SlideShare a Scribd company logo
1 of 16
Download to read offline
Filipino 6
Filipino – Ikaanim na Baitang
Unang Markahan – Modyul 2: Nasasagot ang tanong na bakit at paano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: Sheena Joye S. Abuan
Editor: Normita C. Supsupin
Tagasuri: Normita C. Supsupin (Nilalaman), Vilma V. Paulino (Teknikal)
Tagaguhit: Sheena Joye S. Abuan
Tagalapat: Sheena Joye S. Abuan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors
Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Filipino
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Nasasagot ang Tanong na Bakit at Paano
6
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling
nasasagot ang tanong na bakit at paano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nasasagot ang tanong na
bakit at paano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
Magandang araw!
Sa modyul na ito’y, inaasahang masasagot ang tanong na bakit at
paano.
Nilalayon rin ng modyul na ito na lubos mong maunawaan ang aralin
at masasagot nang wasto ang mga nakalaang katanungan o pagsasanay
upang mas lalong maging ganap ang iyong pag- aaral sa araling ito.
Ano, handa ka na ba?
Nagustuhan ba ninyo ang mga nabasang kwento kahapon? Bago tayo
magsimula sa panibago nating aralin, mayroon muna akong ibibigay na
maikling gawain sa inyo. Basahin ang panuto sa ibaba.
Panuto:
Pagtambalin ang mga pangyayari mula sa Hanay A sa maaaring maging
resulta ng pangyayari sa Hanay B. Isulat ang tamang titik sa loob ng kahon.
Hanay A Hanay B
1. nawalan ng malay a. nagsindi ng kandila
2. sumakit ang tiyan b. pinatuloy sa bahay
3. tumakbo ng matulin c. maraming kinain
4. walang kuryente d. puyat at pagod
5. may bisitang dumating e. nanalo sa karera
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
Mga bata, ano nga ang pamagat ng pabula na ating nabasa kahapon?
Magaling!
Upang tiyakin ang inyong natutunan sa ating aralin kahapon may
babasahin akong kwento at pagkatapos ay subukan mong sagutan ang
katanungan. Handa ka na ba?
(Pagbasa ng guro ng pabula)
Ang Unang Alitaptap
Noong unang panahon ang mga alitaptap ay walang dalang apoy. Gabi
lamang sila lumilipad. Ayaw nila sa gabing maliwanag ang buwan. Nagtatago
sila sa mga damo, dahon at bulaklak kung madilim. Takot na takot sila.
Isang gabing madilim, nagtago ang mga alitaptap sa sampagita. “Bakit
ba?,” tanong naman ng sampagita. “Bakit ba kayo takot na takot?” “Natatakot
kami sa kabag-kabag?,” sagot ng kulisap. “Inaano ba kayo ng kabag-kabag?,”
usisa ng sampagita. “Kami’y kinakain nila,” sabi ng alitaptap. “Eh, bakit kung
maliwanag ang gabi, hindi kayo nagkukubli sa aking puno?,” tanong ng
sampagita. “Kung maliwanag ang buwan, hindi kami mahuhuli ng kabag-
kabag. “Nasisilaw siya sa liwanag,” ang sabi ng isa pang kulisap. “Kung
ganoon ay tuturuan ko kayo ng dapat gawin,” sabi ng sampagita. “Bawat isa
sa inyo ay magdala ng sulo. Sabay-sabay kayong lumabas,” sabi ng
sampagita. “Matatakot siya sa inyo.”
Ganoon nga ang ginawa ng mga alitaptap. Bawat isa ay nagdala ng sulo
at sabay-sabay silang lumabas. Hindi nga sila nilapitan ng kabag-kabag.
Natatakot siya. Sa tuwa ng mga alitaptap ay lumipad sila nang paikut-ikot sa
sampagita para magpasalamat.
1. Bakit ayaw ng mga alitaptap ng gabing madilim?
A. Takot sila sa buwan.
B. Madali silang mahuli ng kabag-kabag.
C. Hindi sila makakita.
D. Maraming lamok.
2. Bakit hindi nagkukubli sa mga dahon ang mga alitaptap kung maliwanag
ang buwan?
A. Binabantayan sila ng buwan upang hindi makalapit sa kulisap.
B. Kinakain ng buwan ang kabag-kabag.
C. Hindi sila makita ng kabag-kabag dahil nasisilaw sa liwanag ng buwan.
D. Naiinitan ang kabag-kabag sa liwanag ng buwan.
BALIK-ARAL
ARALIN
3. Paano umiwas ang mga alitaptap sa kabag-kabag?
A. Nagtatago sila sa mga dahon.
B. Nagtatago sila sa likod ng buwan.
C. Lumipad sila sa malayo.
D. Nagkukubli sila sa likod ng puno.
4. Paano tinakot ng mga alitaptap ang mga kabag-kabag?
A. Nagpatulong sila sa kapwa nila insekto.
B. Nagsumbong sila.
C. Nagdala sila ng malalaking pamalo.
D. Nagdala sila ng sulo at sabay-sabay na lumipad.
5. Paano nagpasalamat sa sampagita ang mga alitaptap?
A. Binigyan nila ng ilaw ang sampagita.
B. Lumipad nang paikut-ikot ang mga alitaptap.
C. Inawitan ng mga kulisap ang sampagita.
D. Binantayan ng mga kulisap ang sampagita tuwing gabi.
Naranasan mo na bang mapilayan o mabalian? Ano ang iyong
pakiramdam?
Ang kwento natin ngayong araw ay may pamagat na, “Ang Plaster ni
Bong”. Basahin at unawain ng mabuti ang nilalaman ng kwento at maghanda
para sa mga katanungan pagkatapos basahin ang kwento.
Ang Plaster ni Bong
Isang araw, pumasok si Bong sa klase na may nabenda ang kamay.
Nagtaka ang kanyang kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong
nangyari sa iyo, Bong?” tanong ni Annie.
