SlideShare a Scribd company logo
1 of 23
Download to read offline
Department of Education
Republic of the Philippines
Region III
DIVISION OF GAPAN CITY
Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City
Filipino 10
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Nobela mula sa Nigeria
Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD
Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III –
Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan
Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telephone Number: (044)-486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Leslie Fernando
Editor: Dulce M. Esteban
Tagasuri ng Nilalaman: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban,
Joanne M. Nuňez
Tagasuri ng Wika: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez,
Bernadeth D. Magat
Tagsuri ng Disenyo
at Balangkas: Emmanuel DG. Castro
Tagaguhit at tagalapat: Leslie DC. Fernando
Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD
Alexander F. Angeles, PhD
Rubilita L. San Pedro
1
Alamin
Kumusta ka? Masaya akong nakarating ka sa panghuling modyul na ito
para sa ikatlong markahan, kung saan mababasa mo ang isa sa mga sikat na
nobela mula sa Nigeria.
Umaasa akong madaragdagan ang iyong kaalaman sa ating aralin.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit
ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula (F10WG-IIIh-i-76);
2. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Afrika at/o Persia;
(F10EP-IIf-32)
3. nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela
(F10PD-IIIh-i-79);
4. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/
teoryang pampanitikang angkop dito (F10PN-IIIh-i-81); at
5. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Afrika at/o Persia batay
sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81).
Subukin
Bago natin talakayin ang aralin sa sesyong ito, halina’t sagutin ang
inilaan kong gawain sa bahaging ito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa
hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa
tribo ng Umuofia. ‘Di naglaon ay unti-unti siyang napamahal dito
gayon din ito sa kaniya at itinuring siyang pangalawang magulang.
Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela
ay _______________.
A. Historical C. pormalismo
B. Humanism D. realismo
2
2. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin
ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan
upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang
teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay
_______.
A. eksistensyalismo C. humanismo
B. historical D. marksismo
Para sa bilang 3-4
Panuto: Basahing mabuti ang ilang diyalogo mula sa iskrip ng pelikulang,
“Ang Munting Prinsesa” at sagutin ang mga kasunod na katanungan.
3. Ito ang katangiang ipinakita ni Miss Amelia sa binasang iskrip.
A. mabait C. matapang
B. mahinhin D. matulungin
4. Ito ang pag-uugaling masasalamin kay Miss Minchin.
A. mabait C. makasarili
B. mahinhin D. matapang
5. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa
isang labanan si Amalinze, ang Pusa. ______ dito, kinilala ang
katapangan niya. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______.
A. dahil C. sapagkat
B. ngunit D. upang
6. Malaki ang pagkakaiba ni Okonkwo sa kaniyang ama ______ siya ay
isang matapang at respetadong mandirigma. Ang salitang bubuo sa
pangungusap ay ______.
A. kapag C. sapagkat
B. kung D. upang
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss
Amelia is depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang
tulungan natin siya, Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay-ampunan, baka akala mo.
3
7. Sinaka ni Obierika ang lupain ni Okonkwo nang tumakas siya
papuntang Mbanta. Tinulungan niya ang kaniyang kaibigan nang
walang hinihintay na kapalit. Ang magandang katangian ni Obierika
na masasalamin sa mga Afrikano ay _________.
A. sadyang maawain sila
B. lubha silang masayahin
C. likas sa kanila ang pagiging masipag
D. ang kanilang pagiging matulungin sa kapwa
8. Sumasangguni ang mga taga-Umuofian sa matatandang ninuno sa
paggawa ng isang mahalagang pagpapasiya sa kanilang lugar. Ang
magandang katangiang masasalamin sa pangungusap ay __________.
A. ang matatanda lamang ang nagpapasiya sa Africa
B. ang pagmamahal ng mga Afrikano sa kanilang mga ninuno
C. ang pagbibigay-suporta ng mga Afrikano sa matatanda
D. ang pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin ng mga
Afrikano sa kanilang mga ninuno
9. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa
Bathala ng lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang
Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
10. Napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu gamit ang ekwe. Ang
kahulugan sa salitang may salungguhit ay _____.
A. isang uri ng tambol
B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria
C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
4
Aralin
8
Nobela mula sa Nigeria
Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Afrika na may malaking ambag sa
panitikan. Ang kanilang panitikan ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan
ng mamamayan sa bansa pagdating sa uri ng pamumuhay, kultura,
tradisyon, at suliranin sa politika.
Sa modyul na ito, ating aalamin at uunawain ang isa sa mga nobela
mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” na isinulat ni Chinua Achebe at
isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magpapamalas ng malalim na pag-
unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong
ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri
sa halaw ng isang nobela.
Balikan
Handa ka na ba? Alam kong nasasabik ka na sa ating aralin. Halina’t
magbalik-tanaw sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa
talumpati. Kayang-kaya mo ito!
Panuto: Isulat ang ilan sa nilalaman ng SONA ni Pangulong Duterte at
talumpati ni Nelson Mandela ayon sa iyong pagkaunawa. Kopyahin ang
grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Talumpati ni Nelson Mandela
SONA ni Pangulong Duterte
5
Tuklasin
Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating bagong aralin. Tara na
at simulan na natin!
Panuto: Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa salitang nasa gitna ng
grapikong pantulong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Suriin
Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang buod ng isang nobela
mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” at mapapanood mo ang isang
excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” (A Little
Princess) mula sa link na ito:
https://youtube.com/watch?v=cSpxVSTQj9A&feature=share at mababasa
mo rin ang kopya nito sa susunod na bahagi ng modyul na ito.
Afrika
6
Paglisan (Buod)
Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera
Batis ng Impormasyon tungkol sa Afrika
Binibigyang-pagpapahalaga ng mga
Afrikano ang kanilang mga tradisyon at
paniniwala. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan
ng sayaw, sining, musika, at palamuti. Ang pag-
unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga upang
mabuhay sa kanilang lipunan. Ang mga
sumusunod ay ilan sa mga magagandang
katangian ng lugar at ng mga taong
naninirahan dito:
• Ang Afrika ay pangalawang
pinakamalaking kontinente sa daigdig
at pangalawa sa pinakamataong
populasyon pagkatapos ng Asya.
• Malaki ang naging impluwensiya ng
heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Afrikano. Dahil ditto,
natuto silang makibagay sa pabago-bagong klima ng kanilang
kapaligiran.
• Ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga Afrikano ay isa sa kanilang
mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng iba’t ibang kilos,
maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang
lubos na maunawaan ng manonood ang tema nito.
• Ginagamit din sa pagsasayaw ang mga likhang-sining tulad ng
maskara na may relihiyoso at seremonyal na pinagmulan. Ang pintor
ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay sa paggawa nito. Ang maskara ng
mga Afrikano ay sumisimbolo sa mga kaluluwa ng kanilang mga
ninuno na maililipat sa mananayaw na may suot nito.
Ang Munting Prinsesa
(A Little Princess)
Isinulat ni Shaira Mella Salvador
Direksiyon ni Romy V. Suzara
Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan
siyang iwanan ng kaniyang ama na si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo
III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si
7
Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head
mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng
kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin).
SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY
Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong
nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks
towards the main entrance. Sarah sees him.
SARAH: Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah
runs after him.
Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns
around to look at her. Saw the surprise and disappointment on Sarah’s
face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue.
Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang
tulungan natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo!
Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi
ni Mr. Barrow... Walang ibang kukupkop sa
kaniya.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang
eskwelahang ito… baon na baon na tayo sa
utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo
Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung
bakit namatay ang ama ni Sarah?
8
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s
door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS AMELIA: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl
quietly walks away, clutching Emily close to her.
Karagdagang Kaalaman:
Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito
ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan
at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay.
Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
Mga Hakbang sa Pagsusuri/Ebalwasyon ng Iskrip at/o Pelikula
Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, may
mga bagay tayong dapat bigyang-pansin sa epektibong pagsusuri o
ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga sumusunod:
1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan;
2. unawain ang major concepts ng materyal; at
3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman
ang pangunahing paksa nito.
Samantala, makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip
kung bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari
kundi maging sa pagbuo ng diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang-
ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito.
Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga
detalyeng nais bigyang-pansin. Maaaring ipaliwanag ang magandang detalye
at kahinaang nakita sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood.
May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon
sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma:
1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;
9
2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng
pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba; at
3. pagbibigay ng halimbawa.
Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang
maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na
na, -ng, at -g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos
sa katinig, ang -g namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit
naman ang -ng sa mga salitang aangkupang nagtatapos sa patinig.
Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng,
kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.
Teoryang Pampanitikan
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng
panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito.
• Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng
humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng
bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa
pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya.
• Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan
kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-
politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi.
• Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging
layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang pisikal na katangian ng
akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng
teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian,
at paraan ng pagkakasulat ng akda.
• Eksistensyalismo – Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng
kapasyahan laban sa katuwiran.
• Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang
pinaghanguan ng kuwento, tula, o nobela.
• Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng
dalawang magkasalungat na puwersa; malakas at mahina, mayaman
at mahirap, kapangyarihan at naaapi.
• Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag
ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga pangyayaring nakapaloob sa
akda.
10
Pagyamanin
Mahusay! Binabati kita sa matiyagang pag-aaral at pagbabasa ng mga
nobelang inihanda ko para sa iyo, ang dagdag impormasyon tungkol sa
pagsusuri ng pelikula. Ngayon naman ay dumako na tayo sa mga
sumusunod na gawain upang mas malinang pa ang iyong natutuhan sa
aralin.
Gawain 1: Pag-ugnay-ugnayin!
Panuto: Ilapat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang mga talatang
bubuuin sa kahong nasa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring
pampelikulang, “Ang Munting Prinsesa” na napanood o nabasa. Isulat sa
hiwalay na papel ang sagot.
Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging
bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami
siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay
ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang
kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa
nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata
kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa
matalik nitong kaibigang si Mr. Carrisford bago mamatay.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
11
Gawain 2: Tradisyong Afrika
Panuto: Gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangian ng bansang Afrika at batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang “Paglisan” na nasa kolum A, tukuyin at ibigay ang
ipinakikitang tradisyong kinamulatan ng Afrika sa Kolum B. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Kolum A
Diyalogo mula sa Nobela
Kolum B
Tradisyong kinamulatan
1. Dahil sa kaniyang kakayahan sa
pamumuno, pinili si Okonkwo ng
mga kanayon upang ipagtanggol
si Ikemefuna, ang lalaking
kinuha bilang tanda ng
pakikipagkasundo sa
kapayapaan sa pagitan ng
Umuofia at isang nayon,
pagkatapos mapatay ng tatay ni
Ikemefuna ang isang babaeng
Umuofian.
2. Isang malaking pagkakasala sa
diyosa ng Lupa ang pumatay at
makapatay ng kauri. Sinunog
ang mga natirang hayop, kubo,
at mga naiwang pag-aari ni
Okonkwo tanda ng paglilinis sa
buong pamayanan sa kasalanan
nito.
3. Ang pintor ng maskara ay
kailangang magbigay ng
panalangin sa kaniyang mga
ninuno upang humingi ng gabay
sa paggawa nito.
4. Isa sa kanilang mahahalagang
kultura, ginagamitan nila ito ng
iba’t ibang kilos, maskara,
costume, pintura sa katawan, at
iba pang bagay upang lubos na
maunawaan ng manonood ang
tema nito.
12
Gawain 3: Basahin at Suriin
Panuto: Suriin ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobelang,
“Ang Munting Prinsesa” (A Little Princess) gamit ang grapikong pantulong sa
ibaba. Kopyahin at gawin ito sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro
na ang gumawa ng paraan upang makapanood ang mga mag-aaral ng
isinapelikulang nobela.)
Pamagat: ______________________________________________________________
Mga Tauhan
Tauhan 1:
Katangian:
Tauhan 2:
Katangian:
Buod ng Pelikula
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
________________________________________________________________
Banghay ng mga Pangyayari
Tagpuan Protagonista Antagonista Problema Solusyon Resulta
Paksa/Tema
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Kabuuang Mensahe ng Pelikula
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
13
Gawain 4: Halina’t Suriin!
Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng nobelang, “Paglisan” at pumili ng
pangyayaring batay sa pananaw/teoryang pampanitikang angkop dito.
Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
Pangyayari:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Paliwanag:
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
Teoryang Pampanitikan
14
Isaisip
Binabati kita sa matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito!
Ngayon naman ay ibahagi mo ang iyong kabuuang natutuhan sa aralin.
Isipin at Punan Mo!
Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
konseptong ipinahahayag nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot.
Ang 1._____________ ay isang mahabang kathang
pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa
isang mahusay na 2._____________. Pinakapangunahing sangkap
nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng
katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring 3._____________ at magkakaugnay. Ang
mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang 4._____________ ng nobela.
Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsusuri/ebalwasyon ng
iskrip at/o pelikula. Una, tukuyin at alamin ang konseptong pinag-
uusapan. Pangalawa, unawain ang 5._____________ ng materyal.
Pangatlo ay tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang
malaman ang pangunahing paksa nito.
Samantala, sa pagsusuri ng pelikula mahalagang
maipaliwanag ang detalyeng nais bigyang-pansin. May tatlong
paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto. Una ay ang
pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan. Pangalawa ay
ang pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na
deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-
ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba. Ang panghuli ay pagbibigay ng
6._____________.
Makatutulong din nang malaki ang paggamit ng
7._____________ upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa
mga ito ay ang pang-angkop na 8._____________, 9._____________,
10._____________.
15
Isagawa
Alam kong marami ka nang natutuhan tungkol sa kultura ng Afrika sa
pamamagitan ng akdang ating tinalakay. Natitiyak kong handa ka na sa
gawaing ito. Tara at ibahagi mo na ang iyong mga kaalaman tungkol dito.
Panuto: Gamit ang mga pang-ugnay, iba’t ibang batis ng impormasyon at ang
natukoy na tradisyong kinamulatan ng Afrika batay sa napakinggang
diyalogo sa nobelang, “Paglisan” sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol
sa tradisyon, pananaw, at magagandang katangiang mayroon ang Afrika.
Lagyan ng salungguhit ang mga pang-ugnay na iyong ginamit. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Maikling Sanaysay
Kraytirya 1 3 5 Puntos
Nilalaman Hindi naibigay
ang nilalaman
at paksa ng
maikling
sanayay. Hindi
nagamit ang
batis ng
impormasyon
at hindi
naipakita ang
tradisyon ng
Afrika sa
likhang
sanaysay.
Naibigay ang
nilalaman at
paksa ng
maikling
sanaysay.
Nakagamit ng
iilang batis ng
impormasyon
at naipakita
ang tradisyon
ng Afrika sa
likhang
sanaysay.
Komprehensibo
ng naibigay
ang nilalaman
at paksa ng
maikling
sanaysay.
Nakagamit ng
maraming batis
ng
impormasyon,
naipakita ang
tradisyon ng
Afrika, at
nakapagbigay
ng konklusyon
sa likhang
sanaysay.
Tandaan!
Ang sanaysay ay mayroong tema, nilalaman,
anyo, istruktura at kaisipan.
16
Presentas
yon at
Grama-
tika
Hindi maayos
na nagamit ang
mga pang-
ugnay sa
pagsulat ng ng
maikling
sanaysay.
May ilang
pang-ugnay na
hindi nagamit
nang wasto sa
pagsulat ng
maikling
sanaysay.
Malikhain at
maayos na
nagamit ang
mga pang-
ugnay sa
pagsulat ng
maikling
sanaysay.
Organi-
sasyon
Hindi maayos
ang
presentasyon
ng mga ideya.
Maraming
bahagi ang
hindi malinaw
sa
pagkakasulat
ng maikling
sanaysay.
Maayos ang
presentasyon
ng mga
pangyayari at
kaisipan. May
ilang bahaging
hindi gaanong
malinaw.
Malinaw ang
daloy at
organisado ang
paglalahad ng
maikling
sanaysay.
Kabuuang Puntos
Tayahin
Masaya ako at nakarating ka na sa gawaing ito. Binabati kita sa iyong
sipag at tiyaga. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga inihanda kong
katanungan para sa iyo.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat
sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot.
1. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang
ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing
na aso.” Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito
ng nobela?
A. humanismo C. pormalismo
B. marksismo D. realismo
17
2. Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian.
Lumipas ang maraming panahon, dumating ang mga misyonero sa
kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-unting
nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang
masasalamin sa bahaging ito ng nobela?
A. eksistensyalismo C. pormalismo
B. historikal D. marksismo
Para sa bilang 3-4
Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang “Ang
Munting Prinsesa” at sagutin ang mga tanong.
3. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita
ng tauhang si Miss Amelia?
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkatuwa
4. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita
ng tauhang si Miss Minchin?
A. pagkagalit C.pagkalungkot
B. pagkahabag D. pagkayamot
5. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang
mabuo ang pangungusap? Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito
ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take
notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door,
crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah…
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly
walks away, clutching Emily close to her.
18
6. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang
mabuo ang pangungusap? Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi
Ezeudu, isa sa matatanda ____ taga-Umuofia, ang planong pagpatay
kay Ikemefuna.
A. -g C. na
B. -n D. -ng
7. Ito ang dahilan ng pagtakas ni Okonkwo patungong Mbanta.
A. pagnanakaw
B. siya ay baon sa utang
C. intensyonal niyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
D. hindi niya sinasadyang pagpatay sa isang kapuwa katribo
8. Paano namatay si Okonkwo?
A. dahil sa sakit
B. nagpakamatay
C. sinaksak ni Enoch
D. nakipaglaban sa ibang tribo
9. Punong-puno ng cowrie ang namatay, ito ay pabaon sa kaniyang
paglalakbay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
10. Ginawa ng mga Igbo ang Ogene bilang simbolo ng kanilang tribo. Ano
ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap?
A. katutubong tao
B. malaking metal bell
C. kagamitang pangmusika
D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
19
Karagdagang Gawain
Binabati kita! Masaya ako na nandito ka na sa huling bahagi ng modyul
na ito. Ang gawain sa ibaba ay naglalayong matukoy mo ang pagkakaiba at
pagkakatulad ng nobelang nabasa at napanood.
Ikaw at Ako!
Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng isinapelikulang nobelang, “Ang
Munting Prinsesa” at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang
pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang
talata. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
20
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
D
6.
C
2.
D
7.
D
3.
D
8.
D
4.
B
9.
B
5.
A
10.
A
Pagyamanin
Gawain
1
Si
Sarah
ay
isang
mabait,
masipag,
at
matulunging
bata.
Siya
ay
nagmula
sa
mayamang
pamilya,
dahil
sa
ulila
na
sa
kaniyang
ina,
ang
amang
si
Kapt.
Ralph
Crewe
na
lamang
ang
tumayong
kaniyang
magulang.
Ipinasok
siya
nito
sa
isang
sikat
na
paaralan
sa
pangangasiwa
ni
Miss.
Minchin.
Dahil
sa
taglay
na
katalinuhan
at
kabaitan,
marami
siyang
naging
kaibigan
maliban
kay
Lavinia.
Kinaiinggitan
ni
Lavinia
si
Sarah
dahil
sa
katangiang
pagiging
prinsesa.
Isang
malungkot
na
pangyayari
ang
dumating
sa
buhay
ni
Sarah,
ang
pagkamatay
ng
kaniyang
ama.
Wala
ni
isang
kayamanan
ang
naiwan
sa
kaniya
kung
kaya’t
labag
man
sa
nais
ni
Miss.
Minchin
ay
napilitan
siyang
kupkupin
ang
bata
kapalit
ng
paninilbihan
nito
sa
paaralan.
Sa
pagkawala
ng
kaniyang
ama,
unti-unting
nabago
ang
trato
ng
mga
taong
nagpapanggap
na
mabait
kay
Sarah,
isa
na
rito
si
Miss.
Minchin.
Lahat
ng
pagpapahirap
at
pagmamalupit
ay
ginawa
nito
sa
kaniya.
Lingid
sa
kaalaman
ng
lahat,
naihabilin
siya
ng
ama
sa
matalik
nitong
kaibigang
si
Mr.
Crisford
bago
mamatay.
Ginawa
nito
ang
lahat
upang
hanapin
si
Sarah
bagama’t
maraming
balakid
ang
kanilang
napagdaanan
bago
siya
matagpuan.
Sa
huli’y
nakita
rin
siya
at
naibalik
ang
dating
masaya
at
marangyang
pamumuhay
ni
Sarah,
ang
munting
prinsesa.
Gawain
2
1.
Ang
isang
miyembro
ng
pamilya/tribo
na
nagkasala
ay
maaaring
maging
kabayaran
upang
matamo
ang
kapayapaan
sa
dalawang
pangkat
na
may
hidwaan.
2.
Paniniwala
na
ang
kasalanan
ng
isang
miyembro
o
katribo
ay
maaaring
maging
simula
ng
kanilang
pagbagsak
o
maging
karma.
3.
Paniniwala
sa
mga
kaluluwa,
pagbibigay-respeto
at
mataas
na
pagtingin
sa
mga
ninuno.
Ang
mga
pumanaw
na
ninuno,
yaong
may
mataas
na
katungkulan
nang
nabubuhay
ay
gagabay
pa
rin
sa
kanila
kahit
na
ito’y
pumanaw
na.
4.
Makulay
at
masining
ang
kulturang
Afrika.
Isaisip
1.
Nobela
6.
halimbawa
2.
Pagbabalangkas
7.
pang-ugnay
3.
Magkakasunod
8-10
na,
ng,
g
4.
pinakabuod
5.
major
concepts
Tayahin
1.
B
6.
D
2.
B
7.
D
3.
B
8.
B
4.
D
9.
D
5.
C
10.
B
21
Sanggunian
Ambat Vilma, et.al. 2015. Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc.
https://filbookpatience.wordpress.com/2017/07/21/ang-mga-tradisyon-
galing-sa-afrika-abigail-ngo/

