12. MINALIIT AT PINABAYAAN SILA NG ALLÂH
Quran 2:15 Samakatuwid, dahil sa ginawa nilang
pangungutya at pagwawalang-bahala sa mga
mananampalataya, ay minaliit at pinabayaan sila ng Allâh
(swt), nang sa gayon ay lalo pang tumindi ang kanilang
pagkaligaw at pagdududa, at sila ay pagbabayarin sa
kanilang pangungutya sa mga mananampalataya.
SILA ANG MGA MAPAGKUNWARI NA IPINAGBILI
ANG KANILANG MGA SARILI
Quran 2:16 Sila ang mga mapagkunwari na ipinagbili ang
kanilang mga sarili sa isang talunang pakikipagkasunduan,
mas pinili pa nila ang di-maniwala at iniwanan nila ang
tunay na pananampalataya, na kung kaya, wala silang
napalang kahit na kaunti at hindi nila nakamtan ang
patnubay. At ito ang talagang tunay na pagkatalo.
13. SI ALLAH ANG KUMUHA NG KANILANG LIWANAG
AT INIWAN SILA SA KADILIMAN
Quran 2:17 Ang kanilang kahalintulad ay katulad
ng isang tao na nagpaparikit ng apoy. Nang ito ay
magbigay ng liwanag sa kanyang paligid, si Allah
ang kumuha ng kanilang liwanag at iniwan sila sa
kadiliman. Kaya’t sila ay hindi makakita.
SILA AY MGA BINGI, PIPI AT BULAG
Quran 2:18 Sila ay mga bingi, pipi at bulag; kaya’t
sila ay hindi makababalik (sa tamang landas).
14.
15. ANG MGA KRISTIYANO SA NGAYON AY NALILITO
KUNG ANO ANG TUNAY NA AKLAT?
Sa kadahilanang ang daming nagsilabasang iba’t-ibang
bersiyon ng Bibliya at ang bawat isa ay nag-aangkin na
ang kanilang hinahawakang aklat ang siyang dalisay at
tunay na nagmula sa nag-iisang Diyos na Si Allah (swt).
ALAM NATING LAHAT NA NAPAKARAMING BIBLIYA SA NGAYON NA MAY
IBA’T-IBANG BERSIYON AT ANG BAWAT ISA SA KANILA AY NAG SASABING
ITO AY DALISAY NA NAGMULA KAY ALLAH (SWT) HALIMBAWA:
HALIMBAWA:
16. 1- Ang Al- Suhuf (The Scriptures) ni Propeta Abraham
2- Ang Al-Tawra (The Old Testament) ni Propeta Moses
3- Ang Al- Sabour (The Psalm) ni Propeta David
4- Ang Al- Injeel (The Gospel) ni Propeta Hesus
17. Quran 17:88 Sabihin mo (sa kanila, O Muhammad): “Kung ang lahat ng mga
tao at ang mga Jinn ay magkasundo at magsama-sama upang gumawa ng
katulad ng Banal na Qur’an, katiyakan hindi nila ito makakayanang gawin,
kahit na magtulung-tulong pa ang bawat isa sa kanila.
Quran 2:23 At kung kayo (na mga paganong Arabo, mga Hudyo at Kristiyano)
ay nag-aalinlangan tungkol sa Aming ipinahayag (ang Quran) sa Aming alipin
(na si Muhammad), kung gayon, kayo ay gumawa ng isang sura (kabanata)
na katulad nito at tawagin ninyo ang inyong mga saksi (mga
tagapagtaguyod) liban pa kay Allah kung kayo ay makatotohanan.
KAILANMAN AY HINDI NINYO MAGAGAWA
Quran 2:24 Datapuwa’t kung kayo ay hindi makagawa, at (katotohanang)
kailanman ay hindi ninyo magagawa; inyong pangambahan ang Apoy (sa
Impeyirno) na ang kanyang panggatong ay mga tao at mga bato na siyang
inihanda sa mga hindi sumasampalataya.
18. Quran 56:77 Katotohanang ito ang Maluwalhating
Quran,
56:78 Sa isang Aklat na ganap napapangalagaan.
56:79 Na walang sinuman ang makakahipo niyaon (ang
Quran) maliban sa (kanila) na nasa kadalisayan.
56:80 Isang Kapahayagan (ang Quran) mula sa
Panginoon ng lahat ng mga nilalang.
28. WALANG PAG-AALINLANGAN NA KAMI RIN
ANG PATULOY NA MANGANGALAGA NITO
Qur’an 15:9 Walang pag-
aalinlangan, Kami ang
nagbaba ng Qur’an kay
Propeta Muhammmad at
walang pag-aalinlangan na
Kami rin ang patuloy na
mangangalaga nito mula sa
pagdadagdag o pagbabawas,
o sa anumang kasiraan.
29. KATIYAKAN, NAGPADALA KAMI NG
MGA SUGO NA NAUNA SA IYO
Qur’an 15:10-11. At katiyakan, nagpadala Kami ng
mga Sugo na nauna sa iyo, O Muhammad, tungo
sa iba’t ibang bayan ng mga naunang tao, subali’t
walang sinumang Sugo ang dumating sa kanila
nang hindi nakatanggap ng pangungutya. At ito ay
bilang pampalubag-loob kay Propeta Muhammad.
Na kung anuman ang ginawa sa iyo ng mga
Mushrikin ay ganoon din ang ginawa sa mga nauna
sa iyo na mga Sugo.
30.
31. JAZAKALLAH HUKHAIRAN
ALAHUMMA INFA`NI BIMA `ALLAMTANI WA
`ALLAMNI MA YANFA`UNI
OH ALLAH! Make useful for me what You
taught me and teach me knowledge that will
be useful to me.