2. – Ito ay binubuo ng saknungan na ang bawat
taludturan ay maaaring may bilang o sukat ang
mga pantig at may magkakasintunog o
magkakatugmang pantig sa hulihan.
3. A. Tulang Pasalaysay
– Pinapaksa nito ang mahahalagang tagpo o
pangyayari sa buhay, kagitingan at
kabayanihan.
– Awit at Korido, Epiko, Balad, Bantao
4. Awit at Korido
– Tumatalakay sa pakikipagsapalaran ng mga taong
nabibilang sa dugong bughaw.
– Ang awit ay may sukat na lalabindalawahing
pantig kapag inaawit.
– Ang korido naman ay may sukat na wawaluhing
pantig.
5. Epiko
– Tumutukoy sa kabayanihan at pakikipagtunggali
sa mga kaaway na halos di mapaniwalaan.
6. Balad
– Ito’y may himig awit sa dahilang ito’y
inaawit habang may nagsasayaw.
14. C. Tulang Pandulaan o Pantanghalan
–Karaniwang ginagawa sa tanghalan na
may saliw o himig ayon sa tema o diwa
na pinapaksa.
–Melodrama, komedya, parsa, trahedya,
saynete
21. Tula
–Ito ay isang uri ng sining at panitikan na
kilala sa malayang paggamit ng wika sa
iba’t ibang anyo at estilo.
–Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.
22. Tula
– Binubuo ito ng mga saknong na
kinapapalooban ng mga taludtod. Karaniwan
itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at labing-waluhing pantig.
Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay.
May sukat at tugma.
23. – Tulad lamang ito ng karaniwang pang-araw-
araw na takbo ng pagsasalita o mga
kaisipan ang paglalahad. Sa halip na ito ay
pasaknong, ito ay tuloy-tuloy na paglalahad
na nakatala.
24. Sanaysay
–Ang salitang “sanaysay” ay galing sa
“sanay” at “salaysay” na pinagsanib ni
Abadilla upang magamit sa pagtukoy sa
anyong pampanitikan na tinatawag sa
Ingles na “essay”.
25. Dula
– Ang dula ay isang paglalarawan ng buhay,
ito ay imitasyon o panggagagad ng buhay.
Kaya inaangkin ng dula ang lahat ng
katangiang umiiral sa buhay gaya ng mga
tao at mga suliranin. (Aristotle)
26. Maikling Kuwento
– Ito ay maaaring tagurian bilang
pinakabunsong pormang pampanitikan sa
bansa.
– Isang akdang pampanitikan nababasa sa
isang upuan lamang dahil nagtataglay ito
ng isang kakintalan.
27. Nobela
– Mahabang kathang pampanitikan na
naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ang pagkakalabas
ng hangarin ng bayani sa dako at ng hangarin
ng katunggali sa kabila.