2. Kahulugan ng mga malalalim na salita:
● Tugon - sagot
● Dalita - hirap
● Nag-agapay - naging
sandalan; sandigan
● Bumabalong - dumadaloy
● Naparool - napahamak
● Esposa - maybahay; asawa
● Crotona - bayan ni reyna
Floresca
● Nagdusa - naghirap
● Uliran - huwaran; mabuting
halimbawa
● Bugtong - kaisa-isa
● Nag-andukha - tumatangkilik sa
nangangailangan
● Ambil - taguri; palayaw
● Sasalitin - sasalitain
● Daragitin - hahablutin
● Bahay sa kintang - bahay-
pahingahan
● legwas - sukat ng layo; isa nito ay
katumbas ng dalawang kilometro.
● Epiro - ay isang matandang sa
Timog-Kanluran ng Turkiya at
Hilagang-kanluran ng Gresya
3. Kahulugan ng mga malalalim na salita:
● Dahas - puwersa
● Magawi - masanay
● Hilahil - pagdurusa
● Bathin - pagtanggap sa hirap na
maluwag sa kalooban
● Ikinaluluoy - ikinalanta
● Magbata -tumanggap ng hirap na
maluwag sa kalooban.
● Kisapmata - kurap; isang iglap
● Pitaco - isa sa pitong pantas ng
Gresya.
● Atenas - isa sa mga bantog na
siyudad sa Gresya.
● Tinudla - pinana
● Sinambilat - dinakma
● Inaglahi - iniinsulto
● Ibibinit -itutudla
● Dawag - gubat
● Sinuling - suling
● Tumok - makapal na damo
● Nayadas - ay mga ninfa sa batis at
ilog. Sinasabi na sila ay anak ni
Poseidon o mga Oceanids.
● Lira - instrumentong pangmusika
● Duklay - abot ang kamay
● Malawig - matagal
● Hihinting - hihintaying
● Hinagpis - sama ng loob
4. Tugon ng may dusa’y “di lamang ang mula
niring dalita ko ang isasalita
kundi sampung buhay sapul pagkabata
nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.”
172
5. Nupong nag-agapay sa puno ng kahoy
ang may dalang habag at lipos-linggatong,
saka sinalitang luha’y bumabalong
buong naging buhay hanggang naparool.
173
6. 174
“Sa isang Dukudo ng Albanyang S’yudad,
doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha’y utang kong tinanggap
sa Duke Briseo. . .( Ay, ama kong liyag!)
7. 175
“(Ngayong nariyan ka sa payapang bayan,
sa harap ng aking inang minamahal,
Prinsesa Florescang esposa mong hirang,
tanggap ang luha kong sa mata’y nunukal.)
8. 176
Bakit naging tao ako sa Albanya,
bayan ng ama ko, at di sa Crotona
masayang siyudad sa lupa ni Ina?
Disin ang buhay ko’y di lubhang nagdusa.
9. 177
Ang duking ama ko’y pribadong tanungan
ng Haring Linceo sa anumang bagay;
pangalawang puno ng sangkaharian
hilagaang tungo ng sugo ng bayan.
10. 178
Kung sa kabaita’y uliran ng lahat
at sa katapanga’y pang-ulo sa s’yudad;
walang kasindunog magmahal sa anak,
umakay, magturo sa gagawing dapat.
11. 180
Ito ang ngalan ko mulang pagkabata
nagisan sa ama’t inang nag-anadukha;
pamagat sa anibil sa lumuha-luha
at kayakap-yakap ng madling dalita.
12. 181
Buong kamusmusa’y di na sasalitin,
walang may halagang nangyari sa akin
kundi nang sanggol pa’y kusang daragitin
ng isang buwitreng ibong sadyang sakim.
13. 182
Ang sabi ni Ina, ako’y natutulog
sa bahay sa kintang malapit sa bundok;
pumasok ang ibong pang-amoy ay abot
hanggang tatlong legwas sa patay na hayop.
14. 183
Sa sinigaw-sigaw ng isa kong mutya,
nasok ang pinsan kong Epiro mula;
ngala’y Menalipo – may taglay na pana
tinudla ang ibo’t namatay na bigla.
15. 184
Isang araw namng bagong lumalakad,
noo’y naglalaro sa gitna ng salas,
may nasok na Arko’t biglang sinambilat
kupidong diamanteng sa dibdib ko’y hiyas.
16. 185
Nang tumuntong ako sa siyam na taon,
palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol;
sakbat ang palaso’t ang busog ay kalong,
pumatay ng hayop, mamamna ng ibon.
17. 186
Sa tuwing umagang bagong naglalatag,
ang anak ng araw ng masayang sinag,
naglilibang ako sa tabi ng gubat,
madla ang kaakbay ng mga alagad.
18. 187
Hanggang sa tingalin ng sandaigdigan
ang mukha ni Pebong hindi matitigan
ay sinasagap ko ang kaligayahang
handog niyong hindi maramot na parang.
