1. (BUO) Gabay sa Pagbabalik-Aral (Reviewer) sa Filipino IV
Inihanda ni: Simoun E.L. Justo
“Ang pakikibaka ng tao laban sa diktadura ay pakikibaka ng isip laban sa
pagkalimot.”
(“The struggle of man against tyranny is the struggle of memory against forgetting.”)
---Milan Kundera (isang manunulat na Czech)
{Kaya ‘wag kang makakalimot sa TEST!!! Kawawa ang Pilipinas...}
Mangyaring ipalaganap/irepost...
Mga Talasalitaan:
nakahuma – nakalambat/nakahuli
paglalayag – “sailing”
nabalam – natigil/nahinto
naglaho – nawala
taluntunin – landasin; baybayin; lakaran (“walk through” o “trod”)
hagilapin - hanapin
hikahos – kahirapan
pananagana – kayamanan/kaluhuan (“opulence” o “luxury”)
nabagabag – naging “anxious” o “worried”
nasiyahan – natuwa
2. nagpalikwad-likwad – nagpahintu-hinto
panlilinlang – panloloko
yungib – kuweba (“cave”)
ikinulapol– ipinahid
kadunguan – kahinaan
dumadapyo – dumarampi (“softly touching...”)
itinanghal – ipinalabas (“was shown”)
gulilat – namangha
hinawan – nilinis
pamahiin – paniniwala
nababakas – nakikita
alitan – pag-aaway
walang kagatul-gatol – walang katigil-tigil; hindi humihinto
Mga Kaisipan ni Rizal:
UKOL SA RELASYON/UGNAYAN NG NAKARAAN, KASALUKUYAN AT
HINAHARAP: “Sa mga Pilipino: Sa Noli Me Tangere, sinimulan kong ilarawan ang
kasalukuyang kalagayan/sitwasyon ng ating lupang tinubuan. Ngunit, dahil sa epekto
ng aking pagsisikap, napagtanto ko na bago ko subuking ilantad sa inyong mga mata
ang mga maaaring mangyari sa hinaharap, dapat lamang na dalin kayo sa lumipas. Sa
pamamagitan lamang nito ninyo matagumpay na mahuhusgahan ang kasalukuyan...”
UKOL SA TUNAY NA KABANALAN: “Napagkilala rin ninyo na ang utos ng Dios ay
iba sa utos ng Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na pagluhod, mahabang
dasal, malalaking kwintas, libaging kalmen, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at
matuwid na isip.
UKOL SA UGAT NG PAGKAALIPIN/KAALIPINAN: “...Ang kamangmanga'y
kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip,
ay taong walang pagkatao; ang bulag na tagasunod sa isip ng iba, ay parang hayop na
susunod-sunod sa tali.”
UKOL SA KAHALAGAHAN NG RELIHIYON SA EDUKASYON: “Kung walang
Relihiyon, ang Edukasyon ng tao/ay gaya ng barkong winasak ng hangin/tadtad ng
sugat, inalisan ng timon.”
UKOL SA PAGSASABI NG KATOTOHANAN: “Mapaglilingkuran lamang natin ang
ating bayan sa pamamagitan ng pagsasabi ng katotohanan gaano mang kasakit ito.”
UKOL SA PANANAHIMIK: “Ang pananahimik ay nangangahulugan ng pagpayag sa
mga pang-aabuso.”
UKOL SA INDIBIDWALISMO: “Ang kawalan ng pambansang kamalayan ay
nagbubunga ng isa pang masamang bagay, ang kawalan ng oposisyon o pagtutol sa mga
polisiya na makasasama sa taumbayan at ang kawalan ng anumang kusa sa pagsusulong
3. ng bagay na makabubuti sa sambayanan. Ang mamamayan sa Pilipinas ay indibidwal
lamang; hindi niya itinuturing ang kanyang sarili bilang bahagi ng isang bansa.”
