SlideShare a Scribd company logo
1 of 14
Download to read offline
1
8
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Sarsuwela
(Panitikan sa Panahon ng Amerikano)
2
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Maristel Parugrug-Ramirez
Sheila M. Angel, Bennedick T. Viola, Analiza J. Fernadez
Gilda S. Panuyas, Augusto A. Mateo, Bennedick T. Viola
Jackielyn G. Vergara
Romeo B. De Castro Jr.
Tagapamahala:
Larry B. Espiritu, PhD
Rodolfo A. Dizon PhD
Augusto A. Mateo
Mercedita D. Saldero
Joven P. La Rosa, EdD
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sarsuwela
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph. D.
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education – Region III
SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph
Manunulat:
Editor:
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
3
Alamin
Subukin
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Para sa 1-3 Hanapin sa kahon ang alternatibong solusyon na maaaring gamitin upang
mabigyang solusyon ang sumusunod na pahayag.
1. Maraming kabataan ang kulang ang kaalaman sa masamang dulot sa kalusugan
ng labis na paggamit ng gadgets.
2. Unti-unti nang nasisira ang kalikasan dahil sa pang-aabuso dito ng mga tao.
3. Hindi na matapos-tapos ang pandemyang nararanasan ng ating bansa.
4. “Nangako siya sa aking ako’y pakakasalan at dadalhin sa Amerika. Siya ang tanging
hahango sa akin sa kahirapan” wika ni Aling Petra. Ipinakita dito na siya ay isang Pilipinang
a. Mapagmahal b. Mapagpakumbaba c. Mapaghangad d. Malungkutin
5. “Mga pangitaing walang kasintamis, salamisim ng pag-ibig, kahit manawari’y tulutan
ni bathalang maisakatuparan ko ang ating mga mithiin para kay Angelita.”, wika
ni Cipriano. Ang lahat ay sinasalamin ng pahayag maliban sa
a. Maka-Diyos b. Makata c. Mayabang d. Mapagmahal
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Sarsuwela
na gagabayan ng sumusunod na MELC (Most Essential
Learning Competencies):
⚫ F8PB-IIe-f-25: Naipahahayag ang pangangatwiran
sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon
sa suliraning ipinahayag sa tekstong binasa
⚫ F8PU-IIe-f-26: Nasusuri nang pasulat ang papel
na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas
ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t
ibang rehiyon sa bansa
Bago natin talakayin ang kasunod na aralin ay iyo
munang sagutin mga katanungan sa ibaba upang malaman
natin kung ano ang alam mo na. Sikapin mong sagutin
ang mga katanungan upang ating malaman kung ano pa
ang mga dapat mo pang matutuhan sa ating aralin.
Magandang araw aking kaibigan! Muli na naman tayong
magkakasama sa modyul na ito! Nagagalak ako sapagkat nakaabot
ka sa Modyul na ito ngayon pa lamang ay binabati na kita dahil
natitiyak ko na matagumpay mo muli itong matatapos. Tara na!
Mag-aral na tayo.
a. Makatutulong nang Malaki kung bawat isa ay makikiisa at susunod sa ipinag-uutos
ng pamahalaan upang unti-unting mabigyan ng solusyon ang dinaranas na
pandemya.
b. Makabubuti siguro kung magkakaroon ng mga gawain ang Sangguniang Kabataan
kaugnay sa mga hindi magandang dulot nang labis na paggamit ng teknolohiya.
c. Kinakailangang magkipagtulungan ang bawat pamilya upang ituro sa bawat miyembro
nito kung paano pahahalagahan ang kalikasan.
4
Aralin
1
Sarsuwela
Panitikan sa panahon ng Amerikano
Balikan
Gawain 1: DEAL or NO DEAL
Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang salitang “DEAL” kung ikaw ay
sumasang-ayon at “NO DEAL” naman kung sumasalungat. Ilahad ang iyong paliwanag o
katuwiran sa loob gamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat. Gawin ito sa sagutang
papel.
_________1. Ang pera ay siyang pangunahing kailangan ng tao.
_______________________________________________________________________________
_________2. Kailangan mong magsabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon.
_______________________________________________________________________________
_________3. Lahat ay kaya basta’t magkakasama.
_______________________________________________________________________________
_________4. Ang pagiging matalino ay nakabubuti sa isang tao.
_______________________________________________________________________________
_________5. Kinakailangan mong maging masunuring anak sa iyong mga magulang.
_______________________________________________________________________________
Tuklasin
Magandang araw kaibigan! Sa bahaging ito ay marahil
marami pa ring tanong ang tumatakbo sa iyong isipan. Halika
at samahan mo akong tuklasin kung ano nga ba ang sarsuwela.
Mahusay! Tunay ngang naaalala mo pa ang iyong pinag-
aralan noong nakaraan kaugnay sa “Mga Hudyat ng Pagsang-ayon
at Pagsalungat”. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang isang
akda na nakilala sa panahon ng Amerikano - ang Sarsuwela.
Handa ka na ba? Tara, simulan na natin.
Pamilyar ba kayo sa Sarsuwela? Nakapanood na ba kayo ng
halimbawa nito? Malamang ay hindi sapagkat bihira na ang
nagtatanghal ng Sarsuwela sa panahon ngayon. Halikayo at ating
tuklasin ang ganda ng panitikan ng ating mga lolo at lola… Ang
Sarsuwela!
5
DALAGANG BUKID
(pinasikat ni Atang de la Rama)
ni Hermogenes Ilagan
Musika ni Leon Ignacio
Mula sa pelikula ni Nonon Padilla
Hinalaw ni Maristel Parugrug-Ramirez
UNANG YUGTO
Unang Tagpo
Sa Kabaret. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsasayaw sa saliw ng Musika.
Dumating si Teroy, isang lalaking mula sa probinsya at tila manghang-mangha sa mga nakikita.
Di nagtagal ay nagkita na sila ni Tano at sila ay nag-inuman.
Ikalawang Tagpo
Sa Kabaret, may dalawang lalaking nag-uusap at ito ay sina Andres at Bastian. Kanilang
pinag-usapan ang mga taong nakikita nila.
Ikatlong Tagpo
Nagmamadaling tumakbo si Teroy pabalik sa mesa nila ni Tano at itinuro si Juanita
sapagakat siya’y gandang-ganda rito.
Ikaapat na Tagpo
Dumating si Captain John sa Kabaret kasama si Aling Petra na kanyang nobya. Agad-agad
siyang sinalubong at inasikaso ni Tano at Bastian. Si Captain John ay isang matandang
Amerikano na mayaman at kasintahan ni Aling Petra. At si Aling Petra ay isa namang Pilipinang
may katandaan na rin at naghahangad yumaman kung kaya’t kanyang minahal si Captain John
kahit ito ay matanda na.
Pinagtawanan nila Tano at niloko-loko ang dalawang matanda…
Aling Petra: Tigilan niyo nga siya! Bakit niyo ba kami pinagtatawanan? Ngayon ba’t ang tingin
niyo saki’y ganito lamang, kami’y inyong uuyamin at papalibhasain? Dapat ninyong
malamang ako’y isang Pilipina at isa ninyong kabalat at kababayan, at ang lalaking ito
ay isang taong marangal at kami’y totoong nagmamahalan.
Captain John: Oh that’s true!
Aling Petra: Nangako siya sa aking ako’y pakakasalan at dadalhin sa Amerika. Siya ang tanging
hahango sa akin sa kahirapan
Bastian: Tignan mo yang ginawa mo Tano, napangaralan tuloy tayo ni aling Petrang Imaculada.
Tano: Ikaw nga naman kasi eh.
(Hinampas-hampas ng pamaypay ni Aling Petra ang dalawa.)
Tano: Aling Petra.
Aling Petra: Hindi aling Petra, Donya Petra!
Tano: O, sige Donya Petra kung Donya Petra. Eh wag mo nang sabihin kay Captain John
ang nangyari, nakakahiya.
Bastian: Ipagpaumanhin na ninyo at medyo nabigla lamang si Tano. Hindi naman kaila sa inyo
na may pagkapalabiro ang taong yan at luko-luko!
(Tinalikuran na ni Aling Petra ang dalawa at siya ay nagugutom na. Inalala ng dalawa ang
kanilang alaala at kung paano sila nagkakilala.)
(Umawit sina Captain John at Aling Petra at sinabayan ng musika at sayaw)
Ikalimang Tagpo
Nagmamadaling naglalakad si Cipriano ang binatang mag-aaral ng abogasya at nahulog
ang kanyang bag sa pagmamadali. Nilapitan siya ni Bastian at biniro rin ito ni Andres ngunit
hindi niya ito pinansin masyado at nagpatuloy lang sa paglakad. May mga ingay na narinig si
Cipriano at bumalik ito sa dalawang kausap upang malalaman kung dumating na si Angelita.
Sinabi ni Andres na kinakatagpo si Angelita ni Don Silvestre, isang mayamang matandang surero.
6
Pumasok na si Andres at Bastian sa Bulwagan at naiwan sa labas si Cipriano. Habang
sa katabing mesa ay lasing na lasing na sina Tano at Teroy at sabay itong tumayo sa mesa
at lumakad-lakad nang paliko-liko at tila walang direksiyon.
Ikaanim na Tagpo
Dumating si Don Silvestre sakay ng kanyang sasakyan. Habang si Cipriano ay tila
kinakausap ang sarili sa labas ng bulwagan.
Cipriano: Ang lahat ay masaya, tanging ako lamang ang sakbibi sa lungkot. Kayhirap pala
ang umibig. Oh Angelita!
(Bumaba na si Don Silvestre at kanyang nakita si Cipriano.)
Don Silvestre: Nababaliw na ata ang lalaking ito, nagsasalita nang walang kausap. (Lumapit
ang kay Cipriano.)
Don Silvestre: Oh yes Cipriano! May nangyayari bang di pangkaraniwan sa buhay mo?
Cipriano: Aba kayo pala Don Silvestre! Magandang gabi po.
Don Silvestre: Ako nga at hindi nababago, mabuti’t nagkita tayo.
Cipriano: Bakit po? May dahilan?
Don Silvestre: Malaki, nais kong pag-usapan natin ang ukol kay Angelita.
Cipriano: Inano kayo ni Angelita?
Don Silvestre: Puwes, ngayon mo malalaman. Hinihiling ko sayo na huwag mo
nang ipagpatuloy ang balak mong si Angelita’y suyuin.
Cipriano: Don Silvestre, tila mahirap para sa akin ang iyong hinihiling na si Angelita’y limutin
sapagkat ito’y ikamamatay ko.
Don Silvestre: HAHAHA…. Cipriano! Talagang bata ka pa. Dapat mong matalos
