Successfully reported this slideshow.
We use your LinkedIn profile and activity data to personalize ads and to show you more relevant ads. You can change your ad preferences anytime.

Tula Handout

Isang handout sa Panulaang Pilipino

  • Be the first to comment

Tula Handout

  1. 1. ANG TULA PANIMULA Ayon sa ilang makata ang tula ay: Kay Alejandro G. Abadilla: “ang tula ay kamalayang nagpapasigasig.” Kay Julian Cruz Balmaceda: “ Ang Tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan, ng kadakilaan—ang tatlong bagay na magkakatipun- tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matawag na tula.” Kay Inigo Ed. Regalado: “ Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas, larawan, at kabuuan ng tanag kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.” I. ANG MGA SANGKAP NG TULA Sa tradisyunal na tula may apat (4) na sangkap ang tinataglay nito: 1. Sukat: ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Halimabawa ng mga sukat: a. kopla (couple) f. lalabing-animin b. aapatin(quatrain) g. lalabingwaluhin c. aanimin h. soneto (sonnet) d. pipituhin I. haiku (5-7-5) e. wawaluhin (octave) j. tanaga (7-7-7-7) TADAAN: Ang mga tradisyunal na tula ay may sesura o ang bahagyang pagtigil sa pagbabasa ng bawat taludtod. Sa mga tulang may sukat na lalabingdalawahin, ang sesura ay bumabagsak sa ika-6 na pantig, sa mga tulang lalabing-animin ang sesura ay nasa ika-4 o ika-8 pantig, at para sa tulang lalabingwaluhing pantig, ang sesura ay nasa bawat 6 na pantig ng taludtod. 2. Tugma: Ito ang pagkakasintunugan ng huling salita sa bawat taludtod. Ang tinutukoy dito ay ang katutubong tunog ng huling pantig ng salita kung hindi pa naangkupan. Hindi nagiging batayan sa pagtutugma sa mga sumusunod na taludtod nalikhang tunog ay katulad ng katutbong tunog ng pantig bago ito inangkupan. 2 URI NG TUGMAANG PANTIG A. Tugmaang Ganap: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog at magkakatulad ng diin at tuldik. Halimbawa: Wala na, ang gabi ay lambong sa luksa Panakip sa aking namumutlang mukha, Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga, Ni ibon, ni tao’y hindi natuwa. “Punongkahoy” Jose Corazon de Jesus
  2. 2. B. Tugmaang Karaniwan: ang huling pantig ng dulong salita ng bawat taludtod at magkakatulad ng tunog ngunit magkakaiba sa diin. Halimbawa: Kung siya mong ibig na ako’y magdusa Langit na mataas, aking mababata Ako’y minsan-minsang mapag-alaala Isagi mo lang sa puso ni Laura “Florante at Laura” Francisco Balagtas 2 URI NG TUGMAANG KATINIG A. Unang pangkat na binubuo ng mga katinig na B, K, D, G, P, S at T at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Ang salpok ng mga alo’y sa talampas nababasag At sa hangi’y sumasama sa rurok ng alapaap Parang diwa ng makata kung mayroong sinusulat Humahantong sa palasyong lundu-lundong mga ulap. “Ang Dagat” Rafael Sabino B. Ikalawang pangkat ay binubuo ng mga katinig na L, M, NG, R, W, at Y at magkakapareho ng tunog ayon sa patinig na nasa kanilang unahan. Halimbawa: Tao: Kilala kang sa Sangkalupaan At tanang nlikha, ang Hari ay ikaw Ang pag-usap mo at dunong kung minsan Pati kay Bathala ay nagmamayabang At talastas ko ring ang kaligayanhan Ay siya mong mithi habang nabubuhay “Nangungusap ang kasaysayan” Lope K. Santos 3. Makabuluhang Diwa: Tinutukoy nito ang pangkalahatang diwa o kaisipan ng tula na nais iparating sa mga mambabasa. 4. Kagandahan o Kariktan: Tinutukoy ng sankap na ito ang paggamit ng mga piling mga salita sa tula upang ito’y maging maganda. 5. Tunog: Ito’y kinakasangkapan ng makata sa pagpapatingkad ng mga karanasang inilarawan niya sa kanyang tula. Uri ng Taludturan Isa sa mga katangian ng tula ay ang pagkakaroon ng mga taludtod. Ang taludtod ay ang pagkakapangkat-pangkat ayon sa pinagkaugalian nang ayos sa tula. Ayon sa aklat na Panulaang Tagalig ni Jose Villa Panganiban, ay iba’t ibang uri ng taludturan. 1. Kopla - kapag ang taludtod ay pinangkat sa dalawahan. Halimbawa: Republika ba itong busabos ka ng dayuhan? Ang tingin sa tanikala’y busilak na kalayaan.
