SlideShare a Scribd company logo
1 of 28
Download to read offline
Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Araling Panlipunan – Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency
or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for
profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment
of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module
Writer: Alging Salazar Lloren, PhD
Reviewer:
Evaluator:
Norebel A. Balagulan, PhD
Lenore Boa
Illustrator & Layout
Artist:
Jay Michael A. Calipusan
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
Pablito B. Altubar
CID Chief
Members:
Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan
Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Araling Panlipunan
Quarter 1 – Module 1
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Talaan ng Nilalaman
Paunang Salita ..........................................................................................................................i
Alamin ........................................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto..........................................................................................................ii
Mga Icon ng Modyul............................................................................................................... ii
Subukin....................................................................................................................................iii
Aralin 1: Ang Daigdig ..............................................................................................................1
Tuklasin.....................................................................................................................................1
Gawain 1: Picture-Suri........................................................................................................1
Suriin .........................................................................................................................................2
Heograpiya .........................................................................................................................2
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig....................................................................................2
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao ……………………………….3
Grid ng Daigdig...................................................................................................................3
Meridian ..............................................................................................................................3
Parallel................................................................................................................................3
Latitud .................................................................................................................................3
Longhitud ............................................................................................................................3
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras .............................................................................4
Ang Klima............................................................................................................................4
Pagyamanin..............................................................................................................................4
Gawain 2: Guhit Ko, Tukuyin Mo........................................................................................4
Isaisip ........................................................................................................................................5
Gawain 3: Malayo Man, Malapit Din ..................................................................................5
Isagawa .....................................................................................................................................6
Gawain 4: Tala-Puna..........................................................................................................6
Aralin 2: Ang Mga Kontinente ................................................................................................7
Alamin .......................................................................................................................................7
Suriin .........................................................................................................................................7
Ang Mga Kontinente...........................................................................................................7
Mga Anyong Tubig .............................................................................................................8
Mga Uri ng Anyong Tubig...................................................................................................9
Mga Anyong Lupa ..............................................................................................................9
Mga Uri ng Anyong Lupa..................................................................................................10
Pagyamanin............................................................................................................................11
Gawain 1: The Map Says ................................................................................................11
Isaisip ......................................................................................................................................12
Gawain 2: Anyo Mo, Ilarawan Ko.....................................................................................12
Isagawa ...................................................................................................................................12
Gawain 3: Iguhit Ko, Kuwento Ko ....................................................................................12
Buod ........................................................................................................................................13
Pagtatasa ................................................................................................................................14
Susi sa Pagwasto...................................................................................................................16
Sanggunian.............................................................................................................................17
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral
kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang
mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang
maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan
sa ika-walong baitang.
Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka
ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na! Aral
na tayo sa gitna ng pandemyang ito.
Alamin
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig
(AP8HSK-Id-4).
Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Ang Daigdig at Ang Mga
Kontinente.
i
Pangkalahatang Panuto
Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito:
1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin angmga
direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales.
2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan.
3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan.
4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul.
Mga Icon ng Modyul
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Pagtatasa
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Susi sa
Pagwasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain
sa modyul.
ii
Subukin
Panimulang Pagsusulit:
Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o
kwaderno.
1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo
patungo sa isa pang polo?
A. Latitud
B. Longhitud
C. Ekwador
D. Meridian
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan?
A. Atlantic
B. Indian
C. Pacific
D. Mediterranean
3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang
pinakamalaking populasyon sa daigdig?
A. Africa
B. Amerika
C. Asya
D. Europe
4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan
ng timog at hilaga?
A. Ekwador
B. Parallel
C. Longhitud
D. Meridian
5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat?
A. Burol
B. Elebasyon
C. Relief
D. Talampas
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng
daigdig?
A. Ang daigdig ay tahanan ng tao.
B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa.
C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao.
D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan.
iii
7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig?
A. Klima at panahon
B. Porma at elebasyon ng lupa
C. Lawak at anyo ng katubigan
D. Lahat ng A, B, at C.
8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan?
A. hindi magkatulad
B. may ugnayan sa isa‘t isa
C. magkatulad
D. walang kaugnayan sa isa‘t isa
9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may mahalagang
bahagi sa kasaysayan?
A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon
ng kanyang pagsalakay doon.
B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito.
C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl malamig doon.
D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas.
10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa
radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba‘t
ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang
mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang
gampanin bilang residente ng daigdig na ito. Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na
pangalagaan ang kalikasan?
A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan
B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao
C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito
D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng
buhay ng mga taong naninirahan dito.
iv
Aralin
1 Ang Daigdig
Tuklasin
Gawain 1: Picture-Suri
Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba
upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa ibaba.
https://freesvg.org/3d-earth-globe
Tanong:
1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan?
2. Anong mga katangian ang nakikita mong tinataglay ng nasa larawan?
E_R_H
1
Heograpiya
Suriin
Ang ‗heograpiya‘ ay salitang nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at
graphia o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig".
Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical
Geography at ang Heograpiya ng mga tao o Human Geography. Ang Heograpiyang Pisikal
ay isang agham na nagpapaliwanag sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa
kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng
agham-pangkalikasan habang ang heograpiya ng mga tao ay ang pag-aaral ng mga tampok
na heograpiya ng tao sa buong mundo — mga tao, pamayanan, at mga tanawin ng lupa.
Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
Isa sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw, ang planetang
Earth o ang daigidig. Ang mga ito ang bumubuo sa tinatawag na solar system. Kumukuha ng
enerhiya mula sa araw ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao. Naaapektuhan
ng araw gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima,
at panahon. Ang sinag ng araw ay mahalaga rin sa mga halaman upang mabuhay at
maganap ang photosynthesis. Nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang ang
mga halamang. Masasabing dulot ng tiyak na posisyon sa solar system ang pagkakaroon ng
buhay sa daigdig. Patunay sa ideyang ito ang pag- inog ng daigdig sa sariling aksis at ang
paglalakbay paikot sa araw bawat taon.
Binubuo ng crust, mantle at core ang daigdig. Matigas at mabatong bahagi ng
planetang ito ang crust na umaabot ang kapal mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa
mga lupa. Ngunit, ito ay may kapal lamang na 5-7 km sa mga karagatan.
Isang patong ng mga batong
napakainit ang mantle kaya malambot
at natutunaw ang ilang bahagi nito.
Core ang tawag ng kaloob-
loobang bahagi ng daigdig na binubuo
ng mga metal tulad ng iron at nickel.
May plate o malalaking masa
ng solidong bato ang daigdig na hindi
nananatili sa posisyon at gumagalaw
na tila mga balsang inaanod sa mantle.
May apat na hatingglobo
(hemisphere) ang daigdig: ang Northern
Hemisphere at Southern Hemisphere
na hinahati ng equator, at ang Eastern
Hemisphere at Western Hemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.
http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg
2
Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao
Ang kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga
mineral ang bumubuo sa pisikal na katangian ng daigdig Ang bawat katangian ay
nakaiimpluwensiya sa isa't isa. Halimbawa, nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot
naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon ang sistema ng halaman. Nabubuhay
sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang- dagat at
lupa ang mga hayop. May benepisyong nakukuha buhat sa mga tao ang mga halaman. Ang
mga ito ay ilan lamang sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig.
Grid ng Daigdig
Mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na nagiging patag sa mga
polo kung kaharap mo ang globo.
Naglagay ang tao ng mga kathang-
isip na guhit sa mundo upang masukat ang
kinaroroonan ng isang lugar. Ito ay
nagsisimula sa magkabilang dulo ng mga
polo na may tawag na Timog Polo (South
Pole) sa bandang itaas at Hilagang Polo
(North Pole) sa bandang ibaba. Ang
ekwador (equator) ay ang guhit na makikita
sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng
hilaga at timog ng globo. Parallel ng latitud
dahil sa kanilang relasyon sa ekwador ang
tawag ng maliliit na mga bilog na naka-
parallel sa ekwador at ng polo.
Meridian
Meridian ang tawag sa mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo
patungo sa isang polo. Tanghali ang kahulugan ng meridian sa wikang Latin, kaya sabay-
sabay na nakakaranas ng katanghalian ang lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng
isang guhit meridian na nagpapahiwatig na nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Ang
salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang tanghali"
ay dito rin kinuha. Nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali" naman ang post meridian.
Parallel
Walang paraan para magsalubong ang parallel o guhit na kaagapay sa kapwa nito
guhit. Ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, at Antarctic Circle ang apat na
mahalagang parallel na umiinog na daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw.
Latitud
Ang pagitan ng dalawang guhit ng parallel ay tinatawag na latitud. May sukat na
10° o 15° ang bawat pagitan nito. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog
ng ekwador.
Longhitud
Ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian ay
longhitud. Ito ay sinusukat ng digri. Nakasanayan nang sabihin muna ang latitud, susundan
ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog, hilaga, silangan, o kanluran) sa
pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa Daigdig.
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif
3
Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras
Habang umiikot ang daigidig sa araw patuloy ito sa pag-inog sa kanyang axis. Ito ay
taliwas sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi ito gumagalaw. Sa loob ng 24 oras
nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis. 1,609 kilometro bawat oras ang
bilis ng paggalaw ng mga puntos sa ekwador habang umiinog ito. Habang papalapit sa
magkabilangpolonababawasan ang bilis na ito.
Sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, umaabot naman ng 365 1/2 araw ang pag-
ikot ng daigdig sa araw. Dahil matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga
bagay, hindi natin nararamdaman ang nasabing pag-ikot.
Ang isang pag-inog ng daigdig sa kanyang axis ay umaabot ng 24 na oras. Aabot
hanggang sa susunod na hatinggabi kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa
hatinggabi. Ang daigdig ay gumagalaw ng 15 minuto bawat oras o isang galaw bawat apat
na minuto. Dahil umiinog ang daigdig patungo sa silangan, unti-unting pumapailanlang sa
pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran.
Ang Klima
Tanging ang daigdig ang planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng
buhay. May kaaya-ayang kapaligiran o atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig
upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa ang
malaking bahagi ng ating planeta.
Sa isang rehiyon o lugar, mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon
ng atmospera sa matagal na panahon. Ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar
depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa
sea level ang pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig.
Nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan sa buong daigdig ang mga
lugar na malapit sa equator. Dahil dito, matatagpuan sa mga lugar na ito ang maraming
habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba‘t ibang species ng halaman at hayop. Ang
mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp ay kabilang sa mga ito. Kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon
sa isang pook, tulad ng disyerto. Sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon ay
ganito rin ang maaaring asahan.
Pagyamanin
Gawain 2: Guhit Ko, Tukuyin Mo
Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon upang
tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na patlang.
Equator North Pole
Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle
Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole
4
https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif
Isaisip
Gawain 3: Malayo Man, Malapit Din
Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit
o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong nakasulat
sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at iguhit ang
kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing
kwaderno.
1. Pagkakaroon ng rainforest
2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe
3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa
4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao
5. Ang pagkakaroon ng disyerto
Tanong:
1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba‘t ibang panig ng daigdig?
5
2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar?
3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar?
Isagawa
Gawain 4: Tala-Puna
Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o
kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga
pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o
nabasa sa isang pahayagan.
Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito?
1. Bagyo
2. Lindol
3. Baha
4. Pagsabog ng bulkan
5. Ipo-ipo
6. El Niño
6
Aralin
2 Ang Mga Kontinente
Alamin
Sa araling ito, malalaman mo ang mga kontinente sa daigdig. Inaasahan na pagkatapos
ng aralin, magagawa mo ang mga sumusunod:
1. Matutukoy ang mga kontinente at iba‘t ibang anyong tubig;
2. Masusuri ang mga uri ng anyong tubig at anyong lupa; at
3. Maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan.
Suriin
Ang Mga Kontinente
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May
mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory,
dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa
paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan,
nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente.
Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory:
Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente
ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa,
240 milyong taon
•Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran
ng karagatang tinawag na PanthalassaOcean.
200 milyong taon
•Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggangsa mahati sa
dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern
Hemisphere.
65 milyong taon
•Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti-
unting dumidikit sa Asya.
Sa kasalukuyan
•Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetroang
galaw ng North America at Europe bawattaon
7
Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika,
ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa
Micronesia, Melanesia, at Polynesia.
Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile
River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking
disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang
mga kontinente.
Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal
ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica
maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana
sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas
malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya
ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya
rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na
pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng
Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig.
Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor
Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente,
may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan.
Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa
dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains
sa kanluran.
Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula
sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may
habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America.
Mga Anyong Tubig
Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto
ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran.
Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga
lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit
na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay
matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa,
pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus
sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro).
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng
panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na
rason o dahilan.
8
Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang
panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot
hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa
daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic.
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig,
pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng
Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench
sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean.
Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang
napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea,
Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
Mga Uri ng Anyong Tubig
Ating balikan ang iba‘t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan
kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig.
Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang
tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang
Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.)
Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa
karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang
sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat
Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.)
Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong
dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.
Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang
sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa
karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at
Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo.
Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat.
Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa.
Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa.
Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong
tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging
arkipelago nito.
Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa
Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos.
Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy.
Mga Anyong Lupa
Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-
hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya,
at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at
Australia kasama ang Oceania.
Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28 milyong
milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng lupa,
nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific Ocean;
9
Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer
o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag
na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang pinakamalawak at
sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig.
Mga Uri ng Anyong Lupa
Balikan natin ang iba‘t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating pang-
unawaan sa kasaysayan ng daigdig.
Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag
at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay.
Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak
na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok Apo.
Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang
tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang
Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na
kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari
itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang
Pinatubo.
Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang
tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga
luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate.
Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring
mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito.
Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing
taniman.
Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at
magkasunud-sunod.
Pulo — Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig.
Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring
pasukin ng tao at hayop.
Tangway — Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig.
Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway.
Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa.
10
Pagyamanin
Gawain 1: The Map Says
Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png
I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan.
1. Pacific Ocean
2. Atlantic Ocean
3. Indian Ocean
4. Arctic Ocean
5. Southern Ocean
II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa?
a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania
2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente?
a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America
3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe?
a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia
4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa?
a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean
5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa?
a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean
11
Isaisip
Gawain 2: Anyo Mo, Ilarawan Ko
Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at
anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian
ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa
gawaing kwaderno.
Anyong Lupa Katangian
Anyong Tubig Katangian
Tanong:
1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang
pinaninirahan?
2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng kabuhayan
ng tao?
Isagawa
Gawain 3: Iguhit Ko, Kuwento Ko
Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan. Gumuhit
ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya kayong ala-
ala. Gawin ito sa iyong activity notebook.
12
Buod
Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran
– mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ngaraw.
Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay
nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang
nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil
dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba‘t ibang species ng halaman at
hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral
reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa
isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop
dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon.
Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May
pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South
America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania
tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, atPolynesia.
Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na
sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga
rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at
Southern Ocean.
Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat
na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica;
Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama
ang Oceania.
Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang lalo
nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon.
13
Pagtatasa
Pangwakas na Pagsusulit:
Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa
pang polo?
A. Parallel
B. Longhitud
C. Latitud
D. Meridian
2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at
timog?
A. Meridian
B. Parallel
C. Ekwador
D. Longhitud
3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig?
A. Kalupaan
B. Katubigan
C. Klima at Panahon
D. Lahat ng nasa itaas
4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat?
A. Elebasyon
B. Meridian
C. Relief
D. Ekwador
5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig?
A. Indian
B. Atlantic
C. Mediterranean
D. Pacific
6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig?
A. Aprica
B. Europa
C. Asya
D. Hilagang Amerika
7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng
kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig?
A. Klima
B. Anyo at lawak ng katubigan
C. Porma ng lupa
D. Lahat ng nasa itaas
14
8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa?
A. Kabuhayan
B. Panlipunan
C. Pulitika
D. Pangkabuhayan
9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito ng daigdig bilang tahanan ng tao at
nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay?
A. Pisikal
B. Pulitika
C. Kultura
D. Panlipunan
10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin?
A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan.
B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan.
C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya sa pagpapahalaga sa kalikasan.
D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy
nang maayos ang buhay ng tao.
15
Susi sa Pagwasto
Panimulang Pagsusulit:
A
B
B
A
Pangwakas na Pagsusulit:
A
B
A
16
Sanggunian:
Aklat:
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene
S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan
ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000.
Websites:
Blogger.com, ―Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020, http://4.bp.
blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/O7OSDmSQtng/s200/
10155E8ErdeSchalenbau.jpg
Countries of the world.com, ―Continents Map,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.
countries-of the world.com/img/ continents-map.png.
LRMDS Portal, ―EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020,
https://lrmds.deped.gov.ph/ detail/6035.
National Geographic, ―Crust,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.national
geographic.org/ encyclopedia/crust/.
National Ocean Service, ―How many oceans are there?‖ Accessed May 28, 2020,
https://oceanservice.noaa.gov/ facts/howmanyoceans.html.
Phys.org, ―What are the Earth's layers?‖ Accessed May 28, 2020,
https://phys.org/news/ 2015-12-earth-layers.html.
Wikimedia.org, ―Africa,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/thumb/8/86/Africa_%28orthographic_projection%29.svg/
1200px-Africa_%28orthographic_ projection%29.svg.png
Wikimedia.org, ―Antartica,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/
commons/thumb/f/f2/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-Antarctica
_%28orthographic_ projection%29.svg.png.
Wikimedia.org, ―Asia,‖ Accessed May 28, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Asia#/
media/File:Asia(orthographic_ projection).svg.
Wikimedia.org, ―Australia,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/thumb/e/e8/Australia-NewGuinea_%28orthographic_ projection
%29.svg/1200px-Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection %29.svg.png.
Wikimedia.org, ―Europe,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/thumb/4/44/Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary
%28with_borders%29.svg/220px-Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary
%28with_ borders%29.svg.png
17
Wikimedia.org, ―North America,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/4/43/ Location_North_America.svg.
Wikimedia.org, ―South America,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/
wikipedia/commons/thumb/0/0f/South_America_%28orthographic_projection%29.
svg/1200px-South_America_%28orthographic_projection%29.svg.png.
World Geography Glossary, ―Globe,‖ Accessed May 28, 2020, https://i.infopls.com/images/
04alm_globeprojection.gif.
18
AP8_q1_mod1_AngKatangiangPisikalngDaigdig_v5.pdf

