4. Panuto: Lagyan ng kung ang
patlang kung nagawa nang wasto
ang mga gawain at kung di
nagawa nang wasto ang mga
gawain.
5. 1. Nasasagot ko ang mga tanong
tungkol sa napakinggang
kuwento.
2. Nabibigyang kahulugan ko ang
mga salitang hiram.
3. Napagsunod-sunod ko ang
pangyayari sa kuwento sa tulong
ng nakalarawang balangkas.
6. 4. Natutuhan ko ang paggamit ng
pangkalahatang sanggunian.
5. Nagagamit ko ang pangngalan
sa pakikipag-usap sa iba’t ibang
sitwasyon.
7. Vocabulary Knowledge Scale
Sa bawat salitang ipapakita ng guro
na nakasulat sa bituin, isusulat nila
sa papel ang bilang kung 5-1 kung
saan nag-uugnay ang kanilang
nararamdaman o naiisip.
8. 5 - alam ko ang salita/parirala at kaya
kong gamitin sa pangungusap
4 - alam ko ang salita/parirala at
maibibigay ko ang kahulugan
3 - nakita ko na dati itong
salita/parirala. Sa palagay ko
maibibigay ko ang kahulugan.
2 - Nakita ko na dati ang salita/parirala
ngunit di ko alam ang kahulugan.
1 - hindi ko pa nakikita ang
salita/parirala.
14. 1. Hindi nila malaman kung ano ang
bagay na iyon, kaya hinabol nila si
Boking na dagling nakapagtago sa
isang bato.
2. Hindi nalaunan ay natauhan na ang
babae at nagpakilalang anak ng isang
hari na naligaw sa kagubatan.
3. Itinago nila ang kanilang anak sa
kabundukan upang malayo sa
kabihasnan.
15. Pagganyak
Ano ang pakiramdam kapag ang
lola ninyo o nanay ninyo ay
kinukuwentuhan kayo? Gusto ninyo
bang makarinig ng kuwento?
18. Maliit man sa tingin, may
nagagawa rin.
Taga-Romblon sina Lola Rosin
gang ina ni Mama. Tuwing bakasyon
ay umuuwi kami. Gustong-gusto kong
makinig sa mga kuwento ni Lola. Isa
sa kuwento niya ang tungkol kay
Boking.
19. Noong hindi pa marami ang tao
sa Romblon may mag-asawang
Pedro at Tekla. Nagkaanak sila ng
isang napakaliit na sanggol na
hindi masabi kung ito’y tao o isang
bagay na parang walang buhay.
20. Ang anak nilang ito ay tinawag
na Boking. Simula nang isilang si
Boking ikinahiya na ito ng kanyang
mga magulang dahil sa kalagayan
niya. Itinago nila ang kanilang
anak sa kabundukan upang
malayo sa kabihasnan.
21. Lumipas ang maraming taon,
hindi pa rin lumalaki si Boking.
Matanda na ang kanyang mga
magulang at mahina na. Napilitan
si Boking na maghanap ng
pagkain. Isang araw, naghanap
siya ng masasakyan.
22. Nakita niya si kalabaw at dali-
daling sumakay dito. Dahil sa
nabigla ang hayop sa pagkasakay
ni Boking, biglang tumakbo ito
hanggang marating ang kabilang
nayon. Pinigil ito ng mga tao
hanggang may nakita siyang
bumaba rito.
23. Hindi nila malaman kung ano
ang bagay na iyon, hinabol nila si
Boking na dagling nakapagtago sa
isang bato. Hindi nila nahuli si
Boking kaya iniwan na nila ito.
24. Nagpatuloy si Boking sa paghahanap
ng makakain. Sa isang dako ay may
nakita siyang isang babaeng
nakahandusay sa lupa. Marami itong
galos sa katawan. Pinilit niyang dalhin ito
sa isang punongkahoy upang gamutin.
Hindi nalaunan ay natauhan na ang babae
at nagpakilalang anak ng isang hari na
naligaw sa kagubatan
25. Nabigla naman si Boking ay hindi
ito nagpahalata siya sa Prinsesa.
