SlideShare a Scribd company logo
1 of 47
Filipino 7
( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao)
Aralin 1.1
Kuwentong-Bayan: Ang Pilosopo(Kuwentong Maranao)
GAWAIN1
KUWENTO PINAGMULAN NG PANGALAN MO?
LAYUNIN
1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng
lugar na pinagmula ng kuwentong-bayan batay sa mga
pangyayari at usapan ng mga tauhan.
2. Nasusuri ang kasalanan at kahinaan ng pag-uugali ng
mga tauhan sa kuwentong-bayan.
3. Nakagagawa ng paghihinuha mula sa mga linya o
pahayag na may kinalaman sa kaugaliang dapat taglayin ng
bawat indibidwal.
GAWAIN 2: Sumulat ng mga
kababalaghan o di-
kapanipaniwala(supernatural) na
naranasan, napakinggan, nabasa o
karanasan ng kakilala.Ilahad ito sa
klase.
Mga Tanong: (pagkatapos maglahad ng
lahat)
1. Mula sa mga impormasyong inilahad ng
bawat isa, ano ang napansin ninyong
pagkakaiba at pagkakapareho ng mga
detalye?
2. Bakit mayroong mga hindi naniniwala sa
mga ganoong pangyayari?
Gawain 3: Pagbibigay kahulugan ng
mga dating kaalaman ukol sa
kuwentong-bayan gamit ang “Concept
Webbing”.
Kuwentong
Bayan
___________________________________
__________________________________
__________________________________
____________________________________
Ang mga kuwentong bayan o poklor ay
mga kuwentong nagmula sa bawat pook na
naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng
kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng
katutubong kulay (local color) tulad ng
pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o
pangyayari na doon lamang nakikita o
nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong
bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
Ang Pilosopo
Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga
Maguindanaon at Maranao
Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D.
Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D.
Pagbasa
Ang Pilosopo
Noong unang panahon, may isang bayan na
ang naninirahan at mga taong sunudsunuran
na lamang dahil sa takot na masuway ang batas
na umiiral sa nasabing bayan.
Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong
si Abed sa mga kabahayan ng kanyang
mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang
mga tauhan ang mga naghihirap upang
mabigyan ng pagkain.
Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw-
araw si Abed upang mamigay ng pagkain
sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at
isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain.
Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni
Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita
niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung
mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin
kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa
kanya.
Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng
dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila
ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga
tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala.
Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para
magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa
susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa
lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal
at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring
sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa
pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay
matatanto niya kung tunay ba na kasama si
Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat,
hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala
ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa
kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki
lang ng kanyang hinlalaking daliri.
Nang mapagod na sila sa walang humpay na
paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang
magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang
matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na
buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na
nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang
bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng
hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng
kanyang tinapay.
Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa
bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato.
Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na
ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging
tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa
pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila
ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang
bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo
ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may
pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang
nakuhang lupa dahil sa hindi niya
kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon
lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang
makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa
kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed
ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay
Subekat na hindi ito sumusunod sa mga
patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay
hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin,
wala siyang magandang kinabukasan.
(F7PU-Ia-b-1 Naisusulat ang mga patunay na
ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o
kaugalian ng lugar na pinagmulan nito )
Pagsulat: Sumulat ng sanaysay na nagpapatunay
na ang Kuwentong Bayan ay salamin ng tradisyon
o kaugalian.
(F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang
panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan )
Oral Recitation:Paglalarawan sa mga kaugalian at tradisyon
ng mga Maranao batay sa mga usapan ng tauhan at
pangyayari sa nabasang kuwentong bayan.Gamiting gabay
ang sumusunod na diyagram.