UKOL SA PAG-AALAY NG BUHAY SA PANININDIGAN: “Sa mga nakaraang buwan,
wala akong natatanggap na kahit ano mula sa Pilipinas. Iyan ang dahilan kung bakit
iniisip kong bumalik na roon sa lalong madaling panahon...Ganoon din dapat ang gawin
ni Graciano [Lopez-Jaena]...dapat siyang bumalik sa Pilipinas at maging handang
mamatay para sa kanyang mga paninindigan...Kung ang isang tao’y mamamatay, bayaan
siyang mamatay sa sarili niyang bayan, para sa kanyang bayan at sa ngalan ng kanyang
bayan.”
UKOL SA MGA MAKASARILING INTERES: “Ang gobyerno! Ang gobyerno!...ang
gobyerno mismo’y walang nakikita o naririnig...Ang gobyerno’y hindi nagpaplano para
sa magandang kinabukasan; ito’y bisig lamang...Dahil sa pwersa na humihigop dito
tungo sa sunud-sunod na kapalpakan, nagiging anino na lamang ito, nawawala ang
kanyang kakanyahan/identidad, at, dahil siya’y mahina at walang kakayahan,
ipinauubaya na niya ang lahat sa mga makasariling interes”
UKOL SA KALAYAAN: Hindi maiwawasto ng mga kautusang galing sa itaas ang mga
pang-aabuso kung hindi gagampanan ng mga tagapagpatupad ng batas ang kanilang
tungkulin at hangga’t ang kalayaan sa pagsasalita laban sa mga pang-aabuso ng mga
munting diktador ay hindi iginagawad.”
UKOL SA MALUHONG (LUXURIOUS) KABALIWAN: “Ang pagsasaya ay hindi
nangangahulugang paggawa ng kabaliwan! Hindi nagbabago ang walang kabuluhang luho
taun-taon. At para saan? Pag-aaksaya at pagtatapon ng pera habang napakaraming
dumaranas ng matinding kahirapan! Ngunit siyempre! Naiintindihan ko. Nilulunod ng
luho, ng pagpipista ang pagdurusa at kalungkutan ng sambayanan.”
UKOL SA PAGPAPAHALAGA SA TRADISYON: “Hindi ba sanlibong beses na mas
mainam na ipakita ang ating sariling kultura at tradisyon, upang ating maintindihan at
maiwasto ang ating mga bisyo at depekto at upang maipalaganap natin ang ating mga
mabubuting katangian?”
UKOL SA TUNAY NA SAKIT NG LIPUNAN: “Masama siyang doktor [ang gobyerno],
ginoo, kung gusto niyang gamutin at supilin lamang ang sintomas nang hindi
pinagtatangkaang alamin ang pinanggalingan ng sakit, at kung, sa pagkakataong
malaman na niya ang pinanggalingan ay natatakot naman siyang gamutin iyon...”
UKOL SA PAGSANDIG (“RELIANCE”) SA MGA DAYUHAN: “Ayaw ba nila kayong
ituring bilang mga mamamayang Espanyol? Mas mainam! Ihiwalay ninyo ang inyong
mga sarili sa pamamagitan ng paglalantad ng inyong tunay na katauhan, subukin
ninyong buuin ang pundasyon ng bansang Pilipinas! Pinagkakaitan ba nila kayo ng pag-
asa? Mainam! Huwag kayong umasa sa kanila, umasa kayo sa inyong sarili at
magtrabaho!”
UKOL SA WIKA: “Nilimot ninyong lahat ang katotohanang habang pinananatili at
pinangangalagaan ng mga mamamayan ang kanilang wika, pinananatili at
pinangangalagaan din nila ang tanda ng kanilang kalayaan, gaya rin ng pagpapanatili at
4. pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang kanyang pinanghahawakan ang sarili
niyang paraan ng pag-iisip.”