“Plaster yan, hindi ba?” Naku, nabalian ka ng buto!”, ang malakas na
sigaw ni Tito mula sa likuran.
“Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nagbisikleta kasi ako sa
madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay.
Hindi pa sa nangyari ito”, mahinang sagot ni Bong.
Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng
simula ng klase. Matapos nilang magdasalay nagsalita ang guro sa lahat.
“Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin
siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay nakaplaster.”
Suriin Mo:
1. Ano ang nangyari kay Bong?
2. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong?
3. Paano ipinakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya
habang ang kamay nya ay nakaplaster ?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bong, paano mo haharapin ang iyong
mga kaklase?
Magaling! Talagang nagbasa kayo nang mabuti. Balikan naman natin
ang mga tanong na nasa bilang 2, 3, at 4. Basahin nga nang mabuti.
• Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ang buto si Bong?
• Paano ipinakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya
habang ang kamay nya ay nakaplaster?
• Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bong, paano mo haharapin ang
iyong mga kaklase?
Ano-anong mga tanong ang ginamit? Paano ninyo nasagutan ang mga
katanungan na may tanong na bakit at paano? Ano ang isinasaad o
itinutukoy sa tanong na bakit? Ano naman ang isinasaad o itinutukoy sa
tanong na paano?
Ang tanong na bakit ay nagsasaad o tumutuloy sa dahilan o sanhi ng
isang sitwasyon o pangyayari.
Ang tanong na paano naman ay nagsasaad o tumutukoy sa magiging
solusyon o paraan para malutas ang isang sitwasyon o pangyayari.
Magbigay pa nga ng ilang mga katanungan na ginagamit ang tanong na
bakit? Ano naman ang maaari mong maibigay na tanong sa paano? Ano ang
maaari mong maisagot sa ibinigay mong mga katanungan?
Magaling! Talagang marunong kayong gumawa ng mga tanong na bakit
at paano at kung ano ang dapat ninyong ibigay na sagot sa mga ito.
May mga tanong pa ba kayo tungkol sa ating aralin? Kung wala na,
mayroon akong mga pagsasanay na ibibigay sa inyo. Basahin nang mabuti
ang panuto.
Gawin Mo
A. Panuto: Basahin ang talata at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Piliin
ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang sa
bawat tanong.
Masipag mag-aral ang bata si Simon kaya lagi siyang nangunguna sa
klase. Isang araw, niyaya siya ng kanyang kaibigan na samahan ito sa isang
online game contest.
Natuto si Simon na maglaro ng online games dahil tuwing hapon laging
siyang niyayaya ng kanyang kaibigan na maglaro. Hindi niya napansin na
napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Palagi niyang idinadahilan sa
kanyang ina kapag ginagabi na may group project sila ng kaklase.
Lumipas ang mga araw at kuhaan na ng kard. Nagulat ang kanyang
ina na sobra ang ibinaba ng grado ni Simon kaya masinsinan niya itong
kinausap. Nangako naman si Simon na babawi siya at sisikaping itaas ulit
ang mga bumabang marka.
1. Bakit nangunguna sa klase si Simon?
2. Paano niya natutunan ang online games?
3. Bakit palaging siyang ginagabi?
4. Bakit nagulat ang kanyang ina ng matanggap nito ang kard ni
Simon?
5. Paano kaya maibabalik ni Simon ang mga bumaba niyang
marka?
A. Dahil sa paglalaro ng online games.
B. Huwag pabayaan ang pag-aaral.
C. Dahil masipag siyang mag-aral.
D. Sinamahan niya ang kanyang kaibigan sa online game
contest.
E. Dahil sobra ang ibinaba ng kanyang mga marka.
MGA PAGSASANAY
B. Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Pumili ng tamang sagot sa
loob ng kahon at isulat ang buong sagot sa nakalaang patlang sa bawat
bilang.
1. Bakit lagi kang pinapangaralan ng iyong mga magulang?
__________________________________________________________________
2. Bakit dapat nating iwasan ang matagal na paglalaro ng gadget?
__________________________________________________________________
3. Bakit kailangan nating mag-ehersisyo araw-araw?
__________________________________________________________________
4. Paano mo makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay?
__________________________________________________________________
5. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong pangangatawan?
__________________________________________________________________
Subukan Mo:
A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binibigay na
sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral?
A. Upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
B. Nais kong maging tambay sa lansangan
C. Tulungan ang nanay kong may sakit.
D. Wala akong balak na magtapos ng pag-aaral.
• Upang lumakas at sumigla an gating katawan.
• Mag-aral nang mabuti.
• Kumain ng wasto at masusustansyang pagkain.
