SlideShare a Scribd company logo
1 of 25
Download to read offline
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan –
Modyul1: Ano ang Kultura?
3
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ano ang Kultura?
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.phInilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng
Edukasyon – Rehiyon Dose
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Alohah P. Ondoy, Melinda C. Fernandez
Editor: Emmanuel F. Gabriel
Tagasuri: Lanie B. Aguirre
Tagalapat: Christel May J. Paguican/Karen Mae P. Salces
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent
Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI-Assist. Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan
Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief
Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS
Antonio R. Pasigado, Jr. -PSDS, ADM Division Coordinator
Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan
3
Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Ano ang Kultura?
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa
araling Ano ang Kultura?
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ano ang Kultura?
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo
ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para
sa mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman
o kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang
sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain
sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang
inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha
ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin
Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong
pag-aaral? Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nailalarawan ang
kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
Subukin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano-ano ang kaugalian at tradisyon ang alam mong
ginagawa sa iyong lalawigan at maging sa rehiyon?
2. Anong mga produkto, wika, at sayaw ng inyong
lalawigan?
a. Produkto
b. Wika
c. Sayaw
Aralin
32
Ang Kultura ng Mga Lalawigan
sa Kinabibilangang Rehiyon
Panimula
Maligayang Pagdating sa Ikatlong Yunit sa Araling
Panlipunan!
Ang pag-aralan sa yunit na ito ay ang mas malalim na
pagkilala sa kultura ng sariling lalawigan at ng mga karatig nito sa
kinabibilangang rehiyon na may pagkilala sa kultura ng sariling
lalawigan at ng mga karatig nito sa kinabibilangang rehiyon. Ano-
ano ang kaugalian at tradisyon ang alam mong ginagawa sa
inyong lalawigan at maging sa rehiyon? Anong mga pagkain at
iba pang produkto, wika, sayaw, at awit ng inyong lalawigan at ng
rehiyon? Alin dito ang mga nakagawian pa rin hanggang ngayon?
Balikan
Panuto: Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo na ang iyong
lalawigan ay katulad din ng ibang lalawigan sa kinabibilangang
rehiyon na may kaniya-kaniyang katangian na dapat ipagmalaki.
Ano-ano ang maaari mong ipagmalaki sa mga lalawigan ng ating
rehiyon?
Tuklasin
Ang bawat lugar ay may mga nakagawiang mga gawain na
nagpapasalin-salin mula mga ninuno hanggang sa kasalukuyang
henerasyon. Nakikita ito sa araw-araw nilang pamumuhay. Ang
mga tradisyon at paniniwala, sa kanilang mga panlalawigang
pagdiriwang, mga kagamitan, mga kasabihan , pananaw at sa
kanilang mga awit at iba pang sining.
Ang kabuuan ng lahat na ito ay bahagi ng kanilang kultura.
Ito ay may dalawang uri. Ang materyal at di-materyal na kultura.
Suriin ang talaan. Ito ang mga bahagi ng bawat pangkat.
Materyal Di-Materyal
1. Kasangkapan
2. Kasuotan
3. Pagkain
4. Tahanan
1. Edukasyon
2. Kaugalian
3. Pamahalaan
4. Paniniwala
5. Relihiyon/Pananampalataya
6. Sining
7. Wika
8. Agham
Alamin natin ang pagkakaiba ng materyal at di-materyal na
kultura sa ating lalawigan. Magbalik tanaw tayo sa nakaraan.
Materyal Na Kultura
Kasangkapan
Noong unang panahon, walang kasangkapan ang ating
mga ninuno mga ninuno. Lumipas ang panahon, natuto silang
gumawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan para sa pang araw-araw
nilang pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na ginawa
nilang tirahan at sa mga kagamitang natuklasan/natagpuan.
Halimbawa ng mga kasangkapan ay banga at ilang mga
kagamitan. Narito ang ilang larawan na ginawa ng ating mga
ninuno. Inukit, hinasa, pinakinis at nililok nila ang mga ito ayon sa
kagamitang nais nilang mabuo.
Nililok na Inukit na
Banga Kahoy
Pinakinis na Hinasang
Alahas Pana
Kasuotan
Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno.
Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag-
aangkop sa klima ng kapaligiran. Tingnan ang tsart na
naglalarawan sa kanilang mga kasuotan.
Paglalarawan Kagamitan o uri ng kasuotan
Sa simula - Yari sa pinatuyong balat ng
