UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
Pag uulo at pagwawasto ng sipi
1. PAG-UULO AT
PAGWAWASTO NG SIPI
Reggie O. Cruz, Ed.D.
Pangkat-Ulo, Humanidades at Agham Panlipunan
Angeles City Senior High School, Sangay ng Lungsod Angeles
The Press Briefing: A Regional Training on
Journalism for Campus Journalism Coaches
and Advisers
Audio Visual Room, University of the Assumption
City of San Fernando, Pampanga
July 25 – 27, 2018
2. Inaasahang matatamo pagkatapos ng
pakikipagtalastasan ng isipan
Nababatid ang mga pundasyong-kaalaman sa pag-uulo
ng balita, pagbibilang ng yunit at pagwawasto ng sipi sa
oryentasyong Filipino
Nakapagbibigay nang mungkahi sa pagpili sa mag-aaral
na lalahok sa pag-uulo at pagwawasto ng sipi
Nakapaglilikha ng personal na sanayang-aklat sa pag-uulo
at pagwawasto ng sipi upang magamit sa indibidwal na
pagsasanay
3. KATUTURAN AT GAMIT
Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita
na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa
teksto o katawan nito.
Ginagamit ang mga Ulo ng Balita upang lagumin
ang balita, pagandahin ang pahina at bigyang
antas ang bawat balita.
4. Uri ng Ulo ng Balita ayon sa Istilo
Malaking Titik ( All caps)
TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN
Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case)
Torch Nanguna sa Paligsahan
Pababang Istilo (Down Style)
Torch nanguna sa paligsahan
5. Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Anyo
1. Pantay-Kaliwa (flush left )– Binubuo ng dalawa o
higit pang linya na pantay ang pagkahanay sa
kaliwang baybayin.
2. Pantay-Kanan (flush right) - Binubuo ng dalawa o
higit pang linya na pantay ang pagkahanay sa
kanang baybayin
7. Draplayn
(dropline or step form)
Binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang unang
linya ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya
ay inuurong pakanan.
Halimbawa:
Seminar sa Kabutihang Asal
Gaganapin sa Paaralang Normal
8. Bitin-Pantay
(hanging indention)
Binubuo ng maraming linya – ang unang linya ay
pantay kaliwa, at ang dalawa o tatlong
magkakapantay na linya ay inurong pakanan.
Halimbawa:
Punong patnugot
nahalal na pinuno
ng NSPCAA
9. Baligtad na Piramide o tagilo
(inverted pyramid)
Binubuo ng dalawa o higit pang linya na paikli nang
paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling linya
ay nakasentro.
Nagkamit ng unang gantimpala
sa sabayang pagbigkas
ang paaralan
10. Kroslayn o Barlayn (crossline or
barline)
Binubuo ng isang linya lamang na maaaring
sumakop ng dalawa o tatlong kolum.
Torchbearer, nanguna sa NSPC
11. Plaslayn (flushline or full line)
6.– dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang
mardyin
Buwan ng Wika, Inilunsad
Pineda, Punong Tagapagsalita
12. Mga Tuntunin sa
Pagsulat ng Ulo ng Balita
1. Iwasan ang mgkadikit-dikit na titik o salita
ArawngMagkakaisangBansa,ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik
O p e r a t i o n L i n i s
s i n i m u l a n
13. 3. Iwasan ang ulong walang pandiwa
Limang guro sa seminar
4. Huwag maglagay ng ulo ng anumang wala sa balita.
14. 5. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang
kubyerta
Mali – Aklasan sa UST, nalutas
Nagsipag-aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro, kawani nagsibalik
15. 6. Huwag gumamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag
o kilalang-kilala.
Mali – Jaime Diaz, nahalal
na pangulo ng samahan
Tama – Mag-aaral ng Mapa, nahalal
na pangulo ng samahan
16. 7. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.
Mali – Mag-aaral, nagwagi sa paligsahan
Tama Mag-aaral ng mapa, nagwagi
sa pagsulat ng balita
17. 8. Iwasan ang opinyon sa balita. Ibigay ang tunay na
pangyayari lamang.
Mali – Paaralang Lakandula, lumaro
nang kahanga-hanga
Tama – Paaralang Lakandala, nanalo
ng tatlo sa apat na laban
18. 9. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago.
Mali – Limang guro sa seminar
Tama- Limang guro, dadalo sa seminar
19. 10. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.