• Upang hindi masira ang mga mata.
• Upang makaiwas sa kapahamakan.
2. Bakit mahalagang maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain?
A. Masarap kumain ng nakakamay.
B. Hindi ko ito kinasanayang gawin.
C. Upang maiwasan ang pagkakasakit.
D. Para malinis ang kamay sa pagkain.
3. Bakit dapat tayong magsusuot ng mask kapag umalis ng bahay o nasa
pampublikong lugar?
A. Upang maproteksyonan ang pagpasok ng mikrobyo sa ating
katawan.
B. Sapagkat lahat ng tao ay gumagamit na nito.
C. Upang hindi masingot ang mabahong basura
D. Sapagkat ito ang uso ngayon.
4. Paano natin maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa?
A. Ugaliing maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol pagkatapos
humawak sa mga bagay.
B. Baliwalain ang mga babala ng pamahalaan.
C. Bumiyahe kung saan man naisin.
D. Lumabas sa bahay araw-araw.
5. Paano tayo makakatulong na mapanatiling malinis at maayos ang ating
kapaligiran?
A. Magtapon ng mga basura sa ilog at mga kanal.
B. Panatilihin ang paggamit ng mga produktong plastic.
C. Pabayaan ang mga taong magkalat ng kanilang basura kun saan-
saan.
D. Suportahan ng mga programa ng pamahalaan ukol sa pangangalaga
ng kalikasan
Panuto: Lagyan ng ( ✓ ) kung natutunan mo at ( X ) kung hindi mo
natutunan.
________1. Ang tanong na bakit ay tumutukoy sa dahilan o sanhi sa isang
sitwasyon.
________ 2. Sa pagsagot sa tanong na paano at bakit lumalawak ang
kakayahang maipahayag ang saloobin.
________ 3. Ang tanong na paano ay tumutukoy sa paraan o solusyon sa
isang pangyayari.
________ 4. Ang bakit ay nagsasaad ng maikling kwento o usapan.
________ 5. Ang tanong na bakit at paano ay nakakatulong upang malaman
ang sanhi at solusyon ng bawat pangyayari.
Panuto: Sagutan ng dahilan o solusyon ang bawat pahayag. Isulat ang
sagot sa nakalaang guhit bago ang bilang.
__________ 1. Ang pagbibigay pansin sa pag-aaral ay mahalagang ugaliin.
__________ 2. Ang pagpapahalaga sa pag-aaral ay tugon upang umasenso ang
buhay.
__________ 3. Sumasakit ang tiyan at pinagpapawisan.
__________ 4. Maraming maduduming damit ang di nalabhan.
__________ 5. Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain.
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata. Sagutan ang mga tanong
sa ibaba. Isulat sa patlang ang letra ng may tamang sagot.
Tanghali na nang magising si Ron. Nagpuyat siya kasi sa paggawa ng
kanyang proyekto na ipapasa na kinabukasan. Nahihirapan siyang magtahi
dahil hindi siya nakikinig sa kanyang guro habang itinuturo ito sa klase.
Nahihiya siyang magpaturo sa kanyang nanay dahil nag-aasikaso ito ng
nakababata niyang kapatid. Gayunpaman ay sinikap niyang tapusin ang
iba’t-ibang klase ng pananahi kahit na hindi masyadong maganda ang
pagkakatahi nito.
_____ 1. Bakit tanghali nang magising si Ron?
A. Nagpuyat sa paglalaro sa “Mobile Legend”.
B. Nagpuyat sa paggawa ng proyekto
C. Nagpuyat sa panonood ng T.V
D. Nagpuyat sa pag-aaral
_____ 2. Bakit siya nahihirapang magtahi?
A. Dahil hindi siya nakikinig sa kanyang guro habang itinuturo ito
sa klase
B. Dahil tinatamad siyang magtahi.
C. Dahil nag-aalaga pa siya ng kanyang kapatid.
D. Dahil nawawalan siya ng pag-asa
_____ 3. Bakit hindi siya nagpaturo sa kanyang Nanay?
A. Dahil siya ay mayabang. C. Dahil siya ay galit.
B. Dahil siya ay nahihiya. D. Dahil siya ay may sumpong.
_____ 4. Paano hinarap ni Ron ang kanyang problem?
A. Sinikap niyang tapusin ito kahit na hindi magansa ang
pagkakatahi.
B. Hinayaan nalang niya na wala siyang maipasang proyekto.
C. Nagsisigaw siya sa inis.
D. Natulog nalang siya ulit.
_____ 5. Kung ikaw si Ron, paano mo haharapin ang iyong problema?
A. Hayaan na lamang ito. C. Kumain ng masasarap.
B. Umiyak nang umiyak. D. Humingi ng tulong sa iba.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
SUSI SA PAGWAWASTO
PAUNANG
PAGSUBOK
1.
D
2.
C
3.
E
4.
A
5.
B
BALIK
ARAL
1.
A
2.
C
3.
A
4.
D
5.
B
SURIIN
MO:
1.
Nakabenda
ang
kamay
Nabalian
ng
buto.
Nadulas
sa
kalsada
at
nadisgrasya.
2.
Naisip
ni
Tito
na
nabalian
ng
buto
si
Bong
dahil
sa
kanyang
plaster.
3.
Ipinakita
nila
ito
sa
pamamagitan
ng
pagtulong
sa
ilang
mga
gawain
na
hindi
kayang
gawin
ni
Bong.
4.
Magpaliwanag
sa
nangyari.
Humingi
ng
tulong
sa
kaklase.
Tanggapin
at
magsisi.
PAGSASANAY
Gawin
Mo:
A.1.
C
2.
D
3.
A
4.
E
5.
B
B.
1.
Upang
makaiwas
sa
kapahamakan.
2.
Upang
hindi
masira
ang
mga
mata.
3.
Upang
lumakas
at
sumigla
ang
ating
katawan.
4.
Mag-aral
at
magsikap
nang
mabuti.
5.
Kumain
ng
wasto
at
masusustansyang
pagkain
Subukan
Mo:
1.
A
2.
C
3.
A
4.
A
5.
D
PAGLALAHAT
1.
✓
2.
✓
3.✓
4.
X
5.
✓
PAGPAPAHALAGA
1.
Solusyon
2.
Solusyon
3.
Dahilan
4.
Dahilan
5.
Solusyon
PANAPOS
NA
PAGSUSULIT
1.
B
2.
A
3.B
4.
A
5.
D
Sanggunian
Scribd. “Ang Plaster ni Bong”. Google, June 8, 2020
http://www.scribd.com/doc/20754
Sanayang Aklat sa Sining ng Komunikasyon sa Filipino 6