  3. 3. Kalayaa! Republika! Ang bayani’y dinudusta Kalayaan pala itong mamatay nang abang-aba! Republikang Basahan ni Teodoro Agoncillo 2. Triplet - Kung ang taludturan ay binubuo ng tatlong taludtod. Halimbawa: Aninong maitim sa mukha ng araw, Tabing na pansangga sa ngiti ng buhay Palagay ko’y ganyan pag may kalungkutan. Malawak na laot na sakmal ng dilim Mabigat na pataw na nagdudumiin, Ganyan ang damdam ko kapag may panimdim. Kalooban ni Jose Villa Panganiban 3. Quatrain – taludturang may apat na taludtod. Karaniwang anyo ng taludturan sa panulaang Tagalog. Halimbawa: Pasikat pa lang ang araw, nagsisimula nang araw mo Ihanda ang alagang kalabaw na katuwang sa pagbabanat ng buto. Nililinang ang lupang tigang Upang mapakinabangan Dulot nito ay kaligayahan Sa bawat tahana’t hapag. Ang Magsasaka ni Allan A. Ortiz 4. Quintet – taludturang binubuo ng limang taludtod Halimbawa: Kung may isang ibong tuwing takip-silim Nilalapitan ka at titingin-tingin Kung sa iyong silid nasok na magiliw At ika’y awitan sa gabing madilim; Ako iyan, giliw! (J.C. de Jesus – “Kahit Saan”) 5. Sextet – tawag sa taludturang may anim na taludtod 6. Soneto – ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod. Batay sa kayarian ng taludturan ng tula, ito ay nauuri: 1. May sukat - May tugmaang taludturan. Ito ay katutubong kayarian ng tulang Pilipino. Binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma. Kapag pinag-uusapan ang tugma, ito ay ang magkakahawig na mga tunog sa dulo ng mga taludtod sa panulaan. Kung ang huling salita ng isang tuludtod ay kasintunog ng huling salita ng sumunod pang taludtod, ang dalawang taludtod na ito ay sinasabing magkakatugma. Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay maaaring: - a-a-a-a magkakatugma ang huling pantig sa apat na taludtod ng saknong - a-b-a-b- magkatigma ang una at ikatlong taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikaapat na taludtod - a-b-b-a magkatigma ang una at ikaapat na taludtod, at magkatugma ang ikalawa at ikatlong taludtod - a-a-b-b- magkatigma ang una at ikalawang taludtod, at magkatugma ang ikatlo at ikaapat na taludtod Sa mga salitang ang huling pantig ay may patinig, ang magkakasintunog ay ang sumusunod: - ab, ak, ad, ag, ap, as, at - ib, ik, id, ig, is, it - ob, ok, od, og, op, os, ot - an, al, am, ar, aw, ay, ang
  4. 4. - on, ol, om, or, oy, ong 2. Malayang taludturan o free verse sa Ingles. Ito ang makabagong kayarian ng mga tulang walang sukat at walang tugma. Karaniwang walang aliw-iw, walang tugma, at walng tiyak na sukat. 3. Di-tugmaang taludturan (blank verse) Ayon kay Jose Villa Panganiban, ito ay naging popular sa Inglatera mula noong 1557. Bagama’t ito’y hindi gaanong kilala sa ating bansa, mahalagang masama at pag-aralan ito bilang isang uri. Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma. 3 URI NG TUNOG A. Aliterasyon: ito ay ang pag-uulit ng isang tunog ng isang katinig na ginagamit sa magkakalapit na salita o pantig. Halimbawa: Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan, Titik kong masigla ng lumang talindaw, “Dalampasigan” Teodoro Agoncillo B. Asonansya: ang pag-uulit ng tunog ng isang pantig. Halimbawa: Ang buhay ng tao at sa taong palad Nasa ginagaya ang halaga’t bigat May mga mayaman na dapat umiyak At may dukha naming magalak ang dapat May mangmang na lagging ang mata ay dilat At mayroong marunong na lagi nang bulag. “ Ang Buhay ng Tao” Jose Katindig C. Onomatopeya: Aang pagkakahawig ng tunog ng salita at ang diwa nito. Halimbawa: Kumaluskos ang dahon Sumalpok ang alon Sa luhang dumaloy Lumagaslas ang talon Kulog ay dumagundong Lumalagablab ang apoy “Harana ng Kalikasan” 6. Talinghaga: Ito ang pinakatampok na bahagi ng tula. Tinutukoy nito ang mga sagisag, tayutay o salita at pariralang nagbibigay ng ikatlong kahulugan na nag- uudyok sa mambabasa na mag-isip at tumakas sa diwang ipinahihiwatig ng mga ito. Ang mga karaniwang tayutay na likaw ay 1. simili 2. metaphor, 3. metonomi, 4. sinekdoki 5. personipikasyon, 6. hayperboli, Ang mga tayutay na patalinghaga ay maaaring kumatawan sa 1. paradols, 2. apostropi, 3. balintunay o irony, 4. antitesis, 5. oksimoron. LIKAW
  5. 5. a. Pagtutulad / simili – tuwirang paghahambing ng dalawang bagay. Karaniwang isang salitang may kasamang pambuong salita tulad ng kasing-, sing-, tulad ng, ala, gaya ng, kawangis… hal. Siya ay kasingtigas ng bato kung manindigan b. Pagwawangis / metaphor – patumbis na paghhambing ng dalawang bagay sa pagtuturing o pagopapalit ng isa para sa isa. Hal. Siya ay bato kung manindigan c. Pagpapalit-tawag / metonomi – isang uri ng metaphor na ang ngalan ng isang bagay o kaisipan ay ipinapalit sa isang may malapit na kaugnay dito. Hal. Binasa natin si Balagtas dahil sa kanyang panitik at diwa. Ang Balagtas ay ipinalit sa kanyang mga akda. d. Pagpapalit-saklaw / Sinekdoki – isang uri ng paghahambing na ang bahagi ay pinagaganap para sa kabuuan. (Sa metonomi, ang kabuuan ay ginagamit para sa bahagi) Hal. Hiningi ni Pedring ang kamay ni Rosie. e. Pagtatao / personipikasyon – pagbibigay ng katangian ng tao sa bagay na di-tao.(nilikha o kaisipan)’ Hal. Sumilip ang buwan sa gilid ng ulap. f. Paghihimig / Onomatopeya – pagbuo ng salitang katunog ng ipinapahayag. Hal. Ang tunog ng batingaw ay umalingawngaw sa buong nayon. Siya’y madaling maakit sa kalansing ng salapi. g. Pun – paglalaro sa salita na katunog ng ibig ipahayag ngunit kaiba ang kahulugan. Ito ang pinakamababa at halos bulgar na tayutay. Hal. Si Imaldita ay bumagsak din sa kanyang katayugan. (sa halip Imeldita) Amain naming….sumasakumbento ka… (sa halip Ama) h. Pagmamalabis / Hayperbole – sinasadyang pagmamalabis sa paghayag ng katotohanan para sa pagbibigay-diin. Hal. Sa katangis ni Florante ay nadilig ng luha ang punong kanyang kinagagapusan. Nagbabaga sa galit ang kanyang mga mata i. Hambing-tao – paghahambing sa isang kilalang tao o kathang tauhan. Hal. Siya ay si Minerva sa katalinuhan. Isa siyang David na naharap kay Goliat. TALINGHAGA a. Paradoks – isang pahayag na waring taliwas sa karaniwang kinikilala nang katotohanan o kontra sa sentido komon, ngunit kung uusigin maigi ay lalabas na may matatag na batayan at matatanggap. Hal. Ang edukasyon ng bata ay nagsisimula 100 taon bago ito isilang. “Isa at isa ay isa.” (Isang patak ng tubig sa dahon ng gabi ay napatakan pa ng isa, kayat nagging isang malaking patak na bumagsak sa lupa) b. Panawagan / Apostrope – isang pagtawag sa isang baagy o tao na wala sa harap ng nagsasalita o hindi makaririnig sa sinasabi ng nagsasalita. Hal. “O, Kalayaan, ilan nang krimen ang nagagawa sa iyong pangalan?” c. Pag-uyam / Ironiya – paraan ng pagsasalita, karaniwa’y patuya o pauyam, na sa tunog ay kontra o salungat sa sadyang nais sabihin. Hal. “Dakilain ang mararahas sapagkat sila ang nakagagawa” (kung ang nagsasalita ay laban sa diktadura) d. Antitesis – kaanak ng ironiya, ang antitesis ay nagpapahayag ng kaisipang magkasalungat. Hal. Ninanakawan ng kuripot ang kanyang sarili. Binabaliw muna sa tuwa ni Bakus ang nais niyang puksain. e. Oksimoron – paghahalo ng dalawang salitang magkasalungat na nagiging isang katanggap-tanggap na pahayag. Hal. Ang kanyang ginawa sa akin ay may-awang pagpatay. Siya ay natulig sa nakabibinging katahimikan na sumalubong sa kanya. Karagdagang tayutay
  6. 6. Aliterasyon – masining na pagkakasunod-sunod ng tunog ng katinig sa isang taludtod. Asonansya – magandanf tunog na magkakasunod na patinig. Ang aliteraston at asonansya ay katutubo sa wikang Filipino, lalo pa’t iisipang marami tayong salitang inuulit o mga pantig na reduplikasyon. Taguri – paggamit ng palayaw, ambil o bansag na mapang-uri o may paghahambing. Hal. Kenkoy ka naman masyado. 7. Larawang-diwa: Ito ang mga salitang nakapaloob sa tula kapag binabanggit ay nag-iiwan na ng mga larawan sa isipan at pinatatalas nila ang iba’t ibang pandama; pang-amoy,paningin,pandinig,panlasa,at pandamdamin. 8. Simbolo: Tinutukoy nito ang paggamit ng mga salita ng mga sagisag na maaaring larawan o mga salitang larawan na kumakatawan sa ibang bagay at nagpapahiwatig o bumubuo ng diwa sa isip ng mambabasa. *************************************************************************************** TULA Ang tula ay pagpapahayag nang tapat na katotohanan na pinatining at pinatingkad ng pananaw at pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi pumpon lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng pansariling daigdig ng mga karanasan, mithiin, adhikain at kapalaran ng tao sa kanyang paligid. (Blamaceda 1980) MGA SANGKAP NG TULA ANG SUKAT. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa tulang tradisyunal, ang mga palasak at gamiting sukat ay ang labindalawa, labing-anim at labingwalo. Ang di-tradisyunal na tula ay walang isinasaalang-alang na bilang ng pantig sa bawat taludtud. Tinatwag itong malayang taludturan. Sa mga tulang may sukat nna lalabindalawahin ay may bahagyang pagtigil sa pagbabasa sa bawat ikaanim na pantig ng taludtod; samantala sa lalabingwaluhin ay sa ikasiyam na pantig. Ang bahagyang tigil na ito ay tinatawag na sesura. Halimbawa ng may lalabindalawahing pantig: Batong tuntungan mo // sa pagkadakila Batong tuntungan ka // sa pamayapa Talagang ganito // sa lapad ng lupa ay bali-baliktad // lamang ang kawawa. J. C. de Jesus. Ang Bato Halimbawa ng may lalabingwaluhing pantig: Minsa’y nakitako / ang isang bulaklak / sa aking lagwerta Sa siwang ulap / ay mata ng Birheng / malamlam tumingin; Ang aking ginawa / puso’y idinungaw / sa pinto ng dibdib Saka ang bituin / ay kinaulayaw / sa suyo ng halik At nang itinanong ko / sa kanya ang aking / mga panaginip Ay sinagot akong / ang panaginip ko’y / Pag-ibig! Pag-ibig! C.H. Panganiban, Hantungan ng Palad ANG TUGMA. Ito ay pagkakatulad ng tunog ng huling salita sa bawat taludtod. May tinatawag na tugmang ganap – magkakasintunog ang huling salita sa bawat taludtod , at magkakatulad pa ang bigkas o uri ng diin (stress) o uri ng tuldik at
