Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Iba Pang Uri ng Maikling Kuwento. Dito din matatagpuan ang mga deskripsyon ng iba pang uri ng Maikling Kuwento.
2. Iba Pang Uri ng Maikling
Kuwento
• Kuwento ng Pag-ibig
• Kuwento ng Katutubong Kulay
• Kuwento ng Katatakutan
• Kuwento ng Kababalaghan
• Kuwento ng Katatawanan
3. Kuwento ng Pag-Ibig
•Ang diwa ng kuwento ay ukol sa
pag-iibigan ng pangunahing tauhan
at ng kanyang katambal na tauhan
4. Kuwento ng Katutubong
Kulay
•Nangingibabaw sa kuwentong ito
ang paglalarawan sa isang tiyak na
pook o lugar; anyo ng kalikasan; at
ang uri ng pag-uugali, paniniwala at
pamumuhay ng mga taong
naninirahan sa nasabing lugar
5. Kuwento ng Katatakutan
•Matindi ang damdaming
nagbibigay-buhay sa kuwentong
ganito
•Nakapananaig ang damdamin ng
takot at lagim na nalikha ng mga
pangyayari sa katha o kuwento
6. Kuwento ng Kababalaghan
•Naglalaman ang kuwentong ito ng
mga pangyayaring mahirap
paniwalaan sapagkat salungat ito sa
batas ng kalikasan at makatwirang
pag-iisip
7. Kuwento ng Katatawanan
•Ang mga galaw ng pangyayari sa
kuwentong ito ay magaan, may mga
pangyayaring alanganin, at may
himig na nakatatawa ang akda