4. Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok
sa paaralan.Masayang-masaya siya
sapagkat natapos niya ang kaniyang
proyektong parol. Katulong niya ang
kanyang buong pamilya sa paggawa
nito. Habang bitbit niya ang parol ay
nasagi siya ng isang batang
nakikipaghabulan sa kaklase nito,
dahilan upang mapahagis ang bitbit na
parol ni Carla at nasira ito.
5. Halos umiyak na si Carla sapagkat
mahuhuli na siya sa kaniyang klase at
nasira pa angkaniyang proyektong parol.
“Naku,paano na yan, wala na
akong ipapasa kay Ma’am,” himutok ni
Carla.
“Pasensya na, hindi kita napansin
kasi naghahabulan kami,” paumanhin ng
nakasaging bata.
Tutulungan na lamang kitang
mabuo ulit ang parol,” wika ng batang
nakasagi
6. Pumayag naman si Carla at
magkasama silang nagpaliwanag
sa guro kung bakit nasira ang
parol.
Nang araw ding iyon ay
magkatulong na ang dalawang
bata sa pagbuo ng parol ni Carla.
Magkasama nila itong ipinasa sa
guro at naging magkaibigan pa
silang dalawa.
7. Pag-usapan Natin:
1. Isalaysay ang nagyari habang
naglalakad si Carla patungo sa
kaniyang silid-aralan.
2. Tama ba ang ginawang paghingi
ng paumanhin ng batang
nakasagi
3. Kung ikaw si Carla,ano ang
sasabihin mo sa nakasagi sa iyo?
8. 4. Paano itinuwid ng batang
nakasagi ang kaniyang
pagkakamali?Tama ba ang
kaniyang ginawa?
5. Sa iyong palagay,ano pa
ang ibang paraan upang
maituwid ang nagawang
pagkakamali?
10. Sinasabing normal lang sa
isang tao ang magkamali. Subalit
ang pahayag na ito ay hindi natin
dapat abusuhin,nararapat itong
gawing panuntunan upang
maiwasan ang pagkakamali at
makasakit ng damdamin ng ating
11. Panuto: Isulat kung tama o mali ang bawat
pangugusap.
____1.Normal sa isang tao ang magkamali.
____2.Maaari naming maiwasan na magkamali.
____3.Ang paghingi ng pamanhin ay isang
positibong kaugalian.
____4.Kung nagkamali, kinabukasan pa
pwedeng humingi ng tawad.
____5.Isapuso at isabuhay ang natutunan sa
pagkakamali.
13. Gawain 1
Pag-aralan ang tsart. Piliin sa unang
hanay ang isa sa apat na kapuwa na
nagawan mo ng pagkakamali o nasaktan.
Sa ikalang hanay ay isulat mo kung ano
ang pagkakamaling nagaa. Sa ikatlong
hanay naman ay isulat mo kung paano mo
itinuwid ang pagkakamaling nagawa mo.
Gawin ito sa iyong kwaderno
14. Mga Taong
Nasaktan o
nagawan ko ng
pagkakamali
Pagkakamaling
nagawa sa kapuwa
Paraan ng
pagtutuwid sa
naging
pagkakamali
1.Kapamilya
A
B
C
2.Kaibigan
A
B
C
15. Mga Taong
Nasaktan o
nagawan ko ng
pagkakamali
Pagkakamaling
nagawa sa kapuwa
Paraan ng
pagtutuwid sa
naging
pagkakamali
3 Kaklase
A
B
C
4Kalaro
A
B
C
16. Gawin 2
Pangkatang Gawain
1.Bumuo ng apat na pangkat. Pumili ng
lider at taga-ulat
2.Mula sa iyong sagot sa Gawain 1,
pagsamahin ang magkakaparehong
sagot. Isulat ito sa metacard at ilagay sa
paskilan na inihanda ng guro.
17. Sagutin ang mga Tanong:
1. Ayon sa inyong mga sagot sa unang
hanay,sino ang mas madalas na nagagawan
ng pagkakamali?
2. Alin sa mga ito ang pare-parehong
pagkakamali na madalas na nagagawa/
3. Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid
sa pagkakamali na ginawa mula sa mga
sagot ng bawat pangkat? Ipaliwanag.
18. Sagutin ang mga Tanong:
1. Ayon sa inyong mga sagot sa unang
hanay,sino ang mas madalas na nagagawan
ng pagkakamali?