hayop, o pinukpok na balat ng
kahoy.
Makalipas ang ilang
panahon
⮚ Sa mga lalaki
Kangan - pang-itaas na damit
na walang kuwelyo at manggas
Bahag - kapirasong tela na
ginagamit pang ibaba
Putong - kapirasong tela na
iniikot sa ulo
⮚ Sa mga
babae
Baro – pang itaas na may
mahabang manggas na parang
jacket
Saya- kapirasong tela o tapis
na iniikot sa baywang. Patadyong
naman ang tawag ng mga Bisaya
rito.
Nakayapak o walang sapin sa
paa ang ating mga ninuno.
Sari-saring alahas din ang suot ng ating mga ninuno gaya ng
singsing, kwintas, hikaw, at pulseras. Hindi lamang ang mga leeg,
kamay at tainga ang kanilang nilalagyan ng alahas. Sinasabitan
din nila ang kanilang mga binti, braso at pagitan ng mga ngipin.
Yari pa ito sa ginto at mamahaling bato na kanilang namimina.
Pagkain
Dahil hindi pa marunong magtanim ang ating mga ninuno
noon, nanggagaling lamang sa dagat, ilog at mga punungkahoy
sa kagubatan ang kanilang pagkain. Makalipas ang panahon,
natuto na silang magsaka kung kaya’t naidagdag sa kanilang
pagkain ang kanin, prutas at gulay. Niluluto nila ang kanilang
pagkain sa palayok o sa bumbong ng kawayan. Nakakamay sila
kung kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila sa
pinakinis na bao o biyas ng kawayan.
Dahon ng Saging Bumbong ng Kawayan
Bao ng Niyog Palayok
Tahanan
Walang naging tiyak na tirahan
ang ating mga ninuno. Nagpalipat-
lipat sila ng tirahan kung saan sila
mapadpad. Batay sa mga
pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa
pinagmulan ng tao, nanirahan muna
sila sa loob ng kuweba. Sa paglipas
ng panahon, natuto silang gumawa
ng isang palapag na bahay na yari sa pawid, kahoy, kawayan,
sawali at kugon. Ang sahig ay yari sa kawayan at nakaangat sa
lupa. Ang silong ng bahay ay imbakan ng mga panggatong,
kagamitan sa pagsasaka at kulungan ng mga alagang hayop.
Di- Materyal na Kultura
Edukasyon
Hindi nakaranas pumasok sa totoo o pormal na paaralan ang
ating mga ninuno. Natutong sumulat at bumasa ang ating mga
ninuno bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan.
Sa tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng mga ina ng
gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba at pag-
aalaga ng bata. Ang mga lalaki naman ay tinuturuan ng kanilang
ama sa mga gawaing kailangan sa pang araw-araw na
pamumuhay tulad ng pangangaso at pangingisda. Ang mga
kalalakihan at kababaihan ay nagtutulungan sa pagbubungkal ng
lupa, pagtatanim at pag-aani sa mga lupang sakahan.
Kaugalian
Maraming kaugalian ang ating mga ninuno, ilan sa mga ito
ay sa paraan ng pag-aasawa.
Halimbawa, bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan sa
pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan. Siya ay umiigib ng
tubig, nagsisibak ng kahoy at tumutulong sa pagbubungkal ng
lupa. Isa ring kaugalian ang pagbibigay ng dore (bridewealth) o
bigay-kaya sa magulang ng babae. Ito ay pagbibigay ng
mahahalagang bagay tulad ng alahas, lupa at bahay. Ito ang
gagamitin ng mag-asawa upang magsimula ng kanilang bagong
buhay.
Kapag may namatayan naman, nagkakatay sila ng hayop
upang ipakain sa mga naglalamay. Habang isinasagawa ang
paglalamay, may mga taong taga-iyak na siyang nagsasalaysay
ng mga kabutihang nagawa ng namatay. Ilan lamang ito sa mga
kaugaliang namana natin sa ating mga ninuno.
Pamahalaan
Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang
ating mga ninuno. Balangay ang tawag sa kanilang pamayanan.
Binubuo ito ng 30-100 pamilya. Tatlo ang kanilang pinuno. Isa na
dito ang datu na tinutulungan ng pangkat ng mga matatanda na
tinatawag na maginoo. Sila ay nagbibigay payo sa datu. Ang datu
ang nagpapatupad ng mga itinakdang batas.
Bagama’t ang sistema ng kasalukuyang pamahalaan ay
sumusunod sa batas na itinakda ng ating bansa, may ilang bahagi
ng kultura ng ating mga ninuno ang umiiral pa rin. Halimbawa,
kapag may hindi pagkakaunawaan, ang mga tao ay naghahain
ng reklamo at naglulutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa
kanilang baranggay hall. Sa halip na datu ang nag –aayos, ang
inihahalal na kapitan ng barangay ang siyang namamagitan sa
dalawang panig.
Paniniwala at Relihiyon
Bathala ang tawag sa itinuturing na panginoon ng ating mga
ninuno. Itinuturing nila itong pinakamakapangyarihan sa lahat.
Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa.
Naniniwala sila sa kapangyarihan ng iba’t-ibang ispiritwal na
tagabantay tulad ng diyos, diwata at anito. Naniniwala sila na ang
mga ito ay nasa kalikasan kaya’t sinasamba, pinapahalagahan at
pinapangalagaan nila ang kanilang sinasamba sa pamamagitan
ng paglililok nito sa kahoy, bato o ginto. Dinadasalan at inaalayan
pa nila ang mga ito ng pagkain.
Sining
Makikita ang kasanayan sa sining ng ating mga ninuno sa
mga nakaukit at nakalilok sa bubong at ibang bahagi ng bahay