Bilang pasasalamat ay binigyan ng
prinsesa si Boking ng isang panyo na
may anting-anting. Nabigla si Boking
nang biglang naglaho ang prinsesa.
26. Nang umuwi si Boking, nagulat
siya ng matagpuan doon ang
napakaraming pagkain. Isang araw,
nagpapahinga si Boking ng tawagin
siya ng mga magulang. May
naghahanap daw sa kanyang
dalawang kawal at ipinatatawag daw
siya sa palasyo.
27. Nang dumating siya sa kaharian
sinabi sa kanya na siya ang napili ng
mahal na prinsesa na maging kabiyak
niya. Ito’y dahil sa kanyang ginawang
tulong sa kagubatan. Simula noon ay
tumira na si Boking at ang kanyang
mga magulang sa palasyo.
35. ■Masasagot ang mga tanong sa
kuwentong napakinggan kung
makikinig nang mabuti sa nagbabasa.
■Uunawaing mabuti ang kuwentong
pinakikinggan.
■Madaling matandaan ang daloy ng
kuwento upang masagot nang tama
ang mga tanong.
36. Gawin Natin 1
Panuto: Pakinggang mabuti at
unawain ang kuwentong babasahin
ng inyong kaklase. Basahin nang
malakas ang katanungan na
ibibigay sa inyo at sagutin ninyo ang
tanong.
38. Nakikikalaykay ang sisiw na si
Susie sa lupang nilalakaran nilang
mag-iina. Tinutuka niya ang mga
nagkalat na bigas sa kapatagan at
naghahanap pa ng ibang makakain.
Taking-taka ang sisiw sa kanyang
nakikita sa lupa.
39. “Nanay, paano bibilangin ang
lupa?” nagtatakang tanong ni Susie.
“Anak, hindi maaaring biulangin ang
lupa,” sagot ng ina.
“Pero ang mga uod po, nabibilang.
Heto, isang uod, dalawang uod, ayun
ang ikatlong uod,” taking-takang
sinambit ni Susie.
40. “Halika anak, dakutin mo ang lupa,”
banggit ng ina.
Dinakot ni Susie ang lupa at nakita
kung gaano kaliit ang mga ito. Nang
biglang humangin, nawala ang dinakot
na lupa sa kamay.
41. “Halika anak, dakutin mo ang lupa,”
banggit ng ina.
Dinakot ni Susie ang lupa at nakita kung
gaano kaliit ang mga ito. Nang biglang
humangin, nawala ang dinakot na lupa sa
kamay.
“Nanay, nawala ang lupang dinakot ko.
Siguro’y maliit ang mga ito”, wika ng
sisiw.
42. “Oo anak. Sa sobrang liit mahirap
bilangin ang mga yan. Kagaya rin iyan ng
ating balahibo, ng bigas na tinutuka natin.
Ang pawis na lumalabas sa ulo natin
kapag napapagod, luha kapag umiiyak,
ang asin na ginagawa ng mga hayop sa
tabing-dagat, pati ang tubig, kape’t
softdrinks ay hindi nabibilang,” turo ng
inahin.
43. Isang umaga nagpaalam si Susie sa
kanyang ina na pupunta sa silid-
aklatan ni Tiyagong Kuwago.
Binabagtas niya ang daan papunta sa
silid-aklatan nang mapag-aliwan
niyang tukuyin ang mga nakikita sa
paligid.
44. Una niyang nakita ang lupa. “Ahhh, hindi
ka nabibilang. Pati ang paborito kong
mais at munggo, hirap kaming bilangin
kayo.”
Dumaan siya sa pamamagitan ng puno
ng kapok. “Matayog na puno, nabibilang
ka ba? Oo, nabibilang ka!” Maya-maya’y
humangin at nagsipaglaglagan ang mga
bulak.
45. “Hindi ko mabibilang ang hibla ng
kapok. Pati ang haring hangin, hindi
mabibilang,” nayayamot na banggit ni
Susie sa sarili
46. Nang malapit na siya sa silid-aklatan ni
Tiyagong Kuwago, nakakita siya ng mga
musang na kumakain ng kape. “Kaya kong
bilangin ang butil ng kapeng inyong
kinakain, mga kaibigang musang. Pero
kapag nadurog na ang mga ito, aba, hindi
ko na kayang bilangin pa!” Natawa lang
ang mga musang sa pagkakausisa ni
Susie.
