1. Kabanata 3
Ang pangatlong kabanata ay binubuo ng tatlong bahagi,
ito ang mga: (1) layunin ng pag-aaral at disenyo ng
pananaliksik, (2) pamamaraan, at (3) mga pamamaraan sa
pagsusuri ng mga istadistikang mga datos.
Ang unang bahagi; layunin at disenyo ng pag-aaral ay
nagsasaad ng layunin ng pag-aaral at naglalarawan ng
disenyo na ginagamit, ang mga baryabol na kasama sa pag-
aaral at mga istadistikang kagamitan na ginagamit sa
pagsusuri ng mga datos.
Ikalawang bahagi; metodolohiya ay naglalarawan ng mga
tagatugon na kasapi sa pag-aaral, mga kagamitan o
instrument na ginamit at mga hakbang na isinagawa para
makuha ang mga datos na kailangan.
Ikatllong bahagi; istadistikal na pagsusuri ng mga
datos ay magpapakita ng mga datos at pamamaraan sa
pagsusuri ng mga ito upang masubok ang mga ipotesis na
kinilala.
2. Layunin at Disenyo ng Pag-aaral
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang
atityud, kakayahang pangkaisipan at performans sa
Filipino ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ng Roxas
City School for Philippine Craftsmen na
maimpluwensiyahan o naaapektuhan ang kanilang
kasarian, antas, natamong grado sa una at ikalawang
markahan, edukasyong natamo ng mga magulang, at
hanapbuhay ng mga magulang. Ang pag-aaral na ito ay
gagamit ng survey correlational na pamamaraan ng
pananaliksik. Ang pamamaraang ito ay tumutukoy sa
paglalarawan, pagbibigay kasagutan at pagbibigay
kahulugan sa mga pangyayari. Ito ay may kinalaman sa
mga kalagayan, kaugnayan ng talagang nangyayari na may
kaugnayan sa kasalukuyang pangyayari.
Ayon kay Quistadio (2011), ang palarawang
correlational na pag-aaral ay imbestigasyon na
naglalarawan at nag-iinterpret sa likas na katangian,
pangyayari o phenomena. Isinasaalang-alang nito ang
mga kondisyon ng mga ugnayang nagaganap, umiiral na
gawi, paniniwala at mga prosesong nararanasan sa
3. kasalukuyan mga epektong nararamdaman o mga kalakarang
mabubuo.
Sa pag-aaral na ito, inilarawan at nabigyang
kahulugan sa pamamagitan ng kinalabasan ng
talatanungan sa atityud ng mga mag-aaral, kakayahang
pangkaisipan ng mga mag-aaral at gagamit ng markang
natamo ng mga mag-aaral sa una at ikalawang markahan
sa Filipino para sa performans ng mga mag-aaral. Isang
kapaki-pakinabang ang paraan na ito sa pagbibigay ng
kabatiran na maaring gawing batayan ng mga makaagham
sa paghatol.
Ang mga di-malayang baryabol sa pag-aaral na ito
ay atityud ng mga mag-aaral at kakayahang pangkaisipan
at performans sa Filipino ng mga mag-aaral samantalang
ang malayang baryabol ay edad, kasarian, grading
natamo sa una ta ikalawang markahan, edukasyong natamo
ng magulang at hanapbuhay ng magulang.
Ang mga kagamitang pang istadistikang gagamitin
sa pagsusuri ng paglarawang datos ay ang mga:
percentage mean, standard deviation, t-test for
independent samples, one way analysis at gamma ay
nakaset sa .05 alpha level at gamma statistics.