More Related Content

What's hot

Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptxPagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptxcatherineCerteza
 
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.ppt
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.pptAralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.ppt
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.pptMarlonSicat1
 
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)Leilani Avila
 
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptxPPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptxEphraim Binasbas
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralinJenita Guinoo
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameRamelia Ulpindo
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)GinalynMedes1
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Al Beceril
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOJovelynValera
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaJeremiah Castro
 
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOSUnang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOSESMAEL NAVARRO
 
Ang kababaihan ng taiwan (1)
Ang kababaihan ng taiwan (1)Ang kababaihan ng taiwan (1)
Ang kababaihan ng taiwan (1)Arlein de Leon
 
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...IrishMontimor
 
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatRubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatJohn Ervin
 

What's hot (20)

Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptxPagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
Pagsusuri-ng-Pelikula-Copy-1 (1) (1).pptx
 
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.ppt
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.pptAralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.ppt
Aralin 2.1 Talumpati ni Delma Rouseff.ppt
 
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
Banghay Aralin Filipino 10 (Aralin 1.1)
 
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptxPPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
PPT MUNTING PAGSINTA - SIR BINASBAS.pptx
 
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin
 
G10 lp-13
G10 lp-13G10 lp-13
G10 lp-13
 
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre DameSIM Ang Kuba ng Notre Dame
SIM Ang Kuba ng Notre Dame
 
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
SIM (ANAPORA AT KATAPORA)
 
Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago Aginaldo ng mga Mago
Aginaldo ng mga Mago
 
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMOMALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN SA EL FILIBUSTERISMO
 
Thor at loki
Thor at lokiThor at loki
Thor at loki
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
 
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOSUnang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
Unang markahang pagsusulit sa Filipino 8 w/ TOS
 
Dilma Rousseff
Dilma RousseffDilma Rousseff
Dilma Rousseff
 
Sundiata.pptx
Sundiata.pptxSundiata.pptx
Sundiata.pptx
 
Ang kababaihan ng taiwan (1)
Ang kababaihan ng taiwan (1)Ang kababaihan ng taiwan (1)
Ang kababaihan ng taiwan (1)
 
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...
MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 9 (PAMAMARAANG PAGTUKLAS (DISCOVERY METHO...
 
Pantelebisyon
PantelebisyonPantelebisyon
Pantelebisyon
 
Lessonplan demo epiko
Lessonplan demo epikoLessonplan demo epiko
Lessonplan demo epiko
 
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulatRubriks sa Pasalitang Pag-uulat
Rubriks sa Pasalitang Pag-uulat
 

Similar to Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf

Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptxMark James Viñegas
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfLUELJAYVALMORES4
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)gielmark
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAndrei Manigbas
 
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteR Borres
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxMarydelTrilles
 
Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Gabriel Fordan
 
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxlaranangeva7
 
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891evelynisidro1
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892KimmyKimberly15
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning materialWalter Colega
 

Similar to Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf (20)

Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 7_ver1.pdf
 
filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
Panitikan
PanitikanPanitikan
Panitikan
 
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 6_ver1.pdf
 
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptxIKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptx
IKATLONG-MARKAHAN-WEEK-8-DAY-1.pptx
 
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 8_ver1.pdf
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 
ARALIN 3.7 SLIDE.pptx
ARALIN 3.7 SLIDE.pptxARALIN 3.7 SLIDE.pptx
ARALIN 3.7 SLIDE.pptx
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
 
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1Lm filipino grade10_q1
Lm filipino grade10_q1
 
Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3Filipino grade 9 lm q3
Filipino grade 9 lm q3
 
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
Paglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptxPaglisan_ QUIZ.pptx
 
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
Filipino10 learningmaterial-150603052135-lva1-app6891
 
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
Filipino10 learningmaterial-150512083003-lva1-app6892
 
Filipino 10 Learning Material
Filipino 10 Learning MaterialFilipino 10 Learning Material
Filipino 10 Learning Material
 
FIlipino Grade 10
FIlipino Grade 10FIlipino Grade 10
FIlipino Grade 10
 
Filipino 10 learning material
Filipino 10  learning materialFilipino 10  learning material
Filipino 10 learning material
 

