6. ARALIN 1 Pagpili ng Paksa
Maaring mapagkukunan ng paksa:
• Internet at Social Media
• Telebisyon
• Diyaryo at Magasin
• Mga pangyayari sa iyong paligid
• Sa Sarili
8. Ano ang pananaliksik?
• Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya,
konsepto, bagay, tao, isyu, at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan, o pasubalian.
Constantino at Zafra(2010).
9. Ano ang pananaliksik?
Ayon naman kay Galero-Tejero (2011), ang
pananaliksik ay may tatlong mahahalagang
layunin.
10. Ano ang pananaliksik?
Ang pananaliksik ay isang sestimatikong proseso
ng pangangalap, pag-aanalisa, at pagbibigay-
kahulugan sa mga datos mula sa mga
mapagkakatiwalaang mapagkukunan ng
impormasyon upang masagot ang isang tanong,
upang makadagdag sa kaalaman.
11. Pagkakaiba ng Sulating Pananaliksik
sa Ordinaryong Ulat
• Ang sulating pananaliksik ay may
limitadong pokus samantalang ang
ordinaryong ulat naman ay malawak
ang pokus.
• Isa pang malaking pagkakaiba ng
dalawang uri ay ang dami o lawak ng
gagamiting kagamitan o
sanggunian.
12. Katangian ng Pananaliksik
Ang pananaliksik ay:
• Obhetibo
• Sistematiko
• Napapanahon o naiuugnay sa kasalukuyan
• Emperikal
• Kritikal
• Masinop, Malinis, at Tumutugon sa
Pamantayan
• Dokumentado
13. Ayon sa mga propesor na sina Constantino at Zafra
(2010), ang isang mananaliksik ay dapat magtaglay ng
sumusunod na mga klatangian:
1. Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa
ibang mapagkukunan ng sandigan.
2. Mapamaraan sa pagkuha ng mga datos na
mahirap kunin.
3. Maingat sa pagpili ng mga datos batay sa
katotohanan at sa kredibilidad ng pinagkukunan.
14. 4. Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba
tungkol sa paksa at mga kaugnay nito.
5.Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon,
kongklusyon, at rekomendasyon sa paksa.
6. Matapat sa pagsasabing sa may nagawa nang pag-
aaral ukol sa paksang pinag-aralan.
7. Responsible sa paggamit ng mga nakuhang datos,
sa mga taon o institusyong pinagkukunan ng mga ito.
15. Mga Uri ng Pananaliksik
Tatlong kategorya ng pananaliksik ayon sa
mga layunin nito:
1. Basic Research
2. Action Research
3. Applied Research
16. Basic Research
Mga halimbawa ng basic research:
• Pananaliksik tungkolsa epekto ng haba ng oras na
inilalaan ng mga kabataan sa paggamit ng Facebook
sa kanilang pakikitungo sa mga tao sa paligid.
• Pananaliksik tungkol sa font na ginagamit ng mga
vandals sa Metro Manila
• Pananaliksik tungkol sa katangian ng mga boy band na
hinahangaan ng mga kabataan sa isang baranggay
17. • Pananaliksik tungkol sa epekto ng pagkakaroon ng
mga ekstra-kurikular na mga gawain ng mga
estudyante sa inyong paaralan sa kanilang
academic performance.
• Pananaliksik kung may epekto ba ang
pagkakaroon ng part time job sa pagkatuto ng
mga estudyante sa ikalabing-isang baiting sa
inyong paaralan.
Action Research
18. Applied Research
• Pananaliksik kung paano naganap ang bullying sa
isang paaralan
• Pananaliksik kung ano ang sanhi ng malaking
achievement gap ng mga mag-aaral sa isang baiting
sa paaralan
• Pananaliksik kung bakit sumasali sa mga gang ang
mga kabataan sa isang komunidad
19. Ang paksa ay ang pangkalahatan o sentral na
ideyang tinatalakay sa isang sulating pananaliksik.
Napakalaking bahagi sa pagkakaroon ng
matagumpay na sulating pananaliksik ang
pagkakaroon ng isang mahusay at lubos na pinag-
isipang paksa.
Mga Tip o Paaalala sa Pagpili ng Paksa