More Related Content

Similar to AP8_q1_mod1_AngKatangiangPisikalngDaigdig_v5.pdf

UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfUNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfCarmelaVirata1
 
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers GuideTG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers GuideAilaAnissaBanaag
 
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfMaui Taylor
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Gabriel Fordan
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoLiezlMae
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocCamille Ann Delbarrio
 
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Paolo Dagaojes
 
Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Gabriel Fordan
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...charmaignegarcia
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfjhoncristiantolentin
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfWynxLegitimacy
 

Similar to AP8_q1_mod1_AngKatangiangPisikalngDaigdig_v5.pdf (20)

K to 12 Ekonomiks LM Q1
K to 12 Ekonomiks LM Q1K to 12 Ekonomiks LM Q1
K to 12 Ekonomiks LM Q1
 
Ekonomiks lm u2
Ekonomiks lm u2Ekonomiks lm u2
Ekonomiks lm u2
 
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdfUNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
UNESCO_ALS_LS1_FILIPINO_M01_V2.pdf
 
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers GuideTG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
TG_FILIPINO-10_Q3.pdf Baitang 10 Teachers Guide
 
Ekonomiks_LM_U4.docx
Ekonomiks_LM_U4.docxEkonomiks_LM_U4.docx
Ekonomiks_LM_U4.docx
 
Ap 4 lm q3
Ap 4 lm q3Ap 4 lm q3
Ap 4 lm q3
 
Ap 4 lm q3
Ap 4 lm q3Ap 4 lm q3
Ap 4 lm q3
 
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdfpdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
pdfcoffee.com_pagbasa11-q3-mod10-pagbuo-ng-konseptong-papel-v3-pdf-free.pdf
 
Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3Lm ekonomiks grade10_q3
Lm ekonomiks grade10_q3
 
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakataoGrade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
Grade 8-learning-module-values-education-edukasyon-sa-pagpapakatao
 
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-VocPagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang ng Tech-Voc
 
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
Filipino sa Piling Larang Tech-Voc (Kagamitan ng Mag-aaral)
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
3 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.03 es p lm q1 v1.0
3 es p lm q1 v1.0
 
Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4Lm ekonomiks grade10_q4
Lm ekonomiks grade10_q4
 
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...Mother Manuscript  WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ...
 
