3. 1.Ano ang pangunahin at pantulong na kaisipang nabuo sa
larawan?
2.Saang bahagi ng sanaysay natagpuan ang pangunahing
kaisipan
3.Kailangan bang magkaugnay ang pangunahin at pantulong
na kaisipan sa isang sanaysay? Bakit?
4.Nakatulong ba ang larawan upang makabuo ng isang
magandang sanaysay? Bakit?
4.
5. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang
salita, sanay at pagsasalaysay. Ito ay isang
piraso ng sulatin na kadalasang naglalaman
ng punto de vista (pananaw) ng may – akda.
Ito rin ay komposisyon na prosa na may
iisang diwa at pananaw. Ito rin ay
sistematikong paraan upang maipaliwanag
ang isang bagay o pangyayari.
6. Madalas ginagamit ang sanaysay sa halos
lahat ng larangan lalong – lalo na sa agham
panlipunan, humanidades at edukasyon. Ayon kay
Michael de Montaigne, na sinasabing pinakaunang
lumikha ng genre na ito, ito ang pagtatangka o
pagsubok sa bagong larangan ng panitikan at
ginagamit upang direktang makipagtalastasan sa
sinumang mambabasa. Kung ang liriko ay para sa
panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay.
7. Ayon naman kay Genoveva Edroza-Matute,
ang sanaysay ay pagtataya sa isang paksa sa
paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuro-kuro, palagay at
ng kasiyahan ng sumusulat, upang umaliw,
magbigay-kaalaman o magturo. Idinugtong pa
niya na ang sanaysay ay isa sa mga anyong higit
na nagpapaisip sa pang-unawa, bumubuo at
nagpapatibay sa isipa’t damdaming bayan.
8. Mga
pangunahing
paksa at mga
pantulong na
detalye
• Pangunahing paksa –
tumutukoy ito sa sentro o
pangunahing tema sa talata.
Kadalasan ay makikita sa
unang pangungusap (simula)
at /o huling pangungusap
(konklusyon/wakas)
9. Halimbawa….
Kaming mag-asawa ay nagkakaroon ng mga
problema. Ang aking asawa ay mahilig
gumasta ng pera, samantalang ako ay
matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi
kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin
niya ng mga isport pero ayaw ko naman ng
mga iyon.
10. Mga
pangunahing
paksa at mga
pantulong na
detalye
•Mga Pantulong na Detalye
– mga mahahalagang
kaisipan o mga susing
pangungusap na may
kaugnayan sa paksang
pangungusap
11. Halimbawa :
Kaming mag-asawa ay nagkakaroon
ng mga problema. Ang aking asawa ay
mahilig gumasta ng pera, samantalang ako ay
matipid. Mahilig din siyang lumabas ng gabi
kung kailan naman tulog na ako. Gusto rin niya
ng mga isport pero ayaw ko naman ng mga iyon.
12. Dalawang uri ng Sanaysay
1. Pormal….
•tumatalakay sa mga seryosong paksa at
nangangailangan ng masusing pag-aaral at
malalim na pagkaunawa sa paksa.
•Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa
isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod
upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
13. Dalawang uri ng sanaysay
2. Di – pormal
•tumatalakay sa mga paksang magaan,
karaniwan, pang – araw-araw at personal.
•Nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at
paglalarawan ng isang may-akda
14. Elemento ng Sanaysay
Tema at Nilalaman – may kaugnayan
sa paksa ng sanaysay
Anyo at Istruktura – tumutukoy sa maayos
na pagkakasunud – sunod ng ideya o
pangyayari
Kaisipan – tungkol sa mga ideyang
nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
Wika at istilo – gumagamit ng simple,
natural at tapat na pahayag
15. Elemento ng sanaysay
Larawan ng Buhay – naipapahayag
nang may kaangkupan at
kawastuhan sa paraang may
kalawakan at kaganapan
Himig – naipapahiwatig ang
kulay o kalikasan ng damdamin
16. ( Babalikan ang sanaysay
na ginawa sa bahagi ng
Panimula )
•Naipakita ba sa sanaysay ang iba’t
ibang elemento nito? Patunayan.
•Saang bahagi ng sanaysay natagpuan
ang pangunahing kaisipan?