19. 188
Aking tinitipon ang ikinikalat
na masayang bango ng mga bulaklak
inaaglahi ko ang laruan palad
mahinhing ko ang laruang palad mahinhing amiha’t
20. 189
Kung ako’y mayroong matanaw na hayop
sa tinitingalang malapit na bundok
biglang ibibinit ang pana sa busog
sa minsang tudla ko’y pilit matutuhog.
21. 190
Tanang samang lingcod ay nag-aagawan,
unang makarampot ng aking napatay;
ang tinik sa dawag ay di dinaramdam,
palibhasa’y tuwa ang nakaaakay.
22. 191
Sukat maligaya sinumang manood
sa sinuling-suling ng sama kong lingkod;
at kung masundan ang bangkay ng hayop,
ingay ng hiyawan sa loob ng tumok.
23. 192
Ang laruang busog ay kung pagsawaan,
uupo sa tabi ng matuling bakal
at mananalamin sa linaw ng Kristal
sasagap sa lamig na iniaalay.
24. 193
Dito’y mawiwili sa mahinhing tinig
na nangagsasayang nayadas sa batis;
taginting ng lirang katono ng awit,
mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.
25. 194
Sa tamis ng tinig na kahalak-halak
ng nag-aawitang masayang ninfa
naaanyayahan sampung lumilipad
sari-saring ibong agawan ng dilag.
26. 195
Kaya nga’t sa sanga ng kahoy na duklay,
sa mahal na batis na iginagalang
ng bulag na hentil ay nagluluksuhan
ibo’y nakikinig ng pag-aawitan.
27. 196
Anhin kong saysayin ang tinamong tuwa
ng kabataan ko’y malawig na lubha
pag’ibig ni Ama’y siyang naging mula
lisanin ko yaong gubat na payapa.
28. 197
Pag-ibig anaki’y aking nakilala
di dapat palakhin ang bata sa saya;
at sa katuwaa’y kapag namihasa,
kung lumalaki’y walang hihinting ginhawa.
29. 198
Sapagkat ang mundo’y bayan ng hinagpis,
mamamaya’y sukat tibayin ang dibdib;
lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit?
30. 199
Ang taong magawi sa ligaya’t aliw,
mahina ang puso’t lubhang maramdamin
inaakala pa lamang ang hilahil
na daratna’y di na matutuhang bathin.
31. 200
Para ng halamang lumalaki sa tubig,
daho’y malalanta munting di madilig,
ikinaluluoy ang sandaling init,
gayundin ang pusong sa tuwa’y maniig.
32. 201
Munting kahirapa’y mamalakhing dala,
dibdib palibhasa’y di gawaing magbata,
ay bago sa mundo’y walang kisapmata,
ang tao’y mayroong sukat ipagdusa.
33. 202
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
sa bait at muni’t sa hatol ay salat;
masaklap na bunga ng maling paglingap,
habag ng magulang sa irog na anak.
34. 203
Sa taguring bunso’t likong pagmamahal,
ang isinasama ng bata’y nunukal;
ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulan.
35. 204
Ang lahat ng ito’y kay Amang talastas,
kaya nga ang luha ni Ina’y hinamak;
at ipinadala ako sa Atenas-
bulag na isip ko’y nang doon mamulat.
36. 205
Pag-aral sa akin ay ipinatungkol sa isang mabait,
maestrong marunong;
lahi ni Pitaco-ngala’y Antenor,
lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.
37. 206
May sambuwan halos na di makakain
luha sa mata ko’y di mapigil-pigil
ngunit napayapa sa lagging pag-aliw
ng bunying maestrong may kupkop sa akin.
39. Sa araling ito ay malalaman natin ang buhay ni Florante. Siya ay nakasandal sa puno
at lumuluha habang nagbabalik-tanaw siya sa kanyang masaya at mapayapang buhay.
Inalala niya ang buhay niya mula sa pagkasilang hanggan sa napunta siya sa kalagayan
niya ngayon. Naisilang siya sa isang Dukado ng Albanyang S’yudad. Tinuruan siya ng ama
niya ang mga gawing dapat. Naaalala pa rin niya ang palayaw ng ama niya sa kanya na
“Florante bulaklak kong bugtong”. Nang tumuntong siya ng siyam na taon palagi na
siyang tumatambay sa labas na maydalang palaso’t ang busog masayang palagoy-lagoy.
Naisip ni Florante na aanhin niya raw ang masayang alaala ng kabataan niya. Siya ay
lumaki ng payapa at komportable kaya anong laban niya sa lubos na sakit natinamo niya
ngayon. Ang taong nasanay na ganyan mas lalong nahirapan tanggapin ang sakit at
hinagpis. Mula sa isang payapang buhay, sa isang kisap nag-guho ang lahat. Mula nuon
ipinadala siya sa Atenas upang mag-aral. Di niya mapiggilan na umagos ang kanyang
mga luha sa kanyang mga mata sa harap ng maestrong kumupkop sa kanya..
Buod:
41. mga tanong:
1. Saan naisilang si Florante?
2. Ano ang mga nayadas?
3. Ano ang Crotona?
4. Saan pinadala si Florante pagkatapos ang lahat na nangyari?
5. Ano ang palayaw na binigay ng ama ni Florante sa kanya?