na ang mga magulang ni Angelita ang siyang nagpursiging maging asawa ko ang kanilang
anak, at dapat mo ring malaman na ang mga magulang ni Angelita’y may utang sa aking
dalawang libong piso na ni tubo’y hindi nahuhulugan!
Cipriano: Nalalaman po ba ni Angelita ang pagkakautang na yon?
Don Silvestre: Eh ano sakin kung malaman niya man o hindi? Si Angelita’y magiging akin
sa ayaw mo man o sa ibigin. Bukod pa d’yan libo-libo na ang nagagasta ko sa kandidatura
ni Angelita bilang reyna ng bahaghari, kaya’t wala na siyang kawala sa lahat ng kanyang
pagkakautang. May tubo pang maaasahan kaya’t tiyak na ako ang mapapangasawa niya.
Cipriano: Kayoo?! Kayo ang magiging asawa ni Angelita? HAHAHAHAHAHA…Nakakatawa!
Don Silvestre: Hahaha mabuti’t natawa ka! Cipriano! Wen salubyen. Sa palagay mo ba
kung maibig ka ni Angelita’y mapaliligaya mo siya?
Cipriano: Diyan kayo nagkakamali Don Silvestre. Ang mga pusong nagmamahalan ay di
nakikilala ang kahirapan o kaligayahan.
Don Silvestre: Malaki sumpong nito.
Cipriano: Hindi pa ba sapat sa isang babaeng umiibig ang siya’y mahalin ng lalaking kanyang
minamahal?
Don Silvestre: Cipriano! Cipria-HAHAHA…Dapat mong malaman na ang salawikain ni Kayuro,
“Ang pag-aasawa’y hindi biro, hindi kaning isusubo at iluluwa pag napaso”. Pwe!
Cipriano: Iyan po’y noong araw, ngunit ngayon ay wala nang subo-subo. Kain na lang nang
kain, at bukod d’yan ay magtatapos na ako ng abogasiya. Mabibigyan ko siya ng marangal
na kinabukasan. Hindi naman marahil magugutom si Angelita sa akin.
Don Silvestre: HAHAHAHA…Cipria-haha-no, pinatatawa mo ko. Hindi sasapat na mapakain
mo ng tatlong beses sa isang araw ang isang dalaga. Ang isang marikit na binibining
katulad ni Angelita’y hihingi sayo ng hmm-pabango, sari-saring damit, iba’t ibang alahas,
sasakay sa otto at iba’t iba pa. Yan ba’y mapagagalaw mo?! Tandaan mong abogado ka man
ay luluha ka rin, kaya’t wag ka nang mangarap sa katanghaliang tapat!
Cipriano: Aba! Don Silvestre, kung banig ang ibig ninyong sabihin, kayo ang nangangarap
at hindi ako!
Don Silvestre: Ha! Ako pala ang nangangarap. Hay Angelita. (Niyakap ang larawan ng dalaga)
Cipriano: Saan n’yo nakuha yan? (Gulat na tanong nito)
Don Silvestre: E di kay Angelita at sa kanyang mga magulang. Nakalimutan mo ba na sa aking
yaman lahat ay luluhod?!
Cipriano: Higit na mahalaga ang katapatan at dangal!
7
Don Silvestre: Subukan mo at nang mawari.
Cipriano: Panahon ang magsasabi!
(Nang mag-isa na si Cipriano)
Cipriano: Mga pangitaing walang kasintamis, salamisim ng pag-ibig, kahit manawari’y tulutan
ni bathalang maisakatuparan ko ang ating mga mithiin para kay Angelita. (Sinundan ng awit)
Ikapitong Tagpo
Si Kobang at Paco ay magkasamang pumasok sa Kabaret. Ipinagtapat ni Paco ang lihim
na pambababae ni Parlong (asawa ni Kobang) gayundin ang lihim niyang pagtingin ditto.
Ikawalong Tagpo
Patakbong pinuntahan nina Andres at Bastian si Cipriano upang tawagin ito pagkat
dumating si Angelita-ang Dalagang Bukid dala-dala ang kanyang mga ilalakong bulaklak.
(Musika-Angelita at mga Mang-aawit)
Lumapit si Tano kay Angelita at inaya niya itong makipagsayaw, subalit nakipag-unahan
si Don Silvestre. Sinabi ni Angelita at ang makauubos ng kanyang lakong bulaklak ang isasayaw
nitong una. Kanya-kanyang bili ang kalalakihan ng bulaklak at umaasang unang maisayaw
ni Angelita. Nilapitan ni Angelita si Cipriano at inalok niya ng bulaklak, hindi naman ito tumanggi
at bumili rin ng lakong bulaklak ng babaeng kanyang iniibig. Inalok din ni Angelita si Bastian.
Maya-maya’y nagparinig ang matanda at tinanong kung hindi raw ba siya aalukin. Lumapit
si Angelita at inalok niya ang matanda. Pinakyaw ni Don Silvestre ang bulaklak na nilalako nito
at nagpalagay pa ng isang bulaklak sa bulsa ng kanyang suot na damit. Matapos maubos
ang paninda nyang bulaklak ay pumunta siya sa gitna.
Angelita: Lahat kayo’y pagbibigyan ko upang kayo’y masiyahan, sa isang kantahin sa lahat
ng mabubuting-loob na ngayo’y kapiling ko, at lalong-lalo na sa mga dalagang dapat mag-
ingat sa mga pangako ng paruparo.
May isang dalagang nagsalok ng tubig
Kinis ng ganda nya’y hubog sa nilatik
Ano at pagkakaibig ng lumapit
ang isang binatang makisig
Wika ng dalaga’y, “Wag kang magalaw”
Tugon ng lalaki, “Ako’y kaawaan”
Sagot ng babae, “Wag kang mamwisit”
Sambot ng binata, “Ako’y umiibig.”
KORO:
Ano ang nangyari?
Nabasag ang banga
‘Pagkat ang lalaki ay napadupilas
Kaya’t ang babae lalo’t umiiyak
habang ang sinasabi ay
sila’y napahamak
Ang kinasapitan pagdating ng bahay
“Ano’t umiiyak?” tanong ng magulang
Sagot ng dalaga, “Ay mangyari po, Itay
ako ay tinakot ng isang aswang.
Nang sasabihin kong wag magalaw
agad niyang inagaw ang banga kong tangay
kaya nga po’t ako’y umuwing walang dalang tubig
at pati na ang baro’y napuno ng putik.”
(Ulitin ang KORO)
Matapos ang masayang pagtatanghal ni Angelita ay nilapitan siya ni Don Silvestre
at inimbitahan na sumama ito sa kaniya, subalit hindi pumayag si Cipriano kung kaya’t nagtalo
sila kung kanino sasama si Angelita. Hindi nagpaawat ang dalawang lalaki kung kaya’t nagkagulo
at nagkasakitan silang dalawa. Inawat sila ng mga kababaihan doon at maging si Angelita
ay nahirapan na awatin sila.
Matapos ang kaguluhan ay umuwi na ang ilan sa mga tao habang ang ilan ay naiwan
at nagsaya, nag-awitan at nagsayawan hanggang inumaga na sa kabaret.
8
IKALAWANG YUGTO
Ikasiyam na Tagpo
Si Angelita ay bumaba ng Bangka (Banca del Amor) at dumating si Cipriano. Kinausap
ni Cipriano ang dalaga kaugnay sa ipinagtapat nitong pag-ibig ngunit tila ayaw siyang bigyan
ng kasagutan ni Cipriano. Gayunpaman siya’y nagpahiwatig na minamahal rin niya ang binata.
Ikasampung Tagpo
Sa LA CABANA DE KOBANG kung saan nakatira si Kobang ay naroon si Paco at tinawag
si Kobang upang magpaliwanag dito. Tila ayaw sumama ni Kobang at siya rin ay natatakot
na abutan ng asawa subalit sinabi nito na ito’y magpapakamatay kung hindi siya pagbibigyan.
Hindi ito natiis ni Kobang kung kaya sumama siya rito at sila’y nag-usap.
Habang sila’y nag-uusap ay dumating si Don Silvestre at nakita si Paco at Kobang
na magkasama. Napagkamalan niyang si Kobang ay si Angelita at siya’y gulat na gulat nang
kaniyang maaninag kung sino ang dalawang nagtagpo. Pinakiusapn ni Paco na ilihim ni Don
Silvestre ang nakita at ito’y pumayag naman.
Ikalabing-isang Tagpo
Maagang pinuntahan ni Cipriano si Angelita at sila ay nagtalo sa ipinakikitang pakikitungo
ng dalaga kay Don Silvestre. Hindi ito maintindihan ni Cipriano kahit anong paliwanag nito kaya
umalis nalang ang binata at hinabol naman siya ni Angelita.
Nasaksihan ni Cipriano at Angelita ang pagdating ni Kobang na tila hindi alam
ang idadahilan sa asawa. At nang magkita na ang dalawa ay nag-away ito at nagsumbatan kung
kaya’t nagkagulo at kumuha pa ng itak si Parlong. Dali-daling lumapit dito si Cipriano at Angelita
upang umawat. At dahil sa sama ng loob ay nahimatay si Kobang at ipinasok na ito ni Parlong
sa loob ng kanilang bahay.
Ikalabindalawang Tagpo
Nang makabalik na ang dalawa sa pinanggalingan nila ay muli nilang binuksan ang usapan
tungkol kay Don Silvestre. Si Angelita ay nagpaliwanag ngunit hindi ito katanggap-tanggap para
kay Cipriano sapagkat alam niyang lahat ng ginagawang kabutihan ng matanda at may kapalit.
Ganoon pa man ay medyo nakahinga ito nang ipagtapat nng dalaga na siya lamang ang iniibig
at lalong natuwa nang sinabi ni Angelita na siya lamang pakakasalan nito.
Ikalabintatlong Tagpo
Dumating si Don Silvestre sakay ang kanyang auto habang nagdiriwang ang madla
sa pagkakapili kay Angelita bilang Reyna ng Bahaghari ngunit si Cipriano ay naroon at sinabi kay
Angelita na huwag itong sumama pero nagpunta pa rin si Angelita. Pinili ni Angelita si Cipriano
upang maging kapareha ngunit nang huli ay napilitan itong piliin si Don Silvestre dahilan
sa malaking pagkakautang ng kanyang pamilya dito.
IKATLONG YUGTO
Naghanda ng piging si Don Silvestre bilang parangal kay Angelita, kung saan maraming tao
ang dumalo na kinabibilangan ni Captain John na ang kasama ay si Miling at marami pang iba.
Si Cipriano na hindi pinapasok sa bulwagan kung saan nagaganap ang piging ay uminom
na lamang ng alak sa labas, nang biglang dumating sina Andres at Bastian at binati siya sapagkat
siya ay kabilang sa pumasa sa pagsusulit ng abogasiya at tinuturing nang ganap na abogado.
Hindi ikinatuwa ni Cipriano ang balitang iyon sapagkat ang kanyang buhay ay walang saysay
kung hindi mapapasakanya ang iniibig na si Angelita. Tumakbo siya palayo at hinabol naman
siya ni Bastian.
Mayamaya ay bumaba si Angelita sapagkat kanyang nalaman na nasa baba si Cipriano.
Samantalang si Kobang ay naunang bumaba at nakasalubong si Aling Petra na hindi mapakali
sa paghahanap kay Captain John. Binati ni Angelita si Aling Petra na paakyat at tinawag
9
at kinausap naman niya si Kobang at humingi ng tulong rito sapagkat ayaw niya raw maging
reyna, habang si Kobang naman ay ayaw raw maging taksil.
Umalis si Kobang at hinanap si Paco upang kausapin ito nang masinsinan. Habang si
Angelita naman ay naiwang mag-isa sa pinanggalingang mesa ni Cipriano.
Dumating na si Bastian at sinabi kay Angelita na hinihintay na raw siya sa taas
kung saan ginaganap ang piging. Nang siya ay paakyat na ay dumating si Cipriano. Sila ay tunay
na nagmamahalan kung kaya’t sumama si Angelita rito.
