paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
Panayam
1.
2. MGA PANANALITANG GINAGAMIT SA
PAKIKIPAGPANAYAM.
Ang mga pananalitang ito ay
nakakatulong sa maayos na
takbo ng pag-uusap at
pakikipagtalakayan sa pagitan
ng tagapanayam at
kinapapanayam.
3. PARA SIMULAN AT TAPUSIN ANG
PAKIKIPAGPANAYAM:
Maraming salamat sa pagbibigay mo
ng panahon para sa panayam na ito.
Para kumuha ng detalyadong sagot:
• Maari bang sabihin mo ang mga
detalye tungkol.........?
4. Para kumuha ng dagdag na
impormasyon tungkol sa paksang
tinatalakay:
Mayroon pa ba kayong iba pang
pahayag?
Para makakuha ng dagdag na
impormasyon sa bagay na naunang
nabanggit na:
• Balikan ho natin ang....
5. PARA KUMUHA NG OPINYON O
PANANAW:
Ano ho ang inyong masasabi
tungkol sa......?
Ano sa palagay mo ang.....?
Interesado din akong malaman
ang...
6. PARA IPAKITA SA IYONG KINAKAPANAYAM NA
PINAGHANDAAN MO ANG TUNGKOL SA
PAKSANG INYONG TATALAKAYIN PARA
MAKAKUHA KA NG MAAYOS NA SAGOT:
Nabasa ko na......
May bagong pag-aaral na
nagpapakita na.....
7. PARA MAKAKUHA NG TIYAK NA
KASAGUTAN:
Maaari ho bang magbigay
kayo ng halimbawa?
Paano ho ‘yon?
8. PARA KUMUHA NG PAHINTULOT NA
UULITIN ANG SINABI NG INYONG
NAKAPANAYAM TUNGKOL SA MGA
SENSITIBONG BAGAY NA MAIWASAN
ANG PAGKAKAMALI:
Maaari ko bang ulitin ang sinabi
ninyo?
Pwede ko bang irekord ang sinabi
ninyo?
9. A.Sagutan ang mga tanong na
sumusunod. Isulat ang titik ng tamang
sagot
sa patlang.
_____ 1.Nang itanong mo ang “Paano
ho ‘yon?” gusto mong
ang sagot ng iyong kinakapanayam ay...
a. maging tiyak
b. talakayin ang ibang paksa
c. ulitin ang sinabi niya
d. balikan ang naunang paksa
10. _____ 2.“Gawing nakarekord” ay
nangangahulugan na…
a. bigyan mo ng sariling
interpretasyon ang sinabi niya
b. ipaulit mo sa kanya ang sinabi
niya
c. hingan mo ng paliwanag ang
kanyang sagot
d. maaari mong sabihin ang sinabi
11. _____ 3.“Mayroon pa ba kayong
masasabing iba pa tungkol
dito?”... ay magandang tanong kung
gusto mong...
a. balikan ang naunang paksa
b. tapusin ang pakikipanayam
c. humingi ng dagdag na impormasyon
tungkol sa paksa
d. palitan ang paksa
12. _____ 4.Nakukuha mo ang opinyon
ng iyong kinakapanayam sa
pagtatanong ng…
a. Maaari bang lumipat na tayo sa
...?
b. Nabasa ko ang …
c. Ano sa palagay mo ang tungkol
sa …
d. Balikan natin ang …
13. _____ 5.Ano ang sasabihin mo kung
hindi mo napakinggang
mabuti ang sinabi ng iyong
kinakapanayam?
a. Ano sa palagay mo ang ...?
b. Ipagpaumanhin ninyo, maaari bang
ulitin ninyo ang inyong sinabi?
c. Payag ho ba kayong irekord ko ang
sinabi ninyo?
d. Nabasa ko na …
14. _____ 6.Ito ay isang paraan ng
pagpapalitan ng mga idea o
opinyon
ng dalawang tao sa
pamamagitan ng mga tanong at
sagot.
a. pagpupulong
b. pakikipanayam
c. talumpati
15. _____ 7.Ang “Ipagpaumanhinan
mo.” ay ginagamit kung gusto
mong
ang nag-iinterbyu sa iyo ay
a. patawarin ka
b. humihingi ka ng pahinga
c. ulitin ang sinabi niya
d. tumigil sa pagsalita
16. _____ 8.“Ano ang masasabi mo
tungkol sa …” ay tinatanong
upang malaman ng
tagapagpanayam sa iyo ang
a. iyong opinyon
b. importanteng impormasyon
c. kaalaman tungkol sa isang
paksa
d. kahusayan sa isang paraan
17. _____ 9.Kung inaakala mo na ang iyong
kinapanayam ay hindi gustongulitin ang
sinabi niyang sensitibong impormasyon,
ay_______
a. hindi mo ipapaalam sa kanya na sasabihin
mo ito
b. tatanungin mo siya kung payag siyang
itala ang kanyang sinabi
c. hindi mo isasali ang sinabi niya sa iyong
ulat
d. magbigay ka ng sariling interpretasyon sa
sinabi niya
18. _____ 10.Makakukuha ka ng mga
tiyak na sagot kung sasabihin mo sa
kinapanayam mo na
a. Pakiulit po ng inyong sinabi.
b. Ano po ang kahulugan ng inyong
sinabi.
c. Magpapatuloy na po tayo.
d. Maaari po bang magbigay kayo
ng halimbawa?
19. B.Magbigay ng mga angkop na pahayag para
sa mga sitwasyong sumusunod.
1.Gusto mong palitan ang paksa o gustong
mong gawing tiyak ang sagot ng iyong
kinakapanayam.
2.Sisimulan mo ang pakikipanayam.
3.Gusto mong magkaroon ng karagdagang
kaalaman tungkol sa paksang nabanggit
na.
4.Gusto mong ipaalam sa iyong
kinakapanayam na naghanda ka para sa
pakikipanayam.