SlideShare a Scribd company logo
1 of 26
Download to read offline
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Mga Yugto ng Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mga Yugto ng Pag-Unlad ng Kultura sa Panahong
Prehistoriko
First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such
work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the
payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module
Writer: Alging Salazar Lloren, PhD
Reviewer:
Evaluator:
Norebel A. Balagulan, PhD
Lenore Boa
Illustrator & Layout
Artist:
Jay Michael A. Calipusan
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief
Members:
Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 3
Mga Yugto ng Pag-unlad ng
Kultura sa Panahong Prehistoriko
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita ..........................................................................................................................i
Alamin ........................................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto..........................................................................................................ii
Mga Icon ng Modyul............................................................................................................... ii
Subukin....................................................................................................................................iii
Aralin 1: Panahon ng Bato......................................................................................................1
Tuklasin.....................................................................................................................................1
Gawain 1: Kung Ikaw Kaya?..................................................................................................1
Suriin .........................................................................................................................................2
Pagyamanin..............................................................................................................................5
Gawain 2: Yugto, Tukuyin Mo................................................................................................5
Isaisip ........................................................................................................................................6
Gawain 3: Ano Ngayon? Chart ..............................................................................................6
Isagawa .....................................................................................................................................7
Gawain 4: Pag-isipan Mo!......................................................................................................7
Aralin 2: Panahon ng Metal ....................................................................................................8
Tuklasin.....................................................................................................................................8
Gawain 1: Ilista Mo!................................................................................................................8
Suriin .........................................................................................................................................8
Pagyamanin..............................................................................................................................9
Gawain 2: i-Graphic Organizer Mo! .......................................................................................9
Isaisip ......................................................................................................................................10
Gawain 3: Katangian Ko, Ibigay Mo.....................................................................................10
Isagawa ...................................................................................................................................11
Gawain 4: Archaeologist at Work.........................................................................................11
Buod ........................................................................................................................................12
Pagtatasa ................................................................................................................................13
Susi sa Pagwasto...................................................................................................................15
Sanggunian.............................................................................................................................16
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga yugto ng pag-unlad ng kultura
sa panahong prehistoriko ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay
makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang
tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang.
Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na!
Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito.
Alamin
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng
kultura sa panahong prehistoriko (AP8HSK-If-6).
Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Panahon ng Bato at Panahon
ng Metal.
i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin angmga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
Mga Icon ng Modyul
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Pagtatasa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Susi sa
Pagwasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.
ii
Subukin
Panimulang Pagsusulit:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.
1. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at
lithos o bato?
A. Neos
B. Luma
C. Old
D. Paleos
2. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng
Paleolitiko?
A. Hominid
B. Humanoid
C. Polaroid
D. Taong Neandertal
3. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal?
A. Germany
B. Italy
C. France
D. Spain
4. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak?
A. Dumpsite
B. Campsite
C. Tree house
D. Village
5. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego?
A. Gitna
B. Huli
C. Luma
D. Bago
6. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na ―bago‖ sa Panahong Neolitiko?
A. Neos
B. Bios
C. Paleos
D. Zeus
7. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng
gitnang Anatolia (Turkey ngayon)?
A. Catal Village
B. Anatolia Village
C. Baghdad
D. Catal Huyuk
8. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa
Europe at 1500 BC naman sa Egypt?
A. Ginto
B. Pilak
C. Bronse
D. Tanso
9. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC
na nakatuklas sa bakal?
A. Sumerian
B. Babylonian
C. Assyrian
D. Hittite
10. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong
magmina nito ang mga tao?
A. Tatlo
B. Apat
C. Limang
D. Anim
E.
iii
iv
Aralin
1 Panahon ng Bato
Tuklasin
.
Gawain 1: Kung Ikaw Kaya?
Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili
sa cloud callout ng dalawang bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pang-araw-
araw na pamumuhay. Sagutin ang mga tanong sa ibaba
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped).svg
Mga Gabay na Tanong:
1. Alin ang iyong napili?
2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?
3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung mayroon ka ng mga bagay na
iyong napili? Ipaliwanag ang iyong sagot.
BATO
APOY KAHOY
BANGA
BUTO NG HAYOP
1
Suriin
Sa pamamagitan ng mga labí ng mga unang tao tulad ng bungo, buto, at
mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo, nakakuha ang mga
antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pamumuhay. Nalaman
natin ang kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo
ng kanilang kultura.
Upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na
pakikipagsapalaran, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga
kagamitan Umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang ang iba’t
ibang kapuluan ng daigdig ay mapaunlad sa kasalukuyang kabihasnan.
Panahon ng Bato
Nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang tao sa mahabang panahong
nagdaan, Bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao, pangangaso at pangingisda
ang ikinabubuhay nila at kadalasan sa mga yungib sila sumislong o nanahanan.
Panahong Paleolitiko
Ang Panahong Paleolitiko ay tinatayang nagtagal mula noong 2,500,000 BC
hanggang 10,000 BC. Ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo habilis, Homo
erectus tulad ng Taong Java at Taong Peking, at Homo sapiens tulad ng Taong
Neanderthal at Taong Cro-Magnon ay nabubuhay sa panahong ito. Sila ay nakatira
sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa malamig na panahon.
Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain dahil katatapos pa lamang ng
panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng
daigdig at walang permanenteng tirahan ang mga tao. Sa pamamagitan ng mga
kamay lamang sila ay nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig.
Minsan, gumagamit sila ng batong panghampas o pambato at sanga ng kahoy
upang maging madali ang pamimitas ng mga bungangkahoy.
Ang gamit ng apoy ay natuklasan din sa panahon ito na maaring hindi
