SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
Download to read offline
1
9
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Sanaysay mula sa Taiwan
(Panitikan sa Silangang Asya)
2
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sanaysay
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education – Region III
SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Noreen Ann B. Santiago at Katherine D. Barlaan
Editor: John A. Ocampo Ph.D. at Bennedick T. Viola
Crisavel S. Vicmudo
Tagasuri: Gilda S. Panuyas at Augusto A. Mateo
Tagaguhit: Romeo B. De Castro Jr.
Tagalapat: Romeo B. De Castro Jr.
Tagapamahala:
Larry B. Espiritu, PhD
Rodolfo A. Dizon PhD
Augusto A. Mateo
Mercedita D. Saldero
Norma R. Framo
3
Alamin
Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Sanaysay mula sa bansang Taiwan na
gagabayan ng mga sumusunod na MELC (Most Essential Learning Competencies):
● Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan
(F9PN-IId-47)
● Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng
sanaysay (F9PB-II-d-47)
● Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng
pangungusap (F9PT-IId-47)
Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng
pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa tulong ng
teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-
pakinabang na pagkatuto.
Panuto.Basahing mabuti ang mga katanungan, isulat ang letra ng tamang kasagutan sa
iyong sagutang papel.
Para sa bilang 1-2
Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya.
Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na
natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing
elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase
sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot.
Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga
pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman
sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
-Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com
1. Ano ang paksa ng sanaysay na nasa itaas?
a. Pag-aaral nang mabuti
b. Kahalagahan ng edukasyon
c. Pagkakaroon ng mataas na edukasyon
d. Pagkakaroon ng masaganang ekonomiya
2. Batay sa nilalaman ng ikatlong talata ng sanaysay ano ang kaisipang nais ipabatid nito?
a. Mahalaga ang nakapag-aral sa paaralan
b. Ang edukasyon ay makukuha lamang sa loob ng paaralan
c. Matibay ang edukasyon kung mahusay sa Science, English at Mathematics
d. Ang edukasyon ay matibay kung ito ay pinagsamang katalinuhan mula sa paaralan
at pamumuhay.
3. Kung ang isang sanaysay ay naglalalaman ng mga usapin na tumatalakay sa isang seryosong
paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral, ito ay tinatawag na _______?
a. Pormal b. Di-pormal c. Impersonal d. Personal
Subukin
4
4. “Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik ng
aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan.” Ang pahayag ay nagpapakita na ang
inilalarawan ay _____
a. may sakit b. matanda na c. may problema d. nahihirapan
5. “Ano ang nais ng ipahiwatig ng pahayag na “Hindi ko alintana ang aking kulturang
kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan sa aking pagkatao na dapat mapunuan?
a. Nais niyang balikan ang kaniyang pinagmulang kultura.
d. Ayaw na niyang balikan pa ang kulturang binalewala niya.
c. Nahihirapan siyang kilalanin ang kaniyang sariling pinagmulan.
b. Nais niyang madagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa kaniyang pinagmulang
kultura.
Karamihan ng Taiwanese ay may mga tradisyunal na pagpapahalaga batay sa Confucian
Ethics. Kasama rito ang mga kagandahang-asal, mga karunungan at angkop na ugnayang
sosyal. Ang mga Taiwanese ay nahaharap ngayon sa hamon na mapanatili ang mga
pagpapahalagang ito sa kabila ng pagkakaroon ng industriyalisadong lipunan.
Panuto: Ihanay ang mga katangian at sinisimbolo ng mga katangian ng mga
tauhan sa nakaraang araling “Ang Hangal na Palaka”. Isulat ang kasagutan sa inyong
kwaderno gamit ang format sa ibaba.
Aralin
Sanaysay mula sa Taiwan
PALAKA Katangian Simbolismo
Isa na namang araw ang lumipas, panibagong araw, biyaya at aralin na naman ang
maibabahagi sa iyo ng modyul na ito. Maglakbay tayo sa isa pang bansa sa Timog
Silangang Asya, ang Taiwan.
1
Balikan
5
Aking Ina, Aking Kultura
Sanaysay ng Taiwan, isinalin nina Romeo B. De Castro Jr. at Katherine D. Barlaan
Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng telebisyon, sa kanyang paanan nakahiga ang
aming alagang aso, hindi niya alam ang bigat ng papel na ginagampanan niya sa paghubog ng
aking pagkatao.
Siya ang aking ina, kung ano ako ngayon ay siya ang may gawa.
Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik
ng aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan. Kung hindi dahil sa kaniyang mga ngiti
at pag-alalay ay hindi ko malalampasan ang hirap ng pangingibang bayan, noon sa Taiwan at
ngayon sa Amerika.
Hinubog niya ang kultura sa aking pagkatao mula sa mga musikang Chinese na
pinapatugtog niya habang pauwi galing eskwela, sa mga awit na natututuhan ko tungkol sa
pagiging ibon at paglipad, mga dahon sa taglagas at pagsulat ng wakas ng mga kwentong-
pambata. Ito ang kulturang aking kinagisnan.
Naaalala ko pa noong bata pa ako, nakatutulog ako sa kaniyang kandungan habang
pinapakinggan ang balitang kaniyang pinapanood sa telebisyon. Pinapakinggan ko ang usapan
nila sa telepono ng kaniyang mga kapatid at namamangha ako sa pagpapalit-palit ng diyalekto
nila, mula sa pabago-bagong tono na Mandarin na alam ko at Taiwanese na pamilyar ngunit
di ko maintindihan. Pinapanood ko ang pagsulat niya ng hanzi (Chinese Character) sa
kaniyang ginagawang mga flash card na gagamitin niya sa pagtuturo tuwing sabado at linggo.
Namamangha ako sa kaniyang pagsulat, ayokong gayahin ito pero gusto kong maunawaan.
Nahihikayat ako manood ng mga Chinese Drama sa TV kasama ang aking ina na siyang
tagapagsalin ko kapag hindi ko maintindihan. Ito ang nagiging dahilan upang di ko magawa sa
oras ang aking mga takdang aralin sa klase ko sa Chinese kaya nagkukumahog ako na tapusin
ito ilang minuto bago ang klase.
Bihirang magluto ang aking ina ngunit sa mga putaheng niluluto niya ay malalasahan
ang kakaibang timpla na natatangi sa mga Chinese. Lumaki ako na hindi namamalayan ang
pagkakaibang ito hanggang ang araw ko ay napuno na lamang ng pagkain ng binatil na itlog.
Hinahanap-hanap ko ang lasa ng paminta at toyo sa aking agahan. Ang pag-alis ko sa aming