More Related Content

Similar to FIL6-Q1-M2.pdf

esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...JesiecaBulauan
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxDepEd
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfJenniferTamesaOliqui
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...GeraldCanapi
 
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)Rosemarie Abano
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...PrincessJemimaNaingu2
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfEmilyDeJesus6
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfJoanBayangan1
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfMaCatherineMendoza
 
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxdaily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxFidel Dave
 

Similar to FIL6-Q1-M2.pdf (20)

esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod4_talento_mo_ating_tuklasin_FINAL07242020.pdf
 
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
 
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docxAp2adm melc q1-m1-week-8docx
Ap2adm melc q1-m1-week-8docx
 
Lesson plan 8
Lesson plan 8 Lesson plan 8
Lesson plan 8
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
Filipino5 q1 mod4_pagsulat ng isang maikling tula, talatang nagsasalaysay at ...
 
Filipino
FilipinoFilipino
Filipino
 
4 a's lesson plan
4 a's lesson plan4 a's lesson plan
4 a's lesson plan
 
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
Micro Lesson Filipino 8 (Ibat'ibang Uri ng Pangatnig)
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
 
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M7-FINAL_SLM.pdf
 
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)
 
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
Copy of Filipino II Modyul 1-Aralin-1-Cherry-Bahil-RMES (1) MBGjr-not colored...
 
