2. MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO
Maituturing ang sitwasyong pangwika ang
Pamamahayag at Broadcasting sapagkat araw-
araw na pinagkukunan ito ng mga tao ng mga
impormasyon saan mang lugar sa bansa maging
pandaigdig man.
Anumang antas ng wika ang gamitin sa mga ito,
mahalaga na bigyan ng konsiderasyon na dapat
madaling maunawaan ito ng mga tao.
3. MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO
Ginagampanan ng Pamamahayag (Print) at
Broadcasting ang behikulo ng komunikasyon sa
mas mabilis at madaling paraan ang anumang
impormasyon na dapat malaman ng isang tao sa
lipunang kinabibilangan niya.
Ika nga, pinakamaimpluwensya ang mga ito sa
pagpapalaganap ng wika, lalo na ang wika ng
mayorya.
4. MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO
Kailangang suriin ang mga angkop na salita,
pangungusap ayon sa konteksto ng paksang
napakinggan sa mga balita sa radio at napanood
sa telebisyon upang makatiyak na wasto ang
ginamit na salita at pangungusap.
Makatutulong ito upang madaling maunawaan
ang napakinggan at napanood na balita.
5. MGA MAHAHALAGANG KONSEPTO
Dapat isipin na ang isang salita ay may
poliseming (marami) kahulugan.
Maaaring ang pakahulugan ng tagapakinig ay
iba sa pakahulugan ng sumulat ng balita o
nagbabalita.