tahanan ay nagpakita ng pagkakaiba ng kulturang aking nakagisnan mula pagkabata.
PAWIKAN Katangian Simbolismo
Kumusta? Nagkita tayong muli. Ngayong linggo ay tuklasin natin
ang makulay na mundo ng sanaysay. Nakapagbasa ka na ba ng
isang sanaysay? Saan patungkol ang sanaysay na iyong nabasa?
Sa puntong ito ng ating aralin ay basahin natin ang isang
sanaysay mula Taiwan na isinalin ni Katherine D. Barlaan at Romeo
B. De Castro Jr. Unawaing mabuti at pagnilayan ang nilalaman nito.
Handa na ba kayo…tara na at simulan na nating magbasa!
Tuklasin
6
Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura. Lumiliwanag
lamang sa mga akda at tila ba isang salamin na ang mga kulang na bahagi ay ang lugar ko sa
pamayanan na dapat kong punan. Naalala ko pa nang bumisita ako sa Taipei na kinalakhan
ng aking ina, tila ako isang banyagang di marunong magsalita ng wikang Taiwanese,
nakaabang ang google translate sa aking cellphone sa mga bagay na di ko maintindihan.
Napapaisip tuloy ako, Taiwanese ba talaga ako? Ano ang nagpapanatili sa akin sa kultura na
mayroon ang aking ina? Sapat na ba ang nalalaman ko upang masabi na ako’y isang
Taiwanese?
“Hindi ko alintana ang aking kulturang kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan sa
aking pagkatao na dapat mapunuan.”
Ang kalituhan sa aking pagkatao bilang isang Taiwanese ay naiibsan kapag natututuhan
ko mula sa aking ina ang mga aspekto ng kultura na wala sa akin. Pinag-usapan namin ang
malawak na kaibahan ng kultura mula sa pagrespeto at pagtanaw ng utang na loob sa pamilya
na bahagi ng kulturang Taiwan sa pagiging malaya na kultura ng United States. Kumuha ako
ng kursong Cultural Psychology upang maunawaan ko kung paano nakaimpluwensya sa akin
ang kultura ng aking Taiwanese at American na pagkakakilanlan. Sa aking pagbabalik-tanaw,
napagtanto ko na kung gaano kakonektado ang aking ina sa aming kultura ay siya namang
layo ko doon. Para sa akin, ang kultura ay ‘sing lawak ng kalangitan, isang kumot na
nagbubuklod sa isang komunidad, daan na nag-uugnay sa karanasan ng bawat indibidwal.
Sa aking pagsisikap na maging isang manunulat, ang aking ina ang aking naging
inspirasyon. Mula sa rekomendasyon ng isang guro sa Grade 3, ipinasok niya ako sa isang
klase sa pagsulat na labis kong ikinatuwa. Itinuro niya sa akin na gawin ko ang mga bagay na
makapagpapasaya sa akin kahit ano pa ang maging hadlang. Katumbas ng kagustuhan niyang
lumalim ang pagkakakilala ko sa aming kultura, inilalayo rin niya ako sa hindi magandang
bahagi nito.
Kung babalikan ko ang mga paraan kung paano ako pinalaki ng aking ina, nasasagot
ang tanong ko kung Taiwanese nga ba ako. Alam ko na hindi ako buong Taiwanese at American
kung ikokonsidera ang lugar na ginagalawan ko at kulturang kinalakhan ko- ito ay komunidad
ng Asian American. Ngunit ang pamana sa akin mula sa bawat henerasyon ay Taiwanese,
nabuhay ako sa kultura ng Taiwan katumbas ng sa America na sumasalamin sa mga desisyon
ko sa buhay. Taiwanese ako sa hindi mawari o mabilang na paraan at sapat na ito para sa
akin.
At sa gitna ng paglalayag ng aking ina sa pagitan ng kung anong kultura ang
iprepreserba, iingatan at gusto niyang baguhin at isabuhay ng mga susunod pa na henerasyon,
mas lumalim ang pagkakaalam ko sa kultura na mayroon ako at higit sa kung anong daan ang
hinulma ng kultura para sa amin. Alam ko ngayon na ang aking ina ay higit pa sa aking tulay
sa kultura. Siya ang simbolo ng bawat desisyon na aking pinili higit sa kung ano pa man.
Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Ang iyong binasa ay isang
halimbawa ng sanaysay mula sa bansang Taiwan. Dito ay
malalaman mo kung paano masasalamin ang kultura ng bansang
Taiwan. Ano nga ba ang mga ito? Kung nais mo itong malaman
ay ipagpatuloy na natin ang ating talakayan.
7
Gawain 1: Ugnay-Salita
Panuto: Mag-isip ng limang salita na maiuugnay sa mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat
sa iyong sagutang papel.
Suriin
Ina
1._______________
2._______________
3._______________
4._______________
5._______________
Kultura
1._______________
2._______________
3._______________
4._______________
5._______________
_______________
Mahusay ang iyong mga kasagutan! Nagawa mo ba nang walang
kahirap-hirap ang unang gawain? Kung may katanungan kayo ay huwag
mahihiyang tanungin ang inyong magulang o kaya ay ang inyong guro.
Makatutulong ang mga susunod na mga impormasyon upang masuri natin
ng mahusay ang sanaysay.
Alam mo ba na …
Paksa- Isa sa mga katangian ng mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa paksa ng teksto.
Madaling maunawaan ang paksa kung alam mo ang mga sagot sa tanong na:
 Tungkol saan ang sanaysay?
 Ano ang pinag-uusapan?
Pangunahing ideya- Ang ikalawang katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa ay
ang pagtukoy sa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan
tungkol sa paksa ng isang talata.
Layunin- binibigyang tuon dito ang nais mangyari ng isang manunulat sa kanyang mambabasa,
maaring nais ng manunulat na hikayatin ang mambabasa, impluwensyahan, maari din itong mangaral,
magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo. Maaring isa o higit pa ang layuning taglay ng teksto
depende sa nais ibahagi ng manunulat.
SANGKAP NG SANAYSAY
Tema at Nilalaman- anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi.
Anyo at Istruktura- ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng
mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa
mambabasa sa pagkaunawa ng sanaysay.
Wika at Estilo- ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
8
GAWAIN 2: Basahin, Suriin, Sagutin!
Panuto: Bigyang paliwanag ang bawat katanungang nakalahad sa ibaba batay sa binasang
sanaysay. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Ano ang paksa ng binasang akda? Ipaliwanag.
2. Anong kaisipan ang lumutang sa akda? Ipaliwanag.
3. Sa sanaysay na iyong binasa, ano ang layunin ng may akda?
GAWAIN 3: Hamburger Organizer
Panuto: Gamit ang hamburger organizer ilahad ang paraan ng pagkakabuo ng sanaysay na
binasa. Gamitin ang pormat sa ibaba at isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
MAY MGA BAHAGI ANG SANAYSAY
● Panimula- ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng
mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa
ang pagbasa sa akda.
● Katawan- sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan
ito ng mga mambabasa.