Mga Mahahalagang Tao sa Buhay ni Rizal (BUKOD DITO, MULING BALIK-ARALAN
ANG TALAMBUHAY NI RIZAL)
Celedonia – naging katulong (bilang hilot o “non-traditional midwife”) upang mailuwal
o maipanganal nang maayos ang batang Rizal
Padre Jose Bech – unang guro ni Rizal sa Ateneo
Padre Francisco Sanchez – paboritong guro sa Ateneo
Camilo Polavieja – gobernador-heneral na lumagda sa hatol/sentensya ng kamatayan
ni Rizal
Eduardo de Lette – kaibigan ni Rizal na naging karibal sa pag-ibig ni Consuelo Ortiga
y Perez
Dr. Pio Valenzuela – ang sugong ipinadala ng Katipunan kay Jose Rizal
Leon Monroy – nagturo ng Latin kay Rizal
Justiniano Cruz – unang guro sa pormal na edukasyon
Padre Manuel Xerez-Burgos – nilapitan para makapasok sa Ateneo
Teodora Alonzo – kanyang ina; unang guro sa impormal na edukasyon
Padre Magin Fernando – tumanggi na makapasok siya sa Ateneo
Tiyo Gregorio – nakaimpluwensya sa hilig sa aklat
Tiyo Jose Alberto – nakaimpluwensya sa husay sa sining
Tiyo Manuel – nakaimpluwensya sa palakasan/sports
Leonor Rivera – ang sinasabing pinagmulan ng karakter ni Maria Clara ; malao’y
nagpakasal kay Charles Kipping
Luis Taviel de Andrade – abogado ni Rizal sa kasong sedisyon at rebelyon
Josephine Bracken – ang huling pag-ibig ni Rizal
Valentin Ventura – nagpautang kay Rizal para maipalimbag ang El Fili
Maximo Viola – nagpautang kay Rizal para maipalimbag ang Noli
Eulogio Despujol – gobernador-heneral na lumagda sa kautusan ng pagpapatapon kay
Rizal
Lucia – kapatid ni Rizal na nahulihang may dala diumanong subersibong
polyeto/babasahin
Trinidad – kapatid ni Rizal na sanay mag-Ingles; pinagbigyan ni Rizal ng kanyang
huling tula
Mga Mahahalagang Sinulat ni Rizal (MULING BALIK-ARALAN ANG TALAMBUHAY
NI RIZAL)
Amor Patrio – unang sanaysay na sinulat sa Espanya
Mi Primera Inspiracion – tulang sinulat niya bilang handog sa paglaya ng kanyang ina
Mi Ultimo Adios – huling tulang sinulat ni Rizal; tula ng pamamaalam sa bayan at sa
pamilya
5. Mahahalagang Detalye Ukol kay Rizal
Dimasalang – ginamit na sagisag-panulat sa Masonriya (‘Free Masonry’)
Laong Laan – ginamit na sagisag-panulat sa pagsulat ng Amor Patrio
La Liga Filipina – ang samahang itinatag ni Rizal (parang kooperatiba) na ilang araw
lamang tumagal ; ang mga dating miyembro ng La Liga Filipina gaya ni Bonifacio ang
bumuo sa Katipunan
Detalye Ukol sa “El Fili”
- Inilimbag sa Ghent, Belgium
- nanghihikayat sa mga tao na kumilos sa pamamagitan ng karahasan para sa
kalayaan
- nagsisiwalat ng kabulukan ng pamahalaan sa panahon ni Rizal
- nobelang politikal
- inialay sa Gomburza (ang Noli Me Tangere ay inalay sa bayan)
Mga Simbolismo ng Tauhan ng El Fili
Placido Penitente – kabataang nananalig sa edukasyon
Imuthis – nagsatinig/nagpahayag ng kataksilan
Don Custodio – pamahalaang walang paninindigan/political will
Kabesang Tales – kawalan ng tunay na reporma sa lupa
Senyor Pasta – ideyalismong nauwi sa karerismo
Juanito Pelaez – umaasa sa katalinuhan ng iba
Quiroga – katakawan sa salapi ng mga negosyanteng kapitalista
Juli – biniktimang Inang Bayan
Padre Camorra – kabulukan ng moralidad
Ben Zayb – pahayagang puro papuri sa pamahalaan
Padre Florentino – naliliwanagang sektor ng Simbahan
Isagani – reporma
Simoun – rebolusyong inudyukan ng paghihiganti
Basilio – kabataang indibidwalista/makasarili
Guro – paghahangad ng reporma na nauwi sa rebolusyon (balikan ang Kab. 19 ng Noli
at Kab. 19 ng El Fili)
Buod ng Mga Pangyayari
Kabanata 1-2
1.Nagmungkahi si Simoun ng madaling paraan ng paglalakbay sa Ilog Pasig
2.Sinalungat ni Don Custodio ang marahas na panukala ng mag-aalahas na si Simoun
3.Tumutol si Donya Victorina sa suhestyon ni Don Custodio ukol sa pag-aalaga ng itik
4.Kinumusta ni Kap. Basilio kay Basilio ang kalagayan ni Kap. Tiago
5.Inilahad ni Isagani kay Kap. Basilio na handa na ang lahat ng kakailanganin para sa
pagpapatibay ng Akademya ng Wikang Kastila
6. Kabanata 3
1.Pinag-usapan ng mga prayle ang kalagayan ng kanilang mga itinayong negosyo
2.Itinugon ni Simoun na interesado lamang siya sa mga tanawing may taglay na
alamat
3.Maraming espiritu raw ang nanananahan sa isla ng Malapad na Bato
4.Nagpasaring si Simoun kay Padre Salvi ukol sa kwento ni Padre Florentino
5.Nagtanong si Donya Victorina sa kapitan ng barko ukol sa bakas na naiwan ng
binatang si Crisostomo Ibarra
Kabanata 4
1.Dinala ang buong kaanak sa pusod ng kagubatan at doon nagkaingin
2.Namatay ang asawa’t anak ni Tales nang nasa panahon sila ng paglilinis ng lupain
3.Nagpagawa siya ng isang bahay na kahoy sa nayon ng Sagpang
4.Dumating sa lupain ni Kabesang Tales ang uldog/tagapangasiwa/administrator ng
isang korporasyon
5.Dinakip si Tales ng mga tulisan at ipinatutubos
“Ang pakikibaka ng tao laban sa diktadura ay pakikibaka ng isip laban sa
pagkalimot.”
(“The struggle of man against tyranny is the struggle of memory against forgetting.”)
---Milan Kundera (isang manunulat na Czech)
{Kaya ‘wag kang makakalimot sa TEST!!! Kawawa ang Pilipinas...}
MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL
(Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo)
ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896)
Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat)
Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng
ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah
Sulayman ng Maynila)
Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng
pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda
Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay
sa lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing
Hunyo 19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang
Español
7. Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo
(kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang
apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng
trigo/green fields of barley)
Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal
Mga kapatid:
1. Saturnina
2. Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa
Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino
3. Narcisa
4. Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak
5. Lucia
6. Maria
7. Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon
8. Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan
9. Trinidad – tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto
ng Mi Ultimo Adios
10. Soledad
Unang guro: ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin
at panimulang pagbasa)
Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Concha) na lagi niyang kalaro
Unang tulang sinulat: “Sa Aking mga Kabata” (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa
sariling wika; 8-taong gulang siya noon)
Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya:
1. Tiyo Manuel – palakasan/sports
2. Tiyo Gregorio – pag-ibig sa aklat
3. Tiyo Jose Alberto – husay sa sining/art
Unang guro sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil
sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-law niya
Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas: Pagbitay sa
Gomburza (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na
nagsusulong sa Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite
noong 1872)
Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon;
paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit
Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi Primera Inspiracion” (My First Inspiration/Ang Una
Kong Inspirasyon)
Unang Guro sa Ateneo: Padre Jose Bech
Paboritong Guro sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy
ang pagsusulat)
1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura;
tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon)
Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo
ng mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto
8. ng ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon,
rektor ng Ateneo
Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : “A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang
Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa
ng bayan
Dulang nagwagi ng unang gantimpala: “El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga
diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok
Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at “Odyssey”), Virgil
(nagsulat sa Latin ng “Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng “Don Quijote
de la Mancha”) ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo
Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes
1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de
Rivera pero walang nangyari
1882: Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-aral dahil:
1. Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon
2. May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino
3. Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ng Compañerismo
(kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
4. Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)
Mayo 1882: naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila
Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship):
1. Singapore
2. Colombo, Sri Lanka
3. Aden, Yemen
4. terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt)
5. Italya
6. Pransya
7. Espanya (dumating: Hunyo 1882)
Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Bayan o Love of
Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan (“matagal nang inalay”)
isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores
Manapat; lumabas sa “Diariong Tagalog” (unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas)
Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong
Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa “Circulo Hispano-
Filipino” at sa Masonerya o Freemasonry
Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo,
2 pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa “La
Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al Populacho,” na parehong masining na tumuligsa sa
masamang pamamahala ng mga Kastila
1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga
kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona
1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging
bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng Kilusang Propaganda)
Sa Alemanya/Germany:
9. • Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik
tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best
friend
• Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr.