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdfFIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
FIL-12_LA_Q1_Module-8-final for teacher.pdf
 
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdfap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
ap10_q1_mod1_kontemporaryong isyu_FINAL08032020.pdf
 

Recently uploaded

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxVALERIEYDIZON
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsJeielCollamarGoze
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxmalouevangelio1
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaHelenMaeParacale
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanPaul649054
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxSundieGraceBataan
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxMaamMeshil1
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsJeielCollamarGoze
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxjcgabb0521
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyCindyManual1
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxFameIveretteGalapia
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxgracedagan4
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxRheaGarciaPoyaoan
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)SittieAlyannaZacaria1
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxANNALYNBALMES2
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointbinuaangelica
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxChaRellon
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfdiannesofocado8
 

Recently uploaded (20)

ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptxICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
ICT 5 YUNIT 1 ARALIN 10 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT.pptx
 
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 studentsGRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
GRADE 7 SIGLO reviewer for Grade 7 students
 
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptxtambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
tambalangsalita-230816125816-6865effc.pptx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong AdarnaAralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
Aralin 1 Kaligirang pangkasaysayan ng Ibaong Adarna
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptxEsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
EsP 9 modyule 14. personal na misyon sa buhaypptx
 
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptxFil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
Fil sa Piling Larang_Pagsulat ng Posisyong Papel.pptx
 
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 studentsARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
ARPAN 9 SIGLO Reviewer for Grade 9 students
 
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptxAP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
AP4_Q4_Mod1_Ako-Ikaw-Tayo-Mamamayang-Pilipino_v2.pptx
 
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugyAralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
Aralin 2.pptxbjgddhgfftyrtchfhgdtydytriyiugy
 
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptxKALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
KALIGIRANG - PANGKASAYSAYAN-EL-FILI.pptx
 
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptxDisenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
Disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.pptx
 
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docxReviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
Reviewer-3RD PT.English.Filipino.Araling panlipuunan.docx
 
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
Catch up Friday in ESP 3 GRADE 3 (WEEK 2)
 
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptxAraling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
Araling Panlipunan10Universal Declaration Human Rights.pptx
 
Florante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power pointFlorante at Laura.pptx education power point
Florante at Laura.pptx education power point
 
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docxcurriculum map Araling Panlipunan 2.docx
curriculum map Araling Panlipunan 2.docx
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 

