2. Ang tagpuan ay isang mahalagang sangkap ng
maikling kwento. Ang tagpuan ay sumasagot sa
tanong na kailan at saan naganap ang
pangyayari. Maari itong temporal na
tagpuan(tumutuloy sa panahon). Maaari din
itong pisikal na tagpuan (tumutuloy sa lugar).
Tagpuan
3. Ang kaligiran o milieu ay tumutukoy sa Isang
kapaligiran o lanscape na pinangyarihan ng
kwento.Isiping kaya may ganoong pangyayari sa
mga eksena at nagsasalita nang gayon ang mga
tauhan sa kwento ay dahil sa inaatas at idinidikta
ito ng milieu. Maaa sosyolohikal,politikal,kultural
ang milieu.
Kaligiran
5. Ang pisikal na tagpuan ay sumasagot sa tanong na
Saan. Sa Pilipinas ba o ibang bansa? Saan sa
Pilipinas? Sa urban o rural na lugar? Sa loob ba i sa
labas? Mahalagang malaman ang partikular na
lugar ma tinutukoy,sapagkat ang bawat pook ay
may natatanging anyo, tunog,amoy,at simoy.
Pisikal na Tagpuan
6. Maliit lamang sa simula ang kulumpon ng taong na bakuran
ng munisipyo. Ngunit nang tumaas ang araw,at kumalat na
ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano,ay napuno
na ang bakuran ng bahay-pamahalaan.
Naggigitgitan ang mga tao, nagsisiksikan, nagtutulakan---
bawat isa'y naghahangad makalapit sa istaked.
'Totoo ba,Tata Selo?'
"Binabawi niya ang aking saka akaya tinaga ko siya"
"Tata Selo" ni Rogelio Sicat
7. Sinasagot naman ng temporal na tagpuan ang tanong na KAILAN.
Maaaring pamgkalahatan o tiyak ang panahon. Halimbawa,
pangkalahatan ito kung malawak ang saklaw tulad ng Panahon ng
Espanyol,Pamahon ng Amerikano o Batas Militar. Tiyak naman
kung espesipiko ang panahon o araw katulad ng pag ulan,Mahal na
Araw ,magpapasko ,unang ulan ng Mayo, panahon ng manggang
hinog.
Temporal na Tagpuan
9. Banghay
Ang banghay ay ang maayos na pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari upang magkaroon ng lohikalna daloyang
kwento.Bagamat hindi maitatanggi na maraming maikling
kwento ang halaw sa mga pangyayari sa paligid,malay pa
rin ang manunulat na pumipili at sumasalansan ng mga
pangyayari,isinasaalang alang kung paano ito
magwawakas ,gayundin ang mga tunggalian na bibigyang
pansin.
10. Daloy ng kwento
Paano nga ba sisimulan ang kuwento?
Magsisimula ba sa pagbanggit ng "Noong unang
panahon?" O magsisimula sa pamamaalam ng
mag -asawa? O kaya magsisimula sa balitang
patay na ang bidang tauhan?
11. Freytag Pyramid
Sa pagaaral at pagsusuri ni Gustav Freytag,
napansin niya na may sinusundang banghay o
pormula ang mga isang dulang trahedya. Mula rito,
nabuo niya ang isang diagram,ang Freytag
Pyramid,ma ginagamit din sa banghay ng maikling
kuwento.
12. Freytag Pyramid
Binubuo ang pyramid na mga bahagi :(a)
eksposisyon, (b) papataas na aksiyon o rising action,
(c) kasukdulan o climax, (d) pababa na aksiyon o
falling action, at (e)resolusyon.
13. Linear
Ang linear ay tinatawag ding kronolohikal ma paraan ng
pagsasalaysay. Ibig sabihin,mala timeline ang
pagkakasunod-sunod ng mga nagaganap sa
kuwento.Halimbawa,kung kywentong pag ibig ang
isasalaysay, magsisimula ito sa
pagkakakilala,pagliligawan,pagiging
magkasintahan,hanggang sa pagpapakasal,at pagkakaroon
ng anak.
15. SIRKULAR NA DALOY (CIRCULAR)
Tumutukoy ang sirkular na daloy sa mga
kuwentong may parehong simula at wakas.
Ibig sabihin, kung san nagsimula amg daloy
kuwento,doon din ito matatapos.
Iba pang anyo ng Banghay
16. Ang kwento-sa-loob-ng-kuwento ay
tinatawag ding story-within-a-story.
Ibig sabihin,may maikling kuwento na
nagaganap sa loob ng maikling
kwento
Kuwento-sa -loob-ng-
kuwento(frame story)
17. Paralelo
Tumutukoy sa paralelo o prallelamgbdalawa
o higit pang makakaibang banghay ito na
nagaganap nang magkakasabay. Pinag
uugnay namsn ang mga itong ilang
pangyayari sa loob ng kuwento o ng tema
18. Pumapaloob sa kuwento ang mga
mambabasa sa mga interaktibong banghay.
Nagsisilbing pangunahing tauhan nito ang
mga mambabasa. Ang mga mambabasa na
ang kumokontrol sa daloy ng kuwento.
Interaktibong Banghay
19. Bahagi ng banghay ang paglilinang ng (mga)
tunggalian o kontradisiyonng kuwento. Ito ang
magpapaakit sa mga mambabasa upang
ipagpatuloy ang pagbabasa. Ang kontradisiyon
ay maaaring (a)tao laban sa tao, (b)tao laban sa
sarili, (c) tao laban sa kalikasan.
Tunggalian
20. Nagaganap ang tunggalian ng tao
laban sa tao sa pagitan ng mga
tauhan sa kuwento. Timuturing din ito
bilang panlipunang tunggalian
Tao laban sa Tao
21. Nagaganap ang tunggalian ng tao
laban sa sarili sa kaloob-looban ng
tauhan. Tinatawag din ito bilang
internal o sikolohikal na tunggalian.
Tao laban sa Sarili
22. Nagaganap ang tunggalian ng tao laban
sa kalikasan sa pagitan ng tauhan at
kapaligiran. Tumawag din itong elemental
o pisikal na tunggalian.
Tao laban sa Kalikasan
24. Tema
Tinutukoy ng tema ang sentral na diwa o
kaisipan ng isang akda. Matutukoy ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa naging
daloy ng mga pangyayari at maging
sanugnayan/relasyon ng mga tauhan.
25. Simbolo
Ang Simbolo ang nadaragdag ng lalim sa kuwento.
Sa pamamagitan ng simbolo, hindi na lamang literal
ang pakahulugan sa mga salito,bagay,o kilos na
binabasa; bagkus,nagbibigay ito ng dagdag
kahulugan. Ibig sabihin,ang dating obhetibo ay
nagiging subhetibo o kultural.
26. Motif
Tinutukoy ng motif ang mga bagay,
pangyayari,(at mga kawangis)na parating
nababanggit sa akda. Ito ang paulit ulot na
lumulutang na paksa sa buong akda o
magkakatulad na akda.
27. Sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan,may mga
pagkakataong nakauygnay ang mambabasa at ang akdang
binasa. Damang dama ng mga mambabasa ang mga tagpo
at diyalogo nanpara bang nagaganap ang mga ito sa
kanilang harapan. Ibig sabihin, angkop at epektibo ang tono
ng may akda sa nadarama ng mga mababasa.
Tono at panagano (mood)
28. Tumutukoy ang tono sa nadarama ng
may akda na kaniyang isinalin mg mga
tauhan, paglalarawan ng tagpuan,at
maging sanpag unlad ng
salaysay/banghay na kuwento.