2. Mga Kabutihan
ng Radyo
• Pinakamabilis na tagapag-abot ng mga
balita at iba pang mga impormasyon
• Nagagamit ito kahit na sa mga lugar na
walang elektrisidad at hindi naaabot
ng mga pahayagan
• Mura ang produksyon sa mga
programang panradyo
• Madali ang aktwal na pagbabalita sa
mga lugar na pinangyarihan ng balita
• Hindi sagabal sa paggamit ng radyo
ang kawalan ng sapat na pinag-aralan
Mga Di Kabutihan
ng Radyo
• Umaasa lamang sa tunog
• Maaaring maapektuhan ng
panghimpapawid na kagambalahan
• Dahil sa kailangan nitong paiikliin ang
ipapahayag, hindi gaanong ganap ang
impormasyong ipinaaabot sa mga
nakikinig
• Ang mga mensahe sa radyo ay
madaling nawawala
3. Mga Prinsipyo sa Pagsulat ng
Iskrip Panradyo
1. Sinasalita
2. Napapanahon
4. Minsan lamang maririnig
3. Tao-sa-taong pagpapahayag
5. Tunog lamang
5. Kalikasan sa
Radyo
• Personal na kasama at kapalagayang-
loob na medium
• Teatro sa isipan
• Hindi angkop sa madetalyeng
impormasyon
• Ang mga tagapakinig ng radyo ay hindi
nakatutok sa iisang istasyon sa
parehong panahon
• Nakikipagpaligsahan sa maraming
kagambalahan
• Mobil o kumikilos
• Hindi maaaring gamitin sa pagtuturo
ng pagbasa at pagsulat
• Hindi gaanong magastos ang
produksyon sa radyo
6. Iba pang Gabay
sa Pagsulat sa
Radyo
• Sumulat upang mapakinggan, hindi
upang mabasa
• Napapakinggan ka lang minsan
• Kulang ng agarang reaksyon mula sa
mga tagapakinig
• May posibilidad ng maramihang
tagapakinig ng mga maliliit at
magkaibang pangkat
• Alamin ang iyong tagapakinig, gulang,
kasarian, trabaho, antas ng edukasyon,
katayuang pangkabuhayan, at iba pa.
• Magtakda ng mga pangkomunihasyong
layunin
7. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Ulat Panradyo
• Gumamit ng dobleng ispasyo sa pagsulat ng lahat ng linya at talataan
• Ang mga isasalitang linya ay makinilyahin sa malalaki at maliliit na titik
• Gawing duplikado ang bawat kopya
• Gawing talata ang bawat pangungusap
• Huwag paghiwalayin ang salita sa dulo ng linya
• Lagyan ng pahina ang bawat iskrip
• Laging gumamit ng kumpletong talataan sa pagtatapos bago gumamit
ng panibagong papel
• Pamalagiing malinis ang iskrip
8. Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat
ng Ulat Panradyo
• Gawing maikli at simple lamang ang iskrip
• Huwag gumamit ng mga salitang mahirap bigkasin
• Huwag gawing pa-text ang pagsulat ng mga salita sa iskrip
• Ang bawat pangungusap ay hindi lalagpas sa 12 salita.
• Hatiin ang mahahabang pangungusap upang madaling
mabasa.
