damit, subalit nang
may dumating sa kanila ang mga bagay na wala sa
kanila, natuto silang magtakip ng katawan, tulad
ng dahon balat ng kahoy o hayop. Naiiba ang uri ng
pag-aasawa ng mga Ita, ang babae ay dinadala sa
bundok at pinatatakbo lamang, kung siya ay
aabutan ng lalaki saka lamang sila ikakasal. Ang
isang babae naman na malapit nang magsilang ay
dinadala sa bundok na ang tanging nagbabantay ay
ang lalaki at kung ito ay nataon sa tag-ulan ang
lalaki ay nagtatayo ng kubong masisilungan upang
sila ay malayo sa panganib. Ang pangalan ng bata
ay pinangangalanan ng kahoy na malapit sa
pinagsilangan. Sila ay naniniwala na ang sinumang
magkasakit sa kanila ay gawa ng masamang
espiritu, kaya't upang ang may karamdaman ay
gumaling agad, naghahandog sila ng pagkain sa
masasamang espiritu. Kasamang ibinabaon sa
Itang namatay ang isang bagay na mahalaga sa
kanila sapagka't lubha daw nag-aalala ang
namatay kung ito ay maiiwan. May ibang paraan
sila ng paglilibing, sa loob ng ilang araw, ito'y
patayong nakabaon sa lupa nang may salakot bago
ito tabunan ng lupa. Sinasabi rin na ang lupang
pinagbaunan ng isang patay ay isang mabisang
lupang dapat pagtaniman. Ang mga Ita ay
magagalang sa bawa't isa. Walang inggitan at ang
Datu ang siyang lumulutas ng lahat ng alitan o
suliranin ng bawa't isa. Ang sinumang magkasala
ay pinarurusahan tulad ng pagtatapon sa dagat o
8. pagpapabaon ng buhay. Ang mga nabanggit ang
mga uri ng kalinangan, kaugalian ng mga Ita bago
dumating ang Sampung Datu buhat sa Borneo, na
tumakas kasama ang kanilang mga asawa, mga
katulong at mga ari-arian upang iwasan ang
pagmamalupit ni Datu Makatunaw.
LABAW DONGGON
Ang epikong ito's tungkol kay Labaw Donggon na masasabing mahilig sa
magagandang babae. Anak siya isang diwatang si Abyang Alunsina at ng isang
karaniwang nilalang. Kapatid niya sina Humadapon at Dumalapdap. Kasisilang pa
lamang nila sa saigdig ay nakapagsasalita na sila.
Nang dumating ang panahon ng pagnanais ni Labaw Donggong mag-asawa na,
nagpaalam sa ina upang tumungo sa Handog, isang malayong pook. Sa may
paanan ng Ilog-Halawod ay may nakatirang napagandang babaing si Anggoy
Ginbitinan. Nagpaalam si Labaw sa ina upang magtungo roon. Laban man sa
kalooban ng ina na umalis si Labaw Donggon dahil sa napakabata pa nito'y
napilitan din itong pumayag. Binigyan niya ng damit na may engkanto ang anak.
Lumipad ito sa ibayo ng ulap na dala-dala ng hangin. Nakalagpas ito sa pagsubok
ng ina ng dalaga. Kaya nagtagumpay siya kay Anggoy Gibitinan.
Ilang linggo lamang silang nagsama, nabalisa na naman si Labaw Donggon. Nais
naman niyang puntahan ang isang magandang babaing siyang patnubay ng ilog at
bukal. Nakatira ito sa ilalim ng lupa. Ito si Anggoy Doronoon. Hindi siya napigil ng
asawa sa pagtungo sa ilalim ng lupa. Nakamit din niya si Anggoy Doronoon.
Nagsama sila ng ilang panahon. Pagkatapos, muling bumalik si Labaw Donggon kay
Ginbitinan. Nagsama silang muli. Nabalisa na naman si Donggon pagkalipas ng
ilang panahon. May magandang babae sa paanan ng tagpuan ng dagat at langit si
Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan. Nais
niyang mapangasawa ito. Humingi si Donggon ng pahintulot sa dalawang asawa
upang puntahan si Nagmalitong Yawa. Ayaw man nila, wala silang nagawa.
Hindi naging madali para kay Donggon na makamit si Nagmalitaong Yawa sapagkat
may asawa na ito. Naglaban sila ni Saragnayan. Inilubog ni Donggon nang pitong
taon sa tubig si Saragnayan, ngunit hindi niya ito napatay. Binayo na niya ito nang
binayo, wala pa ring nangyari. Pinaikut na niya nang pinaikot sa mga ulap si
Saragnayan, hindi pa rin ito namamatay. Siya na ang sumuko sa pagod pagkalipas
ng maraming taon.
Nang mapagod na si Donggon at saka nanlaban si Saragnayan. Sa gayo'y naitali
niya si Donggon at naikulong sa isang kulungan ng baboy, sa ilalim ng kanilang
lutuan.
9. Samantala, nanganak naman si Doronoon. Isang lalaki. Si Buyung Baranugun.
Nakapagsalita at nakatindig agad ang bata pagsilang sa maliwanag. Hinanap na ang
kanyang ama. Si Ginbitinan man ay nanganak din. Isang lalaking pinangalang Asu
Mangga. Naghanap din ng ama.
Nagkasalubong ang dalawa sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw ng tubig si
Baranugun at lulan ng bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang kapwa nila
hinahanap ang palikerong ama. Nakarating sila sa Lupang Sinisikatan ng Araw.
Sumangguni sila sa kanilang bolong kristal. Napag-alaman nilang nakakulong sa
ilalim ng lutuan ang kanilang ama.
Kahit na mga bata pa sila, nakipaglaban sila kay Saragnayan. Ngunit wala silang
magawa. Hindi nila mapatay si Saragnayan. Pinuntahan ni Baranugun ang kanyang
lolang si Abyang Alunsina upang sumangguni. Sinabi nitong mapapatay lamang ito
kung mapapatay ang baboy-ramong kinatataguan ng hininga nito. Dapat diong
kanin ang puso ng baboy-ramo.
Sa pamamagitan ng kanilang mga engkanto, natagpuan at napatay ng magkapatid
ang baboy-ramong at sa isang iglap, nanghina si Saragnayan. Ito na ang naging
wakas nito. Natamaan siya ng palaso ni Baranugun. Sa dalawang mata siya
napatamaan. Sa lakas ng sigaw niya, nabuwal ang mga puno at nanginig ang
daigdig at nagdilim. Iyon ang unang lindol at unang gabi.
Ngunit hindi nakita ng magkapatid ang ama sa pinagkulungan dito. Tumulong na
rin sina Humadapnon at Dumalaplap sa paghahanap kay Donggon. Pagkalipas ng
maraming araw, natagpuan din nila sa loob ng isang lambat sa pampangin ng
maybahay ni Saragnayan.
Nawala na ang dating kakisigan at kagitingan ni Donggon dahil sa labis na
paghahangad sa magaganda, kahit na may asawa nang dalawaang babae. Ngunit
hindi pa rin tumigil si Donggon. Sinabi niya sa dalawang asawa na nais niyang
mapangasawa si Malitong Yawa. Nagsiklab sa galit ang dalawang babae, ngunit
ipinaliwanag ni Donggon na pantay-pantay ang gagawin niyang pagmamahal at
kinakailangan sa matapang na kawal ang magkaroon ng maraming babae.
Ipinagdasal pa ng dalawang babaing lumakas muli si Donggon. Nagbalik naman ang
dating kakisigan at lakas nito.
10.
11.
12.
13. Sound
/i/ leak
keen peat beet bee
/I/ lick lit kin pit bit
/ey/ lake late cane
bait bay
/e/
let Ken pet bet
"ae" lack
can pat bet baa
"ah" lock
con pot bought
bah
"uh" luck
putt but
"oo" look
put
/u/ Luke lute coon
boot boo
"er" lurk
Kern pert Bert burr
/o/
cone
boat Bo, bow
/ai/ like
kine
bite by
/au/
lout
pout bout bough
/oi/
coin
boy
Some Generalizations (Not Rules) about English vowels and
spelling
English vowels have "long" and "short" forms.
The long form is the "name" of the letter: The short form is as
follows:
A
E
/ey/
/i/
14. I
O
U
/ai/
/o/ or /ou/
/u/ or /yu/
a
e
i
o
u
"ae"
/e/
/I/
"ah"
"uh"
Long vowels are usually (but not always) indicated by a second
(silent) vowel in the same syllable:
sheep bait heat loaf like mice tune peace juice hoe leave
jay slow pony (Sometimes "y" and "w" can function as a second vowel.)
Short vowels usually stand alone within a syllable and are
often followed by "double" consonants:
ran jet cup doll kiss tick lamb witch fast hint punch
Note the difference:
hope
hop
hoped
hopped
hoping
hopping
tiny/tinny
Notable exceptions:
head
light
give
sign
gone
find
(sound is "short" despite silent second vowel)
(sound is "long" despite no silent second vowel)