4. 2. Pahambing- Ginagamit sa paghahambing
ng katangian ng dalawang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari.
Sa paghahambing, maaaring magkatulad o
di- magkatulad ang mga inihahambing.
5. Mga halimbawa ng magkatulad:
a. Kasinlinis ng silid ko ang silid ng kapatid ko.
b. Pareho silang matalino.
Iba pang pantig o kataga na maaaring gamitin:
kasing, kasim, ka, magkasing, magkasim,
magkasin, magsin, magsing, magsum, kapuwa
6. Mga halimbawa ng di-magkatulad:
a. Mas malaki ang bag mo kaysa sa kaniya.
b. Higit na maliit ang pamilya ni Lorie kaysa
pamilya ni Annie.
Iba pang pantig o kataga na maaaring
gamitin: di- gaano, di- gasino,higit, di-tulad
7. 3. Pasukdol- Ginagamit sa paghahambing
ng higit sa dalawang tao, hayop, bagay,
lugar, o pangyayari.
8. Mga palatandaan upang makilala ang
kaantasang pasukdol:
a. pag- uulit ng pang- uri (magandang- maganda)
b. paggamit ng mga salitang lubha, hari, nuno, ulo,
at ubod (lubhang maganda)
c. Paggamit ng mga panlaping napaka-, pagka-, at
pinaka- (pinakamaganda)