Recently uploaded

Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanRonalynGatelaCajudo
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGeizukiTaro
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaDaisyCabuagPalaruan
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxJustinArquero
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxrocinegallegocbam
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedRICXIE1
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxLucy Datuin
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxLucy Datuin
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxtambanillodaniel3
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancykatpantan
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxRoldanVillena1
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADlykamaevargas77
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 

Recently uploaded (20)

Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling PanlipunanKarapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
Karapatang Pantao.pptx Araling Panlipunan
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptxGrade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
Grade 7 - KOLONIYALISMO AT IMPERYALISMO SA SILANGANG ASYA.pptx
 
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong AdarnaFilipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
Filipino 7 Quarter Four Power point on Ibong Adarna
 
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptxNoli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
Noli-Me-Tangere-Kabanata-17-32-Copy.pptx
 
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptxAralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
Aralin-6-Ang-Sitwasyon-ng-mga-Pangkat-Minorya-1.pptx
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc basedkindergarten quarter 4 week 33 melc based
kindergarten quarter 4 week 33 melc based
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas-LDB.pptx
 
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptxKalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
Kalakalang Panlabas ng Pilipinas (Canva).pptx
 
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docxBANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON  PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
BANGHAY ARALIN TAMBANILLO FINAL LESSON PLAN FOR DEMO 1ST YEAR.docx
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage PregnancyMaagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
Maagang Pagbubuntis -- Teenage Pregnancy
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptxAng Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
Ang Unang Wika Pangalawang-Wika-at-Iba.pptx
 
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDADModyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
Modyul-14.MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSIWALIDAD
 