Si Aling Petra naman ay tila sawimpalad sapagkat natuklasan ang relasyon ni Captain John
at Miling. Siya ay bumaba nang humahagulgol at bigla itong nahimatay sa sobrang sama ng loob.
Bumalik na sina Cipriano at Angelita, nais nilang ipagtapat sa mga magulang ng dalaga
ang kanilang pag-iibigan nang biglang dumating sina Paco at Kobang kug kaya’t sila’y nagtago
muna.
Nais na ni Kobang putulin ang relasyon nila ni Paco subalit ayaw nitong pumayag at nais
na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Sa kanilang pag-uusap ay napaniwala ni Pacong
minamahal niya si Kobang, kaya pumayag na muli itong makipagrelasyon sa lalaki.
Sa pagpuputong ng korona sa Reyna ng Bahaghari ay pinabatid ni Don Silvestre sa lahat
na siya ay may basbas na ng mga magulang ni Angelita upang ito ay pakasalan sa susunod
na buwan. Pagkatapos itong i-anunsiyo ng matanda ay si Angelita naman ang nagsalita at
sinabing ang kanyang pinipiling maging konsorte ay walang iba kung hindi si Cipriano, ang
binatang kapapasa lamang sa pagsusulit sa pagkamanananggol. Tinanggihan din ng dalaga ang
korona at karangalan ng pagiging reyna pagkat ang nais niya ay ang korona ng tunay na pag-
ibig na kanyang natagpuan kay Cipriano. Ipinagtapat ng dalawang nag-iibigan na sila ay kasal na
at nagtanan kanina. Ang lahat ay binati sila.
Samantalang natuklasan ni Parlong na si Miling ay nobyo na si Captain John, at si Paco
ay may asawa na dahil ibinalitang nanganak na ang asawa nito sa kanilang ikasiyam na anak.
Si Parlong at Kobang ay humingi ng tawad sa isa’t isa.
Nakipagkasundo naman si Cipriano kay Don Silvestre na siya ang magbabayad ng lahat
ng pagkakautang ng pamilya ni Angelita. Pumayag si Don Silvestre at ipinatuloy ang koronasyon
nang bukal sa kanyang kalooban. Kinoronahan si Angelita bilang Reyna ng Bahaghari.
“Pakinggan mo kaibigan,
Baunin ang munting aral,
Gintong kumikinang ay maaaring tanso lamang,
Ang dapat na magtagumpay sa tuwina’y katapatan,
Ang mahalagay karangalan na ating pinaghirapan.”
-WAKAS-
Hango mula sa https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Ang sarsuwelang ito ay
isa lamang sa mga sumikat na sarsuwela sa Pilipinas. Masasalamin
ba ang kanilang kultura at kaugalian nating mga Pilipino sa akdang
ito? Kung nais ninyong malaman ay ipagpatuloy na natin ang ating
talakayan.
Kung kayo ay may katanungan o hindi maintindihan sa ating
paksa ngayong araw ay huwag mahihiyang magtanong sa inyong
magulang o guro.
Handa ka na bang magpatuloy? Kung gayon ipagpatuloy na natin
ang ating talakayan.
10
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
Alam mo ba na …
Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na
tungkol sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti,
kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o
pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa operang
Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit dito—patula at pasalita. Ang patulang
bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng
komposisyon na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman
ng mga katulong na tauhan.
Ang sarsuwela ay binunuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso
at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na
buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa
pag-ibig kaya nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela bagama’t ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay lubos na
namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina
Severino Reyes (kinilalang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”) na kilala sa taguring Lola Basyang
sa kanyang dulang “Walang Sugat”; Aurelio Tolentino sa kanyang “Kahapon, Ngayon at
Bukas”; Hermogenes Ilagan sa kanyang “Dalagang Bukid”; Juan K. Abad-“Tanikalang Ginto”;
Juan Crisostomo Soto- “Anak ng Katipunan”. Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan
na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang
manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati
ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.
Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.
Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.
Suriin
Mga Elemento ng Sarsuwela
1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang-
alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang
bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na
tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa
ay nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya
sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng
mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng
nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo - Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang
ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
Halimbawa:
(Tagpo) Sa Kabaret. (Eksena) Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsasayaw sa saliw ng
Musika. Dumating si Teroy, isang lalaking mula sa probinsya at tila manghang-mangha sa mga nakikita.
Di nagtagal ay nagkita na sila ni Tano at sila ay nag-inuman.
(Ipinakita dtto na nag tagpong ito ay naganap sa Kabaret, at ang naging eksena at ang mga
sumunod na pahayag kung saan isinalaysay ang naganap sa tagpong ito.)
11
Gawain 2: Pag-unawa sa Akda
Panuto: Ilahad at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Sa tulong ng dayagram, ibigay ang lagom ng pangkalahatang konsepto ng akdang
tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel.
2. Bakit napilitang nalagay si Angelita sa sitwasiyong kailangan niyang piliin si Don
Silvestre?
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
3. Isulat sa kahon ang sinisimbolo sa lipunan ng bawat tauhan sa kuwento. Gamitin
ang pormat.
4. Anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa akdang binasa? Ilahad.
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
5. Magbigay ng tatlong usapan o diyalogo na nagpapataas ng ating kamalayan kaugnay
sa kulturang Pilipino.
________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Pagyamanin
Gawain 3: Bawat Problema, May Solusyon!
Panuto: Ipahayag ang pangangatwiran sa isang posibleng solusyon sa suliranin ni
Angelita at Cipriano sa binasang teksto. (Kung ikaw si Angelita, paano mo ipaglalaban ang pag-
ibig mo kay Cipriano kung gayong may malaking pagkakautang ang iyong pamilya kay Don
Silvestre? Isulat sa Cloud Balloon ang iyong sagot.
DALAGANG
BUKID
DIWA
MENSAHE
TEMA
Angelita Cipriano
Don
Silvestre
Jacoba/
Kobang
Parlong
Paco Aling Petra
Captain
John
Miling
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
12
Gawain 4: Kultura Natin, Iyong Suriin!
Panuto: Isa-isahin ang mga kaugalian/kulturang ipinakita sa sarsuwelang “Dalagang
Bukid”. Suriin ang mga kulturang nakapaloob sa sarsuwelang binasa. Isulat kung paano ito
nakaapekto sa iyong kamalayan bilang isang Pilipino.
Paano nakaapekto ang nabasang sarsuwela sa iyong buhay, gayundin ang mga
kultura/kaugaliang ipinakita rito?
_______________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Isaisip
Gawain 5: Sagot Mo, Idugtong Mo!
Panuto: Ilahad mo ang konsepto ng iyong natutuhan/nalaman, naging kawili-wili at ibig
mo pang malaman tungkol sa sarswela sa pamamagitan ng pagdugtong ng iyong sagot
sa mga sumusunod:
1. Natutuhan/nalaman ko na __________________________________________________
2. Naging kawili-wili sa akin ang ________________________________________________
3. Ibig ko pa malaman ang ______________________________________________________
Isagawa
Gawain 6: Awit Mo, Isulat Mo!
Panuto: Ipagpalagay na isa kang kompositor ng awit, at ikaw ay naatasang bumuo ng awit
na gagamitin sa isasagawang sarsuwela. Ang tema ng iyong awit ay papaksa at sasalamin sa
sitwasyon ng pamilyang Pilipino sa panahon ng pandemya o mga kalamidad.
Ang Gawain ay tatayahin sa pamamagitan ng sumusunod:
Orihinal 15
Kaugnayan sa paksa 30
Nilalaman 30
Kahusayan sa pagkakabuo 25
Kabuuan 100
DALAGANG
BUKID
hal.
pagpili ng
mapapangasawa
13
Tayahin
Panuto: Basahin ang panuto ng bawat gawain. Isulat sa sagutang papel ang sagot
Para sa 1-3 Suriin ang bawat pahayag at ibigay ang kultura/ kaugaliang Pilipino na
sinasalamin ng bawat isa.
1. “Ang mga pusong nagmamahalan ay di nakikilala ang kahirapan o kaligayahan.”
2. “Ang lahat ay masaya, tanging ako lamang ang sakbibi sa lungkot. Kayhirap pala ang
umibig. Oh Angelita!”
3. Naghanda ng piging si Don Silvestre bilang parangal kay Angelita, kung saan maraming
tao ang dumalo.
Para sa 4-5 Bigyang ng alternatibong solusyon ang bawat suliranin.
4. Pagbaha at pagguho ng lupa
5. Patuloy na pagtaas ng krimen sa bansa
14
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Mga Aklat
Aklat sa Filipino 8, Unang Edisyon 2014
Internet
https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY
https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/mga-elemento-ng-sarsuwela1-iskrip-o-
nakasulat-na-dula-ito-ang-pinakakaluluwa-ng-/322665044546432/
Isagawa
Gawain
6
(Mamarkahan
ng
Guro)
Tayahin
1.
Palaban/
matapang/
malakas
ang
loob/
di
basta-basta
sumusuko
2.
Emosyonal
sap
ag-ibig
3.
Pagdaraos
ng
Pagtitipon
3-4
(mamarkahan
ng
guro)
Suriin
Gawain
2
(Mamarkahan
ng
Guro)
Pagyamanin
Gawain
3
&
4
(Mamarkahan
ng
Guro)
Isaisip
Gawain
5
(Mamarkahan
ng
Guro)
Subukin
1.
B
2.
C
3.
A
4.
C
5.
C
Balikan
Gawain
1
(Mamarkahan
ng
Guro)

