3. ANO ANG PANGUNGUSAP?
Ang PANGUNGUSAP ay lipon ng mga salita na buo ang
diwa.Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang simuno at
panag-uri.
Ang pangungusap ay mayroong uri tulad
ng PASALAYSAY, PATANONG, PAKIUSAP, PAUTOS at
PADAMDAM.
4. PASALAYSAY
Ang pasalaysay ay uri ng pangungusap na nagkukwento
o nagsasalaysay. Ito ay nagtatapos sa tuldok (.).
Halimbawa
Ang luto ni nanay ay masarap.
Ang ibon ay lumilipad.
Si Rizal ay isang bayani.
5. PATANONG
- Ito ay ang pangungusap na nagsisiyasat o naghahanap
ng sagot at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
HALIMBAWA
Ano ang pangalan mo?
Saan ka pupunta?
Sino ang nanay mo?
6. PAKIUSAP
- Ito ay ginagamitan ng magagalang na salita upang
makiusap. Maaring nagtatapos sa tuldok o tandang pananong
(./?)
HALIMBAWA
Maari mo ba akong tulongan?
Maari po bang mauna na ako sa pagbabakuna?
Pakilabas ang iyong aklat.
Pakibasa ang pangungusap.
7. PAUTOS
Ito'y uri ng pangungusap na nagpapahayag ng
obligasyong dapat gawin. Nagtatapos din ito sa tuldok (.).
HALIMBAWA
Pakainin mo ang iyong alaga.
Magdilig ka ng halaman.
Matulog ka nang maaga.
Mag-aral ka nang mabuti.
8. PADAMDAM
- Ang padamdam ay uri ng pangungusap na nagsasaad ng matinding
damdamin tulad ng Tuwa, Takot o Pagkagulat. Nagtatapos ito sa tandang
panamdam (!). Maaari ring gamitin ang tandang pananong (?).
Karaniwan ding nagbibigay ng babala o kaya'y nagpapahiwatig ng
pagkainis.
HALIMBAWA
Naku ang daming insekto!
Naku! Nahulog ang bata sa hagdan!
Sa wakas! Natapos din!
Tulong! Nasusunog ang aming bahay.
10. Tukuyin kung anung uri ng pangungusap ang mga
sumusunod.Isulat ang sagot sa linya.
_______1. Saan kayo mamamasyal?
_______2. Pupunta kami sa Manila Zoo.
_______3. Wow! Gusto ko ring sumama.
_______4. Ano ba ang dapat kung dalhin?
_______5. Magdala ka nang Pagkain mo.
_______6.Pakihintay niyo lang ako sandali.
_______7.Bilisan mo at aalis na tayo
_______8. Aba! Napakabilis mo palang magbihis.
11. TAKDANG ARALIN
Sumulat sa iyong papel ng tig-dalawang
pangungusap na Pasalaysay, Pautos,
Pakiusap, Patanong at Padamdam.