AP8_q1_mod1_AngKatangiangPisikalngDaigdig_v5.pdf

  • 1. Araling Panlipunan Quarter 1 – Module 1 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
  • 2. Araling Panlipunan – Grade 8 Alternative Delivery Mode Quarter 1 – Module 1: Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig First Edition, 2020 Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership over them. Published by the Department of Education – Division of Gingoog City Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Development Team of the Module Writer: Alging Salazar Lloren, PhD Reviewer: Evaluator: Norebel A. Balagulan, PhD Lenore Boa Illustrator & Layout Artist: Jay Michael A. Calipusan Management Team Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI Schools Division Superintendent Co-Chairpersons: Conniebel C. Nistal, PhD Assistant Schools Division Superintendent Pablito B. Altubar CID Chief Members: Norebel A. Balagulan, PhD, EPS – Araling Panlipunan Himaya B. Sinatao, LRMS Manager Jay Michael A. Calipusan, PDO II Mercy M. Caharian, Librarian II Printed in the Philippines by Department of Education – Division of Gingoog City Office Address: Brgy. 23, National Highway, Gingoog City Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118 E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
  • 3. 8 Araling Panlipunan Quarter 1 – Module 1 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig
  • 4. Talaan ng Nilalaman Paunang Salita ..........................................................................................................................i Alamin ........................................................................................................................................i Pangkalahatang Panuto..........................................................................................................ii Mga Icon ng Modyul............................................................................................................... ii Subukin....................................................................................................................................iii Aralin 1: Ang Daigdig ..............................................................................................................1 Tuklasin.....................................................................................................................................1 Gawain 1: Picture-Suri........................................................................................................1 Suriin .........................................................................................................................................2 Heograpiya .........................................................................................................................2 Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig....................................................................................2 Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao ……………………………….3 Grid ng Daigdig...................................................................................................................3 Meridian ..............................................................................................................................3 Parallel................................................................................................................................3 Latitud .................................................................................................................................3 Longhitud ............................................................................................................................3 Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras .............................................................................4 Ang Klima............................................................................................................................4 Pagyamanin..............................................................................................................................4 Gawain 2: Guhit Ko, Tukuyin Mo........................................................................................4 Isaisip ........................................................................................................................................5 Gawain 3: Malayo Man, Malapit Din ..................................................................................5 Isagawa .....................................................................................................................................6 Gawain 4: Tala-Puna..........................................................................................................6 Aralin 2: Ang Mga Kontinente ................................................................................................7 Alamin .......................................................................................................................................7 Suriin .........................................................................................................................................7 Ang Mga Kontinente...........................................................................................................7 Mga Anyong Tubig .............................................................................................................8 Mga Uri ng Anyong Tubig...................................................................................................9 Mga Anyong Lupa ..............................................................................................................9 Mga Uri ng Anyong Lupa..................................................................................................10 Pagyamanin............................................................................................................................11 Gawain 1: The Map Says ................................................................................................11
  • 5. Isaisip ......................................................................................................................................12 Gawain 2: Anyo Mo, Ilarawan Ko.....................................................................................12 Isagawa ...................................................................................................................................12 Gawain 3: Iguhit Ko, Kuwento Ko ....................................................................................12 Buod ........................................................................................................................................13 Pagtatasa ................................................................................................................................14 Susi sa Pagwasto...................................................................................................................16 Sanggunian.............................................................................................................................17
  • 6. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Ang modyul na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig. Ang mga kaalaman at mga gawain sa modyul na ito ay makatutulong upang mas lalo mo pang maunawaan ang kasaysayan ng daigdig na siyang tema ng pag-aaral sa Araling Panlipunan sa ika-walong baitang. Ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Halina at libutin natin ang daigdig at tuklasin ang mga butil ng kaalaman. Tara na! Aral na tayo sa gitna ng pandemyang ito. Alamin Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig (AP8HSK-Id-4). Nakapaloob din sa modyul na ito ang mga araling: Ang Daigdig at Ang Mga Kontinente. i
  • 7. Pangkalahatang Panuto Ito ang magiging gabay mo sa paggamit ng modyul na ito: 1. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat bahagi ng modyul at sundin angmga direksiyon o panuto habang binabasa ang materyales. 2. Sagutin ang lahat ng mga katanungan. 3. Maglaan ng sapat na oras sa pagsagot ng mga katanungan. 4. Gawing kasiya-siya ang bawat panahon sa paggamit ng modyul. Mga Icon ng Modyul Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay. Pagtatasa Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Susi sa Pagwasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. ii