● Wakas- nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito, hinahamon
ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay.
Nabusog ka ba sa mga kaalamang natutunan sa mga naunang gawain? Kung hindi
pa, halina’t busugin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga susunod pang gawain. Tara magsimula na tayo!
SIMULA
GITNA
WAKAS
PARAAN NG PAGKAKABUO NG SANAYSAY
9
Alam mo ba na…
Minsan, ang ilang salita ay may di lantad na kahulugan o iyong ang kahulugan ay nasa
pagitan ng hanay ng mga salita.
Halimbawa:
Sa kultura ng bansang Taiwan, ang pagkindat at pag-akbay lalo na sa mga kababaihan
ay labag sa kanilang kultura.
Pahiwatig:
Mataas ang pagpapahalaga ng mga Taiwanese sa mga kababaihan.
Halimbawa:
Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla ng katandaan
Pahiwatig:
Maputi na ang kaniyang buhok at nagpapakita ito ng kaniyang katandaan
GAWAIN 4: KAHULUGAN AY TUKUYIN!
Panuto: Tukuyin kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na pahayag.
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. “Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik
ng aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan.”
a. Nagpapakita ng kahirapan
b. Nagpapakita ng katandaan
c. Nagpapakita ng kasipagan
d. Pagbabalik-tanaw sa nakalipas
2. “Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura.”
a. Nagkulang sa aruga ng kanyang ina.
b. Nabalewala niya ang kanyang kulturang pinagmulan.
c. Nagsisi na hindi siya lumaki sa kanyang bansang pinagmulan.
d. Nanghihinayang dahil hindi niya naranasan ang pagiging Taiwanese.
3. “Hindi ko alintana ang aking kulturang kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan
sa aking pagkatao na dapat mapunuan.”
a. Nagtatanong ng kanyang pinagmulan
b. Nalilito kung kung siya ay Taiwanese o American
c. Nagtataka kung siya ba ay Taiwanese o American
d. Naghahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan tungkol sa kanyang kultura
4. “Sa aking pagbabalik tanaw, napagtanto ko na kung gaano kakonektado ang aking ina
sa aming kultura ay siya namang layo ko doon.”
a. Naisip niya na hindi siya isang Taiwanese
b. Natuklasan niya na siya ay isang American
c. Nabatid niya na ang kanyang ina ay isang Taiwanese
Pagyamanin
Makatutulong sa susunod nating gawain ang kaalaman
patungkol sa mga salitang may di lantad na kahulugan.
Isaisip ito upang magamit ng buong husay sa pagsagot sa
modyul na ito at sa pang-araw-araw na buhay.
10
Isagawa
d. Nalaman niya na hindi sapat ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang kultura.
e.
5. “Kung hindi dahil sa kanyang mga ngiti at pag-alalay ay hindi ko malalampasan ang
hirap ng pangingibang bayan, noon sa Taiwan at ngayon sa Amerika.”
a. Ang kanyang ina ang dahilan ng kanyang pag-alis.
b. Ang kanyang ina ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang buhay.
c. Ang kanyang ina ang nagpaalala ng kanyang tunay na pinagmulan.
d. Ang kanyang ina ang nagpumilit sa kanya na pumunta sa ibang bansa.
Gawain 5: Dugtungan mo!
Panuto: Sagutin nang may katapatan. Ilahad at ipaliwanag mo ang iyong mga natutuhan sa
aralin
Panuto: Magbasa ng isang sanaysay na tumatalakay sa kasalukuyang isyung panlipunan.
Suriin ito ayon sa sumusunod na gabay. Ilagay ang iyong sagot sa kuwarderno.
1. Paksa: __________________________________________________________________________
2. Kaisipan: ____________________________________________________________________
3. Layunin: ___________________________________________________________________________
4. Simula: ___________________________________________________________________________
5. Katawan: ________________________________________________________________________
6. Wakas: _________________________________________________________________________
Isaisip
Natutunan ko na ang sanaysay ay…
__________________________________________
Matutukoy ang paksa, layunin at kaisipan ng isang
sanaysay sa pamamagitan ng…
___________________________________________
Ang di-lantad na kahulugan ay makakatulong upang…
___________________________________________
11
Pagsasanay 1
Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. “Alam ko ngayon na ang aking ina ay higit pa sa aking tulay sa kultura. Siya ang simbolo
ng bawat desisyon na aking pinili higit sa kung ano pa man”. Anong kaisipan ang
nangingibabaw sa pahayag na ito ng may akda?
a. Ang kanyang ina ang kanyang pinagmulan.
b. Ang kaniyang ina ang simbolo ng kaniyang kultura.
c. Ang kanyang ina ang naghubog sa kanyang pagkatao.
d. Ang kanyang ina ang nagturo kung paano siya naging isang Taiwanese.
2. Ano ang paksa ng sanaysay na Aking Ina, Aking Kultura?
a. Pagiging huwarang Taiwanese
b. Pagiging Taiwanese at American
c. Kahalagahan ng isang ina sa buhay ng kaniyang anak
d. Kahalagahan ng may kaalaman sa kulturang pinagmulan
3. Ito ay sumasagot sa mga tanong na “tungkol saan ang sanaysay at ano ang pinag-uusapan?”
a. layunin b. kaisipan c. paksa d. estilo
4. “Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura. Lumiliwanag
lamang sa mga akda at tila ba isang salamin na ang mga kulang na bahagi ay ang lugar ko
sa pamayanan na dapat kong punan”. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na
ito ng may akda?
a. pagsisisi b. panghihinayang c. pagkamuhi d. pagdududa
5. Paano inilarawan ang kultura sa binasang sanaysay?
a. Singlawak ng kalangitan
b. Isang kumot na nagbubuklod sa isang komunidad
c. Daan na nag-uugnay sa karanasan ng bawat indibidwal
d. Lahat ng nabanggit
Tayahin
Binabati kita kaibigan! Matagumpay mong natapos ang mga gawaing
nakalaan sayo para sa modyul na ito. Magkita ulit tayo sa susunod
pang mga modyul. Umaasa ako na lalo mo pang pagbubutihin ang pag-
aaral ng ating mga aralin. Hanggang sa muli!
12
Sanggunian
Mga Aklat
Panitikang Asyano Baitang 9, Unang Edisyon 2014, muling limbag 2016, 2017 ISBN 978-
621-402-034-8
Internet
Dailycal.org.2018 my mother culture personal
essay.http://www.dailycal.org/2018/11/23/my-mother-culture-personal-essay/October
29,2020
Sanaysay-Filipino.blogspot.com. October 27,2020
Subukin
1.
a
2.
d
3.
a
4.
b
5.
d
Balikan
Iba-iba
ang
sagot.
SuriinGawain
1
Ugnay-
Salita
1-5.
Maraming
posibleng
sagot
Gawain
2
Basahin,
Suriin,
Sagutin.
1-4.
Iba-iba
ang
sagot
Gawain
3.
Graphic
Organizer.
1-3.
Iba-iba
ang
sagot.
Pagyamanin.
Gawain
4.
Kahulugan
ay
Tukuyin.
1.
b
2.
b
3.
d
4.
d
5.
b
Isaisip
Iba-iba
ang
sagot.
Tayahin
I.
1.
b
2.
c/d
3.
c
4.
b
5.
d
Isagawa
1-5.
Iba-iba
ang
sagot.
Susi sa Pagwawasto

