2. Bayani Ng Bukid
Ni Alejandro Q. Perez
Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
Ang kaibigan ko ay si kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman
3. Ang haring araw di pa sumisikat
Ako’y pupunta na sa napakalawak
Na aking bukiring laging nasa hagap
At tanging pag-asa ng taong masipag
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa.
Sa aking paggawa ang tangi kong hangad
Ang aki’y dumami ang para sa lahat
Kapag ang balana’y may pagkain tiyak
Umaasa akong puso’y gumagalak
4. At pagmasdan ninyo ang aking bakuran
Inyong makikita ang mga halaman
Dito nagmumula masarap na gulay
Paunang pampalakas sa ating katawan.
Sa aming paligid namamamalas pa rin
Ang algang hayop katulad ng kambing
Baboy, manok pato’y alay ay pagkain
Nagdudulot lakas sa sariling atin
Ako’y gumagawa sa bawat panahon
Na sa aking puso ang taas na layon
Na sa bawat tao, ako’y makatulong
At nang maiwasan ang pagkagutom
5. Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapong gumagawang
pilit.
6.
7. Ang tula ay tungkol sa mga magsasaka
dito sa ating bansa na nagsusumikap at
pursigido sa kanilang trabaho para tayo
dito sa ating bansa ay hindi magutom.
9. Nangingibabaw sa tula ang damdaming
kagalakan. Kagalakan na maglingkod sa
kababayan kahit na pawis at gawa ang
puhunan.
10. Pareho silang sumisimbolo sa
pagmamahal ang kaibahan lang sa Bayani
ng Bukid ng pagmamahal sa kapwa
Pilipino .
Pareho silang gumamit ng simpleng salita
upang kanilang maipakita ang kaisipan .
Magkaiba sila sapagkat, maikli lang ang
tulang, tinig ng gansa at mataas ang
bayani ng bukid.
11. Pagiging masipag may saya na
paglingkuran ang kapwa Pilipjno, at
pagiging masaya sa simpleng
pamumuhay.