  • 8. Subukin Panimulang Pagsusulit: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot sa mga pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa sagutang papel o kwaderno. 1. Ano ang tawag sa mga guhit sa globo na patimog at pahilaga mula sa isang polo patungo sa isa pang polo? A. Latitud B. Longhitud C. Ekwador D. Meridian 2. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking karagatan? A. Atlantic B. Indian C. Pacific D. Mediterranean 3. Ano ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan naroon din ang pinakamalaking populasyon sa daigdig? A. Africa B. Amerika C. Asya D. Europe 4. Ano ang tawag sa guhit sa globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng timog at hilaga? A. Ekwador B. Parallel C. Longhitud D. Meridian 5. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa dagat? A. Burol B. Elebasyon C. Relief D. Talampas 6. Alin sa mga sumusunod ang hindi mahalagang layunin ng pag-aaral ng heograpiya ng daigdig? A. Ang daigdig ay tahanan ng tao. B. Humuhubog ito ng kabihasnan ng isang bansa. C. Nakatutulong ito sa pagkakaunawaan ng mga tao. D. Estratehiya ito ng mga bansa upang manalo sa digmaan. iii
  • 9. 7. Ano ang sanhi ng pagkakaroon ng iba't ibang gawaing pang-ekonomiya sa daigdig? A. Klima at panahon B. Porma at elebasyon ng lupa C. Lawak at anyo ng katubigan D. Lahat ng A, B, at C. 8. Anong parirala ang lumalarawan sa heograpiya at kasaysayan? A. hindi magkatulad B. may ugnayan sa isa‘t isa C. magkatulad D. walang kaugnayan sa isa‘t isa 9. Alin sa mga pangungusap ang nagpapatunay na ang heograpiya ay may mahalagang bahagi sa kasaysayan? A. Natalo si Napoleon Bonaparte sa Rusya dahil sa matinding lamig noong panahon ng kanyang pagsalakay doon. B. Hindi nasakop ng anumang bansa ang Thailand dahil sa relihiyon nito. C. Maraming turista ang nais makarating sa Alaska dahl malamig doon. D. Ayon sa iba, tamad ang mga Pilipino kaya mahirap ang Pilipinas. 10. Samot-saring balita ukol sa mga trahedyang dulot ng kalikasan ang ating naririnig sa radyo, nababasa sa pahayagan, at napapanood sa telebisyon o social media. Iba‘t ibang organisasyon o ahensiya na rin ang nagpahayag ng inisyatibo na tugunan ang mga isyung ito sa pamamgitan ng paghikayat sa mga tao na gawin ang kanilang gampanin bilang residente ng daigdig na ito. Bakit tungkulin ng tao sa daigdig na pangalagaan ang kalikasan? A. Upang magamit ang mga yamang-mineral sa mga digmaan B. Para huwag magalit ang Diyos sa tao C. Upang mahikayat ang mga taga-ibang planeta na manahanan dito D. Upang magamit ang mga yamang-likas nang maayos para sa pagpapatuloy ng buhay ng mga taong naninirahan dito. iv
  • 10. Aralin 1 Ang Daigdig Tuklasin Gawain 1: Picture-Suri Suriing mabuti ang nasa larawan at punan ng mga letra ang mga patlang sa ibaba upang mabuo ang salita na tumutukoy dito. Sagutin din ang mga katanungan na nasa ibaba. https://freesvg.org/3d-earth-globe Tanong: 1. Ano ang salitang tinutukoy sa larawan? 2. Anong mga katangian ang nakikita mong tinataglay ng nasa larawan? E_R_H 1
  • 11. Heograpiya Suriin Ang ‗heograpiya‘ ay salitang nagmula sa salitang Griyego na geo o daigdig at graphia o paglalarawan. Kaya, literal itong nangangahulugang, "paglalarawan sa daigdig". Ito ay nahahati sa dalawang sangay: ang Heograpiyang Pisikal o Physical Geography at ang Heograpiya ng mga tao o Human Geography. Ang Heograpiyang Pisikal ay isang agham na nagpapaliwanag sa mga natural na proseso ng mga pagbabago sa kapaligiran gaya ng klima, heolohiya o Geology, biolohiya o Biology at iba pang sangay ng agham-pangkalikasan habang ang heograpiya ng mga tao ay ang pag-aaral ng mga tampok na heograpiya ng tao sa buong mundo — mga tao, pamayanan, at mga tanawin ng lupa. Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig Isa sa walong planetang umiinog sa isang malaking bituin, ang araw, ang planetang Earth o ang daigidig. Ang mga ito ang bumubuo sa tinatawag na solar system. Kumukuha ng enerhiya mula sa araw ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at tao. Naaapektuhan ng araw gayundin halos lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon. Ang sinag ng araw ay mahalaga rin sa mga halaman upang mabuhay at maganap ang photosynthesis. Nagbibigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng nilalang ang mga halamang. Masasabing dulot ng tiyak na posisyon sa solar system ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig. Patunay sa ideyang ito ang pag- inog ng daigdig sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa araw bawat taon. Binubuo ng crust, mantle at core ang daigdig. Matigas at mabatong bahagi ng planetang ito ang crust na umaabot ang kapal mula 30-65 kilometro (km) palalim mula sa mga lupa. Ngunit, ito ay may kapal lamang na 5-7 km sa mga karagatan. Isang patong ng mga batong napakainit ang mantle kaya malambot at natutunaw ang ilang bahagi nito. Core ang tawag ng kaloob- loobang bahagi ng daigdig na binubuo ng mga metal tulad ng iron at nickel. May plate o malalaking masa ng solidong bato ang daigdig na hindi nananatili sa posisyon at gumagalaw na tila mga balsang inaanod sa mantle. May apat na hatingglobo (hemisphere) ang daigdig: ang Northern Hemisphere at Southern Hemisphere na hinahati ng equator, at ang Eastern Hemisphere at Western Hemisphere na hinahati ng Prime Meridian. http://4.bp.blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAA Bdg/O7OSDmSQtng/s200/10155E_8_Erde_Schalenbau.jpg 2
  • 12. Pisikal na Katangian ng Daigdig Bilang Panahanan ng Tao Ang kalawakan, kalupaan, klima, katubigan, buhay-halaman, buhay-hayop, at mga mineral ang bumubuo sa pisikal na katangian ng daigdig Ang bawat katangian ay nakaiimpluwensiya sa isa't isa. Halimbawa, nakasalalay sa nagbabagong klima na dulot naman ng nagbabagong temperatura at presipitasyon ang sistema ng halaman. Nabubuhay sa pamamagitan ng pagkain ng halaman o sa pagkain ng ibang hayop at lamang- dagat at lupa ang mga hayop. May benepisyong nakukuha buhat sa mga tao ang mga halaman. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga pisikal na katangian ng nagbabagong daigdig. Grid ng Daigdig Mapapansin mo na oblate spheroid ang hugis ng daigdig na nagiging patag sa mga polo kung kaharap mo ang globo. Naglagay ang tao ng mga kathang- isip na guhit sa mundo upang masukat ang kinaroroonan ng isang lugar. Ito ay nagsisimula sa magkabilang dulo ng mga polo na may tawag na Timog Polo (South Pole) sa bandang itaas at Hilagang Polo (North Pole) sa bandang ibaba. Ang ekwador (equator) ay ang guhit na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog ng globo. Parallel ng latitud dahil sa kanilang relasyon sa ekwador ang tawag ng maliliit na mga bilog na naka- parallel sa ekwador at ng polo. Meridian Meridian ang tawag sa mga guhit patimog at pahilaga at nagsisimula sa isang polo patungo sa isang polo. Tanghali ang kahulugan ng meridian sa wikang Latin, kaya sabay- sabay na nakakaranas ng katanghalian ang lahat ng pook na bumabaybay sa kahabaan ng isang guhit meridian na nagpapahiwatig na nakatutok sa kanila ang sikat ng araw. Ang salitang ante meridian na pinaikli sa A.M. na ang ibig sabihin ay "bago sumapit ang tanghali" ay dito rin kinuha. Nangangahulugang "pagkalipas ng tanghali" naman ang post meridian. Parallel Walang paraan para magsalubong ang parallel o guhit na kaagapay sa kapwa nito guhit. Ang Arctic Circle, Tropic of Cancer, Tropic of Capricorn, at Antarctic Circle ang apat na mahalagang parallel na umiinog na daigdig sa pamamagitan ng sinag ng araw. Latitud Ang pagitan ng dalawang guhit ng parallel ay tinatawag na latitud. May sukat na 10° o 15° ang bawat pagitan nito. Ito ang pagitan ng layo ng isang punto sa hilaga o timog ng ekwador. Longhitud Ang tawag sa sukat o pagitan ng isang guhit sa silangang Prime Meridian ay longhitud. Ito ay sinusukat ng digri. Nakasanayan nang sabihin muna ang latitud, susundan ng longhitud at daragdagan ng direksyon (kung timog, hilaga, silangan, o kanluran) sa pagbibigay ng lokasyon ng isang pook sa Daigdig. https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif 3
  • 13. Pag-inog ng Daigdig at Batayang Oras Habang umiikot ang daigidig sa araw patuloy ito sa pag-inog sa kanyang axis. Ito ay taliwas sa paniniwala noong sinaunang panahon na hindi ito gumagalaw. Sa loob ng 24 oras nakagagawa ito ng kumpletong pag-inog sa kanyang aksis. 1,609 kilometro bawat oras ang bilis ng paggalaw ng mga puntos sa ekwador habang umiinog ito. Habang papalapit sa magkabilangpolonababawasan ang bilis na ito. Sa bilis na 107,016 kilometro bawat oras, umaabot naman ng 365 1/2 araw ang pag- ikot ng daigdig sa araw. Dahil matatag at napakalaki nito kung ihahambing sa tao at mga bagay, hindi natin nararamdaman ang nasabing pag-ikot. Ang isang pag-inog ng daigdig sa kanyang axis ay umaabot ng 24 na oras. Aabot hanggang sa susunod na hatinggabi kung magsisimula ang pagtatala ng pag-inog na ito sa hatinggabi. Ang daigdig ay gumagalaw ng 15 minuto bawat oras o isang galaw bawat apat na minuto. Dahil umiinog ang daigdig patungo sa silangan, unti-unting pumapailanlang sa pakiramdam natin ang araw sa ganitong pagkilos patungo sa kanluran. Ang Klima Tanging ang daigdig ang planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. May kaaya-ayang kapaligiran o atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa ang malaking bahagi ng ating planeta. Sa isang rehiyon o lugar, mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa matagal na panahon. Ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level ang pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig. Nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan sa buong daigdig ang mga lugar na malapit sa equator. Dahil dito, matatagpuan sa mga lugar na ito ang maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba‘t ibang species ng halaman at hayop. Ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp ay kabilang sa mga ito. Kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto. Sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon ay ganito rin ang maaaring asahan. Pagyamanin Gawain 2: Guhit Ko, Tukuyin Mo Pag-aralan ang globo na nasa ibaba. Gamitin ang mga termino na nasa kahon upang tukuyin ang mga mahahalagang guhit o bahagi ng globo. Isulat ito sa nararapat na patlang. Equator North Pole Prime Meridian Antarctic Circle Arctic Circle Tropic of Cancer Tropic of Capricorn South Pole 4
