1. I. Mga Layunin:
Nakatutukoy ng mga pang-ugnayna
ginagamit sa pangungusap.
Nakapagsusulat ng sarili nilang likhang
kuwento gamit ang mga pang-ugnay.
Naiuugnay ang wastong gamit ng pang-ugnay
sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa kuwento.
Napahahalagahan ang wastong paggamit ng
pang-ugnay sa pangungusap.
3. 1. S U B A L I T
2. D A T A P W A T
3. N G U N IT
4. S A M A N T A L A
5. D A H I L S A
4. Pang-ugnay- ito ay mga salitang naagpapakita ng relasyon
ng dalawang yunit sapangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Pang-ugnay (Connectives)
Ang mga pangatnig ay ginagamit sa pag-uugnay ugnay ng
mga pangungusap at sugnay. Sa pamamagitan nito,
napagsusunod natin nang tama ang mga pangyayari sa
isang kuwento ayon sa tamang gamit nito.
5. Kasunod ang ilang halimbawa ng pangatnig na karaniwang ginagamit
sa Filipino:
Mga Pangatnig:
1.Subalit-ginagamit lamang kung ang datapwat at ngunit ay ginamit na
sa unahan ng pangungusap.
Mga Halimbawa:
a.Datapwat matalino siya, wala naman siyang kaibigan.
b.Mahal ka niya, subalit hindi niya gaanong naipakikita ito.
6. c. Marami na akong natutuhan, ngunit tila kulang pa ito.
2. Samantala, saka- ginagamit na pantuwang
Mga Halimbawa:
a. Siya ay matalino saka mapagbigay pa.
b. Abala ang lahat, samantalang ikaw ay walang ginagawa.
3. kaya, dahil sa- ginagamit na pananhi
Mga Halimbawa:
a. Kaya hindi natututo ang tao dulot ng kanyang kapalaluan.
b. Siya’y nagtagumpay dahil sa kaniyang pagsisikap.
7. Transitional Devices:
1.sa wakas, sa lahat ng ito- panapos
Mga Halimbawa:
a. Sa wakas, natuwa ang ama dahil sa kabaitan ng anak.
b. Sa lahat ng ito, napagtanto ng mga anak na sila’y mahal na mahal ng kanilang
ama.
2. kung gayon- panlinaw
Mga Halimbawa:
a. Malinaw ang paalala ng ina sa kaniya, kung gayon kailangan
niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
8. Panuto: Punan ng angkop na pangatnig o transitional device ang mga patlang upang
mabuo ang kaisipan ng kuwento. Isulat sa papel ang iyong sagot.
Krus
Isang gabi, maliwanag ang buwan, naisipan ni Brinth na mag-ensayo ng diving
para sa isang try out bilang paghahanda sa SEA Games. (1)________ nga mayaman,
sunod ang kaniyang layaw sa anumang gustuhin niya. (2)______ kakulangan ng oras sa
umaga dulot ng paglalakwatsa, naisip niya sa gabi na lamang siya mag-eensayo. Alam
niyang kahit hindi siya mag-ensayo, matatanggap pa rin siya (3) __________ matalik na
kaibigan ng kanyang ama ang Chairman ng Philippine Sports Commission. Pagod siya sa
buong araw na pag-aaral (4) _______ pursigido siyang dapat mapanalunan ang
kampeonato.
Patay ang lahat na ilaw sa paligid ng paaralan.Ang tanging tumatanglaw lamang ay
ang isang ilawan sa covered court at ang maliwanag na sinag ng buwan.
9. 5)______ , habang siya’y nakatayo sa spring board ng pool na may taas na tatlumpung
talampakan, dahan-dahan niyang itinaas ang kaniyang dalawang kamay, (6) ______
umaayos nang nakadipa bilang paghahanda sa pagtalon. (7) ________ biglang nag
brownout . Ang sinag na lamang ng buwan na nasa kaniyang likuran ang tanging
tumatanglaw sa kaniya (8) ______na lamang ang kaniyang pagkabigla nang kaniyang
Makita ang larawan ng krus sa kaniyang harapan. Siya’y lumuhod sa kinatatayuang
spring board at umusal.
“Panginoon, kung ito’y isang pahiwatig na ako’y dapat magbago sa aking
kapalaluan, patawarin N’yo po ako. Taos-puso po akong lumuluhod sa inyong harapan
at nagsusumamo na patawarin N’yo po ako.”
Patyuloy na humagulgol si Brinth at ‘di namalayang bumalik ang kuryente. Siya
pa rin ay nakaluhod at nakayuko nang biglang umilaw ang paligid.
10. Nang kaniyang ibuka ang mga mata, doon lamang niya nakita na
wala palang tubig ang pool kung saan siya dapat tumalon kanina bago
namaty ang mga ilaw.
Bigla siyang tumayo at nagwika nang pabulong, “Salamat po,
Panginoon.”
11. Kumpletuhin mo ako.
1.Sa aking puso pangalan mo ang isinisigaw __________ mali ang ating
pagmamahalan.
2.Malaki ang agwat ng kanilang edad________hindi pumayag ang kanilang
mgamagulang na makasal sila.
3.Marami sa kabataan ngayon ang gustong magpakamatay _________ pag-ibig.
4.Sobrang malakas ang hangin na dala ng bagyo _______ hindi pumayag ang nanay
na pumunta ako sa party.
5.__________magaling siya sa klase, hindi siya nakatanggap ng pagkilala.
12. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang angkop na pangatnig o transitional device
upang mabuo ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.Lubusan niyang ikinalungkot ang trahedyang naganap sa Bohol at Cebu, (kaya, sa
lahat ng ito)hindi niya lubos maisip kung paano niya ito haharapin.
2.(Datapwat, Subalit) nasasabi niyang siya’y nakararaos sa buhay, hindi pa rin
maipagkakaila ang lungkot na kaniyang nararamdaman.
3.Siya’y nahimasmasan (sa wakas, saka) naisip niyang dapat siyang magpatuloy sa
buhay.
4.Napakarami na niyang napagtagumpayangproblema (kaya, salahat ng ito), hindi na
niya alintana ang mga darating pa.
5.Hindi na niya itutuloy ang kaniyang pagpunta sa ibang bansa, (kung gayon, kaya)
mapipilitan siyang maghanap na lamang ng trabaho malapit sa kaniyang pamilya.
13. Paglalapat Answer Key:
1.kaya
2.dahil sa
3.sapagkat
4.ngunit
5.samantala
6.saka
7.ngunit
8.ganuon
II.
1.subalit
2.kaya
3dahil sa
4.kaya
5.Datapwat
Pagtataya
Answer Key:
1.sa lahat ng ito
2.Datapwat
3.saka
4.kaya
5.kaya