47. Nang makarating na si Susie sa silid-
aklatan, hinihingal na siya.
“Susie, magandang umaga, hinihingal
ka na. Mabuting magpahinga ka
muna. Uminom ka muna ng tubig,”
sabay abot ni Tiyagong Kuwago ng
isang basong tubig.
48. “Maraming salamat po, Ginoong
Tiyagong Kuwago,” sabay lagot ni
Susie sa tubig. Nang mahabol na ni
Susie ang hininga, binanggit niya kay
Tiyago, “Alam po ba ninyo, Ginoong
Tiyagong Kuwago, hindi puwedeng
bilangin ang lupa, pati ang paborito
kong munggo’t mais, ang hangin, “
pagmamayabang ni Susie.
49. “Napakatalino mo talagang inakay,
Susie. Alam kong nais mo na naman
magbasa. Halika’t pumanhik ka na sa
silid-aklatan,” wika ni Tiyagong
Kuwago.
53. Sa inyong palagay, bakit
pinayagan si Susie ng kanyang
ina na pumunta mag-isa sa
silidaklatan ni Tiyagong
Kuwago?
54. Bakit kaya pumunta si Susie
sa silidaklatan ni Tiyagong
Kuwago? Sa inyong palagay,
ano ang gagawin ni Susie sa
loob ng silid-aklatan?
55. Gawin Natin 2
Pangkatang sa apat ang klase. Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng manila paper at
pentel pen. Ngayon naman ang guro ay
gagamit ng voice recorder. Panuto:
Makinig muli sa kuwento na
mapapakinggan ninyo sa voice recorder.
Gumawa ng limang (5) tanong mula sa
kuwento. Isulat ang mga tanong sa
inyong manila paper.
57. Bata pa ay may kapilyuhan na ang batang
si Bien. Madali siyang umisip ng paraan
upang huwag makagalitan. Isang araw ay
inutusan siya ng ina na bumili ng paso.
“Bien, ibili mo nga ako ng dalawang paso.
Nabasag ang pasong pinagtatamnan ko ng
rosas. Eto ang pera at dalian mo sana,”
ang utos ng ina kay Bien.
59. May kalayuan din ang bahay nila sa
bayan. Nagdudumali siyang
makarating sa palengke. Nakabili
naman agad ng paso si Bien.
Napansin niyang maaga pa, kaya
marahan lamang ang paglalakad niya.
Nanood muna siya ng mga nakapaskil
na larawan sa isang sinehan.
60. Itinabi niya sa isang sulok ang mga
pasong dala niya. Paglabas ng mga
tao sa sinehan ay nagkagulo na sa
labasan. Lahat ng tao ay kamot nang
kamot. Dahil sa siksikan sa labasan,
natapakan ang mga paso ni Bien at
nabasag.
61. Malungkot na pinulot ni Bien ang
nagdurog-durog na paso. Alam niyang
pagagalitan siya ng ina. Mabilis na
nag-isip siya ng paraan upang
makalusot sa problema. Maya-maya
pa’y napasuntok siya sa tuwa.
62. Kinuha niya ang mga basag na paso
at umalis. Dinikdik niya nang pinong-
pino ang mga basag na paso. Hindi
naglaon at bumalik siya sa palengke.
May panibagong tinda siya.
64. Agad naglapitan ang mga taong galing
sa sinehan at inusyoso ang mga ballot
sa papel na tinda ni Bien. “Bili, bili kayo!
Baratilyo! Baratilyo! Piso-piso lang!
Garantisadong maaalis angh kati!”
Naubos ang tinda ni Bien at marami
siyang pinagbilhan. Nakabili pa siya ng
tatlong paso. Taking-taka ang ina niya
ngunit hindi na lamang umimik.
65. Nang sumunod na araw, nagbalik sa
kabayanan si Bien. Nakita siya ng
mga tao at hinabol siya. Galit na galit
ang mga tao kay Bien.
