3. Layunin:
I. Naiintindihan at naipapaliwanag ang mga uri ng pamatnubay.
II. Maunawaan ang kahalagahan ng malinaw, tumpak, at
madaling sundang mga hakbang sa pagsulat ng mabuting
pamatnubay.
III. Magiging handa tayo sa pagsulat ng mabuting pamatnubay
na magiging kapaki-pakinabang sa ating mga mambabasa.
5. Balita
◦Ito ay ulat na maaaring pasulat o pasalita ng mga bagay
na naganap na, nagaganap o magaganap pa lamang.
◦Naglalarawan ito sa ating kalagayan, at maaring
maisulat sa pahayagan.
◦ Anumang pangyayaring hindi karaniwan, isang ulat,
nakapagbibigay impormasyon at mapaglilibangan ng
mambabasa, nakikinig at nanonood.
6. Pamatnubay
◦Ito ang panimula at pinakamahalagang bahagi ng
balita sapagkat ito ang siyang umaakit sa
mambabasa.
◦Ito ay ang tawag sa una at pangalawang talata ng
balita.
◦ Karaniwan, ang pahayagan ay binabasa nang
madalian kung kaya’t sa simula ng balita ay
nangangailangan ng higit na atensyon mula sa
mambabasa gayundin naman sa manunulat.
7. ◦Ang pamatnubay ay ang mga may pinakamainam na
bahagi, kahit na lathala ay isang panayam, lathalain, o
kritikal na panunuri.
8. Mga Uri ng Pamatnubay batay sa
Layunin
1.Kumbensyonal o Kabuuang Pamatnubay
◦ Kung minsan ito ay tinatawag ding buod ng
pamatnubay.
◦ Karaniwang, ang balita ay gumagamit ng ganitong
pamamaraan na tumatalakay sa natural at tuwirang
paraan.
◦Ito ay ang pinakapangkaraniwang uri ng sumasagot
sa mga tanong na: Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit, at
Paano, (5W and H).
9. ◦Ang balita ay inilalahad sa baligtad na piramide kung saan
ang mga mahahalagang impormasyon ay nasa una at
pangalawang talata.
◦Karaniwang ginagamit ito sa tuwirang balita.
◦Sa pagpapasya kung aling uri ng kombensyonal na
pamatnubay ang itatampok, dapat munang alamin kung aling
anggulong balita ang higit na mahalaga.
◦Kapag parehong matimbang ang Ano at Sino, unang
itatampok ang Sino dahil higit na mahalaga ang tao kaysa sa
mga bagay at pangyayari.
10. ASSAKABAPA
A. Pamatnubay na Ano – pinakamatuwid na
pamatnubay na naghahayag ukol sa balita. Ito ay
kung ang pinakamahalagang anggulo ng balita ay
ang pangyayari.
Halimbawa: Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng
Sorsogon at Masbate na Ikinamatay ng tatlong tao at
ikinasira ng mga gusali at bahay kahapon.
11. B. Pamatnubay na Sino – kung higit na pinakatampok
ang tao o organisasyong kasangkot sa pangyayari.
Halimbawa: Binawi ni Nueva Ecija Rep. Rodolfo
Agbayani ang kaniyang pirma sa impeachment
complaint ng oposisyon.
12. C. Pamatnubay na Saan – kung higit na mahalaga
ang lugar na pinangyarihan kaysa sa gawain o tao na
kasangkot dito.
Halimbawa: Sa Lungsod ng Naga ginanap ang 2009
National Press Conference na dinaluhan ng mga
batang manunulat sa buong bansa.
13. D. Pamatnubay na Kailan– hindi gaanong gamiting
pamatnubay dahil ginagamit lamang ito kung higit na
mahalaga ang petsa kaysa sa iba pang aspeto ng mga
pangyayari.
Halimbawa: Hanggang sa Abril 18 na lamang ang
binigay na palugit ng Bureau of Internal Revenue (BIR)
sa pagbabayad ng buwis ng taunang kita.
14. E. Pamatnubay na Bakit – nagsasaad hinggil sa pinagmulan
o sanhi ng itinatampok na pangyayari.
Halimbawa: sapagkat hindi pinapayagan ng kanyang mga
magulang upang dumalo sa disco party. Isang 14 na taong
gulang na babaeng mag-aaral ang uminom ng tabletang
pampatulog na naging sanhi ng kanyang kamatayan.
Halimbawa: Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga
mamamayan ang mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng
sangguniang Panlunsod ng Quezon sa pamumuno ni Mayor
Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”
15. F. Pamatnubay na Paano – kung ang kaparaanan ng
pangyayari ang pinakamabisang anggulo na dapat
itampok.
Halimbawa: Nagkunwaring naghahanap na papasukan
na trabaho, isang babae ang tumangay ng malaking
halaga ng salapi at alahas sa Baguio.
16. 2. Pamatnubay ng Di- kumbensyonal o Makabagong
pamatnubay (novelty lead) – paraan ng mga
manunulat upang makapukaw ng pansin bagamat di
nagsasaad ng buod ay nagsisilbing panimula lamang.
◦ Ang balitang lathalain ay gumagamit ng pamatnubay
na ito.
◦ Inilalahad dito ang intensyon ng pagpupunyagi ng
manunulat sa pagpapakilala ng kanyang balita sa
paraang na iba.
17. ◦Ginagamitan ng pangganyal na panimula ang akda
upang akitin ang mambabasang basahin ang
kabuuan nito.
◦Karaniwang ginagamit ito sa pagsulat ng Pabalitang
Lathalain.
18. A. Exclamatory lead – ang pamatnubay ay may isa o
higit pang salita na naglalahad ng isang matinding
damdamin.
Halimbawa: Hustisya! Iyan ang panawagan ng mga
mamamayang Pilipino kaugnay sa isyung PDAF Scam
na kinasangkutan ni Janet Lim- Napoles at tatlo pang
senador.
19. B. Quotation lead – Nakalahad ang sipi o sinabi ng
taong ibinabalita.
Halimbawa: “Lahat ng sumusuporta sa aking
administrasyon ay inaanyayahan kong magsuot ng
yello ribbon sa ika- 28 ng Hulyo.”
20. C. Tanong (Question lead) – nakalahad ang isang
katanungan (question)
Halimbawa: Sino ang magiging Bb. Pamantasang
Normal sa darating na kapistahan? Ito ay malalaman
bukas pagkatapos bilangin ang balota.
21. D. Paglalarawan (Descriptive lead) – ang
pamatnubay ay tiyakang naglalarawan.
Halimbawa: Putting – puti ang kasuotan, tangan
tangan ang mga diploma ang 597 na nagsipagtapos
ay masayang nagmartsa pababa ng entablado.
22. E. Pagsasalaysay (Narrative lead) – pangunahing
layunin ng pamatnubay ay maglahad.
Halimbawa: Saksi ang maraming Pilipino sa pagsuko
ng Diktaturang Marcos at pagpapalit ng
Administrasyong Aquino.
23. Mga dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Mabuting Pamatnubay
1. Gumamit ng payak na pangungusap.
2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong
na Ano, Sino, Saan, Kailan, Paano at Bakit sa isang
pangungusap lamang.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di
karaniwang salita sa isang pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at iba
pang katulad nitong gramatikong kayarian.