2. PANG-URI
Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay
deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan,
ginagamit ito upang mas bigyang linaw ang isang
pangngalan.
Halimbawa:
Maganda, araw-araw, mataas
3. Kayarian ng Pang-uri
1. Payak- Ito ay binubuo ng mga salitang-ugat
lamang.
Halimbawa: hinog, sabog, ganda
2. Maylapi- ito ay mga pang-uri na binubuo ng
salitang-ugat at panlapi.
Halimbawa: tinanong, kumakain, pagmah
4. 3. Inuulit- Ito ay binubuo sa pamamagitan ng pag-
ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Halimbawa:
pulang-pula, puting-puti, araw-araw, gabi-gabi
(Hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-
paro)
4. Tambalan-Ito ay binubuo ng dalawang salitang
pinagtatambal.
Halimbawa:
ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko,
bahag buntot.
5. Tatlong antas o kaantasan ang Pang-uri
Lantay – ito ay nasa lantay na kaantasan kapag walang ipinaghahambing na
dalawa o maraming bagay. Ang mga halimbawa nito ay maganda, mataas,
mabigat, at mahinahon.
Pahambing – ito ay nasa pahambing na antas kapag may pinaghahambing
dalawang pangngalan – tao, bagay, hayop, lugar, at pangyayari. Ang mga
halimbawa nito ay mas maliit, magkasing-lapad, at mas kasya.
Pasukdol – ito ay nasa pasukdol na antas o kaantasan kapag ito ay
nagpapakita ng pangingibabaw sa lahat. Ang mga halimbawa nito ay
pinakamatalino, pinakamatapang, at pinakamalaki.
6. URI NG PAGHAHAMBING
Magkatulad
- Ito ang paghahambing kung patas sa katangian ang pinagtutulad. Ginagamitanito ng
mga unlapi tulad ng ga-, sing-/kasing-, magsing-/magkasing-.
Di-magkatulad
- Ito ang paghahambing kung nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.
Palamang
- may higit na positibong katangian ang inihahambing sa bagay na
pinaghahambing. Gumagamit ng higit, lalo, mas, di-hamak at iba pa.
Pasahol
- may hugis na negatibong katangian ang pinaghahambingan Gumagamit ng di- gaano,
di-gasino, di-masyado at iba pa
7. Lantay: Maganda si Loisa.
Pahambing: Mas maganda si Loisa kaysa kay Trina.
Pasukdol: Pinakamaganda si Loisa sa kanilang
magkakaibigan.
Lantay: Mataas ang bundok sa probinsya ng Malapatin.
Pahambing: Magkasing-taas ang mga bundok sa probinsya
ng Malapatin at Hinanduraw.
Pasukdol: Pinakamataas na bundok ang bundok sa probinsya
ng Malapatin.
8. GAWAIN 2
Panuto: Salungguhitan Ang pang-uri. Isulat sa sagutang papel ang L
kung Lantay, PH kung pahambing at PS kung pasukdol.
________1. Ang Korea ay may mas mahigpit na alituntunin kaysa sa
bansang Pilipinas.
________2. Si Dr. Jose Rizal ay kinikilala bilang isang mahusay na
manunulat sa buong mundo.
________3. Napakalaki ng iniambag sa positibong pagkakakilanlan sa
bansa at turismo ng “It’sMore Fun In The Philippines.” Dahil dito ay
umabot sa 4.7 milyon ang mga dumagsang
dayuhang turista noong 2013.
________4. Pilipinas, isang bansang tao’y tunay na malaya.
________5. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas
9. ________6. Higit na mabagal lumakad ang suso kaysa sa pagong.
________7. Maganda ang tanawin sa Manila Bay.
_________8.Ang Petronas Tower ang pinakamataas na gusali sa mundo.
________9. Si Bochoy ang pinakamatabang bata sa aming barrio.
_______ 10. Mas matingkad ang kulay dilaw kumpara sa pula.
________11. Si Mang Pandoy ang may pinakakonting huli ng isda.
________12. Mas mahusay magluto si Ate Myrna kaysa kay Ate Joy.
________ 13. Bukas sasakay ako sa higanteng bola.
________14. Si Fernando Amorsolo ay sikat na pintor.
_______ 15. Higit na marikit ang rosas kaysa sa calachuch