  7. 7. tugmang karaniwan – ay pareho lamang ng tunog ngunit hindi pareho ang diin sa mga dulong salita ng taludtod. Halimbawa ng tugmang ganap: Wala na, ang gabi ay lambong na liksa, Panakip sa aking mumunting mukha Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga Ni ibon, ni tao’y hindi matuwa. J.C. de Jesus, Punungkahoy Halimbawa ng tugmang pareho ngunit hindi pareho ang diin Kung magalit ka man at kusang lumayo Na isang hinagap ang baon sa puso May mga sandaling ang aking pantuho Ay magiging tamis sa paninibugho I. Regalado, Ang Ibong Nagtampo Bukod sa tugmaang patinig, mayroon ding tugmaang katinig. Napapangkat sa dalawa ang mga katinig para sa tugma – ang una ay b,k,d,g,p, s, t.Ang ikalawang pangkat ay l, m. n. ng, r, w, y. A B Palasak sa tradisyunal na tula na may tugmaang aaaa, abab at aabb Halimbawa ng tugmang aaaa Ang lumang simbaha’y nalimot ng lahat Pinagkatakutan, kay daming nasindak Umano kung gabi ay may namamalas Na isang matandang doo’y naglalakad. Halimbawa ng tugmaang abab Kaluluwa, lagi nang malikot, Malaya At kahit sa Diyos ay di nanganino Ang tanging relihiyon ay pambansang wika Na diwa ng buong baying Pilipino. (a) (b) (c) Alab tigib kaloob Bitak sabik purok Sagad bukid tanod Dilag hilig sabog Ulap silip dahop Labas tamis taos Alamat langit poot (a) (b) (c) Mahal butil parol Alam dilim lagom Ngalan sapin nayon Tingnan tabing bubong Altar martir bapor Tanglaw tingin taghoy Buhay aliw-iw aapoy
  8. 8. TALUDTOD - ang linya ng mga piling salita sa isang tula. Ang kalipunan o pinangkat na taludtod ay tinatawag nating taludturan. Sa pagsulat ng tula, sa tradisyunal na pagsulat, apat na taludturan ang tinataglay nito. Maaaring maihalintulad sa isang talata ang taludturan. Sa istilo ng pagsulat ng tula nagkaroon ng mga uri ng taludturan. a. Kopla (2) b. Triplet (3) c. Quatrain (3) d. Sextet (6) e. Soneto (14) Sa pagsulat ng tula, isa ang istilo ng manunulat sangkap sa pagbuo ng tula. Kug ayarian ng taludturan ang pag-uusapan,masusuri natin ito batay sa kayarian ng sukat sa taludturan. Ibig sabihin ang sukat sa taludtod ay nagkakaroon ng baryasyon: a-a-a-a – magkakapareho ang sukat sa bawat latudtod a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at ikaapat ay magkapareho ng sukat. a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkapareho ang sukat at ang ikatlo at ikaapat ay magkapareho ng sukat. a-b-b-a –ang una at ikaapat ay magkapareho ang sukat at ang ikalawa at ikatlo ay magkapareho ng sukat sa taludtod. Sa madalling sabi ang a-a-a-a ay isang tradisyunal na uri ng talludturan at ang sumunod na kayarian batay sa sukat sa taludturan ay nauuri sa malayang taludturan. Gayundin sa tugmaan, may kayarian din ng tugmaan sa taludturan. a-a-a-a – magkakatugma ang tunog ng huling pantig sa apat na taludtod a-b-a-b – ang una at ikatllo ay magkakatugma ang tunog ng pantig