Saklolo manual
Saklolo manualSaklolo manual
Saklolo manual
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
 
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdfAP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
AP1-Q1-M4-FINAL_SLM.pdf
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdfEsP 7-Q4-Module 4.pdf
EsP 7-Q4-Module 4.pdf
 
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdfESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
ESP3_Module 1_Magandang Kaugalian,Isabuhay!.pdf
 
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docxdaily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
daily lesson log esp 4q5 - Copy (4).docx
 

Recently uploaded

AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxComisoMhico
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pmarryrosegardose
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxEVELYNGRACETADEO1
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYARonalynGatelaCajudo
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxRanjellAllainBayonaT
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxsmileydainty
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)RonalynGatelaCajudo
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxRobinsonBaclaan
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxElmaPBasilio
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxmtmedel20in0037
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxjennygomez299283
 

Recently uploaded (20)

AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptxAP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
AP Q1 Wk2 ANG KILUSANG PROPAGANDA AT ANG KATIPUNAN.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 pKabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
Kabanata 6 Si Kapitan Tiyago Filipino 9 p
 
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptxPart 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
Part 2 Pagkakakilalanlan ng Kulturang Asyano Batay sa Kontribusyon Nito.pptx
 
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAMGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
MGA KABABAIHAN NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptxAP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
AP 6 PPT Q4 W6 Day 4 - Mga Isyung Pangkapaligiran (Climate Change, Atbp).pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptxModule 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
Module 3 Grade 7 pagkalaya ng timog at silangang asya.pptx
 
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
Konsepto at Katuturan ng pagkamamayan (Citizenship)
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptxGAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
GAWAING METAL (kasaysayan,kasanayan, materyales, kasangkapan .pptx
 
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptxESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
ESP 10 ANG MGA ISYUNG MORAL SA BUHAY .pptx
 
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptxGrade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
Grade 9, Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Module 4 ppt.pptx
 
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptxBahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
Bahagi ng makinang de-padyak 03-13-23 (1).pptx
 

