2. Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. natutukoy ang mga natutuhan mula sa iba’t ibang karanasan sa
tahanan, paaralan, at komunidad;
2. naipapahayag ang pagbabago sa sarili mula sa nagging karanasan sa
tahanan, paaralan, at komunidad; at
3. naibabahagi ang kahalagahan ng mga natututuhan sakaranasan sa
tahanan, paaralan, at komunidad.
3. Alalahanin ang isang karanasan na kung
saan marami kang natutuhan. Maaaring ito
ay nangyari sa tahanan, paaralan, o
komunidad. Iguhit ang napiling lugar at
sagutin ang pamprosesong katanungan.
4. Pamprosesong Katanungan:
1. Ano ang iyong napiling lugar?
2. Ano-ano ang mga mahahalagang
natutuhan mo sa iyong
karanasan na napiling lugar?
3. Paano nakatulong sa iyo ang natutuhan
mo sa
nasabing karanasan?
4. Mahalaga ba para sa iyo na matuto sa
mga karanasan?
Bakit?
5. Kopyahin ang graphic organizer. Isulat sa bawat kahon ang
nagging karanasan sa tahanan, paaralan at komunidad. Sa
bawat bilog, isulat ang pagbabago sa sarili mula sa naging
karanasan. Sagutin din ang pamprosesong katanungan.
6. 1. Gaano kahalaga para
sa iyo ang mga
pagbabago sa sarili mula
sa naging karanasan sa
tahanan, paaralan, at
komunidad?
7. Marami kang matututuhan sa iyong mga karanasan. Ito ay nagiging
makabuluhan kung itutuon mo ang iyong pansin sa mga aral mula rito.
Hindi mo mapipigilan ang mga sitwasyon sa lahat ng oras. Ano ang
gagawin mo sa sitwasyong tulad nito?
Halimbawa, ano ba ang nais ituro ng mga karanasan mo ngayong may
pandemya? Maaaring nais kang magkaroon ng disiplina at matutong
sumunod sa mga alituntunin upang mapangalagahan ang iyong sarili.
Maaari din namang nais kang maging responsable sa pag-aaral. Sa iyong
pag-aaral ngayon, hindi mo personal na nakakasalamuha ang iyong guro.
Gayunpaman, maaari kang humingi ng tulong sa iyong magulang o
tagapangalaga at iba pang miyembro ng pamilya kung ito ay
kinakailangan. Matuto ka sa iyong mga karanasan. Sikapin mong isabuhay
ang mga natututunan mo para mapabuti ang iyong sarili.
8. Kausapin ang magulang o tagapangalaga
para maging kapareha sa gawaing ito.
Magbahagi ng tig-isang halimbawa kung
saan magagamit ang mga natutuhan mula sa
karanasan sa tahanan, paaralan, o
komunidad. Pag-usapan kung sino ang unang
magbabahagi at kung sino ang makikinig
muna. Magsalitan kayo sa pagbabahagi at
pakikinig. Makinig nang mabuti kapag
nagsasalita ang iyong kapareha.
9. Paalala:
Kung kaya mong gawin ang gawain ng mag-
isa, isulat sa malinis na papel kung paano
mo magagamit ang mga natutuhan mula sa
karanasan sa tahanan, paaralan, o
komunidad.
Tahanan:
Paaralan:
Komunidad:
10. Sa isang malinis na papel, isulat
ang tatlong bagay na kaya mong
gawin ng may kumpiyansa sa
sarili dahil sa natutuhan mo sa
iyong karanasan. Ipaliwanag ang
bawat isa gamit ang dalawa o
tatlong pangungusap.
11. Sa isang pirasong papel, iguhit
ang simbolo na kumakatawan sa
iyong pinaka hindi
makakalimutang karanasan.
Isulat ang pinakamahalagang
aral na natutuhan mula dito at
kung bakit mahalagang matuto
sa karanasan.