More Related Content

What's hot

01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptxMichaelAngeloPar1
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ardan Fusin
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminJeremiah Castro
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6JodyMayDangculos1
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)dhelsacay20
 
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional DevicesPagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional DevicesAizahMaehFacinabao
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminDaneela Rose Andoy
 
Mga pangkatang gawain
Mga pangkatang gawainMga pangkatang gawain
Mga pangkatang gawainAnnex
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaJeremiah Castro
 
Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Ems Masagca
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobelaKennethSalvador4
 

What's hot (20)

PPC_Ang Komiks.pptx
PPC_Ang Komiks.pptxPPC_Ang Komiks.pptx
PPC_Ang Komiks.pptx
 
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
01 Pangunahin at Pantulong na Kaisipang Nakasaad sa Binasa - Talakayan.pptx
 
Klino
KlinoKlino
Klino
 
Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7Ponemang suprasegmental grade 7
Ponemang suprasegmental grade 7
 
Pagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdaminPagpapasidhi ng damdamin
Pagpapasidhi ng damdamin
 
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
 
Lesson plan 8
Lesson plan 8 Lesson plan 8
Lesson plan 8
 
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
Ang Ningning at Liwanag ni Emilio Jacinto (Adel P. Sacay)
 
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional DevicesPagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
Pagsasanay sa Pangatnig at Transitional Devices
 
pagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdaminpagpapahayag ng sariling damdamin
pagpapahayag ng sariling damdamin
 
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdfFILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
FILIPINO10-Q3-MODYUL3.pdf
 
Ako ay ikaw
Ako ay ikawAko ay ikaw
Ako ay ikaw
 
Pabula
PabulaPabula
Pabula
 
Mga pangkatang gawain
Mga pangkatang gawainMga pangkatang gawain
Mga pangkatang gawain
 
Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9Aralin 1.3, grade 9
Aralin 1.3, grade 9
 
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tulaPamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
Pamantayan sa pagsulat at pagbigkas ng tula
 
Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7Q3 week4 filipino 7
Q3 week4 filipino 7
 
Tiyo simon
Tiyo simonTiyo simon
Tiyo simon
 
Filipino 9 aralin 2- nobela
Filipino 9  aralin 2- nobelaFilipino 9  aralin 2- nobela
Filipino 9 aralin 2- nobela
 
Detailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - AnekdotaDetailed lesson plan - Anekdota
Detailed lesson plan - Anekdota
 

Similar to Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf

Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteR Borres
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2paul edward
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAndrei Manigbas
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)gielmark
 
filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsJoanMarieCustodio
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Lin Lavanza
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Perl_1011
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Rose Espino
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleNone
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOLiGhT ArOhL
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleNico Granada
 
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipinoasa net
 
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's ModuleK - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Modulecyle01
 
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024MariaAngelineDelosSa1
 

Similar to Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf (20)

Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - CompleteGrade 9 Learning Module in Filipino - Complete
Grade 9 Learning Module in Filipino - Complete
 
filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2filipino baitang 9 lm q2
filipino baitang 9 lm q2
 
9 filipino lm q2
9 filipino lm q29 filipino lm q2
9 filipino lm q2
 
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LMAПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
AПDЯЄÏ ѪAПÏБβΔS Filipino 9 LM
 
9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)9 filipino lm q1 (1)
9 filipino lm q1 (1)
 
filipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materialsfilipino_9_Learning materials
filipino_9_Learning materials
 
Filipino9
Filipino9Filipino9
Filipino9
 
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
Filipino 9 lm_draft_3.24.2014
 
