2. Layunin:
Inaasahan na pagkatapos ng aralin,
Natutukoy ang mga impormasyong nakikita sa food label; at
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagbabasa
ng mga food labels sa pagpili at pagbili ng mga pagkain
3. Magbigay ng limang uri na paborito mong
kinakain o inumin.
______________
______________
______________
______________
______________
4. Panuto: Kumuha ng isang pakete ng pagkain o inumin.
Hanapin sa likod o gilid ng pakete ang Nutrition Facts.
5. Ano-ano ang makikita sa food Label?
Ang mga limbag sa
pakete ng pagkain ay
nagbibigay ng iba’t ibang
impormasyon tungkol sa
nilalaman nito.
• pangalan ng
produktong pagkain
• uri ng pagkain ang
nasa loob ng pakete
• timbang ng nilalaman
Pangalan ng produktong
pagkain
Uri ng pagkaing nasa
loob ng pakete
Timbang ng nilalaman
6. FOOD LABEL
Food label ang tawag natin sa mga
impormasyong nakalimbag sa mga
pakete o lalagyan ng mga pagkain
at inumin na ipinagbebenta.
7. FOOD LABEL
Manufacturing Date – ay tumutukoy sa petsa kung kailan ginawa
ang pagkain o inumin.
Best Before Date - ay tumutukoy sa huling araw na ang pagkain o
inumin ay nasa pinakasariwa at pinakamagandang kalidad nito.
Maaaring magsimula nang masira o mapanis ang pagkain o
inumin sa mga araw na lilipas matapos ang Best Before Date.
Expiry Date - ay tumutukoy sa petsa kung kailan hindi mo na
maaaring kainin o inumin ang produkto. Maaaring ito ay sira o
panis na. Ang pagkain ng sira o panis na ay mapanganib sa ating
kalusugan.
8. Pag-aralan Natin
1. Ano ang kabuuang sukat ng
“carbohydrate” na maaaring
pagkukunan ng enerhiya?
2. Ilan ang kabuuang bilang ng
“calories” ang bawat servings
na nakapaloob sa pakete?
3. Ano ang sukat ng “total fat”
na maaari mong makuha sa
pakete?
4. Ano-anong bitamina ang
makukuha sa pagkaing ito?