2. Lantay - Ipinapakita ang
katangian ng isang pangngalan
o iisang panghalip lamang.
Halimbawa:
-Masaya ang unag araw ng klase.
-Marami ang magagandang
tanawin sa Pilipinas
-Maganda ang gawa mong
proyekto.
4. May dalawang uri ng Pahambing
Pahambing na magkatulad –
ipinapakita ang parehong katangian ng
dalawang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Karaniwang ginagamit na mga panlaping ka-,
sing-, kasing-, magkasing- at magsing-.
Pahambing na di-magkatulad –
di-parehong katangian o ang pagkakaiba ng
dalawang tao, bagay, lugar, o pangyayari.
Karaniwang ginagamit na mga panlaping mas,
5. Halimbawa:
Pahambing na magkatulad-
1. Magkasingtangkad sina Ira at
Lisa.
2. Kasimbagal ng pagong ang
internet naming.
3. Magkasingtalino ang kambal
na sina jena at gino.
6. Halimbawa:
Pahambing na di-magkatulad-
1. Mas matangkad si Ira kaysa
kay Lisa.
2. Mas marami ang pagkain
namin kahapon kaysa ngayon.
3. Mas matalino si lia kaysa kay
lio.
7. Pasukdol
-Inilalarawan ang namumukod
na katangian ng isang tao,
bagay, lugar at pangyayari.
-Ginagamitan ito ng mga
salitang, pinaka-,napaka-,ubod
ng-, walang kasing-
8. Halimbawa:
1. Pinakamasaya ang karanasan
ko sa ika-limang baitang.
2. Napakalayo ng aming nilakad
kahapon.
3. Napakalungkot ng nag-iisa sa
bahay.
9. Lantay Pahambing Pasukdol
Makulay Mas makulay Pinakamakulay
Maganda Mas maganda Pinakamaganda
Masarap Mas masarap Pinakamasarap
Malamig Mas malamig Pinakamalamig