nila. Iba-iba rin ang disenyo at hugis ng kanilang mga kagamitan
gaya ng lampara, baul at iba pa. Ang pagkahilig nila sa sining ay
ipinapakita rin sa mga tattoo nila sa katawan.
Wika
Mahigit 100 wika at diyalekto ang sinasalita ng ating mga
ninuno. Karamihan ng ating mga ninuno ay may wikang taal sa
kanila tulad ng mga Manobo, T’boli, B’laan, Maguindanaon, at
Maranao.
Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Paano namumuhay ang mga tao sa inyong lugar?
___________________________________________________________
2. Paano naipapakita ng ating mga ninuno ang pagkahilig nila
sa sining?
___________________________________________________________
Pagyamanin
● Ginabayang Pagsasanay
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap
ay naglalarawan sa materyal na kutlura at di-materyal na
kultura. Isulat sa papel ang inyong sagot.
________________1. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang
kanilang mga anak sa pangangaso at pangingisda.
________________2. Ang kangan, bahag at putong ay ang
mga kasuotan ng mga sinaunang Pilipino.
________________3. Ang mga sinaunang Pilipino ay
nagpapalipat-lipat ng tirahan.
________________4. Ang mga lalaki ay naninilbihan sa bahay
ng pamilya ng babae na nais niyang pakasalan.
________________5. Naniniwala ang ating mga ninuno kay
bathala at iba pang mga ispiritwal na tagabantay.
Isaisip
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.
1. Ano ang kultura?
a. Gawain na nagpasalin-salin mula pa sa mga ninuno
hanggang sa kasalukuyan
b. Katulad ng ibang lalawigan sa kinabibilangang rehiyon
na may kaniya-kaniyang kasaysayan.
c. Pamaraan na hindi ginagawa ng mga tao upang
masagot ang kanilang suliranin.
d. Hindi nakikita sa araw-araw nilang pamumuhay.
2. Bilang isang bata. Paano mo ipagdiriwang ang Pasko na
ligtas laban sa pandemyang COVID-19?
a. Palagiang magsuot ng facemask at maghugas ng
kamay.
b. Pasyalan ang lahat na mga kamag-anak
c. Sumama sa mga batang namamasko
d. Makipagsiksikan sa mga handaan.
Isagawa
Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon.
Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
Ang mga sinaunang Pilipino ay
gumamit ng mga pana, palaso at
sibat sa pangangaso.
Baro’t saya ang kasuotan ng mga
kababaihan.
Ang mga magulang ang nagtuturo
sa kanilang mga anak ng mga
gawaing bahay, pangangaso,
pangingisda at pagsasaka.
Ang mga sinaunang Pilipino ay
nanirahan sa mga kuweba .
Naniniwala ang ating mga ninuno
sa iba’t-ibang ispiritwal na
tagabantay tulad ng diyos, diwata at
anito.
Edukasyon
Kasangkapan
Kasuotan
Kaugalian
Pamahalaan
Paniniwala
Tahanan
Sining
Tahanan
Tayahin
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
________1. Uri ng kultura na makikita at ginawa ng mga tao
________2. Nanirahan ang ating mga ninuno bago pa sila natutong
gumawa ng isang palapaga na bahay
________3. Ginagamit ng ating mga ninuno sa pag-inom
________4. Pang-itaas na damit na walang kwelyo at manggas
________5. Tawag sa itinuturing na panginoon ng ating mga ninuno
Karagdagang Gawain
Panuto: Pumili ng isang materyal na kultura at ilarawan ito sa
pamamagitan ng maikling sining tulad ng:
BATAYAN sa
Paglalarawan ng
Maikling Sining
MAHUSAY NA MAHUSAY
(5)
MAHUSAY
(4-3)
HINDI MAHUSAY
(2-1)
Kalidad ng
Paglalarawan
Mahusay ang ginawang
paglalarawan sa isang
materyal na kultura
Katamtaman ang husay
ang ginawang
paglalarawan sa isang
materyal na kultura
Mali at kulang ang
paglalarawan
Kaalaman sa
Paksa
Nagpakita ng malawak
na pagkaunawa sa aralin
Nagpakita ng sapat na
pagkaunawa sa aralin
Nagpakita ng kaunting
pagkaunawa sa aralin
Kaugnayan sa
Paksa
Nakapagbibigay ng
maganda at mahusay na
paglalarawan na may
malaking kaugnayan sa
paksa
Nakapagbibigay ng
magandang paglalarawan
na may sapat na
kaugnayan sa paksa
Walang kaugnayan sa
paksa ang
paglalarawan
Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na modyul.
A. Tula B. Poster C. Awit/rap D. Salaysay o Kuwento
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Antonio V. Amparado, Et.al. 2020. Araling Panlipunan Kagamitan
ng Mag-aaral Rehiyon XII-SOCCSARGEN. Kidapawan City:
Studio Graphics Corp.
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan
ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay
batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng
Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng
SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng
paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0.
Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at
rekomendasyon.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – SOCCSKSARGEN
Learning Resource Management System (LRMS)
Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893
Email Address: region12@deped.gov.ph