17. Kahirapan sa Pilipinas
Akda ni Ghie
Ang kahirapan ang isa sa mga mabibigat
na problema ng ating bansa. Madalas nating
sisihin ang maling pamamalakad ng mga
pinuno ng bansa, pero sila nga ba ang may
kasalanan o tayong mga Pilipino na tamad?
18. Sabi nga nila, “Katamaran ay katumbas ng Kahirapan”.
Tama sila, at tama rin naman ang mga taong nagsasabing
nasa gobyerno ang pagkakamali. Sinasabi ng karamihan, kaya
sila naghihirap ay sa kadahilanang wala silang trabaho, pero
ang totoo, maraming trabahong nakalaan, mapili lang talaga
ang mga Pilipino. Pero hindi rin natin sila masisisi, mas
pipiliin pa nilang maupo na lang sa isang tabi at manghingi
ng limos kaysa magpakapagod sa napakabigat na trabaho at
kumita ng isang daang piso sa isang araw. Pero sa
kadahilanang ito, pinapakita lang natin na tayo ay tamad,
pinakadahilan ng kahirapan.
19. Pangalawa sa mga dahilan ay ang maling
gawain ng mga pinuno ng ating bansa, ang
pagbubulsa sa kaban ng bayan. Ang mga pondo
na para sa pagpapaunlad ng buhay ng mga
mahihirap ay ginagamit ng mga pulitiko para sa
sarili nilang interes. Sapat ang sweldo ng mga
pinuno ng ating bansa, ang totoo ay sobra-sobra
pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero
patuloy pa rin sila sa maling gawain nila.
20. Kamakailan lang ay sinabi na umaangat na ang
ekonomiya ng ating bansa, pero wala kahit isa ang
nakaramdam nito. Kailangan pa ring pumila ng matagal
para lang makabili ng NFA Rice, mataas pa rin singil sa
gasolina, sa kuryente at halos sa lahat ng bilihin, hindi
kasya ang sweldo ng isang empleyado lamang. Dahil sa
maling gawain ng mga pulitiko, mga simpleng
mamamayan ang naaapektuhan, dahil mas pinipili nilang
ibulsa ang malaking pondong pangkahirapan kaysa
idagdag sa sweldo ng mga empleyado, isang malaking
kamalian sa parte ng mga pinuno.
21. Pangatlo sa mga kadahilanan ay ang pagiging
iresponsable ng mga Pilipino, o ang kawalan ng
paninindigan. Kung magiging responsible lamang
ang mga magulang ng mga batang kalye ay
malamang walang pakalat-kalat na bata ngayon sa
lansangan, walang uhuging bata na nanghihingi
na limos, at walang kaawa-awang mga mukha ng
mga gutom na bata ang makikita natin.
22. Kung pinag-aaral lamang sila ng kanilang
magulang, malamang ay magkakaroon sila ng
magandang kinabukasan. Bumabalik nanaman
dito ang kadahilanang wala silang trabaho, pero
may mga programa ang ating pamahalaan,
maging ang local, para sa libreng pag-aaral, pero
mukhang hindi nauubusan ng dahilan ang
Pilipino kung bakit hindi sila nakaka-pagaral, at
ibabalik nanaman ang sisi sa gobyerno.
23. Ang katotohanan ay tayo mismo ang
dahilan ng ating paghihirap, tayong mga
mamamayan ng bansa natin. Kung sisimulan
natin ang pagbabago sa sarili natin, malamang
ay mababago rin natin ang antas ng ating
pamumuhay, pinuno ka man o simpleng
mamamayan ay dapat magbago para sa
ikauunlad nating lahat.
24. •Nakatulong ba ang
sanaysay upang makabuo
ng pangunahing paksa at
pantulong na kaisipan ng
sariling pananaw?
Patunayan
25. •Bilang kabataan paano
mo isasabuhay ang
natutunan mo tungkol
sa pangunahing paksa at
pantulong na kaisipan
ng sariling pananaw?
26. •: Ipaliwanag ang
pangunahing paksa at
pantulong na mga ideya sa
napakinggang impormasyon
sa napanood na video clip.
Gayahin ang pormat sa ibaba.
27. Awit para kay Ama – Pasasalamat sa
ating mga ama”
URL:
http://www.mp3tunes.tk/download?v=Ft
meKaf-1NQ