More Related Content

Similar to .G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf

Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02Alessandra Bernese
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASER Borres
 
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptxFILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptxMaricrisTrinidad1
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanFrancis Kim Tanay
 
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfFil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfMaryJeanDeLuna4
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikaldionesioable
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfjosefadrilan2
 
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfFilipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfMarrian Guevarra
 
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...RaffyTaban1
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...CherryVhimLanurias1
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_dionesioable
 
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdfCopy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdfCandyMaeGaoat1
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
 
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docx
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docxAraling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docx
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docxGiriel Rose Voluntad
 
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdf
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdfAng Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdf
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdfJeffreyFarillas1
 

Similar to .G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf (20)

Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan-140111175013-phpapp02
 
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASEGrade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
Grade 7 (Alternative) Filipino I - Learning Module for EASE
 
Grade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 lasGrade 9 filipino week 4 las
Grade 9 filipino week 4 las
 
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptxFILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
FILIPINO 9_USOK AT SALAMIN.pptx
 
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahanLearning package-baitang-7-ikatlong-markahan
Learning package-baitang-7-ikatlong-markahan
 
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdfFil 9 Modyul 4 Q2  Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf
 
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOSUnang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit fil 9 w/ TOS
 
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikalModyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
Modyul 4 pagsusuri ng akda batay sa pananaw sosyolohikal
 
NOV-16.pptx
NOV-16.pptxNOV-16.pptx
NOV-16.pptx
 
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINOGRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
GRADE 3 SECOND PERIODIC FILIPINO
 
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdfAP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
AP6-Quarter-1-week-1Module1-1.pdf
 
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdfFilipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf
 
Modyul 12
Modyul 12Modyul 12
Modyul 12
 
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...
ESP 6 PPT Q3 - Aralin 11- Nais Kong Maging Mabuting Miyembro Ng Pamayanan.pps...
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
FILIPINO 5 PPT Q3 W5 Day 1-5 - Alamat, Nagagamit Ang Iba’t Iibang Pahayagan, ...
 