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
Filipino 9-Learning Material-draft-3.24.2014
 
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
Filipino Module Grade 9 lm draft 3.24.2014
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINOK TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
K TO 12 GRADE 9 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO
 
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners ModuleK to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
K to 12 - Grade 9 Filipino Learners Module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino module
Filipino moduleFilipino module
Filipino module
 
Grade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino ModuleGrade 9 Filipino Module
Grade 9 Filipino Module
 
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa FilipinoFilipino- Panitikang Asyano sa Filipino
Filipino- Panitikang Asyano sa Filipino
 
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's ModuleK - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
K - 12 Grade 9 Filipino Learner's Module
 
Pinagyamang pluma 4
Pinagyamang pluma 4Pinagyamang pluma 4
Pinagyamang pluma 4
 
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
DLL FILIPINO WEEK 7 GRADE 5 DLL SY 2023-2024
 

Recently uploaded

Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCRichardProtasio1
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxChristineJaneWaquizM
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxSundieGraceBataan
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....ryannioda32
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOlaranangeva7
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxfedelgado4
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...MerryChristJoely
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxKristineMolina10
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxDanicaAndoyoDuhali
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxMaryGraceSepida1
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1NorbileneCayabyab1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...KeanuJulian
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxNicsSalvatierra
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxDahlvinJaro
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxmaryjoyrobis2
 

Recently uploaded (20)

Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELCARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
ARALING PANLIPUNAN 6 QUARTER 4 WEEK 2 MELC
 
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptxpagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
pagkakaiba ng pangungusap at di-pangungusap.pptx
 
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptxkasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
kasunduan na pangkapayapaan the big 4.pptx
 
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
Noli Me Tangere/Kabanata 33-34/Presentasyon ng pagsasalaysay; gawa ni Ryan E....
 
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
Group-3.pd_ EL FILIBUSTERISMOGroup-3.pd_ EL FILIBUSTERISMO
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptxaraling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
araling panlipunan grade 9 4th quarter AP9Q4M1.pptx
 
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
ap10_q1_mod5_mga hakbang sa pagbuo ng community-based disaster risk reduction...
 
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptxMga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
Mga Pangyayari sa Pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig 4.4.pptx
 
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptxBatas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
Batas Cooper (Philippine Organic Act of 1902.pptx
 
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docxDLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
DLP_Q3-M7- Pangangalaga sa Kalikasan.docx
 
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
ESP 10- pangangalaga sa kalikasan week 1
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...ARALING PANLIPUNAN  10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
ARALING PANLIPUNAN 10 MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN IKAAPAT NA MARKAHA...
 
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptxETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
ETIKA SA PANANALIKSIK-SALVATIERRA, NICAMARI DC..pptx
 
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptxSEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER IDENTIFICATION.pptx
 
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptxAng Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
Ang Kababaihan sa sa Rebolusyong Pilipino. (1).pptx
 