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 

Filipino-10-SLMs-3rd-Quarter-Module-8.pdf

  • 1. Department of Education Republic of the Philippines Region III DIVISION OF GAPAN CITY Don Simeon Street, San Vicente, Gapan City Filipino 10 Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria Self-Learning Module
  • 2. Filipino – Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Ikatlong Markahan – Modyul 8: Nobela mula sa Nigeria Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan Tagapamanihala: Alberto P. Saludez, PhD Pangalawang Tagapamanihala: Josie C. Palioc, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III – Pampaaralang Pansangay ng Lungsod Gapan Office Address: Don Simeon St., San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija Telephone Number: (044)-486-7910 E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Leslie Fernando Editor: Dulce M. Esteban Tagasuri ng Nilalaman: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Dulce M. Esteban, Joanne M. Nuňez Tagasuri ng Wika: Mary Ann C. Ligsay, PhD, Gerwin L. Cortez, Bernadeth D. Magat Tagsuri ng Disenyo at Balangkas: Emmanuel DG. Castro Tagaguhit at tagalapat: Leslie DC. Fernando Tagapamahala: Salome P. Manuel, PhD Alexander F. Angeles, PhD Rubilita L. San Pedro
  • 3. 1 Alamin Kumusta ka? Masaya akong nakarating ka sa panghuling modyul na ito para sa ikatlong markahan, kung saan mababasa mo ang isa sa mga sikat na nobela mula sa Nigeria. Umaasa akong madaragdagan ang iyong kaalaman sa ating aralin. Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang: 1. nailalapat nang may kaisahan at magkakaugnay na mga talata gamit ang mga pag-ugnay sa panunuring pampelikula (F10WG-IIIh-i-76); 2. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Afrika at/o Persia; (F10EP-IIf-32) 3. nasusuri ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela (F10PD-IIIh-i-79); 4. nasusuri ang binasang kabanata ng nobela batay sa pananaw/ teoryang pampanitikang angkop dito (F10PN-IIIh-i-81); at 5. natutukoy ang tradisyong kinamulatan ng Afrika at/o Persia batay sa napakinggang diyalogo (F10PN-IIIh-i-81). Subukin Bago natin talakayin ang aralin sa sesyong ito, halina’t sagutin ang inilaan kong gawain sa bahaging ito. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. Kinupkop ni Okonkwo si Ikemefuna, ang batang naging kabayaran sa tribo ng Umuofia. ‘Di naglaon ay unti-unti siyang napamahal dito gayon din ito sa kaniya at itinuring siyang pangalawang magulang. Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay _______________. A. Historical C. pormalismo B. Humanism D. realismo
  • 4. 2 2. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin ang dahilan kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang matakpan ang kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang teoryang pampanitikang masasalamin sa bahaging ito ng nobela ay _______. A. eksistensyalismo C. humanismo B. historical D. marksismo Para sa bilang 3-4 Panuto: Basahing mabuti ang ilang diyalogo mula sa iskrip ng pelikulang, “Ang Munting Prinsesa” at sagutin ang mga kasunod na katanungan. 3. Ito ang katangiang ipinakita ni Miss Amelia sa binasang iskrip. A. mabait C. matapang B. mahinhin D. matulungin 4. Ito ang pag-uugaling masasalamin kay Miss Minchin. A. mabait C. makasarili B. mahinhin D. matapang 5. Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. ______ dito, kinilala ang katapangan niya. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______. A. dahil C. sapagkat B. ngunit D. upang 6. Malaki ang pagkakaiba ni Okonkwo sa kaniyang ama ______ siya ay isang matapang at respetadong mandirigma. Ang salitang bubuo sa pangungusap ay ______. A. kapag C. sapagkat B. kung D. upang SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation. MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya, Ate. MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo.
  • 5. 3 7. Sinaka ni Obierika ang lupain ni Okonkwo nang tumakas siya papuntang Mbanta. Tinulungan niya ang kaniyang kaibigan nang walang hinihintay na kapalit. Ang magandang katangian ni Obierika na masasalamin sa mga Afrikano ay _________. A. sadyang maawain sila B. lubha silang masayahin C. likas sa kanila ang pagiging masipag D. ang kanilang pagiging matulungin sa kapwa 8. Sumasangguni ang mga taga-Umuofian sa matatandang ninuno sa paggawa ng isang mahalagang pagpapasiya sa kanilang lugar. Ang magandang katangiang masasalamin sa pangungusap ay __________. A. ang matatanda lamang ang nagpapasiya sa Africa B. ang pagmamahal ng mga Afrikano sa kanilang mga ninuno C. ang pagbibigay-suporta ng mga Afrikano sa matatanda D. ang pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin ng mga Afrikano sa kanilang mga ninuno 9. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng lupa, hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang __________. A. isang uri ng tambol B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano 10. Napabalita ang pagkamatay ni Ogbuefi Ezeudu gamit ang ekwe. Ang kahulugan sa salitang may salungguhit ay _____. A. isang uri ng tambol B. pinakamataas na hukom sa lupain ng Nigeria C. katutubong tao mula sa Timog-Silangang Nigeria D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
  • 6. 4 Aralin 8 Nobela mula sa Nigeria Ang Nigeria ay isa sa mga bansa sa Afrika na may malaking ambag sa panitikan. Ang kanilang panitikan ay sadyang nakapagpataas ng kamalayan ng mamamayan sa bansa pagdating sa uri ng pamumuhay, kultura, tradisyon, at suliranin sa politika. Sa modyul na ito, ating aalamin at uunawain ang isa sa mga nobela mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” na isinulat ni Chinua Achebe at isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sa araling ito, inaasahang ikaw ay magpapamalas ng malalim na pag- unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Africa sa tulong ng mga pang-ugnay na ginagamit sa pagpapaliwanag at mabisang pagsusuri sa halaw ng isang nobela. Balikan Handa ka na ba? Alam kong nasasabik ka na sa ating aralin. Halina’t magbalik-tanaw sa iyong natutuhan sa nakaraang aralin tungkol sa talumpati. Kayang-kaya mo ito! Panuto: Isulat ang ilan sa nilalaman ng SONA ni Pangulong Duterte at talumpati ni Nelson Mandela ayon sa iyong pagkaunawa. Kopyahin ang grapikong pantulong sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot. Talumpati ni Nelson Mandela SONA ni Pangulong Duterte
  • 7. 5 Tuklasin Magaling! Ngayon ay handa ka na para sa ating bagong aralin. Tara na at simulan na natin! Panuto: Magbigay ng mga impormasyon tungkol sa salitang nasa gitna ng grapikong pantulong. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel. Suriin Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang buod ng isang nobela mula sa Nigeria na pinamagatang, “Paglisan” at mapapanood mo ang isang excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” (A Little Princess) mula sa link na ito: https://youtube.com/watch?v=cSpxVSTQj9A&feature=share at mababasa mo rin ang kopya nito sa susunod na bahagi ng modyul na ito. Afrika
  • 8. 6 Paglisan (Buod) Mula sa Ingles na Things Fall Apart ni Chinua Achebe Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera Batis ng Impormasyon tungkol sa Afrika Binibigyang-pagpapahalaga ng mga Afrikano ang kanilang mga tradisyon at paniniwala. Ipinakikita nila ito sa pamamagitan ng sayaw, sining, musika, at palamuti. Ang pag- unawa sa mga bagay na ito ay mahalaga upang mabuhay sa kanilang lipunan. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga magagandang katangian ng lugar at ng mga taong naninirahan dito: • Ang Afrika ay pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig at pangalawa sa pinakamataong populasyon pagkatapos ng Asya. • Malaki ang naging impluwensiya ng heograpiya sa pamumuhay ng mga sinaunang Afrikano. Dahil ditto, natuto silang makibagay sa pabago-bagong klima ng kanilang kapaligiran. • Ang tradisyonal na pagsasayaw ng mga Afrikano ay isa sa kanilang mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng iba’t ibang kilos, maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang lubos na maunawaan ng manonood ang tema nito. • Ginagamit din sa pagsasayaw ang mga likhang-sining tulad ng maskara na may relihiyoso at seremonyal na pinagmulan. Ang pintor ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga ninuno upang humingi ng gabay sa paggawa nito. Ang maskara ng mga Afrikano ay sumisimbolo sa mga kaluluwa ng kanilang mga ninuno na maililipat sa mananayaw na may suot nito. Ang Munting Prinsesa (A Little Princess) Isinulat ni Shaira Mella Salvador Direksiyon ni Romy V. Suzara Matapos mamatay ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang ama na si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house. Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si