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
Modyul 6 unang markahan fili-_orig_
 
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdfCopy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf
Copy of FLAT_FILIPINO_FINAL materials.pdf
 
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 1 LEARNER’S MATERIAL IN EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO (Q1-Q4)
 
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docx
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docxAraling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docx
Araling Panlipunan grade 3 quarter 2 .docx
 
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdf
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdfAng Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdf
Ang Sikreto ni Lito-FINAL COPY.pdf
 

Recently uploaded

Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptxmesibasan
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxOlinadLobatonAiMula
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGronaldfrancisviray2
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...jourlyngabasa001
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptxcherrypastoral
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)AngelicaSantiago45
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxDesilynNegrillodeVil
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxGerlynSojon
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxChristineJaneWaquizM
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxChristineJaneWaquizM
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxMarwinElleLimbaga
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYANaennylMTanuban
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONSaadaGrijaldo1
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...mtmedel20in0037
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 

Recently uploaded (20)

Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptxGrade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina    .pptx
Grade_7_-_Nasyonalismo_sa_Tsina .pptx
 
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottxMapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
Mapeh-Aralin-4.1-Healthpptx (1).pp for cottx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANGpictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
pictorial-essay.FILIPINO SA PILING LARANG
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
Presentation epp 5.pptx for Grade 5 learners to help them for an effective le...
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptxQuarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram  and gram.pptx
Quarter 4-MATH 2-Week 5 _kilogram and gram.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)Presentation in science 3 (init at liwanag)
Presentation in science 3 (init at liwanag)
 
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptxUNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
UNANG YUGTO NG PANANAKOP NG KANLURANIN SA SILANGAN AT TIMOG-SILANGANG ASYA.pptx
 
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptxBaitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
Baitang 8 Tungkol sa Florante at Laura.pptx
 
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptxESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
ESP- PAMILYA SA ISANG MAPAYAPANG KOMUNIDAD.pptx
 
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
Simuno at Panaguri.pptxSimuno at Panaguri.pptx
 
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptxSanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
Sanhi at Bunga Demo teaching- Filipino 5.pptx
 
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYAIBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
IBAT IBANG IDEOLOHIYA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA
 
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYONGRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
GRADE_FIVE_AP_PRESQ2WEEK3. KRISTIANISASYON
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
Grade 9,.Quarter 4 Module 1 Konsepto at palatandaan ng Pambansang Kaunlaran p...
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 