66. Gawin Ninyo 1
Pangkatin sa apat ang klase. Sabihin:
Maglaro Tayo. Makinig sa kuwento ng
guro. Bawat pangkat ay bibigyan ng
guro ng envelop. Sa loob ng envelop
ay may mga metacards. Unahang
pagtambalin ang tanong at sagot idikit
ito sa pisara.
67. Panuto: Pagtambalin ang tanong sa
tamang sagot. Unahan makatapos,
pag natapos na isigaw ang kanilang
Yell.
69. Hindi magiging problema ang
pagbagsak ng piso kung magiging
matiyaga sa paghahanapbuhay, tulad
ng pag-aalaga ng pugo.
70. Pangkaraniwang empleyado lamang
si Melanio Mendoza, tubong Pateros
na lalong kilala sa tawag na Mang
Melan. Nasa bahay lamang ang
kanyang asawa. Walo ang kaniyang
anak. Sasapat ba sa pamilya ang
buwanang sahod niyang sampung
libo, walong daang piso?
71. “Tumaas na ang halaga ng mga bilihin
at itataas na rin ng ating kasera ang
upa natin sa bahay sa susunod na
buwan. Paano na ang dalawang anak
natin na nag-aaral sa kolehiyo?” ang
sabi ni Aling Tricia, ang asawa ni
Mang Melan.
72. “Kailangang maragdagan ang kita ko.
Kawawa naman kung mahihinto ng
pag-aaral ang dalawang bata. Pero
paano? ang tanong ni Mang Melan.
73. Halos mag-uumaga na nang makatulog
si Mang Melan. Pinag-isipan niya kung
paano madaragdagan ang kaniyang
kita. Saka niya naalaala ang minsang
sinabi sa kaniya ng kaniyang
kababatang si Mang Juaquin: Malaking
pera ang kapalit ng pag-aalaga ng mga
pugo.
75. “Nagsimula akong mag-alaga ng mga
pugo dahil nakatuwaan ko lang. bumili
muna ako ng sampu na naging libangan
ng aking mga anak. Naragdagan ng
sampu ang aking mga pugo hanggang
sad umami at maging isang daan.
Dalawang daan na ang mga pugo ko
ngayon. Pinakikinabangan ko lahat,” ang
sabi ni Mang Juaquin.
76. “Ano ba ang kinakain ng mga pugo mo?”
ang tanong ni Mang Melan.
“Chick booster at broiler ang kinakain ng
mga sisiw at starter naman ang kinakain
ng malalaking pugo,” ang sagot ni Mang
Juaquin. “Kailangang may sapat na
bitamina ang mga pugo upang mailigtas
sa anumang peste.”
78. “Isang beses sa isang araw mangitlog
ang mga pugo. Masarap at
malinamnam ang lasa ng itlog ng pugo
ngunit malakas sa kolesterol. Tumatagal
ito nang mahigit sa isang linggo lalo’t
kung nasa palamigan.
79. Walang pagkalugi rito dahil kapag hindi
na nangingitlog ang pugo ay ipinagbibili
ko para katayin at lutuin,” ang sagot ni
Mang Juaquin. “Limang minuto lamang
kung lutuin ang pugo.
80. “Magkano ba ang halaga ng isang
pugo?” ang tanong ni Mang Melan.
“Walong piso lang ang isang sisiw ng
pugo samantalang singkuwenta naman
ang halaga ng ng itlog,” ang sagot ni
Mang Juaquin. “Habang nagtatrabaho
ka mag-alaga ka ng pugo. Nakalilibang
na ay kikita ka pa.”
81. Kinabukasan, nagsimulang mag-alaga
ng pugo si Mang Melan. Iyon ang
simula ng pagunlad ng buhay ng
kaniyang pamilya.
“Salamat kay Juaquin. Salamat sa
pugo,” ang sabi ni Mang Melan.
