2. Himagsikan ng lakas ng bayan
ay isang mapayapang demonstrasyon na
nagtagal ng apat na araw sa Pilipinas, mula
Pebrero 22 hanggang Pebrero 25
Nag-ugat ang nasabing rebolusyon sa serye ng
mga kilos protesta ng mga tao laban sa
diktaturyang pamumuno ni Ferdinand Marcos
3. napaslang si Ninoy Aquino noong 1983
Nagdulot ito ng pagbagsak na pamahalaang
diktatoryal ni Pangulong Ferdinand Marcos at
ang paghalili ni Corazon Aquino sa posisyong
nilisan ni Marcos. Naganap ang mga
demonstrasyon sa Epifanio de los Santos
Avenue (EDSA)
4. Ang rehimeng marcos
Nahalal si Ferdinand Marcos bilang
pangulo ng Pilipinas noong 1965, at
natalo niya si Diosdado Macapagal na
noon ay kasalukuyang nakaupo bilang
Pangulo. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno naging aktibo si Marcos sa
mga proyektong imprastraktura,
agrikultura at pampublikong serbisyo
na nagdala sa Pilipinas sa pinansyal na
kasaganahan. Sa kabila ng bali-balita ng
dayaan sa eleksyon, nahalal muli si
Marcos noong 1969, at natalo niya si
Sergio Osmeña Jr.
5. Maraming mga alegasyon ng
katiwalian ang lumitaw sa kanyang
ikalawang termino ng kanyang
pamumuno. Maraming mga tao ang
naghirap, at dahil dito tumaas ang
kaso ng krimen at mga kaguluhan sa
bansa. Ito ang naging dahilan sa
pagbuo ng mga rebeldeng grupo
katulad ng New People's Army (NPA),
at ng Moro Islamic Liberation Front
na naglalayon na magkaroon ng isang
hiwalay na bansa mula sa Pilipinas.
6. Hindi na puwedeng tumakbo sa kandidatura si Marcos para sa
halalan sa 1973. Dahil dito, noong Setyembre 21, 1972, sa
pamamagitan ng Proklamasyon 1081, nilagay ni Marcos ang
buong bansa sa ilalim ng Batas Militar. Dinahilan niya dito ang
lumalaganap na kaguluhan sa bansa. Sa ilalim ng batas militar,
pinasara ang lahat ng mga institusyon ng midya, at ang ilan sa
kanila ay kinuha ng gobyerno. Ang tangi lamang na
tumatakbong mga pahayagan noon ay ang Daily Express at
ang Manila Bulletin na noon ay tinatawag na Bulletin Today.
Ang mga estasyon ng telebisyon na siyang
pinapasahimpapawid lamang ay ang Channel 4 at Channel 2,
na dating pag-mamay-ari ng mga Lopez. Marami din sa mga
kritiko ni Marcos ang pinahuli, ang isa sa mga pinakakilala sa
kanila ay si Benigno Aquino, na isang senador sa oposisyon at
ang tinuturing na pinakamainit na kritiko ni Marcos.
8. Lumuwas ng Estados Unidos si Ninoy Aquino
noong 1981 dahil sa kanyang kalusugan at dahil
na rin sa kanyang seguridad. Makalipas ang
tatlong taon, noong taong 1983, ipinahayag ni
Aquino ang kanyang kagustuhang makabalik sa
Pilipinas, kahit na marami sa kanyang mga
kaibigan at tagasuporta ang tutol dito.
9. Noong Agosto 21, 1983, pinaslang si Aquino
habang siya ay papalabas ng isang eroplano
saManila International Airport (na ngayon ay
pinangalan sa kaniya). Nagdulot ito ng malaking
galit sa mga Pilipino, na karamihan ay wala nang
tiwala sa administrasyