Advertisement
Advertisement

More Related Content

Advertisement

Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Panahon ng Rebulusyong Filipino

  1. KASAYSAYAN NG WIKA SA PANAHON NG REBULUSYONG PILIPINO
  2. •300 taon ang pananakop ng mga Kastila, namulat sila sa kaapihang dinanas. •Sa panahong ito, maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming NASYONALISMO (damdamin bumubugkos sa isang too sa iba pang mga taong may pagkakapareho sa kanyang wika, kultura o kalinangan, at mga kaugalian o tradisyon) nagtungo sila sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
  3. • Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik. •Sa panahong rebolusyon, sumisibol sa mga maghihimagsik ang kaisipang "Isang Bansa, Isang Diwa" Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang Tagalog sa pagsusulat ng mga sanaysay, tula, kuwento, liham at talumpati. Masidhing damdamin laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang sinulat.
  4. Noong madiskubre ng mga Espanyol ang katipunan noong Agosto 19, 1896. Napakaraming inaresto at ikinulong na mga pinaghihinalaan na kasapi ng katipunan. Sinimulan ng mga katipunan sa pamumuno ni Andres Bonifacio ang himagsikan sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang mga cedula.
  5. Ang kanilang pagpunit ng cedula ay sumasagisag sa pagpapalaya ng mga Pilipino sa kapangyarihan ng Espanya, ang pagpunit na ito ay nakilala sa kasaysayan sa tawag na “Sigaw sa Pugadlawin” – ito ang pagsisimula ng Himagsikan ng Pilipinas laban sa mga Espanyol. Dito ipinakita ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol na handa silang mag buwis ng buhay para sa kapayapaan at kalayaan ng Pilipinas. Ito rin ang nagbigay daan sa pagkilala ng Pilipinas bilang kauna-unahang republika sa Asya.
  6. Katipunan  Ang layunin nito ay ganap na kasarinlan  Wikang Tagalog ang ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan  Ito ang sinasabing unang hakbang tungo sa pagtataguyod ng Wikang Tagalog.
  7. Mga Propagandista Nakipaglaban sa mga Kastila
  8. Graciano Lopez Jaena Isang Pilipinong mamamahayag, tagapagsalita, rebolusyonaryo, at editor sa kilalang pahayagan na La Solidaridad.
  9. Ang Fray Botod ay kathang satiriko ni Graciano Lopez Jaena noong 1874 tungkol sa isang paring Espanyol na ginagamit ang relihiyon upang apihin at abusuhin ang iba at upang busugin ang sarili sa pagkain, salapi, at babae. Ang pangalan ng fraile ay hango sa salitang Hiligaynon na “botod” na nangangahulugang bundat o malaki ang tiyan dahil sa sobrang pagkain. Fray Botod
  10. Antonio Luna Antonio Luna ay isang Pilipinong parmasiyotiko,at lumaban sa panahon ng rebulosyon sa pamamagitan ng sulat, merong impresyon na inaambag sa La Solidaridad.
  11. Sa kanyang edisyon sa La Solidaridad na sinulat niya ang kuwento na may pamagat na mga impresyon na nakitungo sa mga Kastilang kaugalian sa ilalim ng pangalang "Taga-ilog" Taga- Ilog
  12. Marcelo H. Del Pilar Mas mahusay na kilala bilang Plaridel, ay isang Pilipinong manunulat, abugado,at mamamahayag. Si Del Pilar, kasama sina José Rizal at Graciano López Jaena, ay kilala bilang isa sa mga lider ng Kilusang Propaganda sa Espanya.
  13. Kilusang Propaganda • Ang Kilusang Propaganda ay isang kilusan sa Barcelona, Espanya noong 1889 hanggang 1892. Sinimulan ito dahil sa pagbitay sa tatlong pari na sina Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora (Gomburza). • Layunin ng kilusan ang kilalanin ng mga Kastila ang Pilipinas bilang bahagi at lalawigan ng bansang Espanya, pantay na pagtingin sa bawat Pilipino at Kastila sa harapan ng batas
  14. Kilusang Propaganda • Dito nagsimula ang La Solidaridad bilang gamit upang maka propaganda sa Espanya.
  15. Konstitusyon ng Biak-na-bato noong 1899, ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit walang isinasaad na ito ang ang magiging wikang pambansa ng republika.
Advertisement