Otto Becker
• Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang “A las Flores del Heidelberg” (Sa Mga
Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila
sa sariling bayan
• Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni
Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng
unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng
mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
Unang Pagbalik sa Pilipinas:
• Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng
pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
• Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa
Noli; binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de Andrade)
• Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez
na pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at
pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano’y
subersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan)
• Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels)
ang batikos ni Rodriguez; pinayuhan niya ang mga tao na maging parang igat/eel (isang
uri ng madulas na isdang mahirap hulihin) ang mga tao upang di sila mabitag o ma-trap
sa kasinungalingan ng mga prayleng galit kay Rizal
• Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si Rizal
• Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos
(sa Pilipinas, mahirap magsulat o bumatikos dahil malakas ang impluwensya ng mga
prayle)
Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal (mula Maynila):
1. Hong Kong – pumasyal sa mga Pilipinong taga-roon na gaya ni Jose Maria Basa na
tumulong sa pagpupuslit o pagi-smuggle ng mga kopya ng Noli
2. Hapon – nakilala niya rito si O-Sei-San
3. Estados Unidos – nabiktima sila ng diskriminasyon; “bansang malaya ngunit para
lamang sa mga puti,” ayon kay Rizal
4. Londres/London, Gran Britanya/Great Britain – nanaliksik sa malaking aklatan para
ihanda ang anotasyon sa “Sucesos de las Islas Pilipinas” (Mga Pangyayari sa
Kapuluan ng Pilipinas/Events in the Philippine Islands) ni Dr. Antonio de Morga; ang
aklat na ito ay nagpapatunay na may sibilisasyon na ang mga Pilipino nang abutan o
madatnan sila ng mga Kastila; dito rin niya sinulat ang “Liham sa mga Kababaihang
Taga-Malolos” (Malolos, Bulacan; sinulatan niya ang mga babaeng taga-rito para
ipakita ang kanyang paghanga at pagsuporta sa kanilang layunin na magpatayo ng
paaralang pambabae roon)
5. Sa Belhika/Belgium – dito inilimbag (sa Ghent, Belgium) ang “El Filibusterismo,” ang
karugtong/ sequel ng Noli Me Tangere; ang El Fili ay inalay niya sa Gomburza;
pinautang siya ni Valentin Ventura upang ito’y ipalimbag
10. 6. Sa Hong Kong ulit – para manggamot at makipagkita sa buong pamilya Rizal (dito sila
nagpasko; kapapalayas pa lamang ng pamilya nila at ng iba pang pamilya ng mga
magsasaka sa asyenda/hacienda ng mga Dominikano sa Calamba, Laguna; ayaw na
kasing magbayad ng upa ni Don Francisco dahil sobrang taas na ang sinisingil);
sandaling nanggamot din si Jose sa Hong Kong; habang narito, sumulat din siya kay
Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na dalhin o i-resettle ang mga taga-
Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal na “Proyekto ng
Kolonisasyon ng Borneo” na ibinasura lang si Despujol)
Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: Bakit nagpasyang bumalik?