82. Gawin Ninyo 2
Panuto: Makinig nang mabuti sa
kuwento ng guro. Pagkatapos
magbasa ng guro, ipapasa ng guro ang
kahon. Sa kahon mayroon mga tanong
bubunutin, basahin ang tanong at
sagutin ito. Kapag huminto ang tugtog
sa inyo ikaw ang babasa at sasagot sa
tanong na nabunot mo.
84. Alam kong batid mo na ang kwento ng
pagong at matsing na nakapulot ng
punong saging. Natapos ang kwento
nang itapon ng hangal na matsing ang
pagong sa ilog. Hindi ba't malaking
kahangalan iyon? Pero hindi doon
natapos ang kwento. Ganito iyon.
85. Matagal-tagal ding hindi umahon ang
pagong. Natatakot kasi siyang muling
magkita sila ni matsing. Nang inaakala
niyang matagal nang panahon ang
lumipas, naglakas-loob siyang umahon
sa ilog at maglakad-lakad naman sa
dalampasigan.
86. Nakarating si Pagong sa isang taniman ng
mga sili. Marahang-marahang naglalakad si
Pagong sa paligid ng taniman. Natutuwang
minamasdan ni Pagong ang mga puno ng
sili na hitik na hitik sa bungang pulang-pula
dahil sa kahinugan. Wiling-wili siya sa
panonood sa mga mapupulang sili at hindi
niya namalayan ang paglapit ni matsing.
87. "Aha! Nahuli rin kita! Hindi ka na
makaliligtas ngayon sa akin," ang sabi ni
Matsing sabay sunggab sa nagulat na
pagong. "Kung naloko mo ako noon,
ngayon ay hindi na. Hinding hindi na,"
nanggigigil na sigaw ni Matsing.
88. "Teka, teka, Ginoong Matsing, hindi ko
kayo naiintindihan sa pinagsasasabi
ninyo," ani Pagong.
"Ano? Hindi ba't ikaw ang pagong na
nagtanim ng saging? Ikaw ang pagong
na inihagis ko sa ilog?" sabi ni Matsing.
89. "Aba! Hindi po. Hindi ko po nalalaman
iyon. At hindi ko rin kilala kung sino
mang pagong iyong inihagis nyo sa ilog,"
tugon ni Pagong.
"Hindi nga ba ikaw iyong damuhong
pagong na iyon?" tanong ni Matsing na
pinakasipat-sipat ang hawak na pagong.
90. "Talaga pong hindi!" ani Pagong.
"Matagal na po ako rito. Ang gawain ko
po ay magbantay ng mga mapupulang
bungang ito," dugtong pa ni Pagong.
"Bakit, ano ba ang mga mapupulang
bungang iyan?" ang tanong ni Matsing.
91. "A, e, ito po ay gamot sa mata ng lola ko.
Inilalagay niya po ito sa mata kapag
kumakati. Pero hindi po kayo maaaring
kumuha nito, para sa lola ko lamang
ito," sabi ni Pagong.
92. "Makati rin ang mata ko. At sa ayaw
mo't sa gusto, kukuha ako nito," ani
Matsing at namitas agad ng maraming
pulang sili. Piniga niya't niligis ang mga
sili sa dalawang palad at kanya itong
ipinahid sa kanyang mga mata.
93. "Kra-kra-kra..." nagtatatarang na sigaw
ni Matsing pagkat halos umusok ang
dalawang mata nya sa hapdi at kirot.
Mainit na mainit ang mga mata niya.
Kinapa-kapa ni Matsing si Pagong.
Subalit wala na ito at nakalayo nang
nagtatawa. Naisahan na naman ang
hangal na matsing.
94. Maraming araw ding nangapa-ngapa ng
mga bagay sa kanyang paligid si
Matsing. At si Pagong naman ay
malayang nakapamamasyal.
95. Isang araw, nasa isang bakuran si Pagong.
May handaan doon at nagkakatay ng
baboy. Sa malapit sa kinalalagyan ni
Pagong ay may mga taong nagpapakulo ng
tubig sa isang malaking kawa. Tahimik na
nagmamasid-masid doon si Pagong.
Nagulat siya. Bigla kasi siyang sinunggaban
ni Matsing.