  • 9. 7 Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean Garcia). Ipinagtanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia (Rio Locsin). SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE DAY Sarah hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (Doll). Hustong nakalabas na ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main entrance. Sarah sees him. SARAH: Papa! Papa! Mr. Barrow does not look back. Tuloy- tuloy ito sa paglakad. Sarah runs after him. Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns around to look at her. Saw the surprise and disappointment on Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away. SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss Amelia is depressed about Sarah’s situation. MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan natin siya Ate. MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo bahay-ampunan, baka akala mo. MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr. Barrow... Walang ibang kukupkop sa kaniya. MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon… MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata? MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa bangko ang eskwelahang ito… baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford… nasaan na ang utak mo Amelia? MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate? MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?
  • 10. 8 Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her. MISS AMELIA: Sarah… Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching Emily close to her. Karagdagang Kaalaman: Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas. Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkakasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili- wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Mga Hakbang sa Pagsusuri/Ebalwasyon ng Iskrip at/o Pelikula Ayon sa aklat na Trip to Quiapo Scriptwriting Manual ni Ricky Lee, may mga bagay tayong dapat bigyang-pansin sa epektibong pagsusuri o ebalwasyon ng isang iskrip. Ito ay ang mga sumusunod: 1. tukuyin at alamin ang konseptong pinag-uusapan; 2. unawain ang major concepts ng materyal; at 3. tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman ang pangunahing paksa nito. Samantala, makakamit naman ang maayos na paghahanda ng iskrip kung bibigyang-tuon hindi lamang ang pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi maging sa pagbuo ng diyalogo. Malaki ang maitutulong ng mga pang- ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong ito. Sa pagsusuri naman ng pelikula, bumuo ng pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais bigyang-pansin. Maaaring ipaliwanag ang magandang detalye at kahinaang nakita sa iskrip at/o ng pelikulang pinanood. May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto ayon sa aklat na Gramatikang Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma: 1. pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan;
  • 11. 9 2. pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang-ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba; at 3. pagbibigay ng halimbawa. Makatutulong nang malaki ang paggamit ng pang-ugnay upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na na, -ng, at -g. Ginagamit ang na kapag ang salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang -g namn ay ginagamit sa salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang -ng sa mga salitang aangkupang nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag. Teoryang Pampanitikan Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan. Mayroong iba’t ibang teorya para sa pag-aaral na ito. • Humanismo - Sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw ng humanismo, pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang maipagkaloob sa kaniya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin sa pagpapasiya. • Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo- politikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naaapi. • Pormalismo - Ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng pagsusuri; samakatuwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng teoryang pormalismo. Ang layunin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, tema, kaanyuan, o kayarian, at paraan ng pagkakasulat ng akda. • Eksistensyalismo – Hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng personalidad ng tao at binibigyang-halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan laban sa katuwiran. • Kultural - Tumutukoy sa mga kuwentong batay sa isang kulturang pinaghanguan ng kuwento, tula, o nobela. • Marksismo- Ipinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa; malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naaapi. • Historikal- Ang akdang susuriin ay nagpapakita at nagpapaliwanag ng kasaysayan sa pamamagitan ng mga pangyayaring nakapaloob sa akda.
  • 12. 10 Pagyamanin Mahusay! Binabati kita sa matiyagang pag-aaral at pagbabasa ng mga nobelang inihanda ko para sa iyo, ang dagdag impormasyon tungkol sa pagsusuri ng pelikula. Ngayon naman ay dumako na tayo sa mga sumusunod na gawain upang mas malinang pa ang iyong natutuhan sa aralin. Gawain 1: Pag-ugnay-ugnayin! Panuto: Ilapat nang may kaisahan at pagkakaugnay ang mga talatang bubuuin sa kahong nasa ibaba gamit ang mga pang-ugnay sa panunuring pampelikulang, “Ang Munting Prinsesa” na napanood o nabasa. Isulat sa hiwalay na papel ang sagot. Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa nais ni Miss Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa matalik nitong kaibigang si Mr. Carrisford bago mamatay. ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
  • 13. 11 Gawain 2: Tradisyong Afrika Panuto: Gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa magagandang katangian ng bansang Afrika at batay sa napakinggang diyalogo sa nobelang “Paglisan” na nasa kolum A, tukuyin at ibigay ang ipinakikitang tradisyong kinamulatan ng Afrika sa Kolum B. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot. Kolum A Diyalogo mula sa Nobela Kolum B Tradisyong kinamulatan 1. Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon, pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. 2. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. 3. Ang pintor ng maskara ay kailangang magbigay ng panalangin sa kaniyang mga ninuno upang humingi ng gabay sa paggawa nito. 4. Isa sa kanilang mahahalagang kultura, ginagamitan nila ito ng iba’t ibang kilos, maskara, costume, pintura sa katawan, at iba pang bagay upang lubos na maunawaan ng manonood ang tema nito.
  • 14. 12 Gawain 3: Basahin at Suriin Panuto: Suriin ang napanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” (A Little Princess) gamit ang grapikong pantulong sa ibaba. Kopyahin at gawin ito sa hiwalay na papel. (Hinihikayat na ang guro na ang gumawa ng paraan upang makapanood ang mga mag-aaral ng isinapelikulang nobela.) Pamagat: ______________________________________________________________ Mga Tauhan Tauhan 1: Katangian: Tauhan 2: Katangian: Buod ng Pelikula _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________ ________________________________________________________________ Banghay ng mga Pangyayari Tagpuan Protagonista Antagonista Problema Solusyon Resulta Paksa/Tema _____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ Kabuuang Mensahe ng Pelikula _____________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________
  • 15. 13 Gawain 4: Halina’t Suriin! Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng nobelang, “Paglisan” at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang pangungusap. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot. Pangyayari: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Paliwanag: _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Teoryang Pampanitikan
