Q4-ESP9-MODULE 14-PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY
Sa tamang panahon, for slide share
1. SA TAMANG PANAHON
Ni: JENITA D.GUINOO
“Sige na Lola, payagan mo na ako…gusto kong makasama sa outing
ng mga barkada ko.., please…Kahit ngayon lang..payagan mo na
ako”…”Naku! Bata ka, Joshua..makinig ka! Hindi nga pwede, baka
mapaano ka’t madisgrasya sa pagsasama-sama mo sa iyong mga barkada,
bakit? ikaw ba ang mananagot sa iyong ina ha?” “Lola naman eh..ngayon
lang naman.” “ Tumigil ka nga diyan.. lagi na lamang nagbubulakbol!
Mas mabuti pang dumito ka na lang sa bahay, manood ka ng TV o kaya’y
mag-aral ng iyong mga leksyon kaysa pumunta sa kung saan-saan!”
Nakakainis naman! Ano na lamang ang masasabi sa akin ng aking
mga kaibigan lalong-lalo na si Grace? Nais pa naman niya sanang
makasama kaming mga manliligaw niya para makapili na kung sino sa
amin ang kaniyang sasagutin. Paano na ito? Tiyak kong pag wala ako
roon, hindi ako ang magiging una niyang nobyo. Ang malas talaga! Dyahe
naman itong aking Lola ..nakakabad-trip! Pero, ano namang magagawa
ko kundi ang sumunod sa kaniyang payo. Ayaw ko rin namang magagalit
2. ito sa akin dahil mahal na mahal ko naman ito kahit sobrang sungit sa akin
at maging ng aking mga kaibigan. At ayaw ko ring malalaman ng ina
kong nasa ibang bansa..baka mag-aalala ito sa akin. Hay, buhay nga
naman! Kung kailan ko ninanais na makasama ang barkada ay saka pa
hindi ako pinapayagan ng aking Lola. Tatanggapin ko na lamang nang
maluwag sa damdamin na hindi si Grace ang aking magiging unang
nobya. Hindi marahil kami ang itinadhana para sa isa’t isa. Makikibalita
na lamang ako sa kanila pag-uwi nila galing sa probinsiya nina Grace.
Tunay na mapalad ang mapupusuan ni Grace! At iyon ay hindi ako!
Isang Linggo ang nagdaan at nagkaharap ang magbabarkada.
“Joseph, balitaan mo naman ako sa naging bakasyon niyo sa Leyte.
Masaya ba roon? “Naku, Joshua , ang saya-saya namin. Andaming gimik
doon at kung saan-saan kami dinadala ni Grace. Napuntahan namin ang
sikat nilang beach resort, magagarang restawran..may sa bukid kami
napunta, may sa Lungsod..at maging sa mga peryahan mismo sa kanilang
nayon ay aming napuntahan sa pagdidiriwang ng kanilang kapistahan.
May mga mapaghimalang birhen din ang aming dinayo sa isang tuktok
3. ng bukirin na napapabalitang natutupad ang anumang kahilingan. Ang
layo-layo talaga! Nanginginig na nga ang aking mga paa sa sobrang
pagod at hirap sa paglakad sa bukiring maputik. Gayunpaman, ang dami
kong natutunan. Doon ako nakakita ng isang malawak na palayan,
nagtataasang mga bundok, at mga naggagandahang bahay-kubo na hindi
natin makikita sa ating bayan. Pati mga kabataan doon ay ang babait!
Ngunit, ang ipinagtataka ko’y bagong salta pa lamang kami ay kilala na
nila. Higit sa lahat, sila ay magagalang lalong-lalo na sa mga matatanda.
Laging nagmamano sa mga matatanda. At napansin ko sa loob ng
simbahan ay parang magkakapamilya silang lahat. Tulong-tulong sila sa
lahat ng mga gawain para sa bayan. Doon ko rin naranasan ang tinatawag
nilang “bayanihan”, ang sarap pala ng “feeling” kapag nakatulong ka
kahit sa maliit na paraan. Sa susunod, sana makakasama ka na Joshua!” “
Sana nga, kaso hindi nga ako pinayagan ng Lola. Siyanga pala, sino ang
maswerteng naging nobyo ni Grace? Masaya ako para sa kanila! Sige na,
sabihin mo na sa akin!” “Hello, Joshua.“ Si Grace na kaibigan ng lahat.
Kumusta ka, Josh? Ano ba naman ang pinag-uusapan niyo riyan? At
napaka-seryoso niyo naman! “Ah..Grace, Joshua..maiiwan ko muna kayo
4. ha..kasi may pupuntahan pa akong kaibigan.”Nakalimutan ko nga palang
ibigay ang pasalubong ko sa aking best friend.” “Sige, bye! Ingat ka.”
Biglang tumahimik ang dalawa na tila nagpapakiramdaman lamang sa
isa’t isa. “Ehem..Grace, kumusta ka nga pala? Tiyak kong may nobyo ka
na kaya di na ako dapat pang makikipag-usap sa iyo, baka magagalit
iyon!” sabi ko sa kaniya. “Oo nga, ano? Tugon naman ni Grace.” Kumusta
ka rin naman Joshua? Bakit di ka nga pala nakasama sa grupo?” tanong
niya sa akin na tila naguguluhan sa di ko pagsama sa kanilang bakasyon.
“Eh, kasi..hindi ako pinayagan ng Lola..alam mo na..Over-protective sa
akin. Nanghihinayang nga ako’t di ko nararanasan ang mga naikuwento
sa akin ni Joseph. Kaso, hindi ko talaga masusuway si Lola dahil alam
kong ginagawa niya iyon para sa aking kapakanan. Marahil magagawa
kong makarating sa ibang lugar kapag nasa tamang gulang na ako na
maaari ko nang mapangalagaan ang aking sarili. Ngunit habang menor de
edad pa ako, mas maigi na susundin ko siya para makaiwas sa anumang
kapahamakan.” “Diyan ako bilib sa iyo, Joshua! Kaya nga wala akong
napili sa iyong mga barkada dahil lahat sila’y sinuway ang mga magulang
at ang ilan pa nga ay hindi nagpaalam. Naglayas! Kaya, ayon..tumaas ang
5. presyon..inatake sa puso ang ama ni Joseph. Puro sakit sa ulo ang ibinigay
nila sa kani-kanilang mga magulang. Kaya kung makapaghihintay ka sa
tamang panahon, ikaw ang nais kong maging unang pag-ibig! Iyon ay
kung nais mo rin.” “Ha..? Naku! Iyan ang pinakaasam-asam ko , Grace!
Sige, maghihintay ako, sa tamang panahon!
End