More Related Content

Similar to Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ (1).pdf

esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
OLIVESAMSON2
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
OLIVERRAMOS29
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
LizellRagasa
 

Similar to Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ (1).pdf (20)

KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdfKPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
KPWKP_Q1_Module4 Register at Barayti ng Wika.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 1 FOR STUDENT.pptx
 
Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6Ap 8 quarter 1 module 6
Ap 8 quarter 1 module 6
 
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module11 Pananaw ng Iba’t ibang Awtor sa Wikang Pambansa.pdf
 
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdfKPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
KPWKP_Q1_Module13 Sanhi at Bunga, Wikang Pambansa.pdf
 
Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10
Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10
Araling panlipuan modyul 3 chapter 12 G10
 
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
esp8_q1_mod16_ang panlipunan at pampolitikal na papel ng pamilya_FINAL0808202...
 
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdfAP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
AP-8-QUARTER-2-MODULE-6.pdf
 
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdfMAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
 
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdfMAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
MAPEH-5_Q1-Modyul-1_Aralin-1-4.pdf
 
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdfKPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
KPWKP_Q1_Module5 Una, Pangalawang Wika, Linggwistikong Komunidad.pdf
 
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdfap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
ap9_q1_mod4_SDOv1-EGimena.pdf
 
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdfFILIPINO10-Q1-M1.pdf
FILIPINO10-Q1-M1.pdf
 
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod7_hilig_ayon_sa_larangan_at_tuon_FINAL07242020.pdf
 
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
G10 3rd modyul1_version2.docx (1)
 
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.MerecidoKomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
KomPan_Q2_module-7_Final.pdf, Aurelia G.Merecido
 