Kaugalian Tradisyon
Maranao
Karagdagang Gawain: Magsaliksik
ng mga paglalarawan ukol sa
Maranao ayon sa kanilang
paniniwala,tradisyon at kaugalian.
Mula sa sinaliksik ng mga mag-
aaral ukol sa mga
Maranao.Ilarawan ang mga
Maranao.
Kaugalian Tradisyon/kultura
Maranao
Isa-isahin ang mga pangyayari sa binasang
kuwentong-bayan. Gamitin ang Tren ng Pangyayari.
Panonood sa isang halimbawa ng kuwentong
bayan(Si Malakas at Si Maganda)
https://www.youtube.com/watch?v=alVKvYzvINo
(F7PD-Ia-b-1
Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng
tradisyon at akdang pampanitikan batay sa napanood na
kuwentong-bayan)
Gawain: Gumawa ng graphic organizer ukol sa
ugnayan ng Tradisyon at Akdang Pampanitikan ukol sa
napanood na kuwentong bayang Si Malakas at Si
Maganda.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Gawain: Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Maranao
at Ilokano batay sa mga pangyayari sa binasang
kuwentong-bayan. Gumamit ng “Venn Diagram”.
(F7PS-Ia-b-1 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng
lugar na pinagmulan ng alinman sa mga kuwentong-
bayang nabasa, napanood o napakinggan )
Pangkatang Gawain: Gumawa ng isang pagbabalita ukol sa
kuwentong bayang “Ang Pilosopo”, ilahad ang mensahe,
tradisyon,kaugalian,tauhan at iba pang nais ipabatid.
Itanghal sa klase.
(F7PT-Ia-b-1 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat
na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap)
Gawain: Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng
salitang italisado sa loob ng pangungusap.Gayunding ibigay
ang kasingkahulugan nito at gamitin sa pangungusap.
1. Luminga-linga ang magnanakaw kung may
nakakita sa kanya habang may
isang nakatutok lamang sa pagkakamasid sa kanya.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
2. Kung gusto mong matanto ang mga nangyayari sa
paligid, huwag mong hayaang maging mangmang ka.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao sa kabila
ng unti-unti nang pagkawala ng magagandang
kaugalian.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa kapakanan ng
tao na hindi lang para pagbawalan tayo kung hindi
para malayo tayo sa kapahamakan.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong bunsong
kapatid na maiiwan, delikado kung ipagwawalang
bahala mo lang na maiiwan siya.
Kasingkahulugan:
Kasalungat:
Pangungusap:
Sagutin ito sa kuwaderno (indibiduwal).
A. Mga Tanong:
1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano
ang katangian ng mga taong naninirahan dito?
2. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa ibang
mga naninirahan
doon?
3. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan?
4. Bakit isinama ni Abed si Subekat sa kanilang
paglalakbay?
5. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa
kanilang paglalakbay?
6. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni
Subekat sa mga alituntunin?
Ang Pangatnig na Panlinaw
Sa pagpapahayag, mahalaga sa pagbuo ng
kaisipan ay mapag-ugnayugnay ang mga ito. Kung
kaya napakalaki ang ginagampanan ng pangatnig
sakomunikasyong ito.Maraming uri ng pangatnig. Isa
na rito ang pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na
panlinaw ay ginagamit sa pangungusap upang lalong
bigyanglinaw ang mga nasabi na. Ito ay nagpapatibay
ng mga ideya sa pangungusap.
Mga halimbawa:
sa halip sa madaling sabi samakatuwid
kung gayon bagaman lamang
Gawain: Dugtungan ang mga parirala/pangungusap
sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga
pangatnig na panlinaw.
1. Si Subekat ay hindi marunong sumunod sa
tuntunin...(sa madaling sabi)
_______________________.
2. Inatasan sila ni Abed na magdala ng batong
tamang-tama lang sa kanila na buhatin... (sa halip)
_________________________________.
3. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat... (kung
gayon) ______________.
4. Maparaan sana si Subekat (lamang)...
___________________________.
5. Walang mapapahamak kung marunong sumunod,
(samakatuwid)...
________________________.
(F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang
mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay)
Gawain(indibidwal):Bumuo ng sampung
argumento ukol sa tanong na Facebook:
Nakabubuti o nakasasama?Gamitin ang mga
pangatnig panlinaw sa mga argumentong
bubuoin.Ilahad ito sa klase.
Karagdagang Gawain:Magsaliksik ng mga
larawan nagpapakita ng kagandahan ng
Mindanao.
(F7EP-Ia-b-1 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha
ng datos kaugnay ng isang proyektong panturismo )
Pangkatang Gawain: Gamit ang mga nasaliksik na larawan ng
tourist destination sa Mindanao, bumuo ng video
presentation na nag-aanyaya sa mga mamamayan na
puntahan ang nasabing lugar.Ilagay ang mga datos ukol sa mga
larawang nakuha. Kung walang larawang nagawa, gamit ang
inyong mga cellphones, kumuha ng maraming larawan sa
ating paaralan at gumawa ng video presentation na mag-
aanyaya sa mga mamamayan o ibang mag-aaral na puntahan
an gating paaralan.Itanghal ang ginawang video
presentation.Ilahad ang pamamaraan sa pagkuha sa mga
datos ukol sa mga larawang itinanghal.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase
sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula
tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at
nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at
tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
(F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa
mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa )
Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase
sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula
tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at
nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at
tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
Inihanda ni:
RONALD P. DOMINNO
Grade 7 DLL Writer
Head Teacher III (Salcedo NHS)

More Related Content

Similar to Aralin 1.1.pptx

413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
NelizaSalcedo
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
MejayacelOrcales1
 
AMBAGAN-DALUMAT.pptx
AMBAGAN-DALUMAT.pptxAMBAGAN-DALUMAT.pptx
AMBAGAN-DALUMAT.pptx
JeralynJose
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptx
catherinegaspar
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
MarydelTrilles
 

Similar to Aralin 1.1.pptx (20)

TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6TmLHT sa Filipino 6
TmLHT sa Filipino 6
 
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.pptkwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
kwentong bayan-alamat-mito-elemento week 5.ppt
 
FILIPINO WK 1.pptx
FILIPINO WK 1.pptxFILIPINO WK 1.pptx
FILIPINO WK 1.pptx
 
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
413453600-Pagsagot-Ang-Mga-Tanong-Tungkol-Sa-Napakinggang-Kuwento.pdf
 
Classroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptxClassroom Observation_2023.pptx
Classroom Observation_2023.pptx
 
aralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptxaralin 3.2 mito.pptx
aralin 3.2 mito.pptx
 
Alamat ng bohol
Alamat ng boholAlamat ng bohol
Alamat ng bohol
 
1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx1 FINAL.pptx
1 FINAL.pptx
 
Palabuuan ng Pangungusap
Palabuuan  ng Pangungusap Palabuuan  ng Pangungusap
Palabuuan ng Pangungusap
 
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdfFilipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
Filipino 10_Q3_Modyul 4_ver1.pdf
 
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxq2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
q2w2fil5.pptxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
 
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptxkuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
kuwentong-bayan Munting Ibon.pptx
 
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptxFil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
Fil8-QUARTER 1 Week 1- KARUNUNGANG-BAYAN.pptx
 
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong BayanUnang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
Unang Markahan: Halimbawa ng isang Kuwentong Bayan
 
AMBAGAN-DALUMAT.pptx
AMBAGAN-DALUMAT.pptxAMBAGAN-DALUMAT.pptx
AMBAGAN-DALUMAT.pptx
 
filipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptxfilipino lesson third Quarter third week.pptx
filipino lesson third Quarter third week.pptx
 
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
FILIPINO 5 PPT Q3 W3 Day 1-5 – Alamat, Paglalarawan ng Tauhan, Pang-abay, Sal...
 
Output sa Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon SEMINAR ng City Schools Divisio...
Output sa Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon SEMINAR ng City Schools Divisio...Output sa Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon SEMINAR ng City Schools Divisio...
Output sa Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon SEMINAR ng City Schools Divisio...
 
