Successfully reported this slideshow.
Your SlideShare is downloading. ×

Sanhi at bunga part 2

Ad

Sanhi at Bunga
JENITA D. GUINOO
GURO SA FILIPINO

Ad

1. Napangangalagaan ang
ekolohiya ng ating bansa
2. Nagsisilbing magandang
modelo sa ibang kabataan
3. Naiiwasan ang pagba...

Ad

1. Nawawalan ng tahanan ang mga
hayop sa gubat
2. Nauubos ang mga puno sa
kagubatan
3. Maghahanap ng ibang malilipatang
ti...

Ad

Ad

Ad

Ad

Ad

Ad

Ad

Ad

Ad

Loading in …3
×

Check these out next

1 of 12 Ad
1 of 12 Ad
Advertisement

More Related Content

Slideshows for you (19)

Advertisement

Sanhi at bunga part 2

  1. 1. Sanhi at Bunga JENITA D. GUINOO GURO SA FILIPINO
  2. 2. 1. Napangangalagaan ang ekolohiya ng ating bansa 2. Nagsisilbing magandang modelo sa ibang kabataan 3. Naiiwasan ang pagbabara ng mga daluyan ng tubig pati ang pagbaha 4. Malinis na kapaligiran ang mararanasan 5. Maiiwasan ang anumang nakahahawang sakit
  3. 3. 1. Nawawalan ng tahanan ang mga hayop sa gubat 2. Nauubos ang mga puno sa kagubatan 3. Maghahanap ng ibang malilipatang tirahan ang mga hayop 4. Nasisira ang imbakan ng tubig sa ilalim ng mga ugat ng puno na pumipigil sa pagbaha 5. Masisira ang ekolohiya ng kagubatan
  4. 4. Sagutin: 1. Ilarawan ang pagkakabuo ng mga pahayag sa unang mga pangungusap? Sa ikalawang pangungusap? 2. Sang-ayon ba kayong, isang malaking problema ang nasa ikalawang pangungusap? 3. Ano pa ang maaaring ibubunga ng bawat pahayag? 4. Ano ang tawag natin sa mga pahayag na ito? Anong isinasaad ng mga ito?
  5. 5. Alam mo ba na….. Ang pagbibigay ng sanhi at bunga ay tumutukoy sa pinakaugat o dahilan ng isang pangyayari at ang magiging bunga o epekto nito. Ang ugnayang sanhi at bunga ay inihuhudyat ng mga pang-ugnay na maaaring salita o lipon ng mga salita na tinatawag na pangatnig. Ang mga pangatnig na nagpapahayag ng sanhi o dahilan ay sapagkat, kasi, dahil sa, dahilan sa/ kay, palibhasa, mangyari, kundangan, at iba pa na tinatawag pananhi. (Sanhi)
  6. 6. Halimbawa: 1. Marami ang namatay sa nakaraang pagbagyo sapagkat hindi nila napaghandaan ang storm surge. 2. Magsikap tayong mabuti dahil ito lamang ang magiging susi ng ating pag-unlad sa buhay. 3. Nakatapos siya ng pag-aaral kasi nagtiyaga siyang mag- working student. 4. Natuto siyang magrebelde sa mga magulang palibhasa’y laki siya sa layaw.
  7. 7. Ang mga pangatnig na nagpapahayag ng bunga o resulta ay kung kaya, bunga ng, sa gayon, sa ganitong dahilan, at iba pa. Tinatawag itong panlinaw. (Nagbibigay- paliwanag) 1. Marami ang walang hanapbuhay kaya laganap ang holdapan at iba pang masasamang gawain. 2. Maraming namatay at nawalan ng pamilya bunga ng super typhoon “Yolanda”. 3. Marami ang nagugutom kaya dapat din tayong magtipid.
  8. 8. Ang pangatnig na nagsasaad ng bunga na ang isinasaad na kaisipang may panubali, tinatawag itong panubali. (Kundisyunal) Halimbawa: 1. Uunlad ang bansa kung may tiyaga at disiplina ang mga mamamayan. 2. Maiiwasan ang mga kalamidad kapag marunong mangalaga sa kalikasan ang mga mamamayan.
  9. 9. Gawain: Pagtambalin ang mga sugnay upang mabuo ang kaisipan nito. a. Maraming tao ang nagkakasakit b. Unti-unting namamatay ang mga pananim c. Naghihirap ang mga mamamayan d. Wala siyang gusto/ hangad sa buhay e. Masusulusyunan ang suliranin ng pagbaha a.Dahil sa pagkatuyo ng mga ilog at sapa. b.Kaya wala siyang natapos na kurso c. Bunga ng labis na polusyon sa ating bansa d.Kung ang lahat ng mamamayan ay nay pagmamasakit e.Sapagkat patuloy ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin
  10. 10. Gawain B: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na mga pangatnig na nagsasaad ng sanhi at bunga. 1.Kaya 6. sa ganitong dahilan 2.Palibhasa 7. kundangan 3.Kapag 8. bunga ng 4.Sapagkat 9. mangyari 5.Dahil sa 10. kasi
  11. 11. Gawain C: Sumulat ng mga pangungusap tungkol sa sumusunod na paksa, gumamit ng mga pangatnig na nagbibigay ng sanhi at bunga. Pagkalulong ng mga Kabataan sa ML SANHI BUNGA
  12. 12. Talakayin: Pag-uusapan ang mga naging sagot sa gawain Pagkalulong ng mga Kabataan sa ML SANHI BUNGA

×