1. Nabulag sa Pag-Ibig
ni
Robles,Vanessa Mae B.
Sa bayan ng San Isidro ay doon naninirahan si Jessa.Ang kanilang
pamumuhay ay di matiwasay at sila ay salat sa pagkain.Dahil ang trabaho
ng kanyang ama ay nag-aaro lamang sa bukid.At ang kanyang Ina ay
naglalabada.Hindi kasya ang ikinikita ng kanyang mga magulang para
matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa araw-araw.Kaya
napagpasyahan niyang lumuwas siya ng lungsod upang makapaghanap ng
trabaho ng sa ganun ay matulungan niya ang kanyang mga magulang.Siya
ay namamasukan bilang isang tindera sa isang karendirya.
Masayang namamasukan sa Jessa sa kanyang
pinagtatrabahoan.Pagkaraan ng ilang buwan ay umuwi siya sa kanilang
bahay.Laking gulat ng kanyang Inay ng nakita niya si Jessa na paparating
sa kanilang bahay…Agad-agad na tinawag ng kanyang Inay ang kanyang
mga kapatid.
Mga anak hali nga kayo dito ang ate ninyo ay umuwi na,marami ang
kanyang pasalubong sa inyo.
Laking tuwa ng kanyang mga kapatid na nakita nila ang kanilang Ate Jessa
na umuwi sa kanilang bahay. Isa-isang binigyan ni Jessa ang kanyang mga
kapatid sa dala niyang pasalubong.Pagkatapos ay binigyan ni Jessa ang
kanyang Inay ng pera upang may pambili kung ano ang wala sa kanilang
bahay.Sabi ng kanyang Inay,naku anak huwag kanang mag-aabala pang
magbigay samin ng pera.Ang aalahanin mo yung sarili mo dahil malayo ka
sa amin.Pagkaraan ng ilang araw siya at nagpaalam na sa kanyang Inay na
babalik na siya sa kanyang trabaho. Nay, nasan po c tatay? Bakit anak?
Eh..nay gusto ko na po kasing magpaalam sa inyo na babalik na ako sa
aking trabaho. Ah..anak parang ng doon ang tatay mo sa bukirin
natin,sige anak ako nalang ang magsasabi sa tatay mo pagkauwi nita dito
sa bahay natin…Opo inay ayusin ko muna ang aking mga gamit.
Nang siya ay nakabalik na sa kanyang trabaho.Inutusan siya ng kanyang
Amo napumunta sa palingke upang bumili ng mga gulay,karne,at mga
sangpak sa pagluluto.Nang lumabas na siya sa karendiryang
pinagtatrabahoan niya,nakita niya ang isang motorsiklo na
nakaparada.Tinawag niya ito para sumakay patungo sa palingke.Nang
papunta na sila sa palingke may isang binata na nakaabang sa kalsada at
pinara ang motorsiklo na kanyang sinasakyan upang ang binata ay
sumakay.Nagkatabi silang umupo pero ne isa kanila walang kumibo.Nang
malapit na siyang pumanaog sa motorsiklo.Tiningnan siya ng binata na
parang may gustong isabi sa kanya.Nang umakma na siyang pumanaog sa
motorsiklo.Tinapik siya ng binata sa kanyang likuran siya ay napalingun
nito.Sabi ng binata Mis puwede ko bang hingin ang cellphone number
mo? Natingala si Jessa ng sabihin sa kanya ng binata.Nagdadalawang isip
siyang ibigay ang kanyang cellphone number.Tiningnan niya saglit ang
binata at kinuha niya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa at
pagkatapos ay umalis na.
2. Nang matapos na siyang mamili siya ay umuwi nasa karendirya.At ng
makarating sa siya sa karendirya inilagay niya agad sa mesa ang kanyang
ipinamili.Biglang tununog ang kanyang cellphone dali-dali niya itong
kinuha para tingnan kung sino ang tumawag.Tiningnan niya,hindi
nakaregister ang numero na tumawag.Sinagot niya ito,nagulat siya ng
narinig niya na lalaki ang boses niyo.Tinanong niya ito,Sino ka? Si Mike
nga pala to ito yung nakasabayan mo kanina sa motorsiklo. Ah… ganun
ba!wala akong oras na makipagkwentuhan kasi may trabaho ako
ngayon.Baka mapagalitan pa ako ng Amo ko.Naku!pasensya kana
ha,hindi ko kasi alam na may trabaho ka.OKAY lng,sige paalam
na.Toot..toot..toot
Pagkalipas ng ilang buwan ay nangligaw si Mike kay Jessa.Siya naman ay
sinagot ni Jessa.Palagi na silang nagtatawagan gaba-gabi sa tuwing wala
na siyang trabaho.Kapag linggo ay day off ni Jessa,nagkikita sila sa
plaza.Bumili sila ng mga pagkain bago sila umupo sa
upuan.Nagkukuwentuhan silang dalawa paglipas ng ilang sandali ay
biglang dumilin ang kalangitan at sumunod namang bumuhos ang
malakas na ulan.Nababasa silang dalawa ,umalis sila sa plaza at
naghahanap ng masisilungan.Nang nakahanap na sila ay uminum sila ng
mainit na kape,pagkatapos ay humiga na silang dalawa.Biglang uminit
ang kanilang mga katawan,nagkatinginan nalang silang dalawa na parang
may ipapahiwatig ito sa kanila.Hanggang sa nagawa nila ang hindi dapat
gawin na para sana sa mag asawa lamang dapat.