sinasadya dahil tinamaan ng kidlat ang isang puno, nasunog at nagbigay ng init sa
paligid na maganda ang epekto sa panahon ng taglamig.
Ang ―Panahon ng Lumang Bato‖ (Old Stone Age) ay tawag din ng
Panahong Paleolitiko.
 Sa mga katagang ―paleos” o matanda at ―lithos” o bato nagmula ang salitang
Paleolitiko
 Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan
 Nagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato
 Ang mga sinaunang tao ay unang gumamit ng apoy at nangaso
Mababang Paleolitiko (Lower Paleolithic Period)
 Nagtagal ang panahong ito mula noong higit-kumulang na 3.3 milyong taong
hanggang noong bandang 300,000 taong nakalipas
 Ang pinaka-unang bahagi o subdibisyon ng Paleolitiko
 Ang mga kasangkapan ay hindi pa nililikha
 Dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato,
ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man
2
 Sinundan sila nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato, ang
mga Homo erectus
Gitnang Paleolitiko (Middle Paleolithic Period)
 Sumasaklaw mula 300,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas
 Ito ang ikalawang subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahong Bato
 Noong 100,000 taon ang nakalilipas lumitaw ang makabagong tao
 Ang pagiging artistiko ng mga tao ay umusbong gaya ng pagpipinta sa katawan at
pagguhit sa bato
 Sa panahong ito yumabong ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang
mga labi
Itaas na Peleolitiko (Upper Paleolithic Period)
 Ang ikatlo at huling subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahon ng Bato
 Sa pagitan ng 50,000 at 10,000 taong nakalilipas
 Nagmukhang campsite ang mga unang pamayanan na makikita sa mga lambak
 Nawala sa panahong ito ang mga Taong Neanderthal at napalitan ng mga Taong
Cro- Magnon
 Ang pagpapangkat sa lipunan ay lumitaw.
 Pangkalahatang ginagamit upang tukuyin ang panahon sa Europa.
Mga Homo sapiens
Ang Homo neanderthalensis na nabubuhay 300,000 - 28,000 taon nakalipas
ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao. Ang utak ng Homo sapiens kung
ihahambing sa mga naunang species ay higit na malaki kaya nangangahulugan na
higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. Ang Cro-
Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba habang may mga patunay
na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing.
Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon
Panahong Mesolitiko
Ang salitang meso sa Griyego ay nangangahulugang ―gitna‖ kaya tinawag
itong Gitnang Panahon ng Bato. Ang mga gawain sa panahong paleolitiko ay
nagsama-sama dito habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng
Neolitiko.
Ang Panahong Mesolitiko ay nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000
https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/style
s/full_ width/public/ images/square/ sapiens_
Cromagon_HOP_ 3qtr_rt_sq.jpg?itok=CODZlkAo
https://humanorigins.si.edu/sites/default/fil
es/styles/medium/public/images/square/n
eanderthalensis_laferrassie_skull_3qtr_sq
.jpg?itok=9EmxIh-p
3
BC. Isang antropolohista na si Sir John Marshall ang nagmungkahi sa teorya ng
―paghamon at pagtugon.‖ Ito ay upang masagot ang matulin na pagbabagong
nangyari sa kapaligiran (hamon) ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabago ng
mga kaugalian at mga gawaing kilos (tugon). Samantalang namuhay sa kasukalan
ang ibang nanatili sa lumang kaalaman nakahandang tumanggap ang ibang
pangkat ng pagbabago. Ang Panahon ng Mesolitiko ay tumagal ng 3000 taon sa
Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa. Ang panustos na pagkain
ang pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito. Kaysa umasa sa likas na
kayamanan, ang pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao ngunit mahirap
na hamon ito sa nagbabagong klima.
Rebolusyong Neolitiko
Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa
pagtatanim nahubog ang Panahong Neolitiko. Ang pinakamahalagang kontribusyon
ng panahong ito ang pagtatanim o pagsasaka. Marahil natuklasan ng tao ang
pagtatanim nang minsan, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming
buto sa paghahanap niya ng bungangkahoy na noon ay paunti na nang paunti. Ang
pagpapalayok ay nagsimula rin sa panahong ito. Natuto rin silang gumawa ng mga
bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na ginagamit sa paggawa ng bahay,
na pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia o kaya ay pinatitigas sa init ng
araw gaya ng sa India.
Malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao sa panahong ito. Ang
dating magagaspang na bato ay pinakinis at ginawang iba’t ibang laki at hugis ayon
sa kanilang gamit. May pang-ahit, pamutol ng buhok, pamutol ng kahoy, panghiwa,
gamit sa pagsasaka, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba.
Ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan noong Panahong Mesolitiko ay lalo
pang pinag-ibayo. Kalaunan, ang mga hayop katulad ng kabayo, baka at aso ay
ginamit na sasakyan o tagahila ng behikulo katulad ng paragos at karwahe.
Sa panahong ito nabago rin ang mga tirahan dahil higit pang nalinang ang
permanenteng tirahan na nagsimula noong Panahong Mesolitiko. Sa pag-unlad ng
pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba pang gamit sa bukid, kailangang tumira
ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang tumubo at maani ang kanyang
pananim. Gumagawa siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik
habang wala pa ang tag-ani. Dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang
gawingdamit natuto siyang maghabi ng banig, basket at tela.
Ang produksyon ay para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak
noong una ngunit hindi nagtagal, ang tao ay nakapag-iimbak ng maraming bagay
para sa sariling gamit. Dahil dito, nagsimula ang sistemang barter o ang
pagpapalitan ng produkto kung saan ang sobrang produkto ay dinadala sa lugar ng
palitan. Pumupunta ang tao rito upang makipagpalit ng produkto kung may
kailangan siya. Ang konsepto ng palengke ay nagsimula rito. Umisip ng paraan ang
tao upang maging maayos ang sistema ng palitan dahil naging mahirap na ang
pakikipagpalitan ng produkto kaya naimbento ang sistema ng palitan gaya ng sa
Mesopotamia na ang unang ginamit na papalit produkto ay buto ng cacao.
 Ang Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng
Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang
Greek na neos o ―bago‖ at lithos o ―bato‖ ang tawag sa
4
huling bahagi ng Panahong Bato.
 Upang italaga ang isang antas ng ebolusyong
pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at
teknolohiya, ang terminong neolitiko ay ginagamit sa
arkeolohiya at antropolohiya.
 Kilala sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato,
permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim,
paggawa ng palayok at paghahabi ang panahong ito
 Ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong
pagtatanim na isang rebolusyong agrikultural
sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa
pagkain ay naganap sa panahong ito.
 Upang alagaan ang mga pananim nagkaroon ng
permanenteng paninirahan sa isang lugar.
 Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong
matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang
Anatolia (Turkey ngayon) at isang pamayanang
sakahan na may populasyong mula 3000 – 6000
katao
 Ang mga dingding ng kabahayan ay magkakadikit at mula
sa bubungan pababa sa hagdan ang tabing pasukan ng
isang bahay.
 Sa loob ng kanilang bahay inililibing ang mga yumao
.
Pagyamanin
Gawain 2: Yugto, Tukuyin Mo.
Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unang kolum
ng talahanayan. Tukuyin sa ikalawang kolum kung anong yugto ng sinaunang
panahon gaya ng Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, Upper Paleolithic,
Panahong Mesolithic o Neolithic ang inilalahad ng mga katangian/kondisyon na
nakasulat sa unang kolum. Isulat sa gawaing kuwaderno ang sagot.
Is
ai
si
p
Gawain 3: Ano Ngayon? Chart
KATANGIAN/
KONDISYON
Yugto ng Sinaunang
Panahon
1. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinaka
mahalagang kontribusyon ng panahong ito.
2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa
pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato.
3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig.
4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa
anyong mga campsite na kadalasang mata
tagpuan sa mga lambak.
5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong
ito ang panustos na pagkain.
5
Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng
pag- unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito
sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan
sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng
kasaysayan.
Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t
ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat
sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa
kaliwang kahon. Gawin ito sa iyong activity notebook.
(Halaw sa EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig)
6
Isagawa
Gawain 4: Pag-isipan Mo!
Mula sa iyong nalaman ukol sa mga sinaunag tao, ano sa iyong palagay ang anyo,
katangian at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino? Ilahad ang iyong sagot sa
pamamagitan ng pagguhit sa iyong kuwaderno.
