2. Ang balita ay napapanahon at
makatotohanang ulat ng mga
pangyayaring naganap na, nagaganap at
magaganap pa lamang.
Katuturan ng Balita
3. Kahalagahan ng Balita
1. Nagbibigay-impormasyon
Halimbawa:
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas
kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas
mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo,
ayon sa isang bagong pag-aaral.
2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan
para labanan ang stress at mapapanatili ang
magandang kalusugan.
4. 3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na
kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa Presscon ng My
Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ng
sariling eksena para mapansin niya.
4. Nakapagpapabago
Halimbawa:
Matapos na masangkot sa anomaly ang mga pulis ng
Manila Police District Station Anti-Illegal Drugs, iniutos ni
Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa dalawang
police station ng Manila Police District (MPD).
5. Mga Katangian ng
Balita
Kawastuhan – ang mga datos ay inilahad nang walang labis,
walang kulang.
Katimbangan – inilahad ang mga datos na walang kinikilingan
sa alinmang panig na sangkot.
Makatotohanan – ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at
hindi gawa-gawa lamang.
Kaiklian – ang mga datos ay inilahad nang diretsahan , hindi
maligoy.
6. Ang isang balita ay nagiging balita lamang kung ito
ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o
mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang
kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para
sa iba.
7. Mga Sangkap ng Balita
Kapanahunan – Ito ay bago pa lamang nangyari o
maaaring matagal nang nangyari ngunit ngayon
lamang natuklasan.
Kalapitan – Mas interesado ang mga tagapakinig
o mambabasa na malaman ang nagyayari sa
kanilang paligid o pamayanan kaysa sa
malalayong lugar.
Kabantugan – Tumutuko sa pagiging prominente
o kilala ng taong sangkot
sa pangyayari.
8. Kakatwahan o Kaibahan – Mga pangyayaring di
karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na
nangagat ng aso o ng isang hayop na dalawa
ang ulo.
Tunggalian – Ito ay tumutukoy hindi lamang sa
laban ng tao laban sa kapwa tao, maaari rin
itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng
tao laban sa kaniyang sarili.
Makataong Kawilihan – Ito ay tumutukoy sa mga
pangyayaring nakapupukaw sa iba’t-ibang uri ng
emosyon ng tao: pag-ibig, poot , simpatiya,
inggit at iba pa.
9. Romansa at Pakikipagsapalaran – Tinatalakay dito hindi
lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng mga
artista kundi ang pakikipagsapalaran din ng mga ordinaryong
tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa sa
kaniyang mga kapatid sa nasusunog nilang bahay.
Pagbabago at Kaunlaran – Anumang pagbabago at kaunlarang
nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad
ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, kalsada, pamilihang
bayan at iba pa.
10. Bilang o Estadistika – Halimbawa nito ay ang mga
ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba
pa.
Pangalan – Tumutukoy sa mga pangalang
nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa
mga board examinations.
Hayop – Halimbawa nito ay ang mga bagong
inakay ng Philippine Eagle mula sa itlog na nabuo
sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
11. Kalamidad – Kapag nagkaroon ng
malakas na bagyo, lindol, pag- putok
ng bulkan at iba pa, karaniwang
pinapaksa ng balita ang mga pinsalang
dulot nito.
12. Mga Uri ng Balita
A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos
1. Tuwirang Balita – Diretsahan ang
pagkahanay ng mga datos at
ginagamitan ng kombensyonal o kabuurang
pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain – Hindi diretsahan ang
paglalahad ng datos at ginagamitan ng
makabagong pamatnubay.
13. B. Ayon sa lugar na pinangyarihan
1. Lokal na Balita – Kung ang kinasasaklawan
ng pangyayari ay sa pamayanang
kinabibilangan o tinitirhan ng taga-pakinig o
mambabasa.
a. pambarangay d. panlalawigan
b. pambayan e. panrehiyon
c. panlunsod f. pambansa
2. Balitang Pang-ibang Bansa
14. C. Ayon sa nilalaman
• Pang-agham at teknolohiya
• Pangkaunlarang komunikasyon
• Pang-isports o pampalakasan
15. D. Ayon sa pinagbabatayan o pinag-
kukunan
1. Batay sa aksyon
Ang manunulat/mambabalita ay naroon mismo sa
lugar na pinangyarihan ng aksyon o
pangyayari.
2. Batay sa Tala
Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga
nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba
pang ahensya
16. 3. Batay sa Talumpati – Kung ang pinagkukunan ng datos
ay ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam
Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan
ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam
sa pangyayari.
