Ano ang Kakayahang Gramatikal at Diskorsal ?
Ayon kina Michael Canale at Merril Swain ang kakayahang gramatikal ay nagbibigay kakayahan sa nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop ang kanyang ginagamit na mga salita.Ang kakayahangdiskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na kahulugan nito.
Komponent ng Gramatikal na Kakayahan :
Kaayusan ng mga pangngusap
Karaniwang ayos- ang ayos ng pangungusap kung nauuna ang pang-uri sa simuno
Hal. Masayahin ang mga Pilipino
Di –karaniwang ayos- ang ayos ay may ay na nag-uugnay sa simuno at pang-uri
Hal. Ang mga Pilipino ay masayahin.
Kayarian ng Pangungusap
ANG PAYAK NA PANGUNGUSAP AY MAAARING BINUBUO NG:
Payak na Simuno at Payak na Panag-uri. (PS+PP)
Halimbawa: Ako ay nagliligpit ng aking mga basura.
Payak naSimuno at Tambalang Panaguri (PS+TP)
Halimbawa: Ako ay nagliligpit at nagsasaayos ng aking mga basura.
Tambalang Simuno at Payak na panag-uri (TS+PP)
Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit ng ating mga basura.
Tambalang Simuno at Tambalang Panag-uri (TS+TP)
Halimbawa: Ikaw at ako ay dapat magligpit at magsasaayos ng ating mga basura.
ANG TAMBALANG PANGUNGUSAP – ito ay pangungusap na binubuo ng dalawang payak na pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng "at", "o", "ngunit", "habang", "samantala", o "pero“
Halimbawa:
Tao ang dahilan ng problema sa basura ngunit tao rin ang makagagawa
ng solusyon para rito.
Susunod ba tayo sa Bohol o maghihintay na lang ba tayo sa Cebu?
Nagbabasa ng novela si Denise habang tumutugtog ng piano si Magiting.
ANG PANGUNGUSAP NA HUGNAYAN - ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-iisa at isa o higit pang sugnay na hindi nakapag-iisa na pinakikilala ng mga pangatnig na "kapag", "pag", "nang", "dahil sa", "upang", "sapagkat", at iba pa.
Halimbawa:
Mataas ang pagtingin ng magulang ko sa kanya (sugnay na nakapag-iisa) dahil sa magandang ugaling pinakita niya. ( sugnay na di-nakapag-iisa)
Tayo ay dapat maging responsable sa ating mga basura (sugnay na makapag-iisa) Upang maiwasan ang kalat sa paligid. (sugnay na di-makapag-iisa)
LANGKAPAN – Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
Halimbawa:
Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ating ekonomiya.
Mabuti ang mag-asawa at sila ay may busilak na puso dahil sinusunod nila ang utos ng Panginoon.
ANG WASTONG GAMIT NG MGA SALITA SA PAHAYAG
ANG GAMIT NG KUNG-KONG
Kung (if)- pangatnig na panubali at ginamit sa hugnayang pangungusap .
Magpaalam ka muna sa iyong ina kung aalis ka.
Kong (my)- nanggaling sa panghalip na ko na inangkupan ng ng.
Mapagkatiwalaan ang matalik kong kaibigan.
2. Ano ang Kakayahang Gramatikal at Diskorsal
?
• Ang kakayahang gramatikal ay nagbibigay kakayahan sa
nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang
mga salita/pangungusap na kanyang ginagamit at kung angkop
ang kanyang ginagamit na mga salita.
• Ang kakayahangdiskorsal ay ang sangkap na nagbibigay
kakayahang ng nagsasalita na ipalawak ang mensahe upang
mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita upang mas
maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.
-Michael Canale at Merril Swain
3. Komponent ng Gramatikal na Kakayahan
Kaayusan ng mga pangngusap
Karaniwang ayos
• ang ayos ng pangungusap
kung nauuna ang pang-uri sa
simuno
• Hal.
• Mabait ang mga Estudyante
Di –karaniwang ayos
• ang ayos ay may ay na nag-
uugnay sa simuno at pang-uri
• Hal.
• Ang mga Estudyante ay
mabait.
5. Simuno - ang isang tao (o grupo ng mga tao) o ang isang bagay
na pinag-uusapan. Ito ay ang paksa ng pangungusap.
Panag-uri - ang "panaguri" ay ang bahagi ng pangungusap na
"nagsasabi" tungkol sa "simuno".
Payak - isang diwa lang ang tinatalakay
Tambalan - binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na nakapag-
iisa.
6. ANG PAYAK NA PANGUNGUSAP AY
MAAARING BINUBUO NG:
• Payak na Simuno at Payak na Panag-uri. (PS+PP)
• Halimbawa: Ang rosas ay mahalimuyak.
• Payak naSimuno at Tambalang Panaguri (PS+TP)
• Halimbawa: Si MSi Mael ay mahusay sumayaw at umawit.
• Tambalang Simuno at Payak na panag-uri (TS+PP)
• Halimbawa:Ang mga lalaki at babae ay nagtutulungan.