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptxQ1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
Q1_w9_Komunikasyon_Decipolo-For-Teacher (1).pptx
 
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdfesp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
esp7_q1_mod8-pag-unlad_ng_hilig_paglawak_ng_tungkulin_FINAL07242020.pdf
 
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdfESP-Q2_MODULE-8.pdf
ESP-Q2_MODULE-8.pdf
 
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptxKOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
KOMUNIKASYON-Q1-WEEK 2 FOR STUDENT.pptx
 

Mother Manuscript WEEK-1-MODULE-1-AP-G3-3Q-ALOHAH-P.-ONDOY-MELINDA-FERNANDEZ (1).pdf

  • 2. Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ano ang Kultura? Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893 E-mail Address: region12@deped.gov.phInilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon Dose Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Alohah P. Ondoy, Melinda C. Fernandez Editor: Emmanuel F. Gabriel Tagasuri: Lanie B. Aguirre Tagalapat: Christel May J. Paguican/Karen Mae P. Salces Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director Omar A. Obas, CESO V - Schools Division Superintendent Dr. Natividad G. Ocon, CESO VI-Assist. Schools Division Superintendent Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM Johnny M. Sumugat – REPS, Araling Panlipunan Dr. Meilrose B. Peralta – CID Chief Dr. Hazel G. Aparece - EPS In Charge of LRMS Antonio R. Pasigado, Jr. -PSDS, ADM Division Coordinator Ronnie C. Cabaya – EPS, Araling Panlipunan
  • 3. 3 Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 1: Ano ang Kultura?
  • 4. Paunang Salita Para sa tagapagdaloy: Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ano ang Kultura? Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag- aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang Mga Tala para sa Guro Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.
  • 5. hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul. Para sa mag-aaral: Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ano ang Kultura? Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag- aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul. Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik- aral upang matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
  • 6. Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon. Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan. Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul. Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin. Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
  • 7. Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi. Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin. Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul. Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang: Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito: 1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. 2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul. 3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan. 5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
  • 8. 6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito! Alamin Magandang araw sa iyo, kaibigan! Kumusta na ang iyong pag-aaral? Sa araling ito, ikaw ay inaasahang nailalarawan ang kultura ng mga lalawigan sa kinabibilangang rehiyon.
  • 9. Subukin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. 1. Ano-ano ang kaugalian at tradisyon ang alam mong ginagawa sa iyong lalawigan at maging sa rehiyon? 2. Anong mga produkto, wika, at sayaw ng inyong lalawigan? a. Produkto b. Wika c. Sayaw