Fil 9 Modyul 4 Q2 Sanaysay Mula sa Taiwan FINAL.pdf

  • 1. 1 9 Filipino Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sanaysay mula sa Taiwan (Panitikan sa Silangang Asya)
  • 2. 2 Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 4: Sanaysay Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III SDO - Science City of Muñoz Dante G. Parungao, CESO VI Zurex T. Bacay Ph.D. Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education – Region III SDO – Science City of Muñoz Curriculum Implementation Division- Learning Resource Management Section (CID-LRMS) Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119 E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Noreen Ann B. Santiago at Katherine D. Barlaan Editor: John A. Ocampo Ph.D. at Bennedick T. Viola Crisavel S. Vicmudo Tagasuri: Gilda S. Panuyas at Augusto A. Mateo Tagaguhit: Romeo B. De Castro Jr. Tagalapat: Romeo B. De Castro Jr. Tagapamahala: Larry B. Espiritu, PhD Rodolfo A. Dizon PhD Augusto A. Mateo Mercedita D. Saldero Norma R. Framo
  • 3. 3 Alamin Sa modyul na ito, pag-aaralan natin ang Sanaysay mula sa bansang Taiwan na gagabayan ng mga sumusunod na MELC (Most Essential Learning Competencies): ● Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan (F9PN-IId-47) ● Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng sanaysay (F9PB-II-d-47) ● Naipaliliwanag ang mga salitang di lantad ang kahulugan batay sa konteksto ng pangungusap (F9PT-IId-47) Inaasahang pagkatapos ng Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki- pakinabang na pagkatuto. Panuto.Basahing mabuti ang mga katanungan, isulat ang letra ng tamang kasagutan sa iyong sagutang papel. Para sa bilang 1-2 Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos. -Mula sa Sanaysay-Filipino.blogspot.com 1. Ano ang paksa ng sanaysay na nasa itaas? a. Pag-aaral nang mabuti b. Kahalagahan ng edukasyon c. Pagkakaroon ng mataas na edukasyon d. Pagkakaroon ng masaganang ekonomiya 2. Batay sa nilalaman ng ikatlong talata ng sanaysay ano ang kaisipang nais ipabatid nito? a. Mahalaga ang nakapag-aral sa paaralan b. Ang edukasyon ay makukuha lamang sa loob ng paaralan c. Matibay ang edukasyon kung mahusay sa Science, English at Mathematics d. Ang edukasyon ay matibay kung ito ay pinagsamang katalinuhan mula sa paaralan at pamumuhay. 3. Kung ang isang sanaysay ay naglalalaman ng mga usapin na tumatalakay sa isang seryosong paksa at nangangailangan ng masusing pag-aaral, ito ay tinatawag na _______? a. Pormal b. Di-pormal c. Impersonal d. Personal Subukin
  • 4. 4 4. “Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik ng aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan.” Ang pahayag ay nagpapakita na ang inilalarawan ay _____ a. may sakit b. matanda na c. may problema d. nahihirapan 5. “Ano ang nais ng ipahiwatig ng pahayag na “Hindi ko alintana ang aking kulturang kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan sa aking pagkatao na dapat mapunuan? a. Nais niyang balikan ang kaniyang pinagmulang kultura. d. Ayaw na niyang balikan pa ang kulturang binalewala niya. c. Nahihirapan siyang kilalanin ang kaniyang sariling pinagmulan. b. Nais niyang madagdagan ang kaniyang kaalaman tungkol sa kaniyang pinagmulang kultura. Karamihan ng Taiwanese ay may mga tradisyunal na pagpapahalaga batay sa Confucian Ethics. Kasama rito ang mga kagandahang-asal, mga karunungan at angkop na ugnayang sosyal. Ang mga Taiwanese ay nahaharap ngayon sa hamon na mapanatili ang mga pagpapahalagang ito sa kabila ng pagkakaroon ng industriyalisadong lipunan. Panuto: Ihanay ang mga katangian at sinisimbolo ng mga katangian ng mga tauhan sa nakaraang araling “Ang Hangal na Palaka”. Isulat ang kasagutan sa inyong kwaderno gamit ang format sa ibaba. Aralin Sanaysay mula sa Taiwan PALAKA Katangian Simbolismo Isa na namang araw ang lumipas, panibagong araw, biyaya at aralin na naman ang maibabahagi sa iyo ng modyul na ito. Maglakbay tayo sa isa pang bansa sa Timog Silangang Asya, ang Taiwan. 1 Balikan
  • 5. 5 Aking Ina, Aking Kultura Sanaysay ng Taiwan, isinalin nina Romeo B. De Castro Jr. at Katherine D. Barlaan Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng telebisyon, sa kanyang paanan nakahiga ang aming alagang aso, hindi niya alam ang bigat ng papel na ginagampanan niya sa paghubog ng aking pagkatao. Siya ang aking ina, kung ano ako ngayon ay siya ang may gawa. Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik ng aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan. Kung hindi dahil sa kaniyang mga ngiti at pag-alalay ay hindi ko malalampasan ang hirap ng pangingibang bayan, noon sa Taiwan at ngayon sa Amerika. Hinubog niya ang kultura sa aking pagkatao mula sa mga musikang Chinese na pinapatugtog niya habang pauwi galing eskwela, sa mga awit na natututuhan ko tungkol sa pagiging ibon at paglipad, mga dahon sa taglagas at pagsulat ng wakas ng mga kwentong- pambata. Ito ang kulturang aking kinagisnan. Naaalala ko pa noong bata pa ako, nakatutulog ako sa kaniyang kandungan habang pinapakinggan ang balitang kaniyang pinapanood sa telebisyon. Pinapakinggan ko ang usapan nila sa telepono ng kaniyang mga kapatid at namamangha ako sa pagpapalit-palit ng diyalekto nila, mula sa pabago-bagong tono na Mandarin na alam ko at Taiwanese na pamilyar ngunit di ko maintindihan. Pinapanood ko ang pagsulat niya ng hanzi (Chinese Character) sa kaniyang ginagawang mga flash card na gagamitin niya sa pagtuturo tuwing sabado at linggo. Namamangha ako sa kaniyang pagsulat, ayokong gayahin ito pero gusto kong maunawaan. Nahihikayat ako manood ng mga Chinese Drama sa TV kasama ang aking ina na siyang tagapagsalin ko kapag hindi ko maintindihan. Ito ang nagiging dahilan upang di ko magawa sa oras ang aking mga takdang aralin sa klase ko sa Chinese kaya nagkukumahog ako na tapusin ito ilang minuto bago ang klase. Bihirang magluto ang aking ina ngunit sa mga putaheng niluluto niya ay malalasahan ang kakaibang timpla na natatangi sa mga Chinese. Lumaki ako na hindi namamalayan ang pagkakaibang ito hanggang ang araw ko ay napuno na lamang ng pagkain ng binatil na itlog. Hinahanap-hanap ko ang lasa ng paminta at toyo sa aking agahan. Ang pag-alis ko sa aming tahanan ay nagpakita ng pagkakaiba ng kulturang aking nakagisnan mula pagkabata. PAWIKAN Katangian Simbolismo Kumusta? Nagkita tayong muli. Ngayong linggo ay tuklasin natin ang makulay na mundo ng sanaysay. Nakapagbasa ka na ba ng isang sanaysay? Saan patungkol ang sanaysay na iyong nabasa? Sa puntong ito ng ating aralin ay basahin natin ang isang sanaysay mula Taiwan na isinalin ni Katherine D. Barlaan at Romeo B. De Castro Jr. Unawaing mabuti at pagnilayan ang nilalaman nito. Handa na ba kayo…tara na at simulan na nating magbasa! Tuklasin