7
Aralin
2 Panahon ng Metal
Tuklasin
Gawain 1: Ilista Mo!
Maglista ng mga bagay na iyong pag-aari o nasa inyong bahay na yari sa metal o
may bahaging metal. Isulat ito sa unang kolum ng talahanayan at sa ikalawang kolum isulat
ang paliwanag kung paano ito ginagamit.
Suriin
Panahon ng Metal
Ang ginto na nakukuha lamang sa gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa
buhangin ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Malambot ang ginto at hindi
maaaring gawing kasangkapan o armas kaya hindi ito kapakipakinabang sa tao kaya hindi
nagkaroon ng panahon ng ginto. Ang sumunod na natuklasan ng tao ay ang tanso (copper)
na nahuhulma sa iba’t ibang hugis na nais ng tao dahil matigas ito kaysa ginto.
Panahon ng Tanso
Dahil sa tanso naging mabilis ang pag-unlad
Mga gamit na yari sa metal Paano ito ginagamit?
1.
2.
3.
4.
5.
8
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9
GcTVuW6FIbmSsEnWC6ny7wEHOQWbdgQeEej7pg&usqp=C
https://www.pickpik.com/iron-rebar-house-construction-iron-
rods- steel-rusty-147760
ng tao ngunit ang paggamit sa kagamitang yari sa bato ay patuloy pa rin. Noong 4000 BC sa
mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC sa Egypt nagsimulang gamitin ang
tanso na tinawag na Panahon ng Tanso Ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang
yari sa tanso ay nalinang nang mabuti.
Panahon ng Bronse
Nang matuklasan ang panibagong
paraan ng pagpapatigas ng bronse,
naging malawakan na ang paggamit nito.
Natutuhan ng tao na upang makagawa ng
higit na matigas na bagay ay paghaluin
ang tanso at lata (tin) na tinawag na
bronse o pulang tanso. Iba’t ibang
kagamitan at armas tulad ng espada,
palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at
sibat ang nagagawa mula sa tanso.
Noong 2000 BC lumaganap ang
paggamit ng bronse at ang mga tao ay natutong makipagkalakalan sa mga karatig-pook.
Nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod ang pag-unlad ng palengke at
kalakalan. May mga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman ang nagtayo ng
kani-kaniyang samahan batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa
ng sandalyas. Nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi
ang mga samahang ito.
Panahon ng Bakal
Ang mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong
1500 BC ang nakatuklas ng bakal. Natuto silang magtunaw at magpanday ng bakal at
lubhang mahalaga para sa kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak.
Pinanatiling lihim nila ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal sa matagal na panahon.
Ito ang dahilan na umunlad ang kanilang kabihasnan ng mga Hittite at madalas silang
nanalo sa mga digmaan. Lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian nang
natuklasan ang kanilang lihim at marahil ito ang dahilan ng paghina ng kaharian ng Hittite.
https://pixabay.com/photos/copper-scrap-
metal-scrap-disposal-1504098/
Pagyamanin
Gawain 2: i-Graphic Organizer Mo!
Buuin ang graphic organizer batay sa nabasa mong teksto. Matapos mabuo ay
sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sa activity notebook.
9
Mga Tanong:
1. Anu-ano ang mga yugto sa panahon ng metal?
2. Nakabuti ba ang pagbabagong naganap sa panahon ng metal sa pamumuhay ng
mga sinaunang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot.
Isaisip
Gawain 3: Katangian Ko, Ibigay Mo
Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga
yugto ng Panahon ng Metal. Sugutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kuwaderno.
Tanong:
1. Nakabuti ba ang pagkatuklas ng metal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_
_
Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan
Panahong ng Tanso
Panahon ng Bronse
Panahon ng Bakal
YUGTO
SA
PANAHON
NG
METAL
Isagawa
Gawain 4: Archaeologist at Work
Isiping isa kang archaeologist na nakahukay ng mga artifacts sa isang lugar. Iyong
susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1.
Pagkatapos ng pagsusuri, sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2.
10
11
Buod
Natutuhan ng mga unang tao sa paglipas ng panahon na paghusayin ang kanilang
mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa pang araw-araw na
pamumuhay. Umunlad ang kanilang kabihasnan at kultura dahil dito,
Sa pamamagitan ng mga labí ng mga unang tao tulad ng bungo, buto, at mga
kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo, nakakuha ang mga antropolohista
ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pamumuhay.
Nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang tao sa Panahon ng
Bato. Ang Panahong Paleolitiko ay tinatayang nagtagal mula noong 2,500,000 BC hanggang
10,000 BC. Ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo habilis, Homo erectus tulad ng
Taong Java at Taong Peking, at Homo sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro-
Magnon ay nabubuhay sa panahong ito.
Ang Panahong Mesolitiko ay nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC. Ang
panustos na pagkain ang pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito.
Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim
nahubog ang Panahong Neolitiko. Ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito
ang pagtatanim o pagsasaka.
Malambot ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas kaya hindi ito
kapakipakinabang sa tao kaya hindi nagkaroon ng panahon ng ginto.
Dahil sa tanso naging mabilis ang pag-unlad ng tao. Nang matuklasan ang
panibagong paraan ng pagpapatigas ng bronse, naging malawakan na ang paggamit nito.
Ang magtunaw at magpanday ng bakal ay lubhang mahalaga para sa mga Hittite ng limang
beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak
Ang ating kaalaman sa mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko
ay makatutulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa
ating kasalukuyang panahon.
12
Pagtatasa
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT:
Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o
kwaderno.
1. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko?
A. 7,000BC
B. 8,000BC
C. 9,000 BC
D. 10,000 BC
2. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko?
A. Sistematikong paghahayupan
B. Sistematikong pagtatanim
C. Sistematikong pangingisda
D. Sistematikong pangangaso
3. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal?
A. Ginto
B. Pilak
C. Tanso
D. Bronse
4. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na
matigas na bagay?
A. Pulang tanso
B. Pulang bato
C. Pulang araw
D. Pulang buwan
5. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse?
A. Makipagkuwentuhan
B. Magsaka
C. Makipagkalakalan
D. Magluto
6. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko?
A. Panahon ng Biak na Bato
B. Panahon ng Lumang Bato
C. Panahon ng Ordinaryong Bato
D. Panahon ng Makabagong Bato
7. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong
Paleolitiko?
A. Bakal
B. Tanso
C. Apoy
D. Tubig
8. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang
unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato?
A. Homo Erectus
B. Giant Man
C. Handy Man
D. Rational Man
9. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng
kagamitang bato?
A. Homo habilis
B. Taong Neandertal
C. Taong Cro-Magnon
D. Homo erectus
10. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala?
A. Tabon
B. Cro-Magnon
C. Erectus
D. Habilis
13
14
Susi sa Pagwasto
PANIMULANG PAGSUSULIT
A
A
A
B
A
A
D
D
D
C
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
1. D
B
A
A
C
B
C
C.
D.
B.
15
Sanggunian:
Aklat:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna
Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education,2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
Websites:
Blogger.com, ―Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020,
http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/
O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg
Google Drive, ―Grade 8 DLP First Quarter,‖ Accessed May 28, 2020,
https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view
LRMDS Portal, ―EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035
Britannica.com, ―Middle Paleolithic,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/
event/Stone-Age/Middle-Paleolithic
Britannica.com, ―Homo erectus,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/
Homo-erectus
Britannica.com, ―Homo sapiens,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/
Homo-sapiens
Wikipedia.org, ―Gitnang Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/
Gitnang_Paleolitiko
Wikipedia.org, ―Mababang Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/
Mababang_Paleolitiko
Wikipedia.org, ―Itaas na Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/
Itaas_na_Paleolitiko
Wikipedia.org, ―Tao.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/Tao
Britannica.com, ―Homo sapiens,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/
Homo-sapiens/Behavioral-influences
https://humanorigins.si.edu/evidence/human-fossils/species/homo-erectus
Britannica.com, ―Homo erectus,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/
Homo-erectus/Fossil-evidence
Wikipedia.org, ―Neanderthal.‖ Accessed May 28, 2020, ttps://tl.wikipedia.org/wiki/Neandertal
16
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to AP8_q1_mod3_MgaYugtongPagunladngKulturasaPanahongPrehistoriko_v5.pdf

AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx23december78
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)OLIVERRAMOS29
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxDepEd
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdf
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdfAP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdf
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdfWizlyVonLedesmaTandu
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfMarjhieValuis1
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfnelietumpap1
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfUNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfCarmelaVirata1
 
Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Gabriel Fordan
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfJohnnyJrAbalos1
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxrufinodelacruz3
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoLiezlMae
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Gabriel Fordan
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfnelietumpap1
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANLiGhT ArOhL
 

Similar to AP8_q1_mod3_MgaYugtongPagunladngKulturasaPanahongPrehistoriko_v5.pdf (20)

AP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docxAP 9 Modyul 1.docx
AP 9 Modyul 1.docx
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
 
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdf
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdfAP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdf
AP8_q1_mod4_ImpluwensiyangHeograpiyasamgaSinaunangKabihasnan_v5.pdf
 
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdfEsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
EsP8_Q1_Mod1_AngPamilyaBilangNaturalNaInstitusyon_Version3.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfUNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
 
Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4
 
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdfKPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
KPWKP_Q1_Module2 Kahulugan at Kabuluhan ng Wika 2.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 3 FOR STUDENT.pptx
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3
 
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdfESP-Q2_MODULE-9.pdf
ESP-Q2_MODULE-9.pdf
 
Ap lm yunit 2
Ap lm   yunit 2Ap lm   yunit 2
Ap lm yunit 2
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
FIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdfFIL6-Q1-M2.pdf
FIL6-Q1-M2.pdf
 
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNANK TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
K TO 12 GRADE 2 LEARNING MATERIAL IN ARALING PANLIPUNAN
 

Recently uploaded

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxjobellejulianosalang
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...mtmedel20in0037
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxNaennylMTanuban
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxCristyJoySalarda
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptxYollySamontezaCargad
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeronapacibe55
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...erickacalugcugan001
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxlevyandhrei14
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 

Recently uploaded (20)

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptxAng muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles (5).pptx
 
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
Grade 8, Module 1 Quarter 4Unang Digmaang Pandaigdig sanhi, dahilan, at bunga...
 
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docxMga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
Mga ideolohiyang laganap sa daigdig.docx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptxGreen Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
Green Forest Tropical Modern Illustration World Rainforest Day Video.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
564364976-PAG-OORGANISA-AT-PAGSUSURI-NG-DATOS.pptx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math treeMATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
MATHEMATICS 3.pptx present ing math tree
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
Araling Panlipunan 6 4th Quarter Mga Pangyayaring nagbigay daan sa People pow...
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptxNOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
NOLI ME TANGERE KABANATA (ANG MGA SAKRISTAN) 15.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 