.G8 Q2 Modyul 4 FINAL.pdf

  • 1. 1 8 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sarsuwela (Panitikan sa Panahon ng Amerikano)
  • 2. 2 Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Maristel Parugrug-Ramirez Sheila M. Angel, Bennedick T. Viola, Analiza J. Fernadez Gilda S. Panuyas, Augusto A. Mateo, Bennedick T. Viola Jackielyn G. Vergara Romeo B. De Castro Jr. Tagapamahala: Larry B. Espiritu, PhD Rodolfo A. Dizon PhD Augusto A. Mateo Mercedita D. Saldero Joven P. La Rosa, EdD Filipino – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sarsuwela Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III SDO - Science City of Muñoz Dante G. Parungao, CESO VI Zurex T. Bacay Ph. D. Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education – Region III SDO – Science City of Muñoz Curriculum Implementation Division- Learning Resource Management Section (CID-LRMS) Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119 E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph Manunulat: Editor: Tagasuri: Tagaguhit: Tagalapat:
  • 3. 3 Alamin Subukin Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Para sa 1-3 Hanapin sa kahon ang alternatibong solusyon na maaaring gamitin upang mabigyang solusyon ang sumusunod na pahayag. 1. Maraming kabataan ang kulang ang kaalaman sa masamang dulot sa kalusugan ng labis na paggamit ng gadgets. 2. Unti-unti nang nasisira ang kalikasan dahil sa pang-aabuso dito ng mga tao. 3. Hindi na matapos-tapos ang pandemyang nararanasan ng ating bansa. 4. “Nangako siya sa aking ako’y pakakasalan at dadalhin sa Amerika. Siya ang tanging hahango sa akin sa kahirapan” wika ni Aling Petra. Ipinakita dito na siya ay isang Pilipinang a. Mapagmahal b. Mapagpakumbaba c. Mapaghangad d. Malungkutin 5. “Mga pangitaing walang kasintamis, salamisim ng pag-ibig, kahit manawari’y tulutan ni bathalang maisakatuparan ko ang ating mga mithiin para kay Angelita.”, wika ni Cipriano. Ang lahat ay sinasalamin ng pahayag maliban sa a. Maka-Diyos b. Makata c. Mayabang d. Mapagmahal Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Sarsuwela na gagabayan ng sumusunod na MELC (Most Essential Learning Competencies): ⚫ F8PB-IIe-f-25: Naipahahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa suliraning ipinahayag sa tekstong binasa ⚫ F8PU-IIe-f-26: Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang rehiyon sa bansa Bago natin talakayin ang kasunod na aralin ay iyo munang sagutin mga katanungan sa ibaba upang malaman natin kung ano ang alam mo na. Sikapin mong sagutin ang mga katanungan upang ating malaman kung ano pa ang mga dapat mo pang matutuhan sa ating aralin. Magandang araw aking kaibigan! Muli na naman tayong magkakasama sa modyul na ito! Nagagalak ako sapagkat nakaabot ka sa Modyul na ito ngayon pa lamang ay binabati na kita dahil natitiyak ko na matagumpay mo muli itong matatapos. Tara na! Mag-aral na tayo. a. Makatutulong nang Malaki kung bawat isa ay makikiisa at susunod sa ipinag-uutos ng pamahalaan upang unti-unting mabigyan ng solusyon ang dinaranas na pandemya. b. Makabubuti siguro kung magkakaroon ng mga gawain ang Sangguniang Kabataan kaugnay sa mga hindi magandang dulot nang labis na paggamit ng teknolohiya. c. Kinakailangang magkipagtulungan ang bawat pamilya upang ituro sa bawat miyembro nito kung paano pahahalagahan ang kalikasan.
  • 4. 4 Aralin 1 Sarsuwela Panitikan sa panahon ng Amerikano Balikan Gawain 1: DEAL or NO DEAL Panuto: Basahin ang pahayag sa bawat pangungusap. Isulat ang salitang “DEAL” kung ikaw ay sumasang-ayon at “NO DEAL” naman kung sumasalungat. Ilahad ang iyong paliwanag o katuwiran sa loob gamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat. Gawin ito sa sagutang papel. _________1. Ang pera ay siyang pangunahing kailangan ng tao. _______________________________________________________________________________ _________2. Kailangan mong magsabi ng katotohanan sa lahat ng pagkakataon. _______________________________________________________________________________ _________3. Lahat ay kaya basta’t magkakasama. _______________________________________________________________________________ _________4. Ang pagiging matalino ay nakabubuti sa isang tao. _______________________________________________________________________________ _________5. Kinakailangan mong maging masunuring anak sa iyong mga magulang. _______________________________________________________________________________ Tuklasin Magandang araw kaibigan! Sa bahaging ito ay marahil marami pa ring tanong ang tumatakbo sa iyong isipan. Halika at samahan mo akong tuklasin kung ano nga ba ang sarsuwela. Mahusay! Tunay ngang naaalala mo pa ang iyong pinag- aralan noong nakaraan kaugnay sa “Mga Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat”. Ngayon naman ay tatalakayin natin ang isang akda na nakilala sa panahon ng Amerikano - ang Sarsuwela. Handa ka na ba? Tara, simulan na natin. Pamilyar ba kayo sa Sarsuwela? Nakapanood na ba kayo ng halimbawa nito? Malamang ay hindi sapagkat bihira na ang nagtatanghal ng Sarsuwela sa panahon ngayon. Halikayo at ating tuklasin ang ganda ng panitikan ng ating mga lolo at lola… Ang Sarsuwela!
  • 5. 5 DALAGANG BUKID (pinasikat ni Atang de la Rama) ni Hermogenes Ilagan Musika ni Leon Ignacio Mula sa pelikula ni Nonon Padilla Hinalaw ni Maristel Parugrug-Ramirez UNANG YUGTO Unang Tagpo Sa Kabaret. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsasayaw sa saliw ng Musika. Dumating si Teroy, isang lalaking mula sa probinsya at tila manghang-mangha sa mga nakikita. Di nagtagal ay nagkita na sila ni Tano at sila ay nag-inuman. Ikalawang Tagpo Sa Kabaret, may dalawang lalaking nag-uusap at ito ay sina Andres at Bastian. Kanilang pinag-usapan ang mga taong nakikita nila. Ikatlong Tagpo Nagmamadaling tumakbo si Teroy pabalik sa mesa nila ni Tano at itinuro si Juanita sapagakat siya’y gandang-ganda rito. Ikaapat na Tagpo Dumating si Captain John sa Kabaret kasama si Aling Petra na kanyang nobya. Agad-agad siyang sinalubong at inasikaso ni Tano at Bastian. Si Captain John ay isang matandang Amerikano na mayaman at kasintahan ni Aling Petra. At si Aling Petra ay isa namang Pilipinang may katandaan na rin at naghahangad yumaman kung kaya’t kanyang minahal si Captain John kahit ito ay matanda na. Pinagtawanan nila Tano at niloko-loko ang dalawang matanda… Aling Petra: Tigilan niyo nga siya! Bakit niyo ba kami pinagtatawanan? Ngayon ba’t ang tingin niyo saki’y ganito lamang, kami’y inyong uuyamin at papalibhasain? Dapat ninyong malamang ako’y isang Pilipina at isa ninyong kabalat at kababayan, at ang lalaking ito ay isang taong marangal at kami’y totoong nagmamahalan. Captain John: Oh that’s true! Aling Petra: Nangako siya sa aking ako’y pakakasalan at dadalhin sa Amerika. Siya ang tanging hahango sa akin sa kahirapan Bastian: Tignan mo yang ginawa mo Tano, napangaralan tuloy tayo ni aling Petrang Imaculada. Tano: Ikaw nga naman kasi eh. (Hinampas-hampas ng pamaypay ni Aling Petra ang dalawa.) Tano: Aling Petra. Aling Petra: Hindi aling Petra, Donya Petra! Tano: O, sige Donya Petra kung Donya Petra. Eh wag mo nang sabihin kay Captain John ang nangyari, nakakahiya. Bastian: Ipagpaumanhin na ninyo at medyo nabigla lamang si Tano. Hindi naman kaila sa inyo na may pagkapalabiro ang taong yan at luko-luko! (Tinalikuran na ni Aling Petra ang dalawa at siya ay nagugutom na. Inalala ng dalawa ang kanilang alaala at kung paano sila nagkakilala.) (Umawit sina Captain John at Aling Petra at sinabayan ng musika at sayaw) Ikalimang Tagpo Nagmamadaling naglalakad si Cipriano ang binatang mag-aaral ng abogasya at nahulog ang kanyang bag sa pagmamadali. Nilapitan siya ni Bastian at biniro rin ito ni Andres ngunit hindi niya ito pinansin masyado at nagpatuloy lang sa paglakad. May mga ingay na narinig si Cipriano at bumalik ito sa dalawang kausap upang malalaman kung dumating na si Angelita. Sinabi ni Andres na kinakatagpo si Angelita ni Don Silvestre, isang mayamang matandang surero.