1. Para mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda (nag-away-away sila noon sa
Europa kung sino ang dapat maging pangulo nila, si Rizal o si del Pilar; umalis na lang
si Rizal para maresolba ito)
2. Kakausapin niya si Despujol para alamin kung magbabago pa ang pasya nito
3. Itatatag niya “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino/League of Filipinos) sa
Pilipinas
Mga Nangyari sa Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas:
1. Itinatag niya “La Liga Filipina” noong Hulyo 2, 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco
sa Tondo, Maynila (ang La Liga ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning
magsulong ng mga reporma sa Pilipinas); isa si Andres Bonifacio sa mga orihinal na
kasapi ng La Liga
2. Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa
Dapitan, Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan:
a. May nakuhang sipi ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia (kapatid na kasama
niya sa paglalakbay); ang babasahing ito’y anti-prayle/ kontra sa Simbahan
(malamang na inilagay lamang ito sa bagahe ng magkapatid)
b. Inalay ni Rizal ang “El Filibusterismo” sa Gomburza, kaya’t ito’y subersibo
c. Diumano’y (allegedly) iligal daw ang La Liga Filipina
3. Hulyo 7, 1892 din: itinatag ni Andres Bonifacio at ng ilan pang kasapi ng La Liga
Filipina, ang KKK/Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga
Anak ng Bayan/ Supreme and Most Respectable Organization of the Sons of the
Motherland) para simulan ang sikretong pag-oorganisa na hahantong sa armadong
pag-aalsa/rebolusyon para mapatalsik ang mga Kastila at makapagtayo ng
demokratikong gobyernong pinatatakbo ng mga Pilipino (para sa kanila, ang
pagkapatapon ni Rizal ay senyales na wala nang pag-asa ang reporma sa ilalim ng mga
Kastila at kung gayon, wasto na ang magrebolusyon)
Mga Nangyari sa Dapitan
1. Nagtayo siya ng paaralan para sa mga batang lalaki
2. Nagtayo ng patubig/irrigation system para sa mga magsasaka at mamamayang taga-
Dapitan
3. Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita) tungkol sa mga
usaping panrelihiyon
4. Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Pahingahan) bilang tugon sa hiling ng ina
5. Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka, tutubi/dragonfly at uwang/ beetle na
malao’y ipapangalan sa kanya
6. Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato atbp.
7. Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig
11. 8. Nakilala at kinasama (live-in) si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na rin
niya
9. Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para alamin
ang opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni Valenzuela na
itakas para pamunuan niya ang rebolusyon, di pumayag si Rizal at sinabi rin niyang
tutol siya sa rebolusyon dahil:
a. Nangako siya sa mga Kastila na di tatakas sa Dapitan
b. Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas atbp.)
c. Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino
d. Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino
e. Marami raw madadamay na inosente
10. Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan siyang
pumunta sa Cuba para maging doktor sa Hukbong Kastila (Spanish Army; noo’y
nagrerebolusyon na ang mga Cubano laban sa mga Kastila; ayon sa ibang aklat,
sikretong plano ni Rizal na obserbahan ang taktikang gerilya/guerilla tactics na
ginagamit ng mga Cubano laban sa Español)
Agosto 23, 1896: Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila
Hulyo 1896: Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila
pero nasa Singapore pa lamang ang barkong sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto
(September 30). Nang makarating sa España ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang
barkong militar at ibinalik sa Pilipinas para ikulong sa Fort Santiago (sa loob ng Intramuros).
Disyembre 8, 1896: Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si
Luis Taviel de Andrade
Disyembre 11, 1896: Binasahan siya ng sakdal/ipinaalam sa kanya ang mga ikinaso sa
kanya:
1. Sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa
2. Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan
3. Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan (La Liga)
Depensa ni Rizal at kanyang abogado: Walang kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan,
dahil tutol nga siya sa rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng manipesto para patunayan ito);
hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito
itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang niyang isiwalat ang katotohanan; Lalong hindi lihim
ang La Liga Filipina dahil alam na nga ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang
labag sa batas ang La Liga (humihingi lamang ito ng reporma)
Paano nadiin si Rizal: Dahil sa pagbaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan,
mga kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela (na nakakatawa ma’y siya pang nagdiin kay
Rizal sa hukuman); galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang sinulat na
nagsiwalat sa mga baho ng ilang miyembro ng Simbahan, kaya idiniin nila ito (gaya ng ginawa
nila sa Gomburza), kaya kahit inosente’y hinatulan pa rin siya.