  • 14. https://i.infopls.com/images/04alm_globeprojection.gif Isaisip Gawain 3: Malayo Man, Malapit Din Basahin at unawain ang mga kondisyon na nasa talahanayan. Tukuyin kung malapit o malayo sa equator ang kinaroroonan ng lugar na inilalarawan ng mga kondisyong nakasulat sa unang kolum. Iguhit sa ikalawang kolum ang kung malapit sa equator at iguhit ang kung malayo. Sagutin din ang mga tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing kwaderno. 1. Pagkakaroon ng rainforest 2. Nakakaranas ng snowfall o niyebe 3. Nagsasaka ang mga tao at tuwirang nagagamit ang lupa 4. Makakapal ang mga kasuotan ng mga tao 5. Ang pagkakaroon ng disyerto Tanong: 1. Bakit nagkakaiba-iba ang klima sa iba‘t ibang panig ng daigdig? 5
  • 15. 2. Ano ang kaugnayan ng klima sa mga likas na yaman na matatagpuan sa lugar? 3. Paano nakaaapekto ang klima sa pamumuhay ng tao sa isang lugar? Isagawa Gawain 4: Tala-Puna Punan ang talahanayan ng mga hinihinging impormasyon ukol sa mga pangyayari o kaganapan sa loob at labas ng ating bansa na may kaugnayan sa paksang daigdig. Mga pangyayaring iyong nasaksihan o napanuod sa telebisyon o social media, narinig sa radyo o nabasa sa isang pahayagan. Pangyayari/Kaganapan Ano ang iyong alam sa pangyayari o kaganapang ito? 1. Bagyo 2. Lindol 3. Baha 4. Pagsabog ng bulkan 5. Ipo-ipo 6. El Niño 6
  • 16. Aralin 2 Ang Mga Kontinente Alamin Sa araling ito, malalaman mo ang mga kontinente sa daigdig. Inaasahan na pagkatapos ng aralin, magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga kontinente at iba‘t ibang anyong tubig; 2. Masusuri ang mga uri ng anyong tubig at anyong lupa; at 3. Maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan. Suriin Ang Mga Kontinente Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang ang iba ay napapalibutan ng katubigan. Ayon kay Alfred Wegener, isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory, dati ng magkakaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea. Dahil sa paggalaw ng continental plate o malaking bloke ng bato kung saan nakapatong ang kalupaan, nagkahiwa-hiwalay ang Pangaea at nabuo ang kasalukuyang mga kontinente. Pag-aralan ang dayagram tungkol sa Continental Drift Theory: Ang laki at sakop ng mga kontinente ay hindi magkapareho. Merong mga kontinente ng nagtataglay ng marami at kaunting bansa. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, 240 milyong taon •Mayroon lamang isang super continent na tinawag na Pangaea na pinaliligiran ng karagatang tinawag na PanthalassaOcean. 200 milyong taon •Nagsimulang maghiwalay ang kalupaan ng Pangaea hanggangsa mahati sa dalawa: Laurasia sa Northern Hemisphere at Gondwana sa Southern Hemisphere. 65 milyong taon •Nagpatuloy ang paghihiwalay ng mga kalupaan. Mapapansin ang India na unti- unting dumidikit sa Asya. Sa kasalukuyan •Unti-unti ang paggalaw ng mga kontinente. Tinatayang 2.5 sentimetroang galaw ng North America at Europe bawattaon 7
  • 17. Antarctica, Asia, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania na tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, at Polynesia. Nagmumula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente. Samantala, ang Antarctica ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km. (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito. Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, o sa kabuuang sukat ng Asya ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China. Samantala, ang laki ng Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng kabuuang lupa ng daigdig. Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian Ocean at Pacific Ocean, at inihihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa Australia lamang matatagpuan. Kabilang dito ang kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, at iba pa. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applachian Mountains sa silangan at Rocky Mountains sa kanluran. Gayundin, ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ng South America. Mga Anyong Tubig Topograpiya ang tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon. Kung gusto ng tao na mabuhay, dapat siyang matutong makiangkop sa kanyang kapaligiran. Kung iyong mapapansin, sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambak-ilog. Kabilang dito ang mga lambak ng Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa. Samantala, ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest (29,028 talampakan o 8,848 metro). Sa Africa, pinakamataas ang Kilimanjaro (19,340 talampakan o 5,895 metro) at sa Europe, ang Elbrus sa Russia (18,510 talampakan o 5,642 metro). Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. Ang mga hangganan sa pagitan ng mga rehiyon na ito ay nagbago sa paglipas ng panahon dahil sa iba't ibang mga makasaysayang, kultura, heograpiya, at pang-agham na rason o dahilan. 8
  • 18. Noong 2000 itinakda ng International Hydrographic Organization ang isang panibagong karagatan na pumapalibot sa Antarctica: ang Southern Ocean na umaabot hanggang 60ºS latitude. Kaya, nadagdagan nang isa ang apat na karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, at Arctic. Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, pangunahin sa talaan ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na trench Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa Arctic Ocean. Marami pang dagat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain. Pinakamalalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea. Mga Uri ng Anyong Tubig Ating balikan ang iba‘t ibang uri ng anyong tubig upang mas lalo nating maunawaan kung paano sila nakakaapekto sa kasaysayan ng daigdig. Karagatan - Ito ay ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong-tubig. Maalat ang tubig nito. (Kabilang sa mga kilalang karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko, Karagatang Indian, Karagatang Artiko, at ang Karagatang Southern.) Dagat – Ito ay malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa karagatan. (Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina, Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, Dagat Mindanao at Dagat llapitan.) Ilog – Ang ilog ay isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol. Look – Ang look ay anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapangkat nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. (Ang Look ng Maynila, Look ng Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa ng mga look sa Pilipinas.) Ito ay parte ng isang golpo. Golpo – Ito ay bahagi ito ng dagat. Lawa – Ito ay isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa. Bukal – Ito ang tawag sa tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Kipot – Ito ay makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot sa Pilipinas dahil sa pagiging arkipelago nito. Talon – Ito ay matarik na pagbaba ng tubig sa isang sapa Batis – Ito ay ilug-ilogan o saluysoy na patuloy na umaagos. Sapa – Ito ay anyong tubig na dumadaloy. Mga Anyong Lupa Bumubuo lamang ang kalupaan ng 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati- hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania. Ang mga nabanggit na apat na rehiyon ay bumubuo ng 93 bagagdan ng 53.28 milyong milya kwadrado ng kalupaan. Bunga ng distribusyon ng mga nabanggit na masa ng lupa, nahiwa-hiwalay nila ang katubigan sa tatlong pangunahing rehiyong katubigan: Pacific Ocean; 9