AP8_q1_mod3_MgaYugtongPagunladngKulturasaPanahongPrehistoriko_v5.pdf

  • 1. Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
  • 2. Araling Panlipunan – Grade 8 Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3: Mga Yugto ng Pag-Unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko First Edition, 2020 Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education – Division of Gingoog City Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Development Team of the Module Writer: Alging Salazar Lloren, PhD Reviewer: Evaluator: Norebel A. Balagulan, PhD Lenore Boa Illustrator & Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan Management Team Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Schools Division Superintendent Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD Assistant Schools Division Superintendent Pablito B. Altubar CID Chief Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Gingoog City Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118 E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
  • 3. 8 Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 3 Mga Yugto ng Pag-unlad ng Kultura sa Panahong Prehistoriko
  • 4. Talaan ng mga Nilalaman Paunang Salita ..........................................................................................................................i Alamin ........................................................................................................................................i Pangkalahatang Panuto..........................................................................................................ii Mga Icon ng Modyul............................................................................................................... ii Subukin....................................................................................................................................iii Aralin 1: Panahon ng Bato......................................................................................................1 Tuklasin.....................................................................................................................................1 Gawain 1: Kung Ikaw Kaya?..................................................................................................1 Suriin .........................................................................................................................................2 Pagyamanin..............................................................................................................................5 Gawain 2: Yugto, Tukuyin Mo................................................................................................5 Isaisip ........................................................................................................................................6 Gawain 3: Ano Ngayon? Chart ..............................................................................................6 Isagawa .....................................................................................................................................7 Gawain 4: Pag-isipan Mo!......................................................................................................7 Aralin 2: Panahon ng Metal ....................................................................................................8 Tuklasin.....................................................................................................................................8 Gawain 1: Ilista Mo!................................................................................................................8 Suriin .........................................................................................................................................8 Pagyamanin..............................................................................................................................9 Gawain 2: i-Graphic Organizer Mo! .......................................................................................9 Isaisip ......................................................................................................................................10 Gawain 3: Katangian Ko, Ibigay Mo.....................................................................................10 Isagawa ...................................................................................................................................11 Gawain 4: Archaeologist at Work.........................................................................................11 Buod ........................................................................................................................................12 Pagtatasa ................................................................................................................................13 Susi sa Pagwasto...................................................................................................................15 Sanggunian.............................................................................................................................16
  • 5. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag- unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang. Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na! Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito. Alamin Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: nasusuri ang yugto ng pag-unlad ng kultura sa panahong prehistoriko (AP8HSK-If-6). Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Panahon ng Bato at Panahon ng Metal. i
  • 6. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito: 1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin angmga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. 2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. 4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul. Mga Icon ng Modyul Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Pagtatasa Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Susi sa Pagwasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. ii
  • 7. Subukin Panimulang Pagsusulit: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o kwaderno. 1. Anong kataga ang pinagmulan ng Paleolitiko na nangangahulugan na matanda at lithos o bato? A. Neos B. Luma C. Old D. Paleos 2. Ano ang ugat sa pagsimula ng paggamit ng kasangkapang bato sa Panahon ng Paleolitiko? A. Hominid B. Humanoid C. Polaroid D. Taong Neandertal 3. Saan natuklasan ang labi ng taong Neanderthal? A. Germany B. Italy C. France D. Spain 4. Ano ang unang pamayanan na kadalasang matatagpuan sa mga lambak? A. Dumpsite B. Campsite C. Tree house D. Village 5. Ano ang ibig sabihin ng salitang meso sa Griyego? A. Gitna B. Huli C. Luma D. Bago 6. Ano ang salitang Greek na nangangahulugan na ―bago‖ sa Panahong Neolitiko? A. Neos B. Bios C. Paleos D. Zeus 7. Ano ang isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon)? A. Catal Village B. Anatolia Village C. Baghdad D. Catal Huyuk