Disyembre 28, 1896: Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol/sentensya ng
kamatayan ni Rizal
Disyembre 29, 1896: Sinulat niya ang kanyang huling tula: “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam/My Last Farewell)
Disyembre 30, 1896: Binaril sa Bagumbayan (Luneta) si Rizal, habang sumisikat ang araw sa
silangan, namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan (ang paglaya ng
12. Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat ng sambayanan upang makita
nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-alsa upang lumaya sa pagkaalipin.
MGA PAG-IBIG NI RIZAL
1. Segunda Katigbak – unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala
nang siya’y nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay
rosas na pisngi
2. Margarita Almeda-Gomez – ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumangging
kulay, kaakit-akit ang mga mata
3. Leonor Rivera – pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; second cousin niya; si “Taimis”;
pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara; ikinasal sa British/Ingles na si Charles
Henry Kipping
4. Jacinta Evardo Laza - si “Binibining L”
5. Leonor Valenzuela – kapitbahay sa Intamuros; kasulatan niya gamit ang asin at tubig;
taga-Calamba; estudyante ng medisina
6. Suzanne Jacoby – nakilala sa Belgium; sandali lamang silang nagkaibigan ‘pagkat
umalis din agad si Rizal para asikasuhin ang kaso ng pamilya sa Espanya
7. Gertrude Beckett – dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon;
tumulong sa pag-aaral niya ng Ingles.
8. Magkapatid na Adelina at Nelly Boustead – noong una’y mas nagustuhan si Adelina na
mas bata; si Nelly ay gusto rin ni Antonio Luna; dahil nangungulila kay Leonor (na
nabalitaan niyang nagpakasal na), niyaya niya si Nelly na magpakasal; nagpatumpik-
tumpik si Nelly dahil alam niyang nangungulila lang si Rizal kay Leonor at baka maging
panakip-butas lang siya, isa pa, Protestante si Nelly at ayaw namang itakwil ni Rizal
ang kanyang pagka-Katoliko.
9. Usui Seiko/O-Sei-San/O Sei Keio – nagturo ng wikang Hapon/Niponggo kay Rizal;
muntik na rin niyang pakasalan kundi lang dahil sa bayan
10. Consuelo Ortiga y Perez – Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan niya ‘pagkat gusto
rin ni Eduardo de Lete na kanyang kaibigan
11. Josephine Bracken – itinuring niyang asawa; isang Irish; ampon ng isang Amerikanong
taga-Hong Kong na nagpagamot kay Rizal; balingkinitan ang katawan at asul ang mata
Ang BATAS RIZAL (ligal na batayan ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Jose Rizal)
• Batas ng Republika Blg. 1425
• Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956
• Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National Education)
noong Agosto 16, 1956
• Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon (lolo ni dating Sen. Ralph
Recto)
• Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit o
substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr. (na batay sa panukala nina Sen. Emmanuel
Pelaez at Roseller Lim); ito ang naging Batas Republika 1425
Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas Rizal
• Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales)
• Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco)
13. • Padre Jesus Cavanna
• Sen. Francisco “Soc” Rodrigo
• ilang grupo sa Simbahang Katoliko
Puna sa Orihinal na Batas Rizal
• Nilalabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon
• Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at Fili kaya di na dapat pag-aralan pa
• May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko
Pagtatanggol sa Batas Rizal
• Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Rizal kaya walang masama rito
• Hindi pa nalulutas ang mga suliraning panlipunang tinalakay ng nobela kaya kailangan
pa rin itong pag-aralan
*Naayos ang gusot nang payagan ng
bagong bersyon ng batas ang paggamit ng
expurgated version ng mga nobela ni Rizal
Tatlong Pangunahing Probisyon ng
Batas Rizal
• Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pribado at publiko ng kursong tungkol
sa buhay at mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli at El Fili
• Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito
• Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat
paaralan sa bansa
Paano pinili si Rizal bilang
Pambansang Bayani?