FIL6-Q1-M2.pdf

  • 2. Filipino – Ikaanim na Baitang Unang Markahan – Modyul 2: Nasasagot ang tanong na bakit at paano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may- akda. Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig Komite sa Pagsulat ng Modyul Manunulat: Sheena Joye S. Abuan Editor: Normita C. Supsupin Tagasuri: Normita C. Supsupin (Nilalaman), Vilma V. Paulino (Teknikal) Tagaguhit: Sheena Joye S. Abuan Tagalapat: Sheena Joye S. Abuan Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin OIC-Schools Division Superintendent Aurelio G. Alfonso EdD OIC-Assistant Schools Division Superintendent Victor M. Javeña EdD Chief, School Governance and Operations Division and OIC-Chief, Curriculum Implementation Division Education Program Supervisors Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao (AP/HUMSS) Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS) Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports) Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM) Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang) Perlita M. Ignacio PhD (EsP) Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE) Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
  • 3. Filipino Unang Markahan Modyul para sa Sariling Pagkatuto Nasasagot ang Tanong na Bakit at Paano 6
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 6 ng Modyul para sa araling nasasagot ang tanong na bakit at paano. Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul sa loob kahong ito: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala at estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 Modyul ukol sa Nasasagot ang tanong na bakit at paano. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. MGA INAASAHAN Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. PAUNANG PAGSUBOK Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa paksa. BALIK-ARAL Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa. ARALIN Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto. MGA PAGSASANAY Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-aaral. PAGLALAHAT Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga. PAGPAPAHALAGA Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga. PANAPOS NA PAGSUSULIT Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
  • 6. Magandang araw! Sa modyul na ito’y, inaasahang masasagot ang tanong na bakit at paano. Nilalayon rin ng modyul na ito na lubos mong maunawaan ang aralin at masasagot nang wasto ang mga nakalaang katanungan o pagsasanay upang mas lalong maging ganap ang iyong pag- aaral sa araling ito. Ano, handa ka na ba? Nagustuhan ba ninyo ang mga nabasang kwento kahapon? Bago tayo magsimula sa panibago nating aralin, mayroon muna akong ibibigay na maikling gawain sa inyo. Basahin ang panuto sa ibaba. Panuto: Pagtambalin ang mga pangyayari mula sa Hanay A sa maaaring maging resulta ng pangyayari sa Hanay B. Isulat ang tamang titik sa loob ng kahon. Hanay A Hanay B 1. nawalan ng malay a. nagsindi ng kandila 2. sumakit ang tiyan b. pinatuloy sa bahay 3. tumakbo ng matulin c. maraming kinain 4. walang kuryente d. puyat at pagod 5. may bisitang dumating e. nanalo sa karera MGA INAASAHAN PAUNANG PAGSUBOK
  • 7. Mga bata, ano nga ang pamagat ng pabula na ating nabasa kahapon? Magaling! Upang tiyakin ang inyong natutunan sa ating aralin kahapon may babasahin akong kwento at pagkatapos ay subukan mong sagutan ang katanungan. Handa ka na ba? (Pagbasa ng guro ng pabula) Ang Unang Alitaptap Noong unang panahon ang mga alitaptap ay walang dalang apoy. Gabi lamang sila lumilipad. Ayaw nila sa gabing maliwanag ang buwan. Nagtatago sila sa mga damo, dahon at bulaklak kung madilim. Takot na takot sila. Isang gabing madilim, nagtago ang mga alitaptap sa sampagita. “Bakit ba?,” tanong naman ng sampagita. “Bakit ba kayo takot na takot?” “Natatakot kami sa kabag-kabag?,” sagot ng kulisap. “Inaano ba kayo ng kabag-kabag?,” usisa ng sampagita. “Kami’y kinakain nila,” sabi ng alitaptap. “Eh, bakit kung maliwanag ang gabi, hindi kayo nagkukubli sa aking puno?,” tanong ng sampagita. “Kung maliwanag ang buwan, hindi kami mahuhuli ng kabag- kabag. “Nasisilaw siya sa liwanag,” ang sabi ng isa pang kulisap. “Kung ganoon ay tuturuan ko kayo ng dapat gawin,” sabi ng sampagita. “Bawat isa sa inyo ay magdala ng sulo. Sabay-sabay kayong lumabas,” sabi ng sampagita. “Matatakot siya sa inyo.” Ganoon nga ang ginawa ng mga alitaptap. Bawat isa ay nagdala ng sulo at sabay-sabay silang lumabas. Hindi nga sila nilapitan ng kabag-kabag. Natatakot siya. Sa tuwa ng mga alitaptap ay lumipad sila nang paikut-ikot sa sampagita para magpasalamat. 1. Bakit ayaw ng mga alitaptap ng gabing madilim? A. Takot sila sa buwan. B. Madali silang mahuli ng kabag-kabag. C. Hindi sila makakita. D. Maraming lamok. 2. Bakit hindi nagkukubli sa mga dahon ang mga alitaptap kung maliwanag ang buwan? A. Binabantayan sila ng buwan upang hindi makalapit sa kulisap. B. Kinakain ng buwan ang kabag-kabag. C. Hindi sila makita ng kabag-kabag dahil nasisilaw sa liwanag ng buwan. D. Naiinitan ang kabag-kabag sa liwanag ng buwan. BALIK-ARAL