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptxESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
ESP 4 PPT Q3 - Aralin 2 Kultura Ko, Ipinagmamalaki Kong Tunay.pptx
 
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptxAralin_3.7.ppt paglisan.pptx
Aralin_3.7.ppt paglisan.pptx
 

Recently uploaded

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
vh27pvs4b5
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
diannesofocado8
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Paul649054
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
KathlyneJhayne
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
DonnaMaeSuplagio
 

Recently uploaded (20)

AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptxAP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
AP 1 Q3 WEEK 8 Brigada Eskwela sa aming Paaralan.pptx
 
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptxANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
ANG KONSEPTO NG SEKSUWALIDAD AT KASARIAN.pptx
 
Communication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptxCommunication Barriers Presentation.pptx
Communication Barriers Presentation.pptx
 
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ededukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
edukasyon sa pagpapakatao grade 10 values ed
 
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdfKabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
Kabanata-39-Ang-Wakas_20240506_212125_0000.pdf
 
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptxCor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
Cor8-4th-Quarter-Semi-Final-Examination-2023.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
ARALING PANLIPUNAN WEEK 6-7 QUARTER 1 MODULE 1
 
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
MGA DAYNAMIKS NA CRESENDO AT DECRESENDO- WEEK 2- QUARTER 4-
 
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling PanlipunanFourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
Fourth Quarter - Grade Nine Lesson 3 Pambansang Kaunlaran - Araling Panlipunan
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG PAGPAPATULOYP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at BionotePagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
Pagbuo o Paggawa ng Portfolio at Bionote
 
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN FR GRADE 4
 
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
669416825-Epekto-Ng-Kolonyalismo-Sa-Timog-Silangang-Asya-at-Silangang-Asya (1...
 
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptxAP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
AP-4-Q3-hsjsnsjsnsjakansusjsisujwW8.pptx
 
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptxKulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
Kulay Lilang Mga Bahagi ng Pananalita Presentasyon.pptx
 
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. pptLumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
Lumalawak na pagkamamamayang Pilipino. ppt
 
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdfARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
ARALING PANLIPUNAN MODULE 5 Q4-Q4-M5.pdf
 
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdfEdukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
Edukasyon sa pagpapakataosP 5-Q4-Module 8.pdf
 
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdfPOLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
POLKA SA NAYON MGA HAKBANG SAYAW ATING ALAMINP.E 5-WK2-Q4.pdf
 
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptxFATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
FATIMA - History of the Apparitions - memoirs of Sister Lucia (Filippino).pptx
 

