4. PANUTO
May ibibigay na papel ang guro sa
mga bata at kung ang papel na
naglalaman ng “Ikaw na Pasok ka” ay
siyang maglalaro sa harapan. Sila ay
bubuo at magsasaayos ng ginulong
mga salita upang makabuo ng
pangungusap.
8. APAT NA URI NG PANGUNGUSAP
• PASALAYSAY
• PATANONG
• PAUTOS
• PADAMDAM
9. PASALAYSAY
Ito ay pangungusap na nagbibigay ng
isang kuwento. Masasabi rin natin na
ang uri na ito ay “sumasalaysay”.
Ito’y tinatapos gamit ang tuldok (.)
15. PADAMDAM
Ito ay nagpapakita ng damdamin, ginagamit
natin ang pangungusap na ito tuwing tayo
ay galit, masaya, malungkot o takot. Ito ay
nagtatapos ng tandang padamdam. (!)
17. PANUTO
• Magkakaroon ng dalawang pangkat at may
tig-isang representante sa bawat uri ng
pangungusap.
• Isalin ang mga sumusunod na pangungusap
sa (Wikang Ingles)
• Ang unang grupong makakapagsalin ng
pangungusap ay ang magwawagi at
magkakamit ng gantimpala.
28. Mahalaga bang malaman natin
ang iba’t-ibang Uri ng
Pangungusap ayon sa gamit?
Bakit?
Ano ang pangungusap?
Ano ang apat na uri ng
pangungusap?
29. PANUTO
Tukuyin ang uri ng pangungusap
ayon sa gamit: PS kung
pasalaysay, PT kung patanong,
PU kung pautos at PD kung
padamdam.
30. _______1. Si Liza ay mabait na bata.
_______2. Sino ang kasama mong nagpunta ng
bayan?
_______3. Yehey! kami ay pupunta ng Maynila.
_______4. Bilhan mo nga ako ng makakain sa
tindahan.
_______5. Aray! Ang sakit ng kagat ng lamok.
31. TAKDANG ARALIN
Sumulat ng tig-dalawang
pangungusap na pasalaysay, pautos,
patanong at padamdam. Gawin ito
sa kuwaderno.