  • 8. ARALIN 3. Paano umiwas ang mga alitaptap sa kabag-kabag? A. Nagtatago sila sa mga dahon. B. Nagtatago sila sa likod ng buwan. C. Lumipad sila sa malayo. D. Nagkukubli sila sa likod ng puno. 4. Paano tinakot ng mga alitaptap ang mga kabag-kabag? A. Nagpatulong sila sa kapwa nila insekto. B. Nagsumbong sila. C. Nagdala sila ng malalaking pamalo. D. Nagdala sila ng sulo at sabay-sabay na lumipad. 5. Paano nagpasalamat sa sampagita ang mga alitaptap? A. Binigyan nila ng ilaw ang sampagita. B. Lumipad nang paikut-ikot ang mga alitaptap. C. Inawitan ng mga kulisap ang sampagita. D. Binantayan ng mga kulisap ang sampagita tuwing gabi. Naranasan mo na bang mapilayan o mabalian? Ano ang iyong pakiramdam? Ang kwento natin ngayong araw ay may pamagat na, “Ang Plaster ni Bong”. Basahin at unawain ng mabuti ang nilalaman ng kwento at maghanda para sa mga katanungan pagkatapos basahin ang kwento. Ang Plaster ni Bong Isang araw, pumasok si Bong sa klase na may nabenda ang kamay. Nagtaka ang kanyang kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya. “Anong nangyari sa iyo, Bong?” tanong ni Annie. “Plaster yan, hindi ba?” Naku, nabalian ka ng buto!”, ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran. “Oo, Tito. Nabali ang buto ko sa braso. Nagbisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya. Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sa nangyari ito”, mahinang sagot ni Bong. Tumahimik ang lahat ng dumating si Gng. Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos nilang magdasalay nagsalita ang guro sa lahat. “Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay nakaplaster.”
  • 9. Suriin Mo: 1. Ano ang nangyari kay Bong? 2. Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ng buto si Bong? 3. Paano ipinakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang kamay nya ay nakaplaster ? 4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bong, paano mo haharapin ang iyong mga kaklase? Magaling! Talagang nagbasa kayo nang mabuti. Balikan naman natin ang mga tanong na nasa bilang 2, 3, at 4. Basahin nga nang mabuti. • Bakit kaya naisip kaagad ni Tito na nabalian ang buto si Bong? • Paano ipinakita ng mga kaklase ni Bong ang pagtulong sa kanya habang ang kamay nya ay nakaplaster? • Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Bong, paano mo haharapin ang iyong mga kaklase? Ano-anong mga tanong ang ginamit? Paano ninyo nasagutan ang mga katanungan na may tanong na bakit at paano? Ano ang isinasaad o itinutukoy sa tanong na bakit? Ano naman ang isinasaad o itinutukoy sa tanong na paano? Ang tanong na bakit ay nagsasaad o tumutuloy sa dahilan o sanhi ng isang sitwasyon o pangyayari. Ang tanong na paano naman ay nagsasaad o tumutukoy sa magiging solusyon o paraan para malutas ang isang sitwasyon o pangyayari. Magbigay pa nga ng ilang mga katanungan na ginagamit ang tanong na bakit? Ano naman ang maaari mong maibigay na tanong sa paano? Ano ang maaari mong maisagot sa ibinigay mong mga katanungan? Magaling! Talagang marunong kayong gumawa ng mga tanong na bakit at paano at kung ano ang dapat ninyong ibigay na sagot sa mga ito. May mga tanong pa ba kayo tungkol sa ating aralin? Kung wala na, mayroon akong mga pagsasanay na ibibigay sa inyo. Basahin nang mabuti ang panuto.
  • 10. Gawin Mo A. Panuto: Basahin ang talata at sagutan ang mga tanong sa ibaba. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik sa patlang bago ang bilang sa bawat tanong. Masipag mag-aral ang bata si Simon kaya lagi siyang nangunguna sa klase. Isang araw, niyaya siya ng kanyang kaibigan na samahan ito sa isang online game contest. Natuto si Simon na maglaro ng online games dahil tuwing hapon laging siyang niyayaya ng kanyang kaibigan na maglaro. Hindi niya napansin na napapabayaan na niya ang kanyang pag-aaral. Palagi niyang idinadahilan sa kanyang ina kapag ginagabi na may group project sila ng kaklase. Lumipas ang mga araw at kuhaan na ng kard. Nagulat ang kanyang ina na sobra ang ibinaba ng grado ni Simon kaya masinsinan niya itong kinausap. Nangako naman si Simon na babawi siya at sisikaping itaas ulit ang mga bumabang marka. 1. Bakit nangunguna sa klase si Simon? 2. Paano niya natutunan ang online games? 3. Bakit palaging siyang ginagabi? 4. Bakit nagulat ang kanyang ina ng matanggap nito ang kard ni Simon? 5. Paano kaya maibabalik ni Simon ang mga bumaba niyang marka? A. Dahil sa paglalaro ng online games. B. Huwag pabayaan ang pag-aaral. C. Dahil masipag siyang mag-aral. D. Sinamahan niya ang kanyang kaibigan sa online game contest. E. Dahil sobra ang ibinaba ng kanyang mga marka. MGA PAGSASANAY
  • 11. B. Panuto: Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Pumili ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat ang buong sagot sa nakalaang patlang sa bawat bilang. 1. Bakit lagi kang pinapangaralan ng iyong mga magulang? __________________________________________________________________ 2. Bakit dapat nating iwasan ang matagal na paglalaro ng gadget? __________________________________________________________________ 3. Bakit kailangan nating mag-ehersisyo araw-araw? __________________________________________________________________ 4. Paano mo makakamit ang iyong mga pangarap sa buhay? __________________________________________________________________ 5. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong pangangatawan? __________________________________________________________________ Subukan Mo: A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong ayon sa binibigay na sitwasyon. Bilugan ang letra ng tamang sagot. 1. Bakit kailangan mong makapagtapos ng pag-aaral? A. Upang magkaroon ng magandang kinabukasan. B. Nais kong maging tambay sa lansangan C. Tulungan ang nanay kong may sakit. D. Wala akong balak na magtapos ng pag-aaral. • Upang lumakas at sumigla an gating katawan. • Mag-aral nang mabuti. • Kumain ng wasto at masusustansyang pagkain. • Upang hindi masira ang mga mata. • Upang makaiwas sa kapahamakan.