  • 6. 6 Pumasok na si Andres at Bastian sa Bulwagan at naiwan sa labas si Cipriano. Habang sa katabing mesa ay lasing na lasing na sina Tano at Teroy at sabay itong tumayo sa mesa at lumakad-lakad nang paliko-liko at tila walang direksiyon. Ikaanim na Tagpo Dumating si Don Silvestre sakay ng kanyang sasakyan. Habang si Cipriano ay tila kinakausap ang sarili sa labas ng bulwagan. Cipriano: Ang lahat ay masaya, tanging ako lamang ang sakbibi sa lungkot. Kayhirap pala ang umibig. Oh Angelita! (Bumaba na si Don Silvestre at kanyang nakita si Cipriano.) Don Silvestre: Nababaliw na ata ang lalaking ito, nagsasalita nang walang kausap. (Lumapit ang kay Cipriano.) Don Silvestre: Oh yes Cipriano! May nangyayari bang di pangkaraniwan sa buhay mo? Cipriano: Aba kayo pala Don Silvestre! Magandang gabi po. Don Silvestre: Ako nga at hindi nababago, mabuti’t nagkita tayo. Cipriano: Bakit po? May dahilan? Don Silvestre: Malaki, nais kong pag-usapan natin ang ukol kay Angelita. Cipriano: Inano kayo ni Angelita? Don Silvestre: Puwes, ngayon mo malalaman. Hinihiling ko sayo na huwag mo nang ipagpatuloy ang balak mong si Angelita’y suyuin. Cipriano: Don Silvestre, tila mahirap para sa akin ang iyong hinihiling na si Angelita’y limutin sapagkat ito’y ikamamatay ko. Don Silvestre: HAHAHA…. Cipriano! Talagang bata ka pa. Dapat mong matalos na ang mga magulang ni Angelita ang siyang nagpursiging maging asawa ko ang kanilang anak, at dapat mo ring malaman na ang mga magulang ni Angelita’y may utang sa aking dalawang libong piso na ni tubo’y hindi nahuhulugan! Cipriano: Nalalaman po ba ni Angelita ang pagkakautang na yon? Don Silvestre: Eh ano sakin kung malaman niya man o hindi? Si Angelita’y magiging akin sa ayaw mo man o sa ibigin. Bukod pa d’yan libo-libo na ang nagagasta ko sa kandidatura ni Angelita bilang reyna ng bahaghari, kaya’t wala na siyang kawala sa lahat ng kanyang pagkakautang. May tubo pang maaasahan kaya’t tiyak na ako ang mapapangasawa niya. Cipriano: Kayoo?! Kayo ang magiging asawa ni Angelita? HAHAHAHAHAHA…Nakakatawa! Don Silvestre: Hahaha mabuti’t natawa ka! Cipriano! Wen salubyen. Sa palagay mo ba kung maibig ka ni Angelita’y mapaliligaya mo siya? Cipriano: Diyan kayo nagkakamali Don Silvestre. Ang mga pusong nagmamahalan ay di nakikilala ang kahirapan o kaligayahan. Don Silvestre: Malaki sumpong nito. Cipriano: Hindi pa ba sapat sa isang babaeng umiibig ang siya’y mahalin ng lalaking kanyang minamahal? Don Silvestre: Cipriano! Cipria-HAHAHA…Dapat mong malaman na ang salawikain ni Kayuro, “Ang pag-aasawa’y hindi biro, hindi kaning isusubo at iluluwa pag napaso”. Pwe! Cipriano: Iyan po’y noong araw, ngunit ngayon ay wala nang subo-subo. Kain na lang nang kain, at bukod d’yan ay magtatapos na ako ng abogasiya. Mabibigyan ko siya ng marangal na kinabukasan. Hindi naman marahil magugutom si Angelita sa akin. Don Silvestre: HAHAHAHA…Cipria-haha-no, pinatatawa mo ko. Hindi sasapat na mapakain mo ng tatlong beses sa isang araw ang isang dalaga. Ang isang marikit na binibining katulad ni Angelita’y hihingi sayo ng hmm-pabango, sari-saring damit, iba’t ibang alahas, sasakay sa otto at iba’t iba pa. Yan ba’y mapagagalaw mo?! Tandaan mong abogado ka man ay luluha ka rin, kaya’t wag ka nang mangarap sa katanghaliang tapat! Cipriano: Aba! Don Silvestre, kung banig ang ibig ninyong sabihin, kayo ang nangangarap at hindi ako! Don Silvestre: Ha! Ako pala ang nangangarap. Hay Angelita. (Niyakap ang larawan ng dalaga) Cipriano: Saan n’yo nakuha yan? (Gulat na tanong nito) Don Silvestre: E di kay Angelita at sa kanyang mga magulang. Nakalimutan mo ba na sa aking yaman lahat ay luluhod?! Cipriano: Higit na mahalaga ang katapatan at dangal!
  • 7. 7 Don Silvestre: Subukan mo at nang mawari. Cipriano: Panahon ang magsasabi! (Nang mag-isa na si Cipriano) Cipriano: Mga pangitaing walang kasintamis, salamisim ng pag-ibig, kahit manawari’y tulutan ni bathalang maisakatuparan ko ang ating mga mithiin para kay Angelita. (Sinundan ng awit) Ikapitong Tagpo Si Kobang at Paco ay magkasamang pumasok sa Kabaret. Ipinagtapat ni Paco ang lihim na pambababae ni Parlong (asawa ni Kobang) gayundin ang lihim niyang pagtingin ditto. Ikawalong Tagpo Patakbong pinuntahan nina Andres at Bastian si Cipriano upang tawagin ito pagkat dumating si Angelita-ang Dalagang Bukid dala-dala ang kanyang mga ilalakong bulaklak. (Musika-Angelita at mga Mang-aawit) Lumapit si Tano kay Angelita at inaya niya itong makipagsayaw, subalit nakipag-unahan si Don Silvestre. Sinabi ni Angelita at ang makauubos ng kanyang lakong bulaklak ang isasayaw nitong una. Kanya-kanyang bili ang kalalakihan ng bulaklak at umaasang unang maisayaw ni Angelita. Nilapitan ni Angelita si Cipriano at inalok niya ng bulaklak, hindi naman ito tumanggi at bumili rin ng lakong bulaklak ng babaeng kanyang iniibig. Inalok din ni Angelita si Bastian. Maya-maya’y nagparinig ang matanda at tinanong kung hindi raw ba siya aalukin. Lumapit si Angelita at inalok niya ang matanda. Pinakyaw ni Don Silvestre ang bulaklak na nilalako nito at nagpalagay pa ng isang bulaklak sa bulsa ng kanyang suot na damit. Matapos maubos ang paninda nyang bulaklak ay pumunta siya sa gitna. Angelita: Lahat kayo’y pagbibigyan ko upang kayo’y masiyahan, sa isang kantahin sa lahat ng mabubuting-loob na ngayo’y kapiling ko, at lalong-lalo na sa mga dalagang dapat mag- ingat sa mga pangako ng paruparo. May isang dalagang nagsalok ng tubig Kinis ng ganda nya’y hubog sa nilatik Ano at pagkakaibig ng lumapit ang isang binatang makisig Wika ng dalaga’y, “Wag kang magalaw” Tugon ng lalaki, “Ako’y kaawaan” Sagot ng babae, “Wag kang mamwisit” Sambot ng binata, “Ako’y umiibig.” KORO: Ano ang nangyari? Nabasag ang banga ‘Pagkat ang lalaki ay napadupilas Kaya’t ang babae lalo’t umiiyak habang ang sinasabi ay sila’y napahamak Ang kinasapitan pagdating ng bahay “Ano’t umiiyak?” tanong ng magulang Sagot ng dalaga, “Ay mangyari po, Itay ako ay tinakot ng isang aswang. Nang sasabihin kong wag magalaw agad niyang inagaw ang banga kong tangay kaya nga po’t ako’y umuwing walang dalang tubig at pati na ang baro’y napuno ng putik.” (Ulitin ang KORO) Matapos ang masayang pagtatanghal ni Angelita ay nilapitan siya ni Don Silvestre at inimbitahan na sumama ito sa kaniya, subalit hindi pumayag si Cipriano kung kaya’t nagtalo sila kung kanino sasama si Angelita. Hindi nagpaawat ang dalawang lalaki kung kaya’t nagkagulo at nagkasakitan silang dalawa. Inawat sila ng mga kababaihan doon at maging si Angelita ay nahirapan na awatin sila. Matapos ang kaguluhan ay umuwi na ang ilan sa mga tao habang ang ilan ay naiwan at nagsaya, nag-awitan at nagsayawan hanggang inumaga na sa kabaret.
  • 8. 8 IKALAWANG YUGTO Ikasiyam na Tagpo Si Angelita ay bumaba ng Bangka (Banca del Amor) at dumating si Cipriano. Kinausap ni Cipriano ang dalaga kaugnay sa ipinagtapat nitong pag-ibig ngunit tila ayaw siyang bigyan ng kasagutan ni Cipriano. Gayunpaman siya’y nagpahiwatig na minamahal rin niya ang binata. Ikasampung Tagpo Sa LA CABANA DE KOBANG kung saan nakatira si Kobang ay naroon si Paco at tinawag si Kobang upang magpaliwanag dito. Tila ayaw sumama ni Kobang at siya rin ay natatakot na abutan ng asawa subalit sinabi nito na ito’y magpapakamatay kung hindi siya pagbibigyan. Hindi ito natiis ni Kobang kung kaya sumama siya rito at sila’y nag-usap. Habang sila’y nag-uusap ay dumating si Don Silvestre at nakita si Paco at Kobang na magkasama. Napagkamalan niyang si Kobang ay si Angelita at siya’y gulat na gulat nang kaniyang maaninag kung sino ang dalawang nagtagpo. Pinakiusapn ni Paco na ilihim ni Don Silvestre ang nakita at ito’y pumayag naman. Ikalabing-isang Tagpo Maagang pinuntahan ni Cipriano si Angelita at sila ay nagtalo sa ipinakikitang pakikitungo ng dalaga kay Don Silvestre. Hindi ito maintindihan ni Cipriano kahit anong paliwanag nito kaya umalis nalang ang binata at hinabol naman siya ni Angelita. Nasaksihan ni Cipriano at Angelita ang pagdating ni Kobang na tila hindi alam ang idadahilan sa asawa. At nang magkita na ang dalawa ay nag-away ito at nagsumbatan kung kaya’t nagkagulo at kumuha pa ng itak si Parlong. Dali-daling lumapit dito si Cipriano at Angelita upang umawat. At dahil sa sama ng loob ay nahimatay si Kobang at ipinasok na ito ni Parlong sa loob ng kanilang bahay. Ikalabindalawang Tagpo Nang makabalik na ang dalawa sa pinanggalingan nila ay muli nilang binuksan ang usapan tungkol kay Don Silvestre. Si Angelita ay nagpaliwanag ngunit hindi ito katanggap-tanggap para kay Cipriano sapagkat alam niyang lahat ng ginagawang kabutihan ng matanda at may kapalit. Ganoon pa man ay medyo nakahinga ito nang ipagtapat nng dalaga na siya lamang ang iniibig at lalong natuwa nang sinabi ni Angelita na siya lamang pakakasalan nito. Ikalabintatlong Tagpo Dumating si Don Silvestre sakay ang kanyang auto habang nagdiriwang ang madla sa pagkakapili kay Angelita bilang Reyna ng Bahaghari ngunit si Cipriano ay naroon at sinabi kay Angelita na huwag itong sumama pero nagpunta pa rin si Angelita. Pinili ni Angelita si Cipriano upang maging kapareha ngunit nang huli ay napilitan itong piliin si Don Silvestre dahilan sa malaking pagkakautang ng kanyang pamilya dito. IKATLONG YUGTO Naghanda ng piging si Don Silvestre bilang parangal kay Angelita, kung saan maraming tao ang dumalo na kinabibilangan ni Captain John na ang kasama ay si Miling at marami pang iba. Si Cipriano na hindi pinapasok sa bulwagan kung saan nagaganap ang piging ay uminom na lamang ng alak sa labas, nang biglang dumating sina Andres at Bastian at binati siya sapagkat siya ay kabilang sa pumasa sa pagsusulit ng abogasiya at tinuturing nang ganap na abogado. Hindi ikinatuwa ni Cipriano ang balitang iyon sapagkat ang kanyang buhay ay walang saysay kung hindi mapapasakanya ang iniibig na si Angelita. Tumakbo siya palayo at hinabol naman siya ni Bastian. Mayamaya ay bumaba si Angelita sapagkat kanyang nalaman na nasa baba si Cipriano. Samantalang si Kobang ay naunang bumaba at nakasalubong si Aling Petra na hindi mapakali sa paghahanap kay Captain John. Binati ni Angelita si Aling Petra na paakyat at tinawag