Pamantayan/Criteria sa Pagpili:
1. isang Pilipino
2. namayapa (patay na)
3. may matayog na pagmamahal sa bayan
4. may mahinahong damdamin (dapat ay ayaw sa rebolusyon, dahil noo’y sinasakop pa
lang tayo ng mga Amerikano; kung rebolusyunaryo nga naman ang pambansang bayani,
baka mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila gaya ng nangyari noong panahon ng
Kastila)
Ang Pinagpiliang Listahan:
1. Marcelo H. del Pilar
2. Graciano Lopez-Jaena
3. Hen. Antonio Luna
4. Emilio Jacinto
5. Jose Rizal
6. Emilio Aguinaldo*
7. Apolinario Mabini*
*Dahil sa bilang 2) at 3) ng pamantayan, inalis agad sa listahan sina Aguinaldo at Mabini, lalo
pa’t para sa mga Amerikano, si Aguinaldo ay “mapusok” (nananawagan pa siyang ituloy ng mga
Pilipino ang rebolusyon laban sa Amerikano, hanggang madakip siya sa Palanan, Isabela) at si
Mabini nama’y “matigas ang ulo” (madali siyang nadakip siya ng mga Amerikano dahil lumpo;
ayaw niyang manumpa ng katapatan sa simula sa mga Amerikano kaya pinatapon siya ng mga
14. ito sa Guam; isa pa, nagpalabas din ng manipesto si Mabini, bago maaresto, na nagtatagubilin
sa mga Pilipino na ituloy ang laban; pinatapon siya sa Guam sa takot ng mga Amerikano na
maging simbolo siya ng rebolusyong Pilipino)
Ang mga nagpasya kung sino ang dapat maging Pambansang Bayani:
1. Commissioner William Howard Taft (malao’y naging pangulo ng Estados Unidos)
2. Morgan Schuster
3. Bernard Moses
4. Dean Worcester
5. Henry Clay Ide
6. Trinidad Pardo de Tavera*
7. Gregorio Araneta*
8. Cayetano Arellano*
9. Jose Luzurriaga*
*Mga Pilipinong may lahing-Kastila; nang dumating ang mga Amerikano para
tayo’y sakupin, sila ang kauna-unahang nagtaksil sa Rebolusyong Pilipino
para makakuha ng pwesto sa ilalim ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas
• Imposibleng piliin si Antonio Luna, sapagkat anti-Amerikano na siya
noon pa lamang; bago siya patayin ng mga kapwa Pilipinong tauhan ni
Aguinaldo, siya ang nagbabala kay Aguinaldo na mag-ingat sa mga
Amerikano
• Malabo ring piliin si Emilio Jacinto sapagkat itinuring siyang “Utak ng
Katipunan,” bagamat patay na siya noong panahon ng mga Amerikano
(mayorya sa mga natirang kasapi ng Katipunan sa buong bansa ay
nagpatuloy sa paglaban sa mga Amerikano hanggang madakip si
Aguinaldo)
• Halos kapantay lamang ni Rizal sina del Pilar at Jaena sa pagiging
repormista (ayaw sa rebolusyon; bagamat nagpahayag si del Pilar na
pabor siya sa rebolusyon bilang huling opsyon) ngunit lumamang si Rizal
sa pagiging diumano’y mas dramatiko ng pagkamatay niya: siya’y binaril
sa Bagumbayan, namatay naman sa tuberculosis si del Pilar at namatay
rin sa sakit si Jaena (bagama’t kung tutuusin, dramatiko rin ang
pagkamatay ni del Pilar na kaya nagkasakit ay sa kawalan ng perang
pangkain; naubos ang kanyang pera sa paglalathala ng La Solidaridad na
pangmulat sa mga Pilipino; namatay siyang isang pulubi sa Espanya).
• Gayunman, isang bagay ang di pinagtatalunan, at hindi tinututulan
maging ng mga umaayaw kay Rizal bilang pambansang bayani: ang
kadakilaan ng kanyang panulat: ang pagsulat niya sa Noli Me Tangere at
El Filibusterismo na parehong de-kalidad na obra-maestrang
tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at nagmulat sa mga Pilipinong