sa dulo ng taludtod at ang ikalawa at ikaapat ay magkapareho ang tunog ng pantig sa dulo ng taludtod.. a-a-b-b – ang una at ikalawang taludtod ay magkatugma ng tunog sa dulo ng taludtod at ang ikatlo at ikaapat ay magkatugma ang tunog sa dulo ng taludtod. a-b-b-a –ang una at ikaapat na taludtod ay magkatugma ang tunog ng pantig at ang ikalawa at ikatlo ay magkatugma ang tunog ng pantig sa dulo ng salita. MAKABULUHANG DIWA. Ito ay pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa. Ito ang pinagkaiba ng tula sa isang karaniwang tugma. Sa mga linya nito makikita ang matayog na kaisipan at nasa makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang mga talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng makata. Hindi makikita sa dami ng taludtod o haba kaya ng tula nasusukat ang pagiging tula ng isang likha kundi sa nilalamang makabuluhang diwa at mga talinghaga gaya ng tanaga. Halimbawa: Sising Alipin Iskwater Sinusuntok ko ang langit Balon ng kadiliman Nagalit ang bathala Tangi nilang luklukan Aking kinaing pilit Isdang nagpipiglasan Ang sarili kong dila. Nang makahinga lamang. A. Tiburcio O. Pagsanhan: Kulay B
  9. 9. ANG KARIKITAN. Ito ay kagandahan at larawan ng kabuuan ng karikitang nakikta ng matalas na pananaw ng makata. Gumagamit ng mga piling-piling salita na nakagigising sa mayamang guniguni ng mambabasa. Tumitingkad ang kahulugan ng mga salita at nakabubuo ng buhay sa buhay na larawang-diwa sa paggamit ng simbolo at talinghaga. ELEMENTO NG TULA TUNOG. Sinasabing nakagaganda sa tula ang pagkakapare-pareho ng tunog ng mga huling pantig ng mga salita, bagama’t bukod diyan ang tunog ay nagiging kasangkapan din ng makata upang makapaghatid ng isang madamdamin, sensuwal, at matalinong karanasan. Halimbawa: Iyang kamay na suulak at nagpabulas sa bulto Iyang kamay na kumatam at kuminis sa anggulo Iyang kamay na naglapat, nagpako at nagmartilyo TALINGHAGA. Higit na mabuti at mabisa kung ang mga salitang ito ay ihahayag sa iba’t ibang uri ng talinghaga. Sa panulaang Filipino, pinakagamitin na ang pagtutulad (metaphor), pagsasatao (personification) at eksaherasyon (hyperbole). Halimbawa: Pagtutulad Ang tula ay parang bulaklak; may bango! May bulaklak na walang bango, walng tula! Ang tula ay parang pintura, may kulay! May pinturang walang kulay; walang tula! Ang Tula, Jose Corazon de Jesus Pagsasatao “Pumipiukit dumidilat ang kandila dumidilat pumipikit kumakaway tumatawag ang kandila.” Kandila, Fernando Monleon Eksaherasyon “Nang tipakin mo ang bato ay natayo ang katedral, Nang pukpukin mo ang tanso ay umugong ang batingaw, Nag lutuin mo ang pilak, ang salapi ay lumitaw, Si Puhunan ay gawa mo, kaya ngayo’y nagyayabang. _Manggagawa, Jose Corazon de Jesus LARAWANG-DIWA. “Imagery” tumutukoy sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. Ang mga salitang ito ang magpapmalas sa panlasa, pang-amoy, paningin at iba pang persepsyon ng mambabasa. Halimbawa: May paambon-ambon, may tika-tikatik na sinasabayan ng kulog at lintik; May unos at bagyong nakatitigatig Sa lalong payapa’t matimping dibdin SIMBOLO. Ito ang salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa isipan ng mambabasa; halimbawa, may kahulugan ang bawat kulay: puti, tumutukoy sa kalinisan o kawagasan, asul ay kapayapaan at pula ay kumakatawan sa katapangan o kung minsan kaguluhan. Iba pang simbolismo