96. "Nahuli na naman kita. Niloko mo ako
noon. Hinding hindi na kita paliligtasin
ngayon," ang sabi ni Matsing. "Dahil sa
iyo, matagal akong hindi nakakita."
"Ako po ang dahilan? Bakit po?" tanong
ni Pagong.
97. "E, ano pa! Hindi ba't ikaw ang Pagong
na kinunan ko ng sabi mo'y gamot sa
mata ng lola mo? E iyon pala'y
nakabubulag," ang sabi ni Matsing.
98. "Aba, naku! Hindi po. Ako po'y matagal
na rito sa pwesto kong ito. Ako po'y
nagbabantay ng kawang iyon na
paliguan ng aking nanay," ang sabi ni
Pagong. Itinuro kay matsing ang tubig na
kumukulo sa kawa.
99. "Iyang tubig na iyan ang pampaligo ng
nanay mo?" manghang tanong ni Matsing.
"Opo! Pero sekreto po namin iyan. Huwag
po ninyong sasabihin kahit kanino. Iyan
po ang pampapula ng pisngi ng Nanay
ko," paliwanag ni Pagong.
100. "Ibig ko ring pumula ang pisngi ko," sabi
ni Matsing.
"Ay hindi po maaari ito para sa inyo.
Talagang para sa nanay ko lamang po
iyan," sabi ni Pagong.
101. "A, basta! Gusto ko ring pumula ang
pisngi ko," sabi ng hangal na matsing at
tumakbong mabilis at lumundag sa loob
ng kawa ng kumukulong tubig.
At doon natapos ang makulay na
buhay ng hangal na matsing.
105. Sa isang pulo ay may nakatirang mag-
amang lahi ang mga unggoy. Sa pulong
ito, malinaw, malalim at malinis na tubig
sa ilog nakapalibot dito. Nakatira rin ang
lahi ng matatakaw na buwaya sa ilog na
nakapalibot sa pulo.
106. Masarap at masaya ang buhay ng mga
unggoy dahil marami ang mga
punongkahoy na namumunga rito.
Gayundin ang mga buwaya dahil sagana
sila sa isda at iba pang hayop na minsan
ay naliligaw sa ilog. Subalit dahil sa
pagdami ng mga matsing at buwaya,
dumating ang panahon ang wala na halos
silang makain.
107. Isang araw, habang masaya
naglalambitin sa mga sanga ang mga
unggoy, napansin ng isa na maraming
bungang-kahoy sa kabilang pulo.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga
kasamahan. Gustong-gusto nilang
lumangoy papunta sa kabilang pampang.
108. Ngunit dahil maraming buwayang gutom
ang nangakaabang sa kanila, wala
silang madaraanan. Gustong-gusto ng
buwaya ang masarap nilang atay.
109. Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog
at tinawag ang pinuno ng mga buwaya.
“Pinunong Buwaya, may mahalagang
mensahe ang hari,” ang kanyang pakli.
Lumabas naman ang pinuno na halos
nasa tabi ng unggoy. “Ano ang
maipaglilingkod namin sa mahal na hari?”
usisa ng punong buwaya.
110. “Nais malaman ng hari kung ilan kayong
lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan
kayo ng regalo. Pumila kayo at
bibilangin ko kung ilan kayong lahat,”
sagot naman ng unggoy.
111. Sinabihan ng buwaya ang lahat ng
kanyang mga tauhan na pumila.
Magsimulang magbilang ang unggoy.
“Isa, dalawa, tatlo, apat ….. tatlumpu’t
pito,” sabay talon sa kabilang pampang.
Nakatawid siya sa kabilang pulo nang
walang kapagud-pagod.
112. 1. Tungkol saan ang kuwentong binasa?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
3. Bakit naubos ang mga pagkain ng
unggoy at mga buwaya?
4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng
unggoy, ano ang gagawin mo upang
makatawid sa kabilang pulo?
5. Isalaysay kung paano nakatawid sa
kabilang pulo ang unggoy?
113. Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik ng maikling
kuwento. Gumawa ng mga tanong
tungkol sa kuwento.
Iparinig ang kuwento sa mga
kaklase at tanungin sila tungkol sa
kuwento.