• Banggitin ang attribusyon sa simula o katapusan ng balita
• Ang paggamit ng naka-tape na pahayag mula sa panayam ng
taong awtoridad ay nakapagdaragdag ng kredibilidad ng
istorya
9. Kaayusan ng
Iskrip sa Balitang
Panradyo
• PETSA NG ULAT: Karaniwang inilalagay sa itaas
na kanang sulok ng kopya
• SLUG: Binubuo ito ng isa o dalawang salitang
bumubuod sa balita at inilalagay sa ilalim ng
petsa
• ORAS: Makikita ito sa ilalim ng slug o catchline at
nagbibigay ng oras kung kailan ibabalita ang
istorya
• KATAWAN: Binubuo ng mga detalye ng balita
• SANGGUNIAN: Inilalagay sa ilalim ng kaliwang
sulok ng kopya at binubuo ng mga inisyal ng
apelyido ng editor. Kadalasan, inilalagay rin dito
ang bilang ng telepono ng reporter upang
makontak siya kaagad kung mayroong problema
sa istorya o kung may nais i-follow up sa istorya
SANGGUNIAN: Felimendo M. Felipe
10. Iskrip na may
isiningit na Audio
Voice clip/Voice insert
• Nagpapadagdag sa
kredibilidad ng istorya
• Nagbibigay ng kariinan sa
kapanahunan ng pangyayari
SANGGUNIAN: Felimendo M. Felipe
11. Pagwawasto sa Iskrip
Panradyo
• Iwasto ang mga mali sa datos
• Iwasto ang istilo sa pagbrodkast
• Iwasto ang daloy ng pagbabasa sa mga teksto:
Iwasan ang mga tongue twister
Iwasan ang mga nakalilitong salita
Iwasan ang mga masalimuot na pangungusap
12. Iwasto ang
kahabaan ng
iskrip
• 10 segundo - 25 salita
• 20 segundo - 65 salita
• 30 segundo - 65 salita
• 45 segundo - 100 salita
• 60 segundo - 125 salita
SANGGUNIAN: Felimendo M. Felipe
13. Pagtatakda ng
Oras
• Bawat programa ay nagsisimula at
nagtatapos sa tumpak na oras
• Ilista ang mga nakahandang mga di-
balitang nilalaman at kaukulang oras
• Bawat istorya ay bibigyan ng takdang
oras
• I-rundown
• Magtapyas sa haba ng balita, kung
kinakailangan
• Magkaroon ng pinal na rundown
• MSC up and under - 5 seconds
• Station ID/Program ID/ Quick Intro
- 40 seconds
• First Reporter - 30 seconds
• Second Reporter - 35 seconds
• Third Reporter - 35 seconds
• Infomercial - 40 seconds
• Fourth Reporter - 40 seconds
• Fifth Reporter- 40 seconds
• Extro- 30 seconds
• MSC fade in…out- 5 seconds
Rundown Sheet
14. Bumper, Teaser
at Billboard
• Bumper: “Antabayanan ang iba
pang mahahalagang balita
pagkatapos ng ilang patalastas.”
• Teaser: “Susunod: Sampaguita,
papalitan ng walingwaling.”
• Billboard: “Ang balitang ito ay
hatid sa inyo ng Dunkin Donut,
ang pasalubong ng bayan.”
17. Mga Gabay sa Pagwawasto at
Pag-uulo ng Balita
1.Basahin muna ang buong erroneous copy at markahan ng tuldok (.) ang mga
salitang pwede mong gamitin sa headline.
2. Gamit ang mga salitang minarkahan, gumawa ng hanggang dalawang
posibleng ulo ng balita. Maaaring gamitin ang mga iba pang uri ng ulo ng balita
pero kailangan maiangkop ito sa istorya. Siguraduhin ding iisa lamang ang
pinapahayag ng iyong headline upang maiwasan ang kalituhan. Kung madali
lang para sayo ang gumawa ng higit pa sa isang appropriate headline,
naiintindihan mo nga ang balita.
3. Basahing muli ang kopya at markahan mo ng tuldok (.) ang mga mali.
18. Mga Gabay sa Pagwawasto at
Pag-uulo ng Balita
4. Unahin mong iwasto ang mga pinakamadaling makita (spelling,
capitalization, numeric value, abbreviations, punctuation).
5. Pagkatapos gawin ang Bilang 4, basahin ulit ang copy at ngayon, hanapin
ang mga mali sa gramatika, pagkasulat ng mga pangungusap (sentence cases)
paggamit ng mga salita at mga datos o impormasyon.