  10. 10. Araw o liwanag = pag-asa Dilim o takipsilim = suliranin o kalungkutan Krus = relihiyon o pagtukoy sa Diyos Sungay o ahas = para sa demonyo Rizal = karunungan o kahinahunan Bonifacio – tapang o lakas Juan = Pilipino Emmanuel = malapit sa Diyos Hitler = kabangisan sa dogmaan Ati-atihan, Yaman ng Diwa Alita I. Tepace at Paquito B. Badayos Ph. D p. 40 MGA URI NG TULA AYON SA KAANYUAN a. Tulang Pansalaysay: naglalahd ng isang kasaysayan o mga tagpo o pangyayari. b. Tulang Pandulaan: naglalarawan ng mga pangyayaring nahahalintulad sa tunay na buhay. Ito ay isinusulat upang itanghal. c. Tulang Pandamdamin: nagsasaad ng matinding damdamin ng makata. Karamihan halos ng mga tulang nababasa natin ngayon ay kabilang sa uring ito ng tula. 1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) - tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Uri ng Tulang Liriko Awit - Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na paksa - sad love songs kumbaga. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na kabatiran sa likas na pagkatao. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda. Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan. Dalit - isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.
  11. 11. d. Tulang Sagutan: naglalarawan ng pagtatagisan ng talino at pangangatwiran ng dalawang mambibigkas. 2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) - isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga epiko, ballad, idylls at lays. Uri ng Tulang Pasalaysay a. Epiko - ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang kultura o bansa. b. Awit at kurido - ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya, Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong Adarna. c. Karaniwang Tulang Pasalaysay - Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-araw na buhay. 3. Tulang Patnigan (joustic poetry) - Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan. a. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Ito'y sa karangalan ni Francisco "Balagtas" Baltazar. b. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na "libangang itinatanghal" na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan. 4. Tulang Pantanghalan o Padula - karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya'y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. MGA URI NG TULA AYON SA KAYARIAN a. Matandang Tula o Makalumang Tula: binubuo ng mga taludtod na may sukat at tugma. b. Malayang Taludturan o Free Verse: tulang walang sukat o tugma. Sanggunian: Mendiola, Venancio.Kritisismo: Teorya at Paglalapat. Rex Book Store Santos,Bernie et. al. KAWIL 2. Rex Book Store. d. 170
  12. 12. Uygan, Felicitas et. al. Hiyas ng Lahi 1.Vibal Publishing House. d. 64,34, 185,209 Ibid.Hiyas ng Lahi 2. Vibal Publishing House.d. 26,64,80,84,127,184,188,294 Cabuhat, Arturo.Haraya 2.d. 112 Espiritu, Clemencia et. al. BATINGAW 2. Rex Book Store. d. 91,289,316 Inihanda ni: Martin#05 Jose Villa Panganilan. Ang Panulaang Tagalog Kasaysayan, Pagsusuri at Paliwanag.

×