2. TAGALOG, PILIPINO, at FILIPINO
• Magkakaiba ang kahulugan ng Tagalog, Pilipino, at Filipino.
Kahit parehong naging wikang Pambansa ang Filipino at
Pilipino, magkaiba ang konsepto ng mga ito.
3. TAGALOG
• Ang wikang Tagalog ay malawakang ginagamit sa National
Capital Region o Metro Manila, gayundin sa rehiyong
katagalugan kasama ang Bulacan, Batangas, Cavite, Rizal,
Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, at malaking bahagi ng
Palawan.
• Ang Tagalog ay opisyal na kinilala ni dating Pangulong Manuel
L. Quezon bilang batayan ng Wikang Pambansa noong
Disyembre 1937 at sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa
buong kapuluan noong 1940.
4. PILIPINO
• Noong Agosto 1959, sinimulang tawaging “Pilipino” ang
Tagalog sa utos ng dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon
na si Jose Romero. Sinasabing isinagawa ito upang mapawi
ang isip-rehiyonalista. At dahil na rin sa ang bansa natin ay
tinatawag na Pilipinas, normal lang na tawaging Pilipino ang
pambansang wika tulad ng mga pangunahing lenguahe sa
daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring tawag sa wika.
• Ngunit dahil maraming Pilipino ang gumagamit ng iba pang
mga katutubong wika, ang pagpili ng pambansang wika na
nakabatay sa Tagalog ay nananatiling pinagtatalunan ng
marami.
5. FILIPINO
• Unang nalahad sa Saligang Batas ng 1973 ang konsepto ng
isang wikang panlahat na tinatawag na “Filipino”. Nakasaad
sa Saligang Batas, “Ang Batasang Pambansa ay dapat
gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsiyon ng isang wikang Pambansa na tatawaging
Filipino.”
• Sa kasalukuyan, ang wikang Filipino ang ginagamit bilang
wika ng komunikasyon sa buong kapuluan. Sapagkat isang
wikang buhay, mabilis itong umuunlad sa paraan ng paggamit
sa iba’t ibang pook at sitwasyon. Ito ay nililinang sa iba’t
ibang antas ng pagsasaliksik at talakayang akademiko sa
paraang maugnayin at mapanghalina.