  • 6. 6 Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura. Lumiliwanag lamang sa mga akda at tila ba isang salamin na ang mga kulang na bahagi ay ang lugar ko sa pamayanan na dapat kong punan. Naalala ko pa nang bumisita ako sa Taipei na kinalakhan ng aking ina, tila ako isang banyagang di marunong magsalita ng wikang Taiwanese, nakaabang ang google translate sa aking cellphone sa mga bagay na di ko maintindihan. Napapaisip tuloy ako, Taiwanese ba talaga ako? Ano ang nagpapanatili sa akin sa kultura na mayroon ang aking ina? Sapat na ba ang nalalaman ko upang masabi na ako’y isang Taiwanese? “Hindi ko alintana ang aking kulturang kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan sa aking pagkatao na dapat mapunuan.” Ang kalituhan sa aking pagkatao bilang isang Taiwanese ay naiibsan kapag natututuhan ko mula sa aking ina ang mga aspekto ng kultura na wala sa akin. Pinag-usapan namin ang malawak na kaibahan ng kultura mula sa pagrespeto at pagtanaw ng utang na loob sa pamilya na bahagi ng kulturang Taiwan sa pagiging malaya na kultura ng United States. Kumuha ako ng kursong Cultural Psychology upang maunawaan ko kung paano nakaimpluwensya sa akin ang kultura ng aking Taiwanese at American na pagkakakilanlan. Sa aking pagbabalik-tanaw, napagtanto ko na kung gaano kakonektado ang aking ina sa aming kultura ay siya namang layo ko doon. Para sa akin, ang kultura ay ‘sing lawak ng kalangitan, isang kumot na nagbubuklod sa isang komunidad, daan na nag-uugnay sa karanasan ng bawat indibidwal. Sa aking pagsisikap na maging isang manunulat, ang aking ina ang aking naging inspirasyon. Mula sa rekomendasyon ng isang guro sa Grade 3, ipinasok niya ako sa isang klase sa pagsulat na labis kong ikinatuwa. Itinuro niya sa akin na gawin ko ang mga bagay na makapagpapasaya sa akin kahit ano pa ang maging hadlang. Katumbas ng kagustuhan niyang lumalim ang pagkakakilala ko sa aming kultura, inilalayo rin niya ako sa hindi magandang bahagi nito. Kung babalikan ko ang mga paraan kung paano ako pinalaki ng aking ina, nasasagot ang tanong ko kung Taiwanese nga ba ako. Alam ko na hindi ako buong Taiwanese at American kung ikokonsidera ang lugar na ginagalawan ko at kulturang kinalakhan ko- ito ay komunidad ng Asian American. Ngunit ang pamana sa akin mula sa bawat henerasyon ay Taiwanese, nabuhay ako sa kultura ng Taiwan katumbas ng sa America na sumasalamin sa mga desisyon ko sa buhay. Taiwanese ako sa hindi mawari o mabilang na paraan at sapat na ito para sa akin. At sa gitna ng paglalayag ng aking ina sa pagitan ng kung anong kultura ang iprepreserba, iingatan at gusto niyang baguhin at isabuhay ng mga susunod pa na henerasyon, mas lumalim ang pagkakaalam ko sa kultura na mayroon ako at higit sa kung anong daan ang hinulma ng kultura para sa amin. Alam ko ngayon na ang aking ina ay higit pa sa aking tulay sa kultura. Siya ang simbolo ng bawat desisyon na aking pinili higit sa kung ano pa man. Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Ang iyong binasa ay isang halimbawa ng sanaysay mula sa bansang Taiwan. Dito ay malalaman mo kung paano masasalamin ang kultura ng bansang Taiwan. Ano nga ba ang mga ito? Kung nais mo itong malaman ay ipagpatuloy na natin ang ating talakayan.
  • 7. 7 Gawain 1: Ugnay-Salita Panuto: Mag-isip ng limang salita na maiuugnay sa mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat sa iyong sagutang papel. Suriin Ina 1._______________ 2._______________ 3._______________ 4._______________ 5._______________ Kultura 1._______________ 2._______________ 3._______________ 4._______________ 5._______________ _______________ Mahusay ang iyong mga kasagutan! Nagawa mo ba nang walang kahirap-hirap ang unang gawain? Kung may katanungan kayo ay huwag mahihiyang tanungin ang inyong magulang o kaya ay ang inyong guro. Makatutulong ang mga susunod na mga impormasyon upang masuri natin ng mahusay ang sanaysay. Alam mo ba na … Paksa- Isa sa mga katangian ng mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa paksa ng teksto. Madaling maunawaan ang paksa kung alam mo ang mga sagot sa tanong na:  Tungkol saan ang sanaysay?  Ano ang pinag-uusapan? Pangunahing ideya- Ang ikalawang katangian na dapat taglayin ng isang mahusay na mambabasa ay ang pagtukoy sa pangunahing ideya. Ang pangunahing ideya ay ang pinakamahalagang kaisipan tungkol sa paksa ng isang talata. Layunin- binibigyang tuon dito ang nais mangyari ng isang manunulat sa kanyang mambabasa, maaring nais ng manunulat na hikayatin ang mambabasa, impluwensyahan, maari din itong mangaral, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo. Maaring isa o higit pa ang layuning taglay ng teksto depende sa nais ibahagi ng manunulat. SANGKAP NG SANAYSAY Tema at Nilalaman- anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinahagi. Anyo at Istruktura- ito ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa, ang maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa ng sanaysay. Wika at Estilo- ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa pagkaunawa ng mambabasa, higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag.
  • 8. 8 GAWAIN 2: Basahin, Suriin, Sagutin! Panuto: Bigyang paliwanag ang bawat katanungang nakalahad sa ibaba batay sa binasang sanaysay. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. 1. Ano ang paksa ng binasang akda? Ipaliwanag. 2. Anong kaisipan ang lumutang sa akda? Ipaliwanag. 3. Sa sanaysay na iyong binasa, ano ang layunin ng may akda? GAWAIN 3: Hamburger Organizer Panuto: Gamit ang hamburger organizer ilahad ang paraan ng pagkakabuo ng sanaysay na binasa. Gamitin ang pormat sa ibaba at isulat ang sagot sa iyong kwaderno. MAY MGA BAHAGI ANG SANAYSAY ● Panimula- ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga mambabasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang pagbasa sa akda. ● Katawan- sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito ng mga mambabasa. ● Wakas- nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay. Sa bahaging ito, hinahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay. Nabusog ka ba sa mga kaalamang natutunan sa mga naunang gawain? Kung hindi pa, halina’t busugin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga susunod pang gawain. Tara magsimula na tayo! SIMULA GITNA WAKAS PARAAN NG PAGKAKABUO NG SANAYSAY