  • 8. 8. Ano ang simulang ginamit noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC naman sa Egypt? A. Ginto B. Pilak C. Bronse D. Tanso 9. Sino ang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC na nakatuklas sa bakal? A. Sumerian B. Babylonian C. Assyrian D. Hittite 10. Ilang beses kahalaga sa ginto ang bakal noong hindi pa gaanong marunong magmina nito ang mga tao? A. Tatlo B. Apat C. Limang D. Anim E. iii iv
  • 9. Aralin 1 Panahon ng Bato Tuklasin . Gawain 1: Kung Ikaw Kaya? Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili sa cloud callout ng dalawang bagay na sa tingin mo ay makatutulong sa iyong pang-araw- araw na pamumuhay. Sagutin ang mga tanong sa ibaba https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Thinking_Cartoon_Businessman_(Flipped).svg Mga Gabay na Tanong: 1. Alin ang iyong napili? 2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili? 3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung mayroon ka ng mga bagay na iyong napili? Ipaliwanag ang iyong sagot. BATO APOY KAHOY BANGA BUTO NG HAYOP 1
  • 10. Suriin Sa pamamagitan ng mga labí ng mga unang tao tulad ng bungo, buto, at mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo, nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pamumuhay. Nalaman natin ang kanilang mga gawain at pamamaraan ng pamumuhay sa siyang bumubuo ng kanilang kultura. Upang lalong maging epektibo ang mga ito sa araw-araw na pakikipagsapalaran, natutuhan ng mga unang tao na paghusayin ang kanilang mga kagamitan Umunlad din ang kanilang kabihasnan at kultura hanggang ang iba’t ibang kapuluan ng daigdig ay mapaunlad sa kasalukuyang kabihasnan. Panahon ng Bato Nakalinang ng sibilisasyon ang mga sinaunang tao sa mahabang panahong nagdaan, Bilang grupo ng sampu hanggang 30 katao, pangangaso at pangingisda ang ikinabubuhay nila at kadalasan sa mga yungib sila sumislong o nanahanan. Panahong Paleolitiko Ang Panahong Paleolitiko ay tinatayang nagtagal mula noong 2,500,000 BC hanggang 10,000 BC. Ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo habilis, Homo erectus tulad ng Taong Java at Taong Peking, at Homo sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro-Magnon ay nabubuhay sa panahong ito. Sila ay nakatira sa yungib upang pangalagaan ang sarili sa malamig na panahon. Pagala-gala sila sa paghahanap ng pagkain dahil katatapos pa lamang ng panahon ng pagyeyelo at maaring kasalukuyan pang nagyeyelo sa ibang bahagi ng daigdig at walang permanenteng tirahan ang mga tao. Sa pamamagitan ng mga kamay lamang sila ay nanghuhuli ng mga hayop sa lupa at mga isda sa tubig. Minsan, gumagamit sila ng batong panghampas o pambato at sanga ng kahoy upang maging madali ang pamimitas ng mga bungangkahoy. Ang gamit ng apoy ay natuklasan din sa panahon ito na maaring hindi sinasadya dahil tinamaan ng kidlat ang isang puno, nasunog at nagbigay ng init sa paligid na maganda ang epekto sa panahon ng taglamig. Ang ―Panahon ng Lumang Bato‖ (Old Stone Age) ay tawag din ng Panahong Paleolitiko.  Sa mga katagang ―paleos” o matanda at ―lithos” o bato nagmula ang salitang Paleolitiko  Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan  Nagsisimula ng paggamit ng kasangkapang bato  Ang mga sinaunang tao ay unang gumamit ng apoy at nangaso Mababang Paleolitiko (Lower Paleolithic Period)  Nagtagal ang panahong ito mula noong higit-kumulang na 3.3 milyong taong hanggang noong bandang 300,000 taong nakalipas  Ang pinaka-unang bahagi o subdibisyon ng Paleolitiko  Ang mga kasangkapan ay hindi pa nililikha  Dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato, ang Homo habilis ay nangangahulugang able man o handy man 2
  • 11.  Sinundan sila nang higit na may kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato, ang mga Homo erectus Gitnang Paleolitiko (Middle Paleolithic Period)  Sumasaklaw mula 300,000 hanggang 30,000 taon ang nakalilipas  Ito ang ikalawang subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahong Bato  Noong 100,000 taon ang nakalilipas lumitaw ang makabagong tao  Ang pagiging artistiko ng mga tao ay umusbong gaya ng pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato  Sa panahong ito yumabong ang taong Neanderthal na natuklasan sa Germany ang mga labi Itaas na Peleolitiko (Upper Paleolithic Period)  Ang ikatlo at huling subdibisyon ng Paleolitiko o Lumang Panahon ng Bato  Sa pagitan ng 50,000 at 10,000 taong nakalilipas  Nagmukhang campsite ang mga unang pamayanan na makikita sa mga lambak  Nawala sa panahong ito ang mga Taong Neanderthal at napalitan ng mga Taong Cro- Magnon  Ang pagpapangkat sa lipunan ay lumitaw.  Pangkalahatang ginagamit upang tukuyin ang panahon sa Europa. Mga Homo sapiens Ang Homo neanderthalensis na nabubuhay 300,000 - 28,000 taon nakalipas ang pinakahuling species ng ebolusyon ng tao. Ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species ay higit na malaki kaya nangangahulugan na higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan. Ang Cro- Magnon ay lumikha ng sining ng pagpipinta sa kuweba habang may mga patunay na may kaalaman ang Neanderthal sa paglilibing. Taong Neanderthal Taong Cro-Magnon Panahong Mesolitiko Ang salitang meso sa Griyego ay nangangahulugang ―gitna‖ kaya tinawag itong Gitnang Panahon ng Bato. Ang mga gawain sa panahong paleolitiko ay nagsama-sama dito habang unti-unting pumapasok ang tao sa Panahon ng Neolitiko. Ang Panahong Mesolitiko ay nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 https://humanorigins.si.edu/sites/default/files/style s/full_ width/public/ images/square/ sapiens_ Cromagon_HOP_ 3qtr_rt_sq.jpg?itok=CODZlkAo https://humanorigins.si.edu/sites/default/fil es/styles/medium/public/images/square/n eanderthalensis_laferrassie_skull_3qtr_sq .jpg?itok=9EmxIh-p 3
  • 12. BC. Isang antropolohista na si Sir John Marshall ang nagmungkahi sa teorya ng ―paghamon at pagtugon.‖ Ito ay upang masagot ang matulin na pagbabagong nangyari sa kapaligiran (hamon) ng mga tao sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kaugalian at mga gawaing kilos (tugon). Samantalang namuhay sa kasukalan ang ibang nanatili sa lumang kaalaman nakahandang tumanggap ang ibang pangkat ng pagbabago. Ang Panahon ng Mesolitiko ay tumagal ng 3000 taon sa Mesopotemia at kaunting panahon lamang sa Europa. Ang panustos na pagkain ang pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito. Kaysa umasa sa likas na kayamanan, ang pinakasolusyon dito ang pagiging prodyuser ng tao ngunit mahirap na hamon ito sa nagbabagong klima. Rebolusyong Neolitiko Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim nahubog ang Panahong Neolitiko. Ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito ang pagtatanim o pagsasaka. Marahil natuklasan ng tao ang pagtatanim nang minsan, nakakita siya ng isang uri ng bunga na may maraming buto sa paghahanap niya ng bungangkahoy na noon ay paunti na nang paunti. Ang pagpapalayok ay nagsimula rin sa panahong ito. Natuto rin silang gumawa ng mga bagay na yari sa putik tulad ng laryo (bricks) na ginagamit sa paggawa ng bahay, na pinatitigas sa pugon, gaya ng sa Mesopotamia o kaya ay pinatitigas sa init ng araw gaya ng sa India. Malaki ang naging pagbabago sa kasangkapan ng tao sa panahong ito. Ang dating magagaspang na bato ay pinakinis at ginawang iba’t ibang laki at hugis ayon sa kanilang gamit. May pang-ahit, pamutol ng buhok, pamutol ng kahoy, panghiwa, gamit sa pagsasaka, pamatay ng hayop, armas, at marami pang iba. Ang pag-aalaga ng hayop na nasimulan noong Panahong Mesolitiko ay lalo pang pinag-ibayo. Kalaunan, ang mga hayop katulad ng kabayo, baka at aso ay ginamit na sasakyan o tagahila ng behikulo katulad ng paragos at karwahe. Sa panahong ito nabago rin ang mga tirahan dahil higit pang nalinang ang permanenteng tirahan na nagsimula noong Panahong Mesolitiko. Sa pag-unlad ng pagsasaka, at pag-imbento ng asarol at iba pang gamit sa bukid, kailangang tumira ang tao sa isang lugar habang hinihintay niyang tumubo at maani ang kanyang pananim. Gumagawa siya ng mga palayok at iba pang gamit na yari sa putik habang wala pa ang tag-ani. Dahil mahirap umasa sa mga balat ng hayop upang gawingdamit natuto siyang maghabi ng banig, basket at tela. Ang produksyon ay para lamang sa pansariling konsumo at sa mga kaanak noong una ngunit hindi nagtagal, ang tao ay nakapag-iimbak ng maraming bagay para sa sariling gamit. Dahil dito, nagsimula ang sistemang barter o ang pagpapalitan ng produkto kung saan ang sobrang produkto ay dinadala sa lugar ng palitan. Pumupunta ang tao rito upang makipagpalit ng produkto kung may kailangan siya. Ang konsepto ng palengke ay nagsimula rito. Umisip ng paraan ang tao upang maging maayos ang sistema ng palitan dahil naging mahirap na ang pakikipagpalitan ng produkto kaya naimbento ang sistema ng palitan gaya ng sa Mesopotamia na ang unang ginamit na papalit produkto ay buto ng cacao.  Ang Panahong Neolitiko (Neolithic Period) o Panahon ng Bagong Bato (New Stone Age) na hango sa mga salitang Greek na neos o ―bago‖ at lithos o ―bato‖ ang tawag sa 4
  • 13. huling bahagi ng Panahong Bato.  Upang italaga ang isang antas ng ebolusyong pangkalinangan o pagbabago sa pamumuhay at teknolohiya, ang terminong neolitiko ay ginagamit sa arkeolohiya at antropolohiya.  Kilala sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi ang panahong ito  Ang Rebolusyong Neolitiko o sistematikong pagtatanim na isang rebolusyong agrikultural sapagkat natustusan na ang pangangailangan sa pagkain ay naganap sa panahong ito.  Upang alagaan ang mga pananim nagkaroon ng permanenteng paninirahan sa isang lugar.  Catal Huyuk – Isang pamayanang Neolitikong matatagpuan sa kapatagan ng Konya ng gitnang Anatolia (Turkey ngayon) at isang pamayanang sakahan na may populasyong mula 3000 – 6000 katao  Ang mga dingding ng kabahayan ay magkakadikit at mula sa bubungan pababa sa hagdan ang tabing pasukan ng isang bahay.  Sa loob ng kanilang bahay inililibing ang mga yumao . Pagyamanin Gawain 2: Yugto, Tukuyin Mo. Basahin at unawain ang mga katangian/kondisyon na nasa unang kolum ng talahanayan. Tukuyin sa ikalawang kolum kung anong yugto ng sinaunang panahon gaya ng Lower Paleolithic, Middle Paleolithic, Upper Paleolithic, Panahong Mesolithic o Neolithic ang inilalahad ng mga katangian/kondisyon na nakasulat sa unang kolum. Isulat sa gawaing kuwaderno ang sagot. Is ai si p Gawain 3: Ano Ngayon? Chart KATANGIAN/ KONDISYON Yugto ng Sinaunang Panahon 1. Ang pagtatanim o pagsasaka ang pinaka mahalagang kontribusyon ng panahong ito. 2. Umusbong ang pagiging artistiko ng mga tao sa pagpipinta sa katawan at pagguhit sa bato. 3. Pinakamaagang pananatili ng tao sa daigdig. 4. Nagkaroon na ng mga unang pamayanan sa anyong mga campsite na kadalasang mata tagpuan sa mga lambak. 5. Pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito ang panustos na pagkain. 5
  • 14. Pagkatapos tukuyin ang mahahalagang konsepto tungkol sa bawat yugto ng pag- unlad ng kultura ng tao, maiisip din ang kahalagahan ng mga konseptong ito sa kasalukuyang pamumuhay. Nararapat iugnay ang mga pangyayari ng nakaraan sa kasalukuyan sapagkat sa tulong nito, mas nakikita ang tunay na kabuluhan ng kasaysayan. Tukuyin ang kahalagahan ng ilan sa mga pangyayaring naganap sa iba’t ibang yugto ng pag-unlad ng sinaunang tao sa tulong ng Ano Ngayon? Chart, Isulat sa kahon ang kahalagahan o epekto sa kasalukuyan ng pangyayaring nasa kaliwang kahon. Gawin ito sa iyong activity notebook. (Halaw sa EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig) 6
  • 15. Isagawa Gawain 4: Pag-isipan Mo! Mula sa iyong nalaman ukol sa mga sinaunag tao, ano sa iyong palagay ang anyo, katangian at pamumuhay ng ating mga ninunong Pilipino? Ilahad ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagguhit sa iyong kuwaderno. 7
  • 16. Aralin 2 Panahon ng Metal Tuklasin Gawain 1: Ilista Mo! Maglista ng mga bagay na iyong pag-aari o nasa inyong bahay na yari sa metal o may bahaging metal. Isulat ito sa unang kolum ng talahanayan at sa ikalawang kolum isulat ang paliwanag kung paano ito ginagamit. Suriin Panahon ng Metal Ang ginto na nakukuha lamang sa gilid ng ilog Tigris at sinasala dahil nakahalo sa buhangin ang kauna-unahang natuklasang uri ng metal. Malambot ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas kaya hindi ito kapakipakinabang sa tao kaya hindi nagkaroon ng panahon ng ginto. Ang sumunod na natuklasan ng tao ay ang tanso (copper) na nahuhulma sa iba’t ibang hugis na nais ng tao dahil matigas ito kaysa ginto. Panahon ng Tanso Dahil sa tanso naging mabilis ang pag-unlad Mga gamit na yari sa metal Paano ito ginagamit? 1. 2. 3. 4. 5.
  • 17. 8 https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9 GcTVuW6FIbmSsEnWC6ny7wEHOQWbdgQeEej7pg&usqp=C https://www.pickpik.com/iron-rebar-house-construction-iron- rods- steel-rusty-147760 ng tao ngunit ang paggamit sa kagamitang yari sa bato ay patuloy pa rin. Noong 4000 BC sa mga lugar sa Asia at 2000BC sa Europe at 1500 BC sa Egypt nagsimulang gamitin ang tanso na tinawag na Panahon ng Tanso Ang paggawa at pagpapanday ng mga kagamitang yari sa tanso ay nalinang nang mabuti. Panahon ng Bronse Nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas ng bronse, naging malawakan na ang paggamit nito. Natutuhan ng tao na upang makagawa ng higit na matigas na bagay ay paghaluin ang tanso at lata (tin) na tinawag na bronse o pulang tanso. Iba’t ibang kagamitan at armas tulad ng espada, palakol, kutsilyo, punyal, martilyo, pana, at sibat ang nagagawa mula sa tanso. Noong 2000 BC lumaganap ang paggamit ng bronse at ang mga tao ay natutong makipagkalakalan sa mga karatig-pook. Nagbigay daan sa pag-usbong ng mga bayan at lungsod ang pag-unlad ng palengke at kalakalan. May mga ekspertong artisano na may kani-kanilang kaalaman ang nagtayo ng kani-kaniyang samahan batay sa produkto na kanilang ginagawa tulad ng mga gumagawa ng sandalyas. Nagsilbing tagasuri sa kalidad ng mga produktong nalilikha ng bawat kasapi ang mga samahang ito. Panahon ng Bakal Ang mga Hittite, isang pangkat ng Indo-Europeo na nakatira sa Gitnang Silangan noong 1500 BC ang nakatuklas ng bakal. Natuto silang magtunaw at magpanday ng bakal at lubhang mahalaga para sa kanila ito ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak. Pinanatiling lihim nila ang pagtutunaw at pagpapanday ng bakal sa matagal na panahon. Ito ang dahilan na umunlad ang kanilang kabihasnan ng mga Hittite at madalas silang nanalo sa mga digmaan. Lumaganap ang paggamit ng bakal sa iba pang kaharian nang natuklasan ang kanilang lihim at marahil ito ang dahilan ng paghina ng kaharian ng Hittite. https://pixabay.com/photos/copper-scrap- metal-scrap-disposal-1504098/
