Ang pananaliksik ay isang sistematikong proseso ng pagtuklas at pagsisiyasat ng mga ideya at suliranin gamit ang mga iba't ibang pamamaraan upang makakuha ng mga solusyon. Ang pangunahing layunin nito ay ang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay at makadiskubre ng bagong kaalaman. May mga paraan ng pananaliksik tulad ng palararawan at eksperimental na naglalayong masusing pag-aralan ang mga phenomenon at ugnayan ng mga baryabol.