  • 9. 9 Alam mo ba na… Minsan, ang ilang salita ay may di lantad na kahulugan o iyong ang kahulugan ay nasa pagitan ng hanay ng mga salita. Halimbawa: Sa kultura ng bansang Taiwan, ang pagkindat at pag-akbay lalo na sa mga kababaihan ay labag sa kanilang kultura. Pahiwatig: Mataas ang pagpapahalaga ng mga Taiwanese sa mga kababaihan. Halimbawa: Sa pilak ng kaniyang buhok na hibla ng katandaan Pahiwatig: Maputi na ang kaniyang buhok at nagpapakita ito ng kaniyang katandaan GAWAIN 4: KAHULUGAN AY TUKUYIN! Panuto: Tukuyin kung anong kahulugan ang ipinahihiwatig ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. “Ang mga linya sa kaniyang mukha at kulubot sa kaniyang mga palad ay nagpapabalik ng aking gunita sa aking kabataan sa bansang Taiwan.” a. Nagpapakita ng kahirapan b. Nagpapakita ng katandaan c. Nagpapakita ng kasipagan d. Pagbabalik-tanaw sa nakalipas 2. “Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura.” a. Nagkulang sa aruga ng kanyang ina. b. Nabalewala niya ang kanyang kulturang pinagmulan. c. Nagsisi na hindi siya lumaki sa kanyang bansang pinagmulan. d. Nanghihinayang dahil hindi niya naranasan ang pagiging Taiwanese. 3. “Hindi ko alintana ang aking kulturang kinagisnan ngunit magsisilbi itong kakulangan sa aking pagkatao na dapat mapunuan.” a. Nagtatanong ng kanyang pinagmulan b. Nalilito kung kung siya ay Taiwanese o American c. Nagtataka kung siya ba ay Taiwanese o American d. Naghahanap ng kasagutan sa kanyang mga katanungan tungkol sa kanyang kultura 4. “Sa aking pagbabalik tanaw, napagtanto ko na kung gaano kakonektado ang aking ina sa aming kultura ay siya namang layo ko doon.” a. Naisip niya na hindi siya isang Taiwanese b. Natuklasan niya na siya ay isang American c. Nabatid niya na ang kanyang ina ay isang Taiwanese Pagyamanin Makatutulong sa susunod nating gawain ang kaalaman patungkol sa mga salitang may di lantad na kahulugan. Isaisip ito upang magamit ng buong husay sa pagsagot sa modyul na ito at sa pang-araw-araw na buhay.
  • 10. 10 Isagawa d. Nalaman niya na hindi sapat ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang kultura. e. 5. “Kung hindi dahil sa kanyang mga ngiti at pag-alalay ay hindi ko malalampasan ang hirap ng pangingibang bayan, noon sa Taiwan at ngayon sa Amerika.” a. Ang kanyang ina ang dahilan ng kanyang pag-alis. b. Ang kanyang ina ang nagsilbing inspirasyon sa kanyang buhay. c. Ang kanyang ina ang nagpaalala ng kanyang tunay na pinagmulan. d. Ang kanyang ina ang nagpumilit sa kanya na pumunta sa ibang bansa. Gawain 5: Dugtungan mo! Panuto: Sagutin nang may katapatan. Ilahad at ipaliwanag mo ang iyong mga natutuhan sa aralin Panuto: Magbasa ng isang sanaysay na tumatalakay sa kasalukuyang isyung panlipunan. Suriin ito ayon sa sumusunod na gabay. Ilagay ang iyong sagot sa kuwarderno. 1. Paksa: __________________________________________________________________________ 2. Kaisipan: ____________________________________________________________________ 3. Layunin: ___________________________________________________________________________ 4. Simula: ___________________________________________________________________________ 5. Katawan: ________________________________________________________________________ 6. Wakas: _________________________________________________________________________ Isaisip Natutunan ko na ang sanaysay ay… __________________________________________ Matutukoy ang paksa, layunin at kaisipan ng isang sanaysay sa pamamagitan ng… ___________________________________________ Ang di-lantad na kahulugan ay makakatulong upang… ___________________________________________
  • 11. 11 Pagsasanay 1 Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. “Alam ko ngayon na ang aking ina ay higit pa sa aking tulay sa kultura. Siya ang simbolo ng bawat desisyon na aking pinili higit sa kung ano pa man”. Anong kaisipan ang nangingibabaw sa pahayag na ito ng may akda? a. Ang kanyang ina ang kanyang pinagmulan. b. Ang kaniyang ina ang simbolo ng kaniyang kultura. c. Ang kanyang ina ang naghubog sa kanyang pagkatao. d. Ang kanyang ina ang nagturo kung paano siya naging isang Taiwanese. 2. Ano ang paksa ng sanaysay na Aking Ina, Aking Kultura? a. Pagiging huwarang Taiwanese b. Pagiging Taiwanese at American c. Kahalagahan ng isang ina sa buhay ng kaniyang anak d. Kahalagahan ng may kaalaman sa kulturang pinagmulan 3. Ito ay sumasagot sa mga tanong na “tungkol saan ang sanaysay at ano ang pinag-uusapan?” a. layunin b. kaisipan c. paksa d. estilo 4. “Parang hindi ko nabigyang pansin ang ilang mga bahagi ng aking kultura. Lumiliwanag lamang sa mga akda at tila ba isang salamin na ang mga kulang na bahagi ay ang lugar ko sa pamayanan na dapat kong punan”. Anong damdamin ang nangingibabaw sa pahayag na ito ng may akda? a. pagsisisi b. panghihinayang c. pagkamuhi d. pagdududa 5. Paano inilarawan ang kultura sa binasang sanaysay? a. Singlawak ng kalangitan b. Isang kumot na nagbubuklod sa isang komunidad c. Daan na nag-uugnay sa karanasan ng bawat indibidwal d. Lahat ng nabanggit Tayahin Binabati kita kaibigan! Matagumpay mong natapos ang mga gawaing nakalaan sayo para sa modyul na ito. Magkita ulit tayo sa susunod pang mga modyul. Umaasa ako na lalo mo pang pagbubutihin ang pag- aaral ng ating mga aralin. Hanggang sa muli!
  • 12. 12 Sanggunian Mga Aklat Panitikang Asyano Baitang 9, Unang Edisyon 2014, muling limbag 2016, 2017 ISBN 978- 621-402-034-8 Internet Dailycal.org.2018 my mother culture personal essay.http://www.dailycal.org/2018/11/23/my-mother-culture-personal-essay/October 29,2020 Sanaysay-Filipino.blogspot.com. October 27,2020 Subukin 1. a 2. d 3. a 4. b 5. d Balikan Iba-iba ang sagot. SuriinGawain 1 Ugnay- Salita 1-5. Maraming posibleng sagot Gawain 2 Basahin, Suriin, Sagutin. 1-4. Iba-iba ang sagot Gawain 3. Graphic Organizer. 1-3. Iba-iba ang sagot. Pagyamanin. Gawain 4. Kahulugan ay Tukuyin. 1. b 2. b 3. d 4. d 5. b Isaisip Iba-iba ang sagot. Tayahin I. 1. b 2. c/d 3. c 4. b 5. d Isagawa 1-5. Iba-iba ang sagot. Susi sa Pagwawasto