17. E. Ayon sa pagkakaayos o
pagkakaanyo sa pahina
1.Balitang may iisang tala – Tumatalakay
sa iisang pangyayari lamang
2. May maraming talang itinampok –
Naglalahad ng higit sa isang
pangyayari na naganap sa iisang
araw at halos magkaparehong oras.
18. 3. Balitang Kinipil – Balitang pinaikli na lamang
dahil sa kawalan ng espasyo.
4. Dagliang Balita – Pahabol na balita na dahil sa kawalan ng
ispasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash at
kasunod nito ang isang linya o talatang nilalaman.
5. Balitang pangkatnig – Maikling balita na isinulat ng
hiwalay ngunit kaagaapay sa kaugnay na
pangunahing balita.
6. Bulitin – Habol at karagdagan sa mahalagang balita at
inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at nasa
tipong mariin
19. F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman
1.Balitang pamukaw-kawilihan – Karaniwang maiikling
balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig
sa damdamin ng mambabasa.
2.Balitang nagpapakahulugan – Nagpapaunawa sa
mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan
ng mga pangunahing sangkot at kahalagahan ng
isang pangyayari.
20. Ang
Pamatnubay
Pamatnubay ang tawag sa una
at pangalawang talata ng balita.
Nagsisilbi itong pang-akit sa
mga mambabasa dahil ito ang
pinaka- buod ng balita. Sa
akdang lathalain o pabalitang
lathalain, ito ay maaaring
isang salita, parirala,
pangungusap o isang talata.
21. 1.Kombensyonal o Kabuuurang
Pamatnubay Sinasagot
nito ang mga tanong na Ano?,
Sino?, Saan?, Kailan?, Bakit? at
Paano?
Ang balita ay inilalahad sa
baligtad na piramide kung saan
ang mga Mahahalagang datos
ay nasa una at pangalawang
talata. Karaniwang ginagamit
sa tuwirang balita.
22. 2. Makabagong Pamatnubay Ginagamitan ng pangganyak
na panimula ang akda upang akitin ang
mambabasang basahin ang kabuuuan nito. Karaniwang
ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang Lathalain.
23. Mga Uri ng
Kombensyonal na
Pamatnubay
1. Pamatnubay na Ano – Kung ang pinakatampok sa balita
ay ang pangyayari.
Halimbawa: Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na ikinamatay ng tatlong tao at
ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng madaling
araw.
24. 2. Pamatnubay na Sino – Kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong
kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa: Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani,
kasapi ng LDP ang kaniyang pirma sa impeachment complaint
na inihain ng oposisyon, kahapon, matapos itong katayin sa
komite.
25. 3. Pamatnubay na Saan – Kung higit na mahalaga ang lugar na
pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na kasangkot dito.
Halimbawa: Sa Naga City ginanap ang 2009 National Schools
Press Conference na dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong
bansa.
4. Pamatnubay na Kailan – Hindi gaanong gamiting pamatnubay
dahil ginagamit lamang ito kung higit na mahalaga ang
petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga pangyayari.
Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na
ibinigay ng BIR para sa pagababayad ng buwis sa taunang kita.
26. 5. Pamatnubay na Bakit – Kung ang dahilan o sanhi ng
pangyayari ang pinakamahalaga.
Halimbawa: Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga
mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad
ng Sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni
Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
27. 6. Pamatnubay na Paano Kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat
itampok.
Halimbawa: Nagkunwaring naghahanap ng
mapapasukan, isang babae ang tumangay ng malaking
halaga ng salapi at mga alahas ng isang ginang sa Lunsod
ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang katulong.
28. Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal
na pamatnubay ang itatampok,dapat munang
alamin ng manunulat kung aling anggulo ng
balita ang higit na mahalaga. Kapag parehong
matimbang ang Ano at Sino, unang itatampok
ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao
kaysa sa mga bagay at pangyayari.
29. Mga Dapat Tandaan sa
Pagsulat ng mabisang
Pamatnubay:
1. Gumamit ng payak na pangungusap
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na
Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang
pangungusap lamang, kung ito ay makasisira sa
kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang talata ay pangalawang
pamatnubay rin.
30. 3. Huwag uliting gamitin ang
mahalaga o di-karaniwang
salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng
mga sugnay, parirala at
mga iba pang katulad nitong
gramatikong kayarian.
31. 1. Isulat kaagad ang balita matapos makalap.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita
2. Itala ang mga datos ayon sa pababang kahalagahan.
3. Unahing itampok ang pinakamahalagang datos bilang
pamatnubay.
4. Ibigay ang buong pangalan ng taong awtoridad o pinagkunan
ng datos at kaniyang katungkulan. Sa muling pagbanggit sa
kanya ay gamitin na lamang ang G. at apelyido ng lalaki at Bb. o
Gng. at apelyido ng babae o anumang titulo na angkop sa
kanya.