Aralin 1.1.pptx

  • 1. Filipino 7 ( Mga Akdang Pampanitikan: Salamin ng Mindanao) Aralin 1.1 Kuwentong-Bayan: Ang Pilosopo(Kuwentong Maranao)
  • 3.
  • 4. LAYUNIN 1. Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmula ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan. 2. Nasusuri ang kasalanan at kahinaan ng pag-uugali ng mga tauhan sa kuwentong-bayan. 3. Nakagagawa ng paghihinuha mula sa mga linya o pahayag na may kinalaman sa kaugaliang dapat taglayin ng bawat indibidwal.
  • 5. GAWAIN 2: Sumulat ng mga kababalaghan o di- kapanipaniwala(supernatural) na naranasan, napakinggan, nabasa o karanasan ng kakilala.Ilahad ito sa klase.
  • 6. Mga Tanong: (pagkatapos maglahad ng lahat) 1. Mula sa mga impormasyong inilahad ng bawat isa, ano ang napansin ninyong pagkakaiba at pagkakapareho ng mga detalye? 2. Bakit mayroong mga hindi naniniwala sa mga ganoong pangyayari?
  • 7. Gawain 3: Pagbibigay kahulugan ng mga dating kaalaman ukol sa kuwentong-bayan gamit ang “Concept Webbing”.
  • 9. Ang mga kuwentong bayan o poklor ay mga kuwentong nagmula sa bawat pook na naglalahad ng katangi-tanging salaysay ng kanilang lugar. Kadalasang ito ay nagpapakita ng katutubong kulay (local color) tulad ng pagbabanggit ng mga bagay, lugar, hayop, o pangyayari na doon lamang nakikita o nangyayari. Masasalamin sa mga kuwentong bayan ang kultura ng bayan na pinagmulan nito.
  • 10. Ang Pilosopo Sipi mula sa Mga Piling Kuwentong Bayan ng Mga Maguindanaon at Maranao Nina Nerissa Lozarito-Hufana, Ph.D. Claribel Diaz-Bartolome, Ph.D. Pagbasa
  • 11. Ang Pilosopo Noong unang panahon, may isang bayan na ang naninirahan at mga taong sunudsunuran na lamang dahil sa takot na masuway ang batas na umiiral sa nasabing bayan. Isang araw, namamasyal ang kanilang pinunong si Abed sa mga kabahayan ng kanyang mga tauhan upang tiyakin kung sino sa kanyang mga tauhan ang mga naghihirap upang mabigyan ng pagkain.
  • 12. Nang mapansin ni Subekat na lumilibot araw- araw si Abed upang mamigay ng pagkain sa mga naghihirap ay kaagad kumuha ng bato at isinalang sa kalan para mabigyan ng pagkain. Nang marating ni Abed ang kubo, binati siya ni Subekat. Luminga-linga si Abed at nakita niya ang kaldero na may nilagang bato. Nung mapansin niya, sinabi ni Subekat na kunin kinaumagahan ang kanyang parte dahil may inilaan sa kanya.
  • 13. Isang araw nagtipon ang mga tao upang magdasal ng dhubor (pantanghaling pagdarasal). Nang makatapos sila ay nagtanong si Abed kung sino ang wala sa kanyang mga tauhan. May nakapagsabi na si Subekat ang wala. Samantala, ipinaalam ni Abed sa mga tao na aalis sila para magsuri ng lupa dahil kakaunti na lamang ang lupa para sa susunod na henerasyon. Nang papaalis na sila, saka pa lamang dumating si Subekat na hindi sumali sa pagdarasal at sinabing sasama siya. Sinabi ni Abed na maaaring sumama si Subekat kahit na hindi niya siya nakita sa pagdarasal ngunit sa pag-alis nilang ito ay
  • 14. matatanto niya kung tunay ba na kasama si Subekat o hindi. Bago umalis ang pangkat, hinabilin ni Abed sa bawat isa na magdala ng bato na tamang-tama lang ang bigat sa kanila. Nagdala si Subekat ng batong sinlaki lang ng kanyang hinlalaking daliri.
  • 15. Nang mapagod na sila sa walang humpay na paglalakbay, nagpahinga sila at naghugas upang magdasal. Hindi pa rin sumali si Subekat. Nang matapos ang pagdarasal, ipinag-utos ni Abed na buksan ang kanilang baon. Nang mabuksan na nila, naging tinapay ang lahat ng dala nilang bato. Si Subekat na ang dala ay sinlaki lamang ng hinlalaki ay nagutom dahil sa liit ng kanyang tinapay.