  • 12. 2. Bakit mahalagang maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain? A. Masarap kumain ng nakakamay. B. Hindi ko ito kinasanayang gawin. C. Upang maiwasan ang pagkakasakit. D. Para malinis ang kamay sa pagkain. 3. Bakit dapat tayong magsusuot ng mask kapag umalis ng bahay o nasa pampublikong lugar? A. Upang maproteksyonan ang pagpasok ng mikrobyo sa ating katawan. B. Sapagkat lahat ng tao ay gumagamit na nito. C. Upang hindi masingot ang mabahong basura D. Sapagkat ito ang uso ngayon. 4. Paano natin maiiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa? A. Ugaliing maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol pagkatapos humawak sa mga bagay. B. Baliwalain ang mga babala ng pamahalaan. C. Bumiyahe kung saan man naisin. D. Lumabas sa bahay araw-araw. 5. Paano tayo makakatulong na mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran? A. Magtapon ng mga basura sa ilog at mga kanal. B. Panatilihin ang paggamit ng mga produktong plastic. C. Pabayaan ang mga taong magkalat ng kanilang basura kun saan- saan. D. Suportahan ng mga programa ng pamahalaan ukol sa pangangalaga ng kalikasan
  • 13. Panuto: Lagyan ng ( ✓ ) kung natutunan mo at ( X ) kung hindi mo natutunan. ________1. Ang tanong na bakit ay tumutukoy sa dahilan o sanhi sa isang sitwasyon. ________ 2. Sa pagsagot sa tanong na paano at bakit lumalawak ang kakayahang maipahayag ang saloobin. ________ 3. Ang tanong na paano ay tumutukoy sa paraan o solusyon sa isang pangyayari. ________ 4. Ang bakit ay nagsasaad ng maikling kwento o usapan. ________ 5. Ang tanong na bakit at paano ay nakakatulong upang malaman ang sanhi at solusyon ng bawat pangyayari. Panuto: Sagutan ng dahilan o solusyon ang bawat pahayag. Isulat ang sagot sa nakalaang guhit bago ang bilang. __________ 1. Ang pagbibigay pansin sa pag-aaral ay mahalagang ugaliin. __________ 2. Ang pagpapahalaga sa pag-aaral ay tugon upang umasenso ang buhay. __________ 3. Sumasakit ang tiyan at pinagpapawisan. __________ 4. Maraming maduduming damit ang di nalabhan. __________ 5. Naghuhugas ng kamay bago at pagkatapos kumain. PAGLALAHAT PAGPAPAHALAGA
  • 14. Panuto: Basahin at unawain ng mabuti ang talata. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa patlang ang letra ng may tamang sagot. Tanghali na nang magising si Ron. Nagpuyat siya kasi sa paggawa ng kanyang proyekto na ipapasa na kinabukasan. Nahihirapan siyang magtahi dahil hindi siya nakikinig sa kanyang guro habang itinuturo ito sa klase. Nahihiya siyang magpaturo sa kanyang nanay dahil nag-aasikaso ito ng nakababata niyang kapatid. Gayunpaman ay sinikap niyang tapusin ang iba’t-ibang klase ng pananahi kahit na hindi masyadong maganda ang pagkakatahi nito. _____ 1. Bakit tanghali nang magising si Ron? A. Nagpuyat sa paglalaro sa “Mobile Legend”. B. Nagpuyat sa paggawa ng proyekto C. Nagpuyat sa panonood ng T.V D. Nagpuyat sa pag-aaral _____ 2. Bakit siya nahihirapang magtahi? A. Dahil hindi siya nakikinig sa kanyang guro habang itinuturo ito sa klase B. Dahil tinatamad siyang magtahi. C. Dahil nag-aalaga pa siya ng kanyang kapatid. D. Dahil nawawalan siya ng pag-asa _____ 3. Bakit hindi siya nagpaturo sa kanyang Nanay? A. Dahil siya ay mayabang. C. Dahil siya ay galit. B. Dahil siya ay nahihiya. D. Dahil siya ay may sumpong. _____ 4. Paano hinarap ni Ron ang kanyang problem? A. Sinikap niyang tapusin ito kahit na hindi magansa ang pagkakatahi. B. Hinayaan nalang niya na wala siyang maipasang proyekto. C. Nagsisigaw siya sa inis. D. Natulog nalang siya ulit. _____ 5. Kung ikaw si Ron, paano mo haharapin ang iyong problema? A. Hayaan na lamang ito. C. Kumain ng masasarap. B. Umiyak nang umiyak. D. Humingi ng tulong sa iba. PANAPOS NA PAGSUSULIT
  • 15. SUSI SA PAGWAWASTO PAUNANG PAGSUBOK 1. D 2. C 3. E 4. A 5. B BALIK ARAL 1. A 2. C 3. A 4. D 5. B SURIIN MO: 1. Nakabenda ang kamay Nabalian ng buto. Nadulas sa kalsada at nadisgrasya. 2. Naisip ni Tito na nabalian ng buto si Bong dahil sa kanyang plaster. 3. Ipinakita nila ito sa pamamagitan ng pagtulong sa ilang mga gawain na hindi kayang gawin ni Bong. 4. Magpaliwanag sa nangyari. Humingi ng tulong sa kaklase. Tanggapin at magsisi. PAGSASANAY Gawin Mo: A.1. C 2. D 3. A 4. E 5. B B. 1. Upang makaiwas sa kapahamakan. 2. Upang hindi masira ang mga mata. 3. Upang lumakas at sumigla ang ating katawan. 4. Mag-aral at magsikap nang mabuti. 5. Kumain ng wasto at masusustansyang pagkain Subukan Mo: 1. A 2. C 3. A 4. A 5. D PAGLALAHAT 1. ✓ 2. ✓ 3.✓ 4. X 5. ✓ PAGPAPAHALAGA 1. Solusyon 2. Solusyon 3. Dahilan 4. Dahilan 5. Solusyon PANAPOS NA PAGSUSULIT 1. B 2. A 3.B 4. A 5. D
  • 16. Sanggunian Scribd. “Ang Plaster ni Bong”. Google, June 8, 2020 http://www.scribd.com/doc/20754 Sanayang Aklat sa Sining ng Komunikasyon sa Filipino 6