32. 5. Iwasang magbigay ng opinyon sa balita.
6. Maging tumpak sa paglalahad ng datos.
7. Gawing maikli ang talata.
8. Gumamit ng mga payak na salita.
9. Gawing maiikli ang pangungusap at pag-ibaibahin ang haba
nito
10. Gamitin ang pangungusap na tukuyan kaysa sa balintiyak.
11. Isulat ang tuwiran at di tuwirang sabi sa magkahiwalay na
talata.
12. Ilahad ang dalawang panig ng mga taong sangkot sa balita.
33. Kaayusan ng Balita
Ang kaayusan ng paglalahad ng mga datos sa
balita ay sumusunod sa baligtad na piramid tulad
ng nasa ibaba:
34. Ang kaayusang baligtad na piramide ay
nakatutulong sa mga sumusunod na dahilan:
1. Napapadali ang pagbabasa. Karaniwan sa mga
mambabasa ay abala, kung kaya ang paglagay
ng mga mahahalagang datos sa unahan ng
balita, ay nakapagpapatipid sa kanila sa
panahon, dahil sa pamatnubay pa lang ay
nakukuha na nila ang buod ng istorya.
2. Napapadali ang pag-aayos ng ispasyo, dahil
kung kulang ang ispasyo, maaari nang putulin
ang huling bahagi ng balita na hindi nawawala
ang mahalagang datos nito.
35. 3. Napapadali ang pagsulat ng ulo ng balita dahil
sa unang dalawang talata na naglalaman ng
mahahalagang datos ay maaari nang
mapagkunan ng itatampok sa ulo ng balita.
36. Pagsulat ng ulo
ng balita
Katuturan
Ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong
malaking titik kaysa teksto o katawan nito.
Gamit ng mga Ulo ng Balita
Upang lagumin ang balita (To summarize the story)
Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
Upang bigyang antas ang bawat balita (To grade the news)
37. Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa
Istilo (According to Style)
Malalaking Titik
Malaki-Maliit na Titik
Pababang Istilo
38.
39.
40. Mga Tuntuning
Tradisyunal sa Pagsulat
ng Ulo ng Balita
1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita.
Hal. ArawangMakakaisangBansa,ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik.
Hal. O p e r a t i o n L i n i s S i n i m u l a n
3. Iwasan ang ulong walang pandiwa.
Hal. Limang guro sa Seminar
41. 4. Iwasan ang ulong pang-etika.
Hal. Linggo ng Wika
5. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng
isang kubyerta.
Hal. Mali- Aklasan sa UST, nalutas
nagsipag aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro, kawani nagsibalik
42. 6. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang
tao’y tanyag o kilalang kilala.
7. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na
pagpapahayag
8. Iwasan ang opinion sa balita. Ibigay ang tunay
na pangyayari
43. 8. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad
man o tago
9. Iwasan ang paggamit ng negatibong
pandiwa
10. Gumamit ng mabisa at nakakatawag-
pansing pandiwa
44. Mga Tuntunin sa
Pagtatalata ng Balita
1. Ang talata ay hindi sumusobra sa 75 na salita.
2. Ilagay ang mahahalagang datos sa unahan ng
talata.
3. Iwasan ang paggamit ng mga magkatulad na mga
salita o mga sugnay sa simula ng magkasunod
na talata.
4. Huwag ilagay ang tahasang sabi at buod nito sa
isang talata.
45. 5. Ang isang pangungusap na talata ang
pinakagamitin sa balita ngunit kung hindi
maiiwasan ang paggamit ng mahigit
sa isang pangungusap, hindi ito dapat na
sumobra sa 3 pangungusap.
6. Isaayos ang mga talata ayon sa pababang
kahalagahan upang kung kukulangin sa
ispasyo ay maaaring putulin ang mga
huling talata na hindi naaapektuhan ang
nilalaman nito.
46. Mga Katangian ng Isang
Manunulat ng Balita
1. Matalas ang pang-amoy sa balita.
-Alam kung saan makapangalap ng datos.
-Marunong kumilatis kung alin ang anggulo sa
pangyayari na itatampok sa balita.
-Madaling makakilala ng mga kaganapang karapat-
dapat ibalita.
47. 2. Mapagtanong
3. Matiyaga
4. Makatarungan at walang kinikilingan
5. Totoong interesado sa tao.
6. Laging mapaghanap ng buong katotohanan.
7. Mapamaraan
8. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan at gramatika
9. Alam ang sariling kalakasan
10. Mapagbasa