• Tambalang Simuno at Tambalang Panag-uri (TS+TP)
• Halimbawa:Ang pransya at alemanya ay magkalapit at
magkaibang bansa.
7. ANG TAMBALANG PANGUNGUSAP
• Ito ay pangungusap na binubuo ng dalawang payak na
pangungusap na pinag-uugnay ng pangatnig tulad ng "at", "o",
"ngunit", "habang", "samantala", o "pero“.
• Halimbawa:
• Gusto ni Maria bumili ng pagkain, ngunit wala siyang pera."
• Tinititigan ni Louis si Mari habang ginagawa niya ang kaniyang mga
gawain.
• Si Ana ay nagwawalis ng bakuran samantalang ang kaniyang kapitid
ay walang ginagawa.
8. ANG PANGUNGUSAP NA HUGNAYAN
• Ito ay pangungusap na binubuo ng isang sugnay na nakapag-
iisa at isa o higit pang sugnay na hindi nakapag-iisa na
pinakikilala ng mga pangatnig na "kapag", "pag", "nang", "dahil
sa", "upang", "sapagkat", at iba pa.
• Halimbawa:
• Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka mga pangaral ng
iyong magulang
9. LANGKAPAN
• Binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa
o higit pang sugnay na di-makapag-iisa.
• Halimbawa:
• Makakapasa talaga siya at makatatamo ng diloma kung
magsisispag sa pag-aaral at magtitiis sa hirap.
10. ANG GAMIT NG MAY AT MAYROON
Gamit ng May
Gamitin ang may kapag susundan ng mga sumusunod:
Pangngalan - May piyesta sa kabilang bayan.
Pandiwa - May umakyat sa puno ng mangga.
Pang-uri -May malaking hardin sina Linda.
Panghalip -May alagang ibon ang aking tatay.
Panao na paari Pantukoy na mga -May mga tao sa labas.imuyak
11. Gamit ng Mayroon
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng mga sumusunod:
Kataga -
Panghalip na panao na palagyo -
Panghalip pamatlig -
Pang-abay na panlunan -
Panagot sa katanungan-
Bilang pangngalan na nangangahulugang mayaman -
12. ANG GAMIT NG DAW/ DIN AT RAW/RIN
Ginagamit ang raw/rin kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig
Halimbawa:
Pupunta RIN sina Victoria sa Rizal Park.
Sumasayaw RAW ang mga bata doon sa kabilang bayan.
Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig.
Halimbawa:
Makakatapos DIN tayo sa pag-aaral balang araw basta magsipag lang talaga tayo.
Aakyat DAW sila bukas sa Mt. Sierra para ipagdiwang ang kanilang unang taon
bilang magkasintahan.
13. ANG GAMIT NG KAPAG AT KUNG
Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa:
Kapag tayo'y Hindi nag kakaintindihan tayo'y mag kakagulo.
Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan
Halimbawa:
Kung Hindi matitigil itong korapsyon ng ating bansa ,patuloy pa
din tayo sa pag hihirap.
14. ANG GAMIT NG KUNG DI - KUNGDI
Ang kung di ay galing sa satlitang “kung hindi” o “if not”
Hal. Wala ka na sanang maaabutan kung di ka
pa dumating.
Hal. Iligpit kona sana kung di mo na gagamitin.
Ang kundi na man ay “except”
Hal. Walang sinuman makagagawa
nito kundi siya lamang.
Hal. Walang ibang pwedeng sumama kundi ako Lang.
15. GAMIT NG HABANG- SAMANTALA
Ginagamit ang habang sa kalagayang walang tiyak na
hangganan, o “mahaba”.
Hal. Dumaan rito si Iloy habang ako'y naglalaba.
Ginagamit naman ang samantalang sa kalagayang may taning, o
“pansamantala”
Hal. Abala ang lahat samantalang si Maria ay walang
ginagawa.
16. GAMIT NG PINTO- PINTUAN
Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan
Halimbawa:
Huwag mong sipain ang pinto.
Pintuan ang puwang sa dinding o pader na pinagdaraanan.
Halimbawa:
Huwag niyong Gawin Ang tambayan Ang pintuan ko.n
17. GAMIT NG HAGDAN - HAGDANAN
Hagdan ang inaakyatan at binababaan
Halimbawa:
Mabilis niyang inakyat ang hagdan upang marating ang klinika.
Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan
Halimbawa:
Matitibay ang hagdanan ng kanilang bahay.
18. GAMIT NG BITIW- BITAWAN
Ang salitang bitiw/bitawan (pandiwa) ay ang pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak ng isang bagay
o pangyayari
Halimbawa:
• Hindi siya bumitiw sa kanyang mga pangako.
Ang salitang bitaw (pangngalan) ay nauukol sa pagsasanay ng
sasabunging manok.
Halimbawa:
• Sa pula ang bitaw ni Mang Gusting kaya siya natalo
Ang bitawan ay tumutukoy naman sa lugar ng pagdarausan ng salpukan ng manok ng walang tari.
Halimbawa:
• May nakita akong pulitiko sa bitawan ng manok.