  • 16. Nang paalis na naman sila, sinabi uli ni Abed sa bawat isa na magdala ng maliit lamang na bato. Sumunod lahat ang mga tao maliban kay Subekat na ang dinalang bato ay ang pinakamalaki dahil magiging tinapay raw ito. Nang dumating na sila sa pupuntahan nila, sinabi ni Abed na bawat isa sa kanila ay ihagis sa abot ng kanilang makakaya ang kanilang bato dahil ito na rin ang lawak ng lupang matatamo ng bawat isa. Samantalang, si Subekat na may pinakamalaking bato ay sinlaki lamang ng bilao ang nakuhang lupa dahil sa hindi niya
  • 17. kayang ihagis ang kanyang dalang bato. Doon lamang sa nahulugan ng bato ang kanyang makukuhang lupa. Nalungkot si Subekat sa kanyang makukuhang lupa. Nang makita ni Abed ang liit ng kanyang nakuhang lupa sinabi niya kay Subekat na hindi ito sumusunod sa mga patakaran. Sinabi pa sa kanya na dahil siya ay hindi marunong sumunod sa mga alintuntunin, wala siyang magandang kinabukasan.
  • 18. (F7PU-Ia-b-1 Naisusulat ang mga patunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito ) Pagsulat: Sumulat ng sanaysay na nagpapatunay na ang Kuwentong Bayan ay salamin ng tradisyon o kaugalian.
  • 19. (F7PN-Ia-b-1 Nahihinuha ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan ) Oral Recitation:Paglalarawan sa mga kaugalian at tradisyon ng mga Maranao batay sa mga usapan ng tauhan at pangyayari sa nabasang kuwentong bayan.Gamiting gabay ang sumusunod na diyagram.
  • 21. Karagdagang Gawain: Magsaliksik ng mga paglalarawan ukol sa Maranao ayon sa kanilang paniniwala,tradisyon at kaugalian.
  • 22. Mula sa sinaliksik ng mga mag- aaral ukol sa mga Maranao.Ilarawan ang mga Maranao.
  • 24. Isa-isahin ang mga pangyayari sa binasang kuwentong-bayan. Gamitin ang Tren ng Pangyayari.
  • 25. Panonood sa isang halimbawa ng kuwentong bayan(Si Malakas at Si Maganda) https://www.youtube.com/watch?v=alVKvYzvINo
  • 26. (F7PD-Ia-b-1 Nasusuri gamit ang graphic organizer ang ugnayan ng tradisyon at akdang pampanitikan batay sa napanood na kuwentong-bayan) Gawain: Gumawa ng graphic organizer ukol sa ugnayan ng Tradisyon at Akdang Pampanitikan ukol sa napanood na kuwentong bayang Si Malakas at Si Maganda.
  • 27. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Gawain: Pagkakatulad at Pagkakaiba ng mga Maranao at Ilokano batay sa mga pangyayari sa binasang kuwentong-bayan. Gumamit ng “Venn Diagram”.
  • 28.
  • 29. (F7PS-Ia-b-1 Naibabalita ang kasalukuyang kalagayan ng lugar na pinagmulan ng alinman sa mga kuwentong- bayang nabasa, napanood o napakinggan ) Pangkatang Gawain: Gumawa ng isang pagbabalita ukol sa kuwentong bayang “Ang Pilosopo”, ilahad ang mensahe, tradisyon,kaugalian,tauhan at iba pang nais ipabatid. Itanghal sa klase.
  • 30. (F7PT-Ia-b-1 Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap) Gawain: Salungguhitan ang kasalungat na kahulugan ng salitang italisado sa loob ng pangungusap.Gayunding ibigay ang kasingkahulugan nito at gamitin sa pangungusap. 1. Luminga-linga ang magnanakaw kung may nakakita sa kanya habang may isang nakatutok lamang sa pagkakamasid sa kanya. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 31. 2. Kung gusto mong matanto ang mga nangyayari sa paligid, huwag mong hayaang maging mangmang ka. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 32. 3. Umiiral pa rin ang kabutihan sa bawat tao sa kabila ng unti-unti nang pagkawala ng magagandang kaugalian. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 33. 4. Bawat alituntunin ay ginawa para sa kapakanan ng tao na hindi lang para pagbawalan tayo kung hindi para malayo tayo sa kapahamakan. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 34. 5. Ihabilin mo ang mga dapat gawin sa iyong bunsong kapatid na maiiwan, delikado kung ipagwawalang bahala mo lang na maiiwan siya. Kasingkahulugan: Kasalungat: Pangungusap:
  • 35. Sagutin ito sa kuwaderno (indibiduwal). A. Mga Tanong: 1. Ilarawan ang tagpuan o bayan ng kuwento. Ano ang katangian ng mga taong naninirahan dito? 2. Sino si Subekat? Ano ang pinagkaiba niya sa ibang mga naninirahan doon?
  • 36. 3. Ano ang suliraning kinaharap ng bayan? 4. Bakit isinama ni Abed si Subekat sa kanilang paglalakbay? 5. Ano-ano ang tuntuning sinabi ni Abed sa kanila sa kanilang paglalakbay? 6. Ano ang kinahantungan ng hindi pagsunod ni Subekat sa mga alituntunin?
  • 37. Ang Pangatnig na Panlinaw Sa pagpapahayag, mahalaga sa pagbuo ng kaisipan ay mapag-ugnayugnay ang mga ito. Kung kaya napakalaki ang ginagampanan ng pangatnig sakomunikasyong ito.Maraming uri ng pangatnig. Isa na rito ang pangatnig na panlinaw. Ang pangatnig na panlinaw ay ginagamit sa pangungusap upang lalong bigyanglinaw ang mga nasabi na. Ito ay nagpapatibay ng mga ideya sa pangungusap.
  • 38. Mga halimbawa: sa halip sa madaling sabi samakatuwid kung gayon bagaman lamang
  • 39. Gawain: Dugtungan ang mga parirala/pangungusap sa ibaba sa pamamagitan ng paggamit ng mga pangatnig na panlinaw. 1. Si Subekat ay hindi marunong sumunod sa tuntunin...(sa madaling sabi) _______________________.
  • 40. 2. Inatasan sila ni Abed na magdala ng batong tamang-tama lang sa kanila na buhatin... (sa halip) _________________________________. 3. Ang batas ay para sa ikabubuti ng lahat... (kung gayon) ______________.
  • 41. 4. Maparaan sana si Subekat (lamang)... ___________________________. 5. Walang mapapahamak kung marunong sumunod, (samakatuwid)... ________________________.
  • 42. (F7WG-Ia-b-1 Nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay) Gawain(indibidwal):Bumuo ng sampung argumento ukol sa tanong na Facebook: Nakabubuti o nakasasama?Gamitin ang mga pangatnig panlinaw sa mga argumentong bubuoin.Ilahad ito sa klase.
  • 43. Karagdagang Gawain:Magsaliksik ng mga larawan nagpapakita ng kagandahan ng Mindanao.
  • 44. (F7EP-Ia-b-1 Nailalahad ang mga hakbang na ginawa sa pagkuha ng datos kaugnay ng isang proyektong panturismo ) Pangkatang Gawain: Gamit ang mga nasaliksik na larawan ng tourist destination sa Mindanao, bumuo ng video presentation na nag-aanyaya sa mga mamamayan na puntahan ang nasabing lugar.Ilagay ang mga datos ukol sa mga larawang nakuha. Kung walang larawang nagawa, gamit ang inyong mga cellphones, kumuha ng maraming larawan sa ating paaralan at gumawa ng video presentation na mag- aanyaya sa mga mamamayan o ibang mag-aaral na puntahan an gating paaralan.Itanghal ang ginawang video presentation.Ilahad ang pamamaraan sa pagkuha sa mga datos ukol sa mga larawang itinanghal.
  • 45. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
  • 46. (F7PB-Ia-b-1 Naiuugnay ang mga pangyayari sa binasa sa mga kaganapan sa iba pang lugar ng bansa ) Pangkatang Gawain: Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Bumuo ng isang pagsasadula tungkol sa isang Ilokano na pumunta sa Mindanao at nagkaroon ng pagkagulat sa mga kaugalian at tradisyon(culture shock) ng mga taga-Mindanao.
  • 47. Inihanda ni: RONALD P. DOMINNO Grade 7 DLL Writer Head Teacher III (Salcedo NHS)