  • 19. Atlantic Ocean at maliit na karagatang Arctic; at Indian Ocean. Para sa mga oceanographer o mga siyentista na nag-aaral tungkol sa karagatan ng daigdig, tatlo lamang ang matatawag na karagatan: ang Atlantic, Pacific, at ang Indian. Ang Pacific ang pinakamalawak at sumasakop sa halos ikatlong bahagi (1/3) ng daigdig. Mga Uri ng Anyong Lupa Balikan natin ang iba‘t ibang uri ng anyong lupa para mapalalim natin ang ating pang- unawaan sa kasaysayan ng daigdig. Kapatagan — Ito ay isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay, mais, at gulay. Bundok — Ito ay isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa sa burol. Halimbawa nito ang Bundok Banahaw at Bundok Apo. Bulkan — Ito ay isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang Bulkang Pinatubo. Burol — higit na mas mababa ito kaysa sa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Lambak — Ito ay isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Talampas — Ito ay patag na anyong lupa sa mataas na lugar na pwedeng gawing taniman. Baybayin — Ito ay bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat. Bulubundukin — Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at magkasunud-sunod. Pulo — Ito ay mga lupain na napalilibutan ng tubig. Yungib — Ito ay mga likas na butas na may sapat na laki at lawak na maaaring pasukin ng tao at hayop. Tangway — Ito ay pahaba at nakausling na anyong lupa na naliligiran ng tubig. Tangos — Ito ay mas maliit sa tangway. Disyerto — Ito ay mainit na anyong lupa gaya ng tanyag na Sahara Desert sa Africa. 10
  • 20. Pagyamanin Gawain 1: The Map Says Sagutin ang mga tanong batay sa mapa. Gawin ito sa gawaing kuwaderno https://commons.wikimedia.org/wiki/File:BlankMap-World-1957.png I. Suriin ang mapa. Isulat sa patlang ang letra na kumakatawan sa bawat karagatan. 1. Pacific Ocean 2. Atlantic Ocean 3. Indian Ocean 4. Arctic Ocean 5. Southern Ocean II. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Anong kontinente ang pinakamalapit sa Africa? a. Europe b. Antarctica c. North America d. Australia at Oceania 2. Anong kontinente ang hiwalay at di nakadugtong sa anumang kontinente? a. Asia b. Africa c. Antarctica d. North America 3. Anong kontinente ang matatagpuan sa silangan ng Europe? a. North America b. Africa c. Australia at Oceania d. Asia 4. Anong karagatan ang nasa kanluran ng Africa? a. Arctic Ocean b. Atlantic Ocean c. Indian Ocean d. Pacific Ocean 5. Anong karagatan ang nasa sa silangan ng Africa? a. Atlantic Ocean b. Indian Ocean c. Pacific Ocean d. Arctic Ocean 11
  • 21. Isaisip Gawain 2: Anyo Mo, Ilarawan Ko Kumpletuhin ang mga talahanayan. Magbigay ng halimbawa ng mga anyong lupa at anyong tubig at isulat ito sa unang kolum. Isulat naman sa ikalawang kolum ang katangian ng bawat halimbawa na naibigay. Sagutin din ang tanong na nasa ibaba. Gawin ito sa gawaing kwaderno. Anyong Lupa Katangian Anyong Tubig Katangian Tanong: 1. Bakit maiuugnay ang pamumuhay ng tao sa anyong lupa o tubig na kanilang pinaninirahan? 2. Paano nakaaapekto ang mga anyong lupa at anyong tubig sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao? Isagawa Gawain 3: Iguhit Ko, Kuwento Ko Maglahad ng karanasan o kwento tungkol sa mga lugar na iyong napuntahan. Gumuhit ng isang anyong lupa o anyong tubig na iyong nakita sa lugar na may masaya kayong ala- ala. Gawin ito sa iyong activity notebook. 12
  • 22. Buod Ang daigdig ay binubuo ng crust, mantle at core. Ang lahat sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at panahon – ay naaapektuhan sa pag-inog ngaraw. Mahalaga na malaman nating kung saang parte tayo sa mundo nakatira dahil ito ay nakakaapekto sa klase ng ating pamumuhay. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba‘t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang napakalamig ng panahon. Kontinente ang tawag sa pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig. May pitong kontinente ang daigdig – Africa, Antarctica, Asya, Europe, North America, at South America at Australia. Sa mga estadistika, ang karaniwang isinasama sa Australia ang Oceania tumutukoy sa mga bansa at pulo sa Micronesia, Melanesia, atPolynesia. Isa lang ang pandaigdigang karagatan na may malawak na katawan ng tubig na sumasaklaw sa 71 porsyento ng mundo na nahahati sa heograpiya sa natatanging mga rehiyon. May limang karagatan na kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic at Southern Ocean. Ang kalupaan ay may 29.2 bahagdan ng kabuuang daigdig at nahahati-hati ito sa apat na malalaking rehiyon: EurAsya-Aprica - tripleng kontinente ng Europa, Asya, at Aprica; Amerika - dobleng kontinente ng Timog at Silangang Amerika; Antarctica; at Australia kasama ang Oceania. Ang ating kaalaman sa katangiang pisikal ng daigdig ay makatulong sa atin upang lalo nating mapalalim ang ating pag-unawa sa pangyayari sa ating kasalukuyang panahon. 13
  • 23. Pagtatasa Pangwakas na Pagsusulit: Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang gumuguhit sa globo patimog at pahilaga mula sa isang polo hanggang sa isa pang polo? A. Parallel B. Longhitud C. Latitud D. Meridian 2. Ano ang guhit ng globo na makikita sa kalagitnaan at pahalang sa pagitan ng hilaga at timog? A. Meridian B. Parallel C. Ekwador D. Longhitud 3. Ano ang mga bumubuo sa heograpiya ng daigdig? A. Kalupaan B. Katubigan C. Klima at Panahon D. Lahat ng nasa itaas 4. Ano ang tawag sa taas ng lupa mula sa lebel ng dagat? A. Elebasyon B. Meridian C. Relief D. Ekwador 5. Ano ang pinakamalaking karagatan sa daigdig at may lawak na halos 1/3 ng daigdig? A. Indian B. Atlantic C. Mediterranean D. Pacific 6. Saang kontinente nakatira ang halos kalahati ng populasyon sa daigdig? A. Aprica B. Europa C. Asya D. Hilagang Amerika 7. Alin sa sumusunod ang nakaapekto nang malaki sa pagkakaroon ng iba't ibang uri ng kabuhayan ng mga kultura at kabihasanan sa daigdig? A. Klima B. Anyo at lawak ng katubigan C. Porma ng lupa D. Lahat ng nasa itaas 14
  • 24. 8. Saan malaki ang impluwensiya ng heograpiya sa pagtatatag at pagbagsak ng mga bansa? A. Kabuhayan B. Panlipunan C. Pulitika D. Pangkabuhayan 9. Bakit mahalagang malaman ang aspetong ito ng daigdig bilang tahanan ng tao at nakaaapekto sa pagpapatuloy ng ating buhay? A. Pisikal B. Pulitika C. Kultura D. Panlipunan 10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang dapat sundin? A. Dapat linangin ang kalikasan upang magamit sa digmaan. B. Ipaubaya na lamang sa Diyos ang pagliligtas sa sangkatauhan. C. Hindi mahalaga sa pag-aaral ng heograpiya sa pagpapahalaga sa kalikasan. D. Dapat pangalagaan ang kalikasan at pisikal na yaman ng daigdig upang magpatuloy nang maayos ang buhay ng tao. 15
  • 25. Susi sa Pagwasto Panimulang Pagsusulit: A B B A Pangwakas na Pagsusulit: A B A 16
  • 26. Sanggunian: Aklat: Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014. Vivar, Teofista L., Priscilla H. Rillo, Zenaida M. De Leon and Nieva J. Discipulo. Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City: SD Publications, Inc., 2000. Websites: Blogger.com, ―Ang Katangiang Pisikal ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020, http://4.bp. blogspot.com/-xVklgR8WSWw/Vc9dWYnSAqI/AAAAAAAABdg/O7OSDmSQtng/s200/ 10155E8ErdeSchalenbau.jpg Countries of the world.com, ―Continents Map,‖ Accessed May 28, 2020, https://www. countries-of the world.com/img/ continents-map.png. LRMDS Portal, ―EASE Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig,‖ Accessed May 28, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/ detail/6035. National Geographic, ―Crust,‖ Accessed May 28, 2020, https://www.national geographic.org/ encyclopedia/crust/. National Ocean Service, ―How many oceans are there?‖ Accessed May 28, 2020, https://oceanservice.noaa.gov/ facts/howmanyoceans.html. Phys.org, ―What are the Earth's layers?‖ Accessed May 28, 2020, https://phys.org/news/ 2015-12-earth-layers.html. Wikimedia.org, ―Africa,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/thumb/8/86/Africa_%28orthographic_projection%29.svg/ 1200px-Africa_%28orthographic_ projection%29.svg.png Wikimedia.org, ―Antartica,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ commons/thumb/f/f2/Antarctica_%28orthographic_projection%29.svg/256px-Antarctica _%28orthographic_ projection%29.svg.png. Wikimedia.org, ―Asia,‖ Accessed May 28, 2020, https://en.wikipedia.org/wiki/Asia#/ media/File:Asia(orthographic_ projection).svg. Wikimedia.org, ―Australia,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/thumb/e/e8/Australia-NewGuinea_%28orthographic_ projection %29.svg/1200px-Australia-New_Guinea_%28orthographic_projection %29.svg.png. Wikimedia.org, ―Europe,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/thumb/4/44/Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary %28with_borders%29.svg/220px-Europe_orthographic_Caucasus_Urals_boundary %28with_ borders%29.svg.png 17
  • 27. Wikimedia.org, ―North America,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/4/43/ Location_North_America.svg. Wikimedia.org, ―South America,‖ Accessed May 28, 2020, https://upload.wikimedia.org/ wikipedia/commons/thumb/0/0f/South_America_%28orthographic_projection%29. svg/1200px-South_America_%28orthographic_projection%29.svg.png. World Geography Glossary, ―Globe,‖ Accessed May 28, 2020, https://i.infopls.com/images/ 04alm_globeprojection.gif. 18