Mali – Paligsahan sa talumpatian,
hindi matutuloy
Tama – Paligsahan sa talumpatian,
pinagpaliban
20. 11. Gumamit ng mabisa at makakatawag-pansing pandiwa
Mahina – Tinalo ng Torres ang Osmena,
50-36
Malakas – Pinataob ng Torres ang Osmena,
50 – 36
21. 12. Gamitin ang maikli at kilalang salita.
Masalita – Bayang Pilipinas, sasali
sa pandaigdig na palaro
Maikli - RP, sasali sa olimpiyada
22. 13. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol at ng layon nito lalo na sa
unang linya.
Mali – Paligsahan sa
pamamahayag,
gaganapin sa
Tagaytay
Tama –Paligsahan sa pamamahayag,
gaganapin sa Tagaytay
23. 14. Gamitin lamang ang kilala at laging ginagamit na daglat.
Mali – CA, panauhing pandangal
sa pagtatapos
Tama – Pangulong Aquino,
panauhing pandangal sa pagtatapos
24. 15. Hangga’t maaari, iwasan ang paggamit ng pantukoy at ng pandiwang
pantulong.
Mali – Si Joey Lina ay ang napiling
punong patnugot ng ‘Horizons’
Tama – Joey Lina, napiling patnugot ng
‘New Horizons’
25. 16. Isulat ang numero (figure) o isulat ang
salita nito (spelled out) ayon sa pinaglalaanan.
Gamitin ang M at B para sa milyon at bilyon.
26. Mga Tuntunin sa
Paggamit ng Bantas
1. Huwag gumamit ng tuldok upang wakasan ang ulo
ng balita.
2. Gamitin ang tuldok-kuwit sa pag-uugnay ng
dalawang kaisipan.
San Juan, Cruz napiling tagapagsalita
27. 3. Gumamit ng tuldok-kuwit sa pag-uugnay ng dalawang
kaisipan.
Halalan sa YMCA itinuloy;
Rey Malonzo, napiling pangulo
4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo. Maaring
gamitin ito sa maliit na kubyerta lamang.
5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation).
Gamitin ang bugtong na panipi (single quotation).
28. Pagbilang ng Yunit
Bawat laki at istilo ng tipo ay may tiyak na bilang para sa espasyong
kalalagyan.
½ Yunit- jiltf at lahat ng bantas maliban sa dobleng panipi at
tandang pananong
1 yunit - ?,espasyo, lahat ng numero (0-9), malaking titik ng JILTF
1 ½ yunits – gatlang, maliit na w at m at lahat ng malalaking titik
maliban sa M at W
2 yunits – M at W
29. I p i n a t u t u r o
1 1 1/2 1 1 ½ 1 ½ 1 1 1 = 9 1/2
p a g p a p l a n o
1 1 1 1 1 1 1/2 1 1 1 = 9 ½
ng pa m i l ya = 8 1/2
11 11 1 ½ ½ ½ 11
31. PAGWAWASTO NG
KOPYA O SIPI
Isang paraan kung saan ang isang
tagapagwasto ng kopya (copyreader) ay
inayos mabuti ang kopya, sipi o
manuskripto bago ito ipadala sa
palimbagan.
43. 4
Si Pangulo
Matapos na
SONA niya
PDuterte
AkoatIkaw
Kill
(Pagtatangg
al ng mga
linya o mga
salita)
Paghihiwala
y ng mga
salita
Si PDuterte
Ako at Ikaw
46. Bantamweight
champion in
getting a job. He
said
the unf-
inished task
Ang gong
Walang Bagong
Parapo
Bagong Parapo
Wastong
pagpapantig
Pagpapaitim ng
tipo
the
un-
finished task
Ang gong
49. May mataas na kaalaman at
oryentasyon sa wika
May kabatiran sa iba’t ibang
dyornalistikong pagsulat
Kayang makapagbigay ng mas
mahusay na ulo upang mas
patingkarin ang isang sulatin
Positibo at bukas sa pagkatuto
50. Ang Pagbubuo ng Personal na
Sanayang-Aklat sa Pag-uulo at
Pagwawasto ng Sipi
51. Bilang isang tagapayo…
Mainam na makagawa ng sariling
sanayang-aklat para sa mga
sinasanay na batang tagawasto ng
sipi.
Isang halimbawa ang ipapakita upang
magkaroon ng ideya sa paglikha
Mainam itong gawin upang makaipon
ng mga kagamitang mas personal at
batid na ito’y pinagpaguran
52. Kasalukuyang hanguan ng
Pamahayagang Filipino
Pinakahuling aklat na nalimbag ay
mula kay Cecilio Cruz taong 2003
Wala ng ibang nagtangka
Kung walang nagtatangka, huwag
nang hintayin ang bukas.