  • 16. 14 Isaisip Binabati kita sa matiyagang pagsagot sa mga gawain sa modyul na ito! Ngayon naman ay ibahagi mo ang iyong kabuuang natutuhan sa aralin. Isipin at Punan Mo! Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang konseptong ipinahahayag nito. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong sagot. Ang 1._____________ ay isang mahabang kathang pampanitikan. Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay na 2._____________. Pinakapangunahing sangkap nito ang pagpapalabas ng hangarin ng tauhan at ng hangarin ng katunggali sa kabila. Ito ay isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring 3._____________ at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay at kawili-wiling balangkas na siyang 4._____________ ng nobela. Ang mga sumusunod ay hakbang sa pagsusuri/ebalwasyon ng iskrip at/o pelikula. Una, tukuyin at alamin ang konseptong pinag- uusapan. Pangalawa, unawain ang 5._____________ ng materyal. Pangatlo ay tukuyin ang magkakaugnay na detalye sa istorya upang malaman ang pangunahing paksa nito. Samantala, sa pagsusuri ng pelikula mahalagang maipaliwanag ang detalyeng nais bigyang-pansin. May tatlong paraan upang maipaliwanag ang argumento o punto. Una ay ang pagpapalawak at/o pagpapaliwanag ng kahulugan. Pangalawa ay ang pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at higit na maliwanag na deskripsyon, kabilang na sa puntong ito ang mga paggamit ng pang- ugnay, pagtutulad, at pag-iiba-iba. Ang panghuli ay pagbibigay ng 6._____________. Makatutulong din nang malaki ang paggamit ng 7._____________ upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang pang-angkop na 8._____________, 9._____________, 10._____________.
  • 17. 15 Isagawa Alam kong marami ka nang natutuhan tungkol sa kultura ng Afrika sa pamamagitan ng akdang ating tinalakay. Natitiyak kong handa ka na sa gawaing ito. Tara at ibahagi mo na ang iyong mga kaalaman tungkol dito. Panuto: Gamit ang mga pang-ugnay, iba’t ibang batis ng impormasyon at ang natukoy na tradisyong kinamulatan ng Afrika batay sa napakinggang diyalogo sa nobelang, “Paglisan” sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa tradisyon, pananaw, at magagandang katangiang mayroon ang Afrika. Lagyan ng salungguhit ang mga pang-ugnay na iyong ginamit. Gawin ito sa hiwalay na papel. Rubrik sa Pagtataya sa Pagsulat ng Maikling Sanaysay Kraytirya 1 3 5 Puntos Nilalaman Hindi naibigay ang nilalaman at paksa ng maikling sanayay. Hindi nagamit ang batis ng impormasyon at hindi naipakita ang tradisyon ng Afrika sa likhang sanaysay. Naibigay ang nilalaman at paksa ng maikling sanaysay. Nakagamit ng iilang batis ng impormasyon at naipakita ang tradisyon ng Afrika sa likhang sanaysay. Komprehensibo ng naibigay ang nilalaman at paksa ng maikling sanaysay. Nakagamit ng maraming batis ng impormasyon, naipakita ang tradisyon ng Afrika, at nakapagbigay ng konklusyon sa likhang sanaysay. Tandaan! Ang sanaysay ay mayroong tema, nilalaman, anyo, istruktura at kaisipan.
  • 18. 16 Presentas yon at Grama- tika Hindi maayos na nagamit ang mga pang- ugnay sa pagsulat ng ng maikling sanaysay. May ilang pang-ugnay na hindi nagamit nang wasto sa pagsulat ng maikling sanaysay. Malikhain at maayos na nagamit ang mga pang- ugnay sa pagsulat ng maikling sanaysay. Organi- sasyon Hindi maayos ang presentasyon ng mga ideya. Maraming bahagi ang hindi malinaw sa pagkakasulat ng maikling sanaysay. Maayos ang presentasyon ng mga pangyayari at kaisipan. May ilang bahaging hindi gaanong malinaw. Malinaw ang daloy at organisado ang paglalahad ng maikling sanaysay. Kabuuang Puntos Tayahin Masaya ako at nakarating ka na sa gawaing ito. Binabati kita sa iyong sipag at tiyaga. Alam kong kayang-kaya mong sagutin ang mga inihanda kong katanungan para sa iyo. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Piliin at isulat sa hiwalay na papel ang letra ng tamang sagot. 1. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng nobela? A. humanismo C. pormalismo B. marksismo D. realismo
  • 19. 17 2. Noong una ay sumasamba sa diyos-diyosan ang mga taga-Umuofian. Lumipas ang maraming panahon, dumating ang mga misyonero sa kanilang lupain at ipinakilala ang Kristiyanismo, dito unti-unting nabago ang paniniwala ng tribo. Anong teorya ng panitikan ang masasalamin sa bahaging ito ng nobela? A. eksistensyalismo C. pormalismo B. historikal D. marksismo Para sa bilang 3-4 Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang “Ang Munting Prinsesa” at sagutin ang mga tanong. 3. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita ng tauhang si Miss Amelia? A. pagkagalit C. pagkalungkot B. pagkahabag D. pagkatuwa 4. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita ng tauhang si Miss Minchin? A. pagkagalit C.pagkalungkot B. pagkahabag D. pagkayamot 5. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap? Ikinapanlumo ng komisyoner ng distrito ang naganap ____ panununog sa kanilang simbahan. A. -g C. na B. -n D. -ng MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate? MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah? Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her. MISS MINCHIN: Sarah… Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching Emily close to her.
  • 20. 18 6. Alin sa sumusunod na pang-ugnay ang pupuno sa patlang upang mabuo ang pangungusap? Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatanda ____ taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. A. -g C. na B. -n D. -ng 7. Ito ang dahilan ng pagtakas ni Okonkwo patungong Mbanta. A. pagnanakaw B. siya ay baon sa utang C. intensyonal niyang pagpatay sa isang kapuwa katribo D. hindi niya sinasadyang pagpatay sa isang kapuwa katribo 8. Paano namatay si Okonkwo? A. dahil sa sakit B. nagpakamatay C. sinaksak ni Enoch D. nakipaglaban sa ibang tribo 9. Punong-puno ng cowrie ang namatay, ito ay pabaon sa kaniyang paglalakbay. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap? A. katutubong tao B. malaking metal bell C. kagamitang pangmusika D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano 10. Ginawa ng mga Igbo ang Ogene bilang simbolo ng kanilang tribo. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap? A. katutubong tao B. malaking metal bell C. kagamitang pangmusika D. palamuting yari sa shell na ginagamit ng mga Afrikano
  • 21. 19 Karagdagang Gawain Binabati kita! Masaya ako na nandito ka na sa huling bahagi ng modyul na ito. Ang gawain sa ibaba ay naglalayong matukoy mo ang pagkakaiba at pagkakatulad ng nobelang nabasa at napanood. Ikaw at Ako! Panuto: Suriin ang binasang kabanata ng isinapelikulang nobelang, “Ang Munting Prinsesa” at pumili ng pangyayaring batay sa pananaw/teoryang pampanitikang angkop dito. Ipaliwanag ito gamit ang isa hanggang dalawang talata. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat dito ang sagot. _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________
  • 22. 20 Susi sa Pagwawasto Subukin 1. D 6. C 2. D 7. D 3. D 8. D 4. B 9. B 5. A 10. A Pagyamanin Gawain 1 Si Sarah ay isang mabait, masipag, at matulunging bata. Siya ay nagmula sa mayamang pamilya, dahil sa ulila na sa kaniyang ina, ang amang si Kapt. Ralph Crewe na lamang ang tumayong kaniyang magulang. Ipinasok siya nito sa isang sikat na paaralan sa pangangasiwa ni Miss. Minchin. Dahil sa taglay na katalinuhan at kabaitan, marami siyang naging kaibigan maliban kay Lavinia. Kinaiinggitan ni Lavinia si Sarah dahil sa katangiang pagiging prinsesa. Isang malungkot na pangyayari ang dumating sa buhay ni Sarah, ang pagkamatay ng kaniyang ama. Wala ni isang kayamanan ang naiwan sa kaniya kung kaya’t labag man sa nais ni Miss. Minchin ay napilitan siyang kupkupin ang bata kapalit ng paninilbihan nito sa paaralan. Sa pagkawala ng kaniyang ama, unti-unting nabago ang trato ng mga taong nagpapanggap na mabait kay Sarah, isa na rito si Miss. Minchin. Lahat ng pagpapahirap at pagmamalupit ay ginawa nito sa kaniya. Lingid sa kaalaman ng lahat, naihabilin siya ng ama sa matalik nitong kaibigang si Mr. Crisford bago mamatay. Ginawa nito ang lahat upang hanapin si Sarah bagama’t maraming balakid ang kanilang napagdaanan bago siya matagpuan. Sa huli’y nakita rin siya at naibalik ang dating masaya at marangyang pamumuhay ni Sarah, ang munting prinsesa. Gawain 2 1. Ang isang miyembro ng pamilya/tribo na nagkasala ay maaaring maging kabayaran upang matamo ang kapayapaan sa dalawang pangkat na may hidwaan. 2. Paniniwala na ang kasalanan ng isang miyembro o katribo ay maaaring maging simula ng kanilang pagbagsak o maging karma. 3. Paniniwala sa mga kaluluwa, pagbibigay-respeto at mataas na pagtingin sa mga ninuno. Ang mga pumanaw na ninuno, yaong may mataas na katungkulan nang nabubuhay ay gagabay pa rin sa kanila kahit na ito’y pumanaw na. 4. Makulay at masining ang kulturang Afrika. Isaisip 1. Nobela 6. halimbawa 2. Pagbabalangkas 7. pang-ugnay 3. Magkakasunod 8-10 na, ng, g 4. pinakabuod 5. major concepts Tayahin 1. B 6. D 2. B 7. D 3. B 8. B 4. D 9. D 5. C 10. B
  • 23. 21 Sanggunian Ambat Vilma, et.al. 2015. Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Modyul para sa Mag-aaral. Pasig City: Vibal Group Inc. https://filbookpatience.wordpress.com/2017/07/21/ang-mga-tradisyon- galing-sa-afrika-abigail-ngo/