  • 18. Pagyamanin Gawain 2: i-Graphic Organizer Mo! Buuin ang graphic organizer batay sa nabasa mong teksto. Matapos mabuo ay sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa iyong sa activity notebook. 9
  • 19. Mga Tanong: 1. Anu-ano ang mga yugto sa panahon ng metal? 2. Nakabuti ba ang pagbabagong naganap sa panahon ng metal sa pamumuhay ng mga sinaunang tao? Ipaliwanag ang iyong sagot. Isaisip Gawain 3: Katangian Ko, Ibigay Mo Punan ang ikalawang kolum ng mga katangian o mahahalagang kaganapan sa mga yugto ng Panahon ng Metal. Sugutin ang tanong sa ibaba. Gawin ito sa gawaing kuwaderno. Tanong: 1. Nakabuti ba ang pagkatuklas ng metal sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan? Ipaliwanag ang iyong sagot. _ _ Panahong ng Metal Katangian/Mahalagang Kaganapan Panahong ng Tanso Panahon ng Bronse Panahon ng Bakal YUGTO SA PANAHON NG METAL
  • 20. Isagawa Gawain 4: Archaeologist at Work Isiping isa kang archaeologist na nakahukay ng mga artifacts sa isang lugar. Iyong susuriin ang bawat artifact na nahukay gamit ang Artifact Analysis Worksheet #1. Pagkatapos ng pagsusuri, sagutan ang Artifact Analysis Worksheet #2. 10 11
  • 21. Buod Natutuhan ng mga unang tao sa paglipas ng panahon na paghusayin ang kanilang mga kagamitan upang lalong maging epektibo ang mga ito sa pang araw-araw na pamumuhay. Umunlad ang kanilang kabihasnan at kultura dahil dito, Sa pamamagitan ng mga labí ng mga unang tao tulad ng bungo, buto, at mga kasangkapang nahukay sa iba’t ibang panig ng mundo, nakakuha ang mga antropolohista ng mga impormasyon tungkol sa kanilang pamumuhay. Nagsimula ang paglinang ng sibilisasyon sa mga sinaunang tao sa Panahon ng Bato. Ang Panahong Paleolitiko ay tinatayang nagtagal mula noong 2,500,000 BC hanggang 10,000 BC. Ang mga Proconsul, Australophitecus, Homo habilis, Homo erectus tulad ng Taong Java at Taong Peking, at Homo sapiens tulad ng Taong Neanderthal at Taong Cro- Magnon ay nabubuhay sa panahong ito. Ang Panahong Mesolitiko ay nagsimula noong 10,000 BC hanggang 7,000 BC. Ang panustos na pagkain ang pinakamalubhang suliranin ng tao sa panahong ito. Sa pamamagitan ng pag-aalaga ng hayop na kinakain at ng pagtuklas sa pagtatanim nahubog ang Panahong Neolitiko. Ang pinakamahalagang kontribusyon ng panahong ito ang pagtatanim o pagsasaka. Malambot ang ginto at hindi maaaring gawing kasangkapan o armas kaya hindi ito kapakipakinabang sa tao kaya hindi nagkaroon ng panahon ng ginto. Dahil sa tanso naging mabilis ang pag-unlad ng tao. Nang matuklasan ang panibagong paraan ng pagpapatigas ng bronse, naging malawakan na ang paggamit nito. Ang magtunaw at magpanday ng bakal ay lubhang mahalaga para sa mga Hittite ng limang beses kaysa ginto at walong ulit kaysa pilak Ang ating kaalaman sa mga yugto ng pag-unlad ng kultura sa Panahong Prehistoriko ay makatutulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon. 12
  • 22. Pagtatasa PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel.o kwaderno. 1. Kailan nagsimula ang Panahong Mesolitiko? A. 7,000BC B. 8,000BC C. 9,000 BC D. 10,000 BC 2. Ano ang tawag sa naganap sa panahong ito ng Rebolusyong Neolitiko? A. Sistematikong paghahayupan B. Sistematikong pagtatanim C. Sistematikong pangingisda D. Sistematikong pangangaso 3. Ano ang itinuturing na kauna-unahang natuklasang uri ng metal? A. Ginto B. Pilak C. Tanso D. Bronse 4. Ano ang tawag sa paghaluin ang tanso at lata (tin) upang makagawa ng higit na matigas na bagay? A. Pulang tanso B. Pulang bato C. Pulang araw D. Pulang buwan 5. Ano ang natutuhan ng mga tao na gawin sa mga karatig-pook sa panahong bronse? A. Makipagkuwentuhan B. Magsaka C. Makipagkalakalan D. Magluto 6. Ano ang ibang tawag ng Panahong Paleolitiko? A. Panahon ng Biak na Bato B. Panahon ng Lumang Bato C. Panahon ng Ordinaryong Bato D. Panahon ng Makabagong Bato 7. Maliban sa pangangaso, ang ang unang ginamit ng mga sinaunang tao sa Panahong Paleolitiko? A. Bakal B. Tanso C. Apoy D. Tubig
  • 23. 8. Ano ang ibang tawag ng Homo habilis ng nangangahulugang able man dahil sila ang unang species ng hominid na marunong gumawa ng kagamitang bato? A. Homo Erectus B. Giant Man C. Handy Man D. Rational Man 9. Ano ang sumunod sa Homo habilis na may higit na kakayahan sa paggawa ng kagamitang bato? A. Homo habilis B. Taong Neandertal C. Taong Cro-Magnon D. Homo erectus 10. Ano ang pumalit sa Taong Neanderthal nang ito ay nawala? A. Tabon B. Cro-Magnon C. Erectus D. Habilis 13 14
  • 24. Susi sa Pagwasto PANIMULANG PAGSUSULIT A A A B A A D D D C PANGWAKAS NA PAGSUSULIT 1. D B A A C B C C. D. B. 15
  • 25. Sanggunian: Aklat: Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education,2014. Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000. Websites: Blogger.com, ―Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020, http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/ O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg Google Drive, ―Grade 8 DLP First Quarter,‖ Accessed May 28, 2020, https://drive.google.com/file/d/1dIkeEgrMEbEx_hEn4XEv0pe-IIGd4hy-/view LRMDS Portal, ―EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6035 Britannica.com, ―Middle Paleolithic,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/ event/Stone-Age/Middle-Paleolithic Britannica.com, ―Homo erectus,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/ Homo-erectus Britannica.com, ―Homo sapiens,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/ Homo-sapiens Wikipedia.org, ―Gitnang Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/ Gitnang_Paleolitiko Wikipedia.org, ―Mababang Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/ Mababang_Paleolitiko Wikipedia.org, ―Itaas na Paleolitiko.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/ Itaas_na_Paleolitiko Wikipedia.org, ―Tao.‖ Accessed May 28, 2020, https://tl.wikipedia.org/wiki/Tao Britannica.com, ―Homo sapiens,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/ Homo-sapiens/Behavioral-influences https://humanorigins.si.edu/evidence/human-fossils/species/homo-erectus Britannica.com, ―Homo erectus,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.britannica.com/topic/ Homo-erectus/Fossil-evidence Wikipedia.org, ―Neanderthal.‖ Accessed May 28, 2020, ttps://tl.wikipedia.org/wiki/Neandertal 16
  • 26. For inquiries or feedback, please write or call: Department of Education — Division of Gingoog City Brgy. 23, National Highway, Gingoog City Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118 E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph