2. Ang NARKOTIKO ay hango
sa Narcosis, isang salitang
Griyego na ang ibig sabihin ay
“pagtulog o pagkaantok.”
3. Ang kalagayang ito ay
nagiging sanhi ng panghihina
ng pandama bagama’t ito ay
nakapagbibigay ng masigla at
magandang pakiramdam sa
gumagamit.
4. Ginagamit ito sa medisina bilang:
1. Pampakalma
2. Pampatulog
3. Pampapawi ng Matinding Kirot
na dulot ng Operasyon.
4. Nakapagdudulot ng katiwasayan
sa may sakit.
5. Subalit ang madalas na pag
gamit ng narkotiko ay
humahantong sa pangkatawan
at pang kaisipang pagkagumon
10. Ang Codeine ay
kadalasang ginagamit bilang
gamot sa ubo. Pinahihinto
nito ang pag-ubo,
pinapapayapa ang pasyente
at pinapatulog ito nang
mahimbing
11. Nakaaalis din ito ng sakit kapag
mas mataas ang dosa. Ang pag
aabuso sa pag gamit ng
Codeine ay lubhang
mapanganib. Ito ay maaaring
maging sanhi ng pagkasugapa.
13. Ang morpina ay isang puti
at pinong bulbos na may
mapait na lasa kapag puro.
Ginagamit itong solusyon
pang-ineksyon sa medisina
kung saan binansagan itong
“gamot ng awa” ng mga
doktor.
14. Ang maliliit na dosa ng
morpina ay mabisang pangalis ng sakit tulad ng kirot na
dulot ng kanser, pampatulog
naman kapag malalaking
dosa.
16. Ang Heroina ay pulbos na
malakristal sa puti at
madaling malusaw. Galing ito
sa morpina kung kaya’t halos
magkatulad ang dalawang
ito.
17. Sa mga gamot na nag
mula sa Opyo, ito ang may
pinakamalakas na bisa. Sa
katunayan, isang sukat na
heroina ay katumbas ng
tatlong morpina kung epekto
ng gamot ang pinaguusapan.
18. Ang tuloy-tuloy na gamit
nito sa loob lamang ng 14 na
araw ay nagdudulot ng
pagkagumon. Nagbubunga
din ito ng karamdaman o
maging kamatayan
19. Walang gamit sa medisina
ang Heroina. Kung kaya’t
mahigpit na ipinagbabawal
ang pagbili o pag titinda nito
sa mga pharmacy. Kilala rin
ang heroina sa tawag na H,
smack at Junk.
24. Ang mga ito ay sintetikong
narkotikong ang epekto ay
katulad ng sa morpina.
Ginagamit ang mga ito bilang
kahalili ng morpina na
pampahupa ng sakit.