3. Layunin:
1.Naisasagawa nang mapanuri ang tunay
na kahulugan ng pakikipagkapwa
2.Natatanggap ang sariling pagkakamali
at pagtutuwid nang bukal sa loob
3.Napipili ang mga salitang di
nakakasakit ng damdamin sa
pagbibiro
9. Pag-usapan Natin
1.Isalaysay ang nangyari habang naglalakad
si Carla patungo sa kanyang silid-aralan.
2.Tama ba ang ginawang paghingi ng
paumanhin ng batang nakasagi?
3.Kung ikaw si Carla, ano ang sasabihin mo
sa nakasagi sa iyo?
4.Paano itinuwid ng batang nakasagi ang
kanyang pagkakamali?
5.Sa iyong palagay, ano pa ang ibang paraan
upang maituwid ang nagawang pagkakamali?
11. Alin sa mga sumusunod na salita o pangkat ng mga
salita ang nagpapakita ng paghingi ng paumanhin?
Gumuhit ng bituin sa inyong papel at isulat sa loob
nito ang napiling salita sa ibabang kahon
Bahala na! Sorry!
Hindi ko sinasadya patawad
Buti nga sa’yo excuse me
Wala kang pakialam di ko kasalanan yan
Ikaw kasi pasensya na po
Patawarin mo ako hindi ko na po uulitin
Ikinalulungkot ko hindi kasi tumutingin sa daan
14. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek
(/) ang iyong paniniwalang sagot. Isulat ito sa inyong
kwaderno
Palagi Paminsan
–minsan
Hindi ko
ginagawa
1. Humihingi ako ng tawad sa pagkakamali sa
aking kapwa kahit di dinasadya
2. Inaayos ko agad ang tampuhan naming
magkaibigan
3. Nagpapatawad ako sa taong nagkasala sa
akin
4. Iniiwasan kong makasakit sa aking kapwa
5. Ginagamit ko ang salitang sorry nang bukal
sa aking kalooban