  • 9. 9 at kinausap naman niya si Kobang at humingi ng tulong rito sapagkat ayaw niya raw maging reyna, habang si Kobang naman ay ayaw raw maging taksil. Umalis si Kobang at hinanap si Paco upang kausapin ito nang masinsinan. Habang si Angelita naman ay naiwang mag-isa sa pinanggalingang mesa ni Cipriano. Dumating na si Bastian at sinabi kay Angelita na hinihintay na raw siya sa taas kung saan ginaganap ang piging. Nang siya ay paakyat na ay dumating si Cipriano. Sila ay tunay na nagmamahalan kung kaya’t sumama si Angelita rito. Si Aling Petra naman ay tila sawimpalad sapagkat natuklasan ang relasyon ni Captain John at Miling. Siya ay bumaba nang humahagulgol at bigla itong nahimatay sa sobrang sama ng loob. Bumalik na sina Cipriano at Angelita, nais nilang ipagtapat sa mga magulang ng dalaga ang kanilang pag-iibigan nang biglang dumating sina Paco at Kobang kug kaya’t sila’y nagtago muna. Nais na ni Kobang putulin ang relasyon nila ni Paco subalit ayaw nitong pumayag at nais na ipagpatuloy ang kanilang relasyon. Sa kanilang pag-uusap ay napaniwala ni Pacong minamahal niya si Kobang, kaya pumayag na muli itong makipagrelasyon sa lalaki. Sa pagpuputong ng korona sa Reyna ng Bahaghari ay pinabatid ni Don Silvestre sa lahat na siya ay may basbas na ng mga magulang ni Angelita upang ito ay pakasalan sa susunod na buwan. Pagkatapos itong i-anunsiyo ng matanda ay si Angelita naman ang nagsalita at sinabing ang kanyang pinipiling maging konsorte ay walang iba kung hindi si Cipriano, ang binatang kapapasa lamang sa pagsusulit sa pagkamanananggol. Tinanggihan din ng dalaga ang korona at karangalan ng pagiging reyna pagkat ang nais niya ay ang korona ng tunay na pag- ibig na kanyang natagpuan kay Cipriano. Ipinagtapat ng dalawang nag-iibigan na sila ay kasal na at nagtanan kanina. Ang lahat ay binati sila. Samantalang natuklasan ni Parlong na si Miling ay nobyo na si Captain John, at si Paco ay may asawa na dahil ibinalitang nanganak na ang asawa nito sa kanilang ikasiyam na anak. Si Parlong at Kobang ay humingi ng tawad sa isa’t isa. Nakipagkasundo naman si Cipriano kay Don Silvestre na siya ang magbabayad ng lahat ng pagkakautang ng pamilya ni Angelita. Pumayag si Don Silvestre at ipinatuloy ang koronasyon nang bukal sa kanyang kalooban. Kinoronahan si Angelita bilang Reyna ng Bahaghari. “Pakinggan mo kaibigan, Baunin ang munting aral, Gintong kumikinang ay maaaring tanso lamang, Ang dapat na magtagumpay sa tuwina’y katapatan, Ang mahalagay karangalan na ating pinaghirapan.” -WAKAS- Hango mula sa https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Ang sarsuwelang ito ay isa lamang sa mga sumikat na sarsuwela sa Pilipinas. Masasalamin ba ang kanilang kultura at kaugalian nating mga Pilipino sa akdang ito? Kung nais ninyong malaman ay ipagpatuloy na natin ang ating talakayan. Kung kayo ay may katanungan o hindi maintindihan sa ating paksa ngayong araw ay huwag mahihiyang magtanong sa inyong magulang o guro. Handa ka na bang magpatuloy? Kung gayon ipagpatuloy na natin ang ating talakayan.
  • 10. 10 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10. 11. Alam mo ba na … Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na tungkol sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti, kasakiman, kalupitan at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa operang Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit dito—patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang sarsuwela ay binunuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya nagiging soap operatic. Ang sarsuwela bagama’t ipinakilala noong panahon ng Espanyol ay lubos na namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino Reyes (kinilalang “Ama ng Sarsuwelang Tagalog”) na kilala sa taguring Lola Basyang sa kanyang dulang “Walang Sugat”; Aurelio Tolentino sa kanyang “Kahapon, Ngayon at Bukas”; Hermogenes Ilagan sa kanyang “Dalagang Bukid”; Juan K. Abad-“Tanikalang Ginto”; Juan Crisostomo Soto- “Anak ng Katipunan”. Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Suriin Mga Elemento ng Sarsuwela 1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalang- alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip. 2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang damdamin. 3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang daan, sa loob ng silid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din. 4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nagpapasya sa hitsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip. 5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat tagpo, yugto at bahagi ng dula. 6. Eksena at tagpo - Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan. Halimbawa: (Tagpo) Sa Kabaret. (Eksena) Ang mga kalalakihan at kababaihan ay nagsasayaw sa saliw ng Musika. Dumating si Teroy, isang lalaking mula sa probinsya at tila manghang-mangha sa mga nakikita. Di nagtagal ay nagkita na sila ni Tano at sila ay nag-inuman. (Ipinakita dtto na nag tagpong ito ay naganap sa Kabaret, at ang naging eksena at ang mga sumunod na pahayag kung saan isinalaysay ang naganap sa tagpong ito.)
  • 11. 11 Gawain 2: Pag-unawa sa Akda Panuto: Ilahad at sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Sa tulong ng dayagram, ibigay ang lagom ng pangkalahatang konsepto ng akdang tinalakay. Gayahin ang pormat sa sagutang papel. 2. Bakit napilitang nalagay si Angelita sa sitwasiyong kailangan niyang piliin si Don Silvestre? ________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 3. Isulat sa kahon ang sinisimbolo sa lipunan ng bawat tauhan sa kuwento. Gamitin ang pormat. 4. Anong kultura ng mga Pilipino ang masasalamin sa akdang binasa? Ilahad. ________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ 5. Magbigay ng tatlong usapan o diyalogo na nagpapataas ng ating kamalayan kaugnay sa kulturang Pilipino. ________________________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________ Pagyamanin Gawain 3: Bawat Problema, May Solusyon! Panuto: Ipahayag ang pangangatwiran sa isang posibleng solusyon sa suliranin ni Angelita at Cipriano sa binasang teksto. (Kung ikaw si Angelita, paano mo ipaglalaban ang pag- ibig mo kay Cipriano kung gayong may malaking pagkakautang ang iyong pamilya kay Don Silvestre? Isulat sa Cloud Balloon ang iyong sagot. DALAGANG BUKID DIWA MENSAHE TEMA Angelita Cipriano Don Silvestre Jacoba/ Kobang Parlong Paco Aling Petra Captain John Miling _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________
  • 12. 12 Gawain 4: Kultura Natin, Iyong Suriin! Panuto: Isa-isahin ang mga kaugalian/kulturang ipinakita sa sarsuwelang “Dalagang Bukid”. Suriin ang mga kulturang nakapaloob sa sarsuwelang binasa. Isulat kung paano ito nakaapekto sa iyong kamalayan bilang isang Pilipino. Paano nakaapekto ang nabasang sarsuwela sa iyong buhay, gayundin ang mga kultura/kaugaliang ipinakita rito? _______________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ Isaisip Gawain 5: Sagot Mo, Idugtong Mo! Panuto: Ilahad mo ang konsepto ng iyong natutuhan/nalaman, naging kawili-wili at ibig mo pang malaman tungkol sa sarswela sa pamamagitan ng pagdugtong ng iyong sagot sa mga sumusunod: 1. Natutuhan/nalaman ko na __________________________________________________ 2. Naging kawili-wili sa akin ang ________________________________________________ 3. Ibig ko pa malaman ang ______________________________________________________ Isagawa Gawain 6: Awit Mo, Isulat Mo! Panuto: Ipagpalagay na isa kang kompositor ng awit, at ikaw ay naatasang bumuo ng awit na gagamitin sa isasagawang sarsuwela. Ang tema ng iyong awit ay papaksa at sasalamin sa sitwasyon ng pamilyang Pilipino sa panahon ng pandemya o mga kalamidad. Ang Gawain ay tatayahin sa pamamagitan ng sumusunod: Orihinal 15 Kaugnayan sa paksa 30 Nilalaman 30 Kahusayan sa pagkakabuo 25 Kabuuan 100 DALAGANG BUKID hal. pagpili ng mapapangasawa
  • 13. 13 Tayahin Panuto: Basahin ang panuto ng bawat gawain. Isulat sa sagutang papel ang sagot Para sa 1-3 Suriin ang bawat pahayag at ibigay ang kultura/ kaugaliang Pilipino na sinasalamin ng bawat isa. 1. “Ang mga pusong nagmamahalan ay di nakikilala ang kahirapan o kaligayahan.” 2. “Ang lahat ay masaya, tanging ako lamang ang sakbibi sa lungkot. Kayhirap pala ang umibig. Oh Angelita!” 3. Naghanda ng piging si Don Silvestre bilang parangal kay Angelita, kung saan maraming tao ang dumalo. Para sa 4-5 Bigyang ng alternatibong solusyon ang bawat suliranin. 4. Pagbaha at pagguho ng lupa 5. Patuloy na pagtaas ng krimen sa bansa
  • 14. 14 Susi sa Pagwawasto Sanggunian Mga Aklat Aklat sa Filipino 8, Unang Edisyon 2014 Internet https://www.youtube.com/watch?v=P2iPV4zQ5fY https://www.facebook.com/PanitikanSaFilipinoIvViii/posts/mga-elemento-ng-sarsuwela1-iskrip-o- nakasulat-na-dula-ito-ang-pinakakaluluwa-ng-/322665044546432/ Isagawa Gawain 6 (Mamarkahan ng Guro) Tayahin 1. Palaban/ matapang/ malakas ang loob/ di basta-basta sumusuko 2. Emosyonal sap ag-ibig 3. Pagdaraos ng Pagtitipon 3-4 (mamarkahan ng guro) Suriin Gawain 2 (Mamarkahan ng Guro) Pagyamanin Gawain 3 & 4 (Mamarkahan ng Guro) Isaisip Gawain 5 (Mamarkahan ng Guro) Subukin 1. B 2. C 3. A 4. C 5. C Balikan Gawain 1 (Mamarkahan ng Guro)