6. Mag-ingat sa pag-kill ng mga talata.
7. Basahing muli ang kopya, nang magamit ang mga ginawang pagwawasto sa
sipi. Siguraduhing malinaw at naiintindihan mo ang news story. Kung ikaw
mismo ay 'di nakakaintindi sa edited copy, paano na ang mambabasa ng article.
19. Mga Gabay sa Pagwawasto at
Pag-uulo ng Balita
8. Sa Printer’s Direction o tagubilin, madalas Arial o Times New Roman ang
ginagamit pero maaari ring gumamit ng mga iba pang mga font style gaya ng
Helvetica, Sans serif at iba pa. Ang mga tagubilin ay madalas naisulat sa
kanang bahagi ng sipi ng balita.
9. Sa slag naman, nakasulat dito ang uri ng balita, ang paksa ng balita at bilang
ng pahina sa sipi, mga inisyal sa pangalan mo at ang petsa kung kailan mong
naiwasto ang sipi. Nakasulat ito sa kaliwang bahagi ng sipi.
10. Sa pagsulat ng ulo ng balita, siguraduhin malaki ang pagkakasulat nito at
naka-bold siya. Siguraduhing mga yunit na nailagay sa ulo ng balita.
20. Mga Gabay sa Pagwawasto at
Pag-uulo ng Balita
11. Basahing ulit ang buong kopya para balikan kung ano pang mga mali ang
hindi pa naiwasto.
12. Lagyan ng 30 o # sa ibabang bahagi ng sipi ng balita bilang patunay na
tapos na ang pagwawasto at pag-uulo ng balita.
21. Pagbibilang ng
Yunit
½ yunit:
Maliit na mga titik na j, l, i, f, t
Malaking titik ng I
Bilang na 1
Mga pananda maliban sa
tandang pananong at gatlang
1 yunit:
Lahat ng mga maliliit ng titik
maliban sa m and w
Lahat ng mga bilang maliban
sa 1
Mga tandang pananong at mga
espasyo sa pagitan ng mga
salita
22. Pagbibilang ng
Yunit
1.5 yunit:
Maliit na mga titik na m and w
Lahat ng mga malaking titik
maliban sa I, M and W
Gatlang at mga simbolo
kagaya ng $, P, % at &
2 yunit:
Mga malaking titik na M and W
23.
24. Mga Estilo sa Ulo ng Balita
ALL CAPS:
MORENO TATAKBO NG GOBERNADOR SA MIS.OR
Downstyle:
Pilipinas nanalo sa Miss Intercontinental 2021
Cap and Lower Case:
Marian Rivera Bibiyahe Pa-Israel Sa Miss Universe 2021
28. BINDER
• Ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina at
matatagpuan sa itaas na bahagi ng panloob na pahina
29. DECK
• Pangalawang ulo ng balitang bahagi pa rin ng banner na
nagtataglay ng maliit na titik at gumagamit ng naiibang tipo
kaysa unang ulo
30. UMBRELLA O SKYLINE
• Natatanging ngalan sa streamer na matatagpuan sa itaas
ng pangalan ng pahayagan o nameplate at tila isang payong na
sumasakop o sumasaklaw sa lahat
31. SUBHEAD
• Isang napakaikling pamagat na nagsisilbing pahinga o
tinatawag na white space upang hindi kabagot-bagot sa mga
mambabasa
32. KICKER/TAGLINE/TEASER
• Isang maikling linya, maaaring isang salita o parirala
lamang na makikita sa gawing itaas na bahagi ng pinakaulong
balita, sa dakong kaliwa o sentro nito na gumagamit ng maliit
na tipo at may salungguhit at ginagamit bilang pagganyak sa
mga mambabasa
33. BOXED HEAD
• Ulo ng balitang ikinahon upang higit na maitampok ang
kahalagahan
35. PANTAY-KALIWA
• Binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang
pagkakahanay ng unang titik sa kaliwa
HALIMBAWA:
Miss Grand International 2022, gaganapin
sa Indonesia
36. PANTAY-KANAN
• Binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang
pagkakahanay ng mga hulihang titik sa kanan
HALIMBAWA:
Miss Grand International 2022, gaganapin
sa Indonesia
37. DROPLINE
• Binubuo ng dalawa o mahigit pang linya na ang mga
kasunod na linya ay may palugit sa bawat linyang sinundan
HALIMBAWA:
500 trabahante, inilarga
sa Russia
38. HANGING INDENTION
• Binubuo ng mahigit pang dalawang linya kung saan ang
mga kasunod sa unang linya ay may pantay na palugit
HALIMBAWA:
‘Pinas dapat umasa sa sariling lakas
para labanan ang panghihimasok
ng China, US
39. BALIGTAD NA PIRAMIDE
• Binubuo ng dalawa o higt pang linyang iniayos na parang
piramide
HALIMBAWA:
Klarex, tatakbo ng alkalde
sa CDO
40. CROSSLINE O BARLINE
• Ilang linyang ulo ng balita na maaaring sumakop ng dalawa
o tatlong kolum
HALIMBAWA:
Tsina, may patagong banta sa Pilipinas
41. FLUSHLINE
• Binubuo ng dalaw o higit pang magkasinghabang linyang
pantay sa kanan o kaliwa
HALIMBAWA:
Pilipinas, nanalo muli
sa Miss Universe 2018
42. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
1. Gamitin ang kuwit sa halip na pangatnig at pantukoy.
MALI: Gray at Green ang nanguna sa Miss Universe 2018
TAMA: Gray, Green, nanguna sa Miss Universe 2018
2. Iwasang gumamit ng salitang may dalawang kahulugan.
MALI: Hindi pantay na tubo, pinag-awayan ng magkapatid
TAMA: Hindi pantay na kita, piang-awayan ng magkapatid
43. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
3. Huwag puputulin ang salita sa dulo ng linya.
MALI: Miss Universe 2021 gaga-
napin sa Israel
TAMA: Miss Universe 2021 gaganapin
sa Israel
4. Iwasang maglagay ng pantukoy, pang-angkop at pang-ukol sa
dulo ng linya
MALI: Bolsonaro, nahalal na
pangulo sa Brazil
TAMA: Bolsonaro, nahalal na pangulo sa Brazil
44. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
5. Huwag gumamit ng pang-abay na pananggi.
MALI: ASEAN Summit 2018, hindi natuloy
TAMA: ASEAN Summit 2018, ipinagpaliban
6. Daglatin lamang ang mga salitang kilala at nakaugalian nang
daglatin.
MALI: De La Salle University, kampeon sa
basketball
TAMA: DLSU, kampeon sa basketball
45. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
7. Iwasang uulitin ang mga salita.
MALI: VAT, tatalakayin sa Senado,
tatalakayin din sa Kongreso
TAMA: VAT tatalakayin sa Senado
8. Gamitin ang pandiwang lantad.
MALI: Digong, maaaring dumalo sa ASEAN Summit
2017
TAMA: Digong, dadalo sa ASEAN Summit 2017
46. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
7. Iwasang uulitin ang mga salita.
MALI: VAT, tatalakayin sa Senado,
tatalakayin din sa Kongreso
TAMA: VAT tatalakayin sa Senado
8. Gamitin ang pandiwang lantad.
MALI: Digong, maaaring dumalo sa ASEAN Summit
2017
TAMA: Digong, dadalo sa ASEAN Summit 2017
47. Tuntunin sa Pag-uulo ng Balita
9. Gamitin lamang ang pangalan ng tanyag o kilala.
MALI: Gallega, nagtutulak ng bawal na gamot, nadakip.
TAMA: Pusher ng bawal na gamot, nadakip
10. Gumamit ng pang-uring pamilang kung mahalaga.
MALI: Mga kandidata sasabak sa Miss Grand International 2021
TAMA: 61 kandidata sasabak sa Miss Grand International 2021