Sa kinaumagahan ay umuwi siya sa karendirya na pinagtatrabahoan
niya,may nararamdaman siya na may masakit sa kanyang katawan pero
hindi ito pinansin baka mapaagalitan siya ng kanyang amo.
Sa kalaunan ay ng bunga ang kanilang ginawa.Natatakot siya kung ano
ang kanyang gagawin.Dapat ko bang sabihin kay Mike to,nagbunga na
aming ginawa.Tatawagan ko kaya siya? Nang ng tumunog na ang
cellphone ni Mike ay kinabahan na si Jessa kung ang kanyang unang isabi
kay Mike.Nang singot ni Mike ang tawag ay napautal-utal siya sa
pagsasalita.Nagulat si Mike kung ano ang ng yari kay Jessa.Tinanong niya
ito ano ba ang nangyari sayo mahal? Eh…kasi mahal natakot ako eh..Ano
ba kasi yan? Eh..kasi mahal nagbunga na yung ginawa natin.Mahal
natatakot ako baka malaman nila Inay at Itay ang nangyari sa akin. Pano
to? Wag kang mag alala mahal pananagutan.
Tinawagan ni Jessa ang kanyang isang kapatid para ipaalam na mag-
aasawa na siya. Nabigla ang kanyang kapatid ng sabihin ni Jessa sa kanya
at umiyak ito.Agad itong tinawag ng kanyang kapatid ang kanilang Inay
para ipaalam na gusto ng mag-asawa ni Jessa, Nay..nay nasan po kayo?
Anak nandito ako sa likuran ng bahay natin,ano ba ang kailangan mo
bakit ka umiyak? Eh,kasi nay tumawag si Jessa na mag-aasawa na raw
siya.Totoo ba yan anak? Opo nay katatawag lang niya ngayon.Hindi nga
po ako makaliwanag nay eh. Umiyak ang Inay ni Jessa ng sinabihan
ito.Hindi niya maipaliwanag ang na nararamdadam niya.
Pinauwi si Jessa ng kanyang Inay para kausapin kung totoo ba talaga yung
sinabi niya na mag-aasawa na.
Nang nakarating na si Jessa sa kanilang bahay ay tinanong agad ito ng
kanyang Inay. Totoo ba na mag-aasawa kana ha? Hindi mo ba iniisip na
hindi madali ang pag-aaswa? Hindi mo nakikita ang ibang tao na nag-
3. aasawa ng maaga ay walang magandang resulta kundi mahihirapan lang.
Basta Inay sa ayaw at sa gusto ninyo mag-aasawa talaga ako dahil mahal
na mahal ko talaga si Mike.Bakit? lubsan mo na bang kilala ang Mike na
yan ha? Hindi pa hu masyado.Yan na nga ang sinasabi ko.Basta nay
pupunta na sila rito para mamanhikan.
Pagkalipas ng ilang araw ay pumunta ang pamilya ni Mike sa bahay nina
Jessa para mamanhikan.Pagkatapos ng pamanhikan,sa araw na iyon
sumama na si Jessa kay Mike doon na muna siya pansamatalang titira
habang nag-aasikaso sa kanilang nalalapit na kasal.
Lumipas ang mga araw ay may natuklasn siya kay Mike at sa Ina nito, na
hindi maganda ang ugali nito at ang pagtrato sa kanya.Si Mike pala ay
isang sugarol sa sabungan,palagi nalang itong umalis sa kanilang
bahay.Simula umaga hanggang gabi wala ito sa kanilang bahay.Walang
ibang magawa si Jessa kundi maghintay kay Mike hanggang
makauwi.Nang makarating na si Mike sa kanilang bahay ay biglang
pumanaog ang Ina ni Mike para kunin ang perang nauwi galing sa
sabungan.Walang ibang magawa si Jessa kundi nakatitig lang sa mag-
Ina .Kaya walang maibigay si Mike kay Jessa ne isang kusing dahil kinuha
lahat ng kanyang Ina.
Dumating na ang araw ng kanilang pag-uumpisa at pagprepara sa
kanilang mga papilis na kailangan para sa kanilang kasal.Ang unang araw
pumunta sila sa municipyo para magparehistro.Sa ikalawang araw ay
pumunta sila sa simbahan upang simulan ang paghahanda kanilang
kasalan.Sa huling araw ay nag-aaway silang dalawa dahilnagalit si Jessa
kay Mike,mas inuna pa ni Mike ang pagpunta sa sabungan kaysa
simbahan sa huling araw ng kanilang paghahanda.
Umuwing luhaan si Jessa sa kanilang bahay dahil sa sobrang nasaktan
siya sa ginawa ni Mike.Nagulat ang kanyang mga magulang kung ano ang
nangyari sa kanya.Tinanung siya kung bakit siya umiiyak.Sinabi niya sa
kanyang mga magulang na mas inuuna pa ni Mike ang pagsusugal kaysa
paghahanda sa kanilang kasal.
Pinuntahan si Jessa sa kanilang bahay sa Ina ni Mike para pakiusapan
ito.Pero hindi nakinig si Jessa kasi nararamdaman niya na parang
nakipagplastikan lang sa kanya.Kaya napagtanto ni Jessa sa kanyang
isipan na hindi na siya magpapakasal kay Mike.
Pero napawi ang galit ni Jessa kay Mike dahil pinuntahan ito sa kanila,
para pauwiin ito sa kanilang bahay.Dahil sa sobrang mahal na mahal niya
si Mike ay bumalik parin sa bahay nito.Hanggang sa paglipas ng ilang taon
ay patuloy parin si Jessa na nagdudusa sa piling ni Mike dahil
pinagpatuloy parin ni Mike ang kanyang pagsusugal.