2. Alin sa mga ito ang pare-parehong
pagkakamali na madalas na nagagawa/
3. Sang-ayon ba kayo sa paraan ng pagtutuwid
sa pagkakamali na ginawa mula sa mga
sagot ng bawat pangkat? Ipaliwanag.
20. Alin sa sumusunod na salita o pangkat ng mga
salita ang ginamit ninyo sa mga unang gawain na
nagpapakita ng paghingi ng paumanhin? Gumuhit
ng bituin sa inyong kwaderno at isulat sa loob
nito ang napili mong mga salita
Bahala!
Sorry
Hindi ko sinasadya
Patawad.
Buti nga sa iyo.
Excuse me.
21. Patawarin mo ako.
Wala akong pakialam!
Pasensya ka na.
Ikinalulungkot ko ang nangyari.
Ikaw kasi!
Di ko kasalanan yun!
Pasensya na po.Hindi ko na po
uulitin.
22. 1.Pumili ng isang salita mula sa sinulat
mo sa loob ng bitin at sabihin kug
kailan mo ito huling
ginamit.Ipaliwanag kung bakit mo ito
napili.
2. Sa iyong kwaderno, gumuhit ka ng
puso.Isulat mo sa loob ng puso ang iyong
naramdaman nang ginamit mo ang
katagang ito sa pagtutuwid ng iyong
pagkakamali.
23. Tandaan Natin
Ano ang dapat nating gawin kapag tayo ay
nakagawa ng pagkakamali sa ating kapwa?
Ang paghingi ng paumanhin ay isang
positibong kaugalian na dapat makasanayan ng
isang bata. Dapat ding isapuso at isabuhay ang
mga natutuhan sa pagkakamaling nagawa upang
maiwasang makasakit ng kapuwa at hindi na
maulit pa.
24. Ipaliwanag:
Ang paghingi ng paumanhin ay
isang positibong kaugalian na
dapat makasanayan ng isang
bata. Bakit?
26. Pagnilayan Mo
Alam mo na dapat iwasang makasakit ng
damdamin ng ating kapuwa. Ngayong Buwan ng Wika
ay may paligsahan ang Departamento ng Filipino sa
paggawa ng Greeting Card.
Sorry kaibigan
napagalitan ka ni
mam ng dahil sa
akin. Naiwala ko ang lapis mo
na pinahiram mo sa akin.
27. Bilang pakikiisa sa gawaing
ito,bawat isa ay gagawa ng isang card
ng paumanhin para sa nagawan ng
pagkakamali. Gamitin ang husay mo sa
pagiging malikhain. Isulat sa loob ng
card ang mga nagawa mong pagkakamali
sa kaniya at ang paghingi mo ng tawad
at paumanhin. Ibigay ang ginawa mong
card sa kaniya.Maaari ring mag-email
28.
29. Iulat sa klase kung ano
ang naging reaksyon ng
taong binigyan mo ng card
ng paumanhin.
30. Nakatulong ba ito upang
maituwid mo ang iyong
nagawang pagkakamali? Bukod
sa pagbibigay ng card at sulat,
ano pa sa palagay mo ang
pwedeng gawin upang maituwid
ang pagkakamaling nagawa sa
32. Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng
tsek (/) ang iyong pinaniniwalaan na sagot. Gawin
ito sa iyong sagutang papel:
Palagi Paminsan-
minsan
Hindi ko
Ginagawa
1. Humihingi ako ng tawad
kapag nagkakamali ako
2.Nakagagawa ako ng
pagkakamali sa aking
kapuwa kahit hindi ko
sinasadya.
33. Palagi Paminsan-
minsan
Hindi ko
Ginagawa
3. Nagpapatawad ako sa
taong nagkasala sa akin.
4. Ginagamit ko ang
salitang sorry nang bukal
sa aking kalooban.
5. Inaayos ko agad ang
tampuhan naming
magkaibigan.
34. Palagi Paminsan-
minsan
Hindi ko
Ginagawa
6. Tinatanggap ko ang
aking pagkakamali at
hinaharap ang bunga ng
aking ginawa.
7.Itinutuwid ko ang aking
pagkakamali sa
pamamagitan ng pag-
amin sa aking nagawang
kasalanan.
37. Suriin ang iyong mga sagot at
kompletuhin ang mga pangungusap na
nasa ibaba.
May mga bagay na paminsan-
minsan ko lang ginagawa dahil _______.
Para sa mga bagay na hindi ko pa
nagagawa, ako ay ___________.
Ipagpapatuloy ko ang palagi kong
ginagawa sapagkat ____________.