  • 10. Aralin 32 Ang Kultura ng Mga Lalawigan sa Kinabibilangang Rehiyon Panimula Maligayang Pagdating sa Ikatlong Yunit sa Araling Panlipunan! Ang pag-aralan sa yunit na ito ay ang mas malalim na pagkilala sa kultura ng sariling lalawigan at ng mga karatig nito sa kinabibilangang rehiyon na may pagkilala sa kultura ng sariling lalawigan at ng mga karatig nito sa kinabibilangang rehiyon. Ano- ano ang kaugalian at tradisyon ang alam mong ginagawa sa inyong lalawigan at maging sa rehiyon? Anong mga pagkain at iba pang produkto, wika, sayaw, at awit ng inyong lalawigan at ng rehiyon? Alin dito ang mga nakagawian pa rin hanggang ngayon? Balikan Panuto: Sa nakaraang aralin, napag-alaman mo na ang iyong lalawigan ay katulad din ng ibang lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na may kaniya-kaniyang katangian na dapat ipagmalaki. Ano-ano ang maaari mong ipagmalaki sa mga lalawigan ng ating rehiyon?
  • 11. Tuklasin Ang bawat lugar ay may mga nakagawiang mga gawain na nagpapasalin-salin mula mga ninuno hanggang sa kasalukuyang henerasyon. Nakikita ito sa araw-araw nilang pamumuhay. Ang mga tradisyon at paniniwala, sa kanilang mga panlalawigang pagdiriwang, mga kagamitan, mga kasabihan , pananaw at sa kanilang mga awit at iba pang sining. Ang kabuuan ng lahat na ito ay bahagi ng kanilang kultura. Ito ay may dalawang uri. Ang materyal at di-materyal na kultura. Suriin ang talaan. Ito ang mga bahagi ng bawat pangkat. Materyal Di-Materyal 1. Kasangkapan 2. Kasuotan 3. Pagkain 4. Tahanan 1. Edukasyon 2. Kaugalian 3. Pamahalaan 4. Paniniwala 5. Relihiyon/Pananampalataya 6. Sining 7. Wika 8. Agham Alamin natin ang pagkakaiba ng materyal at di-materyal na kultura sa ating lalawigan. Magbalik tanaw tayo sa nakaraan. Materyal Na Kultura Kasangkapan Noong unang panahon, walang kasangkapan ang ating mga ninuno mga ninuno. Lumipas ang panahon, natuto silang gumawa ng iba’t ibang uri ng kagamitan para sa pang araw-araw nilang pamumuhay. Natuklasan ito sa mga yungib na ginawa nilang tirahan at sa mga kagamitang natuklasan/natagpuan. Halimbawa ng mga kasangkapan ay banga at ilang mga
  • 12. kagamitan. Narito ang ilang larawan na ginawa ng ating mga ninuno. Inukit, hinasa, pinakinis at nililok nila ang mga ito ayon sa kagamitang nais nilang mabuo. Nililok na Inukit na Banga Kahoy Pinakinis na Hinasang Alahas Pana Kasuotan Katangi-tangi rin ang pananamit ng ating mga ninuno. Nagkakaiba-iba sila ayon sa kanilang pinagmulan at pag- aangkop sa klima ng kapaligiran. Tingnan ang tsart na naglalarawan sa kanilang mga kasuotan.
  • 13. Paglalarawan Kagamitan o uri ng kasuotan Sa simula - Yari sa pinatuyong balat ng hayop, o pinukpok na balat ng kahoy. Makalipas ang ilang panahon ⮚ Sa mga lalaki Kangan - pang-itaas na damit na walang kuwelyo at manggas Bahag - kapirasong tela na ginagamit pang ibaba Putong - kapirasong tela na iniikot sa ulo ⮚ Sa mga babae Baro – pang itaas na may mahabang manggas na parang jacket Saya- kapirasong tela o tapis na iniikot sa baywang. Patadyong naman ang tawag ng mga Bisaya rito. Nakayapak o walang sapin sa paa ang ating mga ninuno.
  • 14. Sari-saring alahas din ang suot ng ating mga ninuno gaya ng singsing, kwintas, hikaw, at pulseras. Hindi lamang ang mga leeg, kamay at tainga ang kanilang nilalagyan ng alahas. Sinasabitan din nila ang kanilang mga binti, braso at pagitan ng mga ngipin. Yari pa ito sa ginto at mamahaling bato na kanilang namimina. Pagkain Dahil hindi pa marunong magtanim ang ating mga ninuno noon, nanggagaling lamang sa dagat, ilog at mga punungkahoy sa kagubatan ang kanilang pagkain. Makalipas ang panahon, natuto na silang magsaka kung kaya’t naidagdag sa kanilang pagkain ang kanin, prutas at gulay. Niluluto nila ang kanilang pagkain sa palayok o sa bumbong ng kawayan. Nakakamay sila kung kumain sa dahon o sa bao ng niyog. Umiinom sila sa pinakinis na bao o biyas ng kawayan. Dahon ng Saging Bumbong ng Kawayan Bao ng Niyog Palayok
  • 15. Tahanan Walang naging tiyak na tirahan ang ating mga ninuno. Nagpalipat- lipat sila ng tirahan kung saan sila mapadpad. Batay sa mga pagsasaliksik ng mga dalubhasa sa pinagmulan ng tao, nanirahan muna sila sa loob ng kuweba. Sa paglipas ng panahon, natuto silang gumawa ng isang palapag na bahay na yari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali at kugon. Ang sahig ay yari sa kawayan at nakaangat sa lupa. Ang silong ng bahay ay imbakan ng mga panggatong, kagamitan sa pagsasaka at kulungan ng mga alagang hayop. Di- Materyal na Kultura Edukasyon Hindi nakaranas pumasok sa totoo o pormal na paaralan ang ating mga ninuno. Natutong sumulat at bumasa ang ating mga ninuno bunga ng kanilang karanasan at pagmamasid sa kalikasan. Sa tahanan, ang mga babae ay tinuturuan ng mga ina ng gawaing pantahanan tulad ng pagluluto, paglalaba at pag- aalaga ng bata. Ang mga lalaki naman ay tinuturuan ng kanilang ama sa mga gawaing kailangan sa pang araw-araw na pamumuhay tulad ng pangangaso at pangingisda. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagtutulungan sa pagbubungkal ng lupa, pagtatanim at pag-aani sa mga lupang sakahan. Kaugalian Maraming kaugalian ang ating mga ninuno, ilan sa mga ito ay sa paraan ng pag-aasawa.
  • 16. Halimbawa, bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan sa pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan. Siya ay umiigib ng tubig, nagsisibak ng kahoy at tumutulong sa pagbubungkal ng lupa. Isa ring kaugalian ang pagbibigay ng dore (bridewealth) o bigay-kaya sa magulang ng babae. Ito ay pagbibigay ng mahahalagang bagay tulad ng alahas, lupa at bahay. Ito ang gagamitin ng mag-asawa upang magsimula ng kanilang bagong buhay. Kapag may namatayan naman, nagkakatay sila ng hayop upang ipakain sa mga naglalamay. Habang isinasagawa ang paglalamay, may mga taong taga-iyak na siyang nagsasalaysay ng mga kabutihang nagawa ng namatay. Ilan lamang ito sa mga kaugaliang namana natin sa ating mga ninuno. Pamahalaan Noon pa man ay may kaalaman na sa pamamahala ang ating mga ninuno. Balangay ang tawag sa kanilang pamayanan. Binubuo ito ng 30-100 pamilya. Tatlo ang kanilang pinuno. Isa na dito ang datu na tinutulungan ng pangkat ng mga matatanda na tinatawag na maginoo. Sila ay nagbibigay payo sa datu. Ang datu ang nagpapatupad ng mga itinakdang batas. Bagama’t ang sistema ng kasalukuyang pamahalaan ay sumusunod sa batas na itinakda ng ating bansa, may ilang bahagi ng kultura ng ating mga ninuno ang umiiral pa rin. Halimbawa, kapag may hindi pagkakaunawaan, ang mga tao ay naghahain ng reklamo at naglulutas ng mga hindi pagkakaunawaan sa kanilang baranggay hall. Sa halip na datu ang nag –aayos, ang inihahalal na kapitan ng barangay ang siyang namamagitan sa dalawang panig.
  • 17. Paniniwala at Relihiyon Bathala ang tawag sa itinuturing na panginoon ng ating mga ninuno. Itinuturing nila itong pinakamakapangyarihan sa lahat. Naniniwala silang may lugar na pinupuntahan ang mga kaluluwa. Naniniwala sila sa kapangyarihan ng iba’t-ibang ispiritwal na tagabantay tulad ng diyos, diwata at anito. Naniniwala sila na ang mga ito ay nasa kalikasan kaya’t sinasamba, pinapahalagahan at pinapangalagaan nila ang kanilang sinasamba sa pamamagitan ng paglililok nito sa kahoy, bato o ginto. Dinadasalan at inaalayan pa nila ang mga ito ng pagkain. Sining Makikita ang kasanayan sa sining ng ating mga ninuno sa mga nakaukit at nakalilok sa bubong at ibang bahagi ng bahay nila. Iba-iba rin ang disenyo at hugis ng kanilang mga kagamitan gaya ng lampara, baul at iba pa. Ang pagkahilig nila sa sining ay ipinapakita rin sa mga tattoo nila sa katawan. Wika Mahigit 100 wika at diyalekto ang sinasalita ng ating mga ninuno. Karamihan ng ating mga ninuno ay may wikang taal sa kanila tulad ng mga Manobo, T’boli, B’laan, Maguindanaon, at Maranao.
  • 18. Suriin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. 1. Paano namumuhay ang mga tao sa inyong lugar? ___________________________________________________________ 2. Paano naipapakita ng ating mga ninuno ang pagkahilig nila sa sining? ___________________________________________________________ Pagyamanin ● Ginabayang Pagsasanay Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay naglalarawan sa materyal na kutlura at di-materyal na kultura. Isulat sa papel ang inyong sagot. ________________1. Tinuturuan ng mga kalalakihan ang kanilang mga anak sa pangangaso at pangingisda. ________________2. Ang kangan, bahag at putong ay ang mga kasuotan ng mga sinaunang Pilipino. ________________3. Ang mga sinaunang Pilipino ay nagpapalipat-lipat ng tirahan.
  • 19. ________________4. Ang mga lalaki ay naninilbihan sa bahay ng pamilya ng babae na nais niyang pakasalan. ________________5. Naniniwala ang ating mga ninuno kay bathala at iba pang mga ispiritwal na tagabantay. Isaisip Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. 1. Ano ang kultura? a. Gawain na nagpasalin-salin mula pa sa mga ninuno hanggang sa kasalukuyan b. Katulad ng ibang lalawigan sa kinabibilangang rehiyon na may kaniya-kaniyang kasaysayan. c. Pamaraan na hindi ginagawa ng mga tao upang masagot ang kanilang suliranin. d. Hindi nakikita sa araw-araw nilang pamumuhay. 2. Bilang isang bata. Paano mo ipagdiriwang ang Pasko na ligtas laban sa pandemyang COVID-19? a. Palagiang magsuot ng facemask at maghugas ng kamay. b. Pasyalan ang lahat na mga kamag-anak c. Sumama sa mga batang namamasko d. Makipagsiksikan sa mga handaan.
  • 20. Isagawa Panuto: Unawaing mabuti ang sitwasyon. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. Ang mga sinaunang Pilipino ay gumamit ng mga pana, palaso at sibat sa pangangaso. Baro’t saya ang kasuotan ng mga kababaihan. Ang mga magulang ang nagtuturo sa kanilang mga anak ng mga gawaing bahay, pangangaso, pangingisda at pagsasaka. Ang mga sinaunang Pilipino ay nanirahan sa mga kuweba . Naniniwala ang ating mga ninuno sa iba’t-ibang ispiritwal na tagabantay tulad ng diyos, diwata at anito. Edukasyon Kasangkapan Kasuotan Kaugalian Pamahalaan Paniniwala Tahanan Sining Tahanan
  • 21. Tayahin Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. ________1. Uri ng kultura na makikita at ginawa ng mga tao ________2. Nanirahan ang ating mga ninuno bago pa sila natutong gumawa ng isang palapaga na bahay ________3. Ginagamit ng ating mga ninuno sa pag-inom ________4. Pang-itaas na damit na walang kwelyo at manggas ________5. Tawag sa itinuturing na panginoon ng ating mga ninuno
  • 22. Karagdagang Gawain Panuto: Pumili ng isang materyal na kultura at ilarawan ito sa pamamagitan ng maikling sining tulad ng: BATAYAN sa Paglalarawan ng Maikling Sining MAHUSAY NA MAHUSAY (5) MAHUSAY (4-3) HINDI MAHUSAY (2-1) Kalidad ng Paglalarawan Mahusay ang ginawang paglalarawan sa isang materyal na kultura Katamtaman ang husay ang ginawang paglalarawan sa isang materyal na kultura Mali at kulang ang paglalarawan Kaalaman sa Paksa Nagpakita ng malawak na pagkaunawa sa aralin Nagpakita ng sapat na pagkaunawa sa aralin Nagpakita ng kaunting pagkaunawa sa aralin Kaugnayan sa Paksa Nakapagbibigay ng maganda at mahusay na paglalarawan na may malaking kaugnayan sa paksa Nakapagbibigay ng magandang paglalarawan na may sapat na kaugnayan sa paksa Walang kaugnayan sa paksa ang paglalarawan Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul. A. Tula B. Poster C. Awit/rap D. Salaysay o Kuwento
  • 24. Sanggunian Antonio V. Amparado, Et.al. 2020. Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Rehiyon XII-SOCCSARGEN. Kidapawan City: Studio Graphics Corp.
  • 25. PAHATID-LIHAM Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon Dose, na may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral ng SOCCSKSARGEN Region simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihimok ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon. Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – SOCCSKSARGEN Learning Resource Management System (LRMS) Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal Telefax No.: (083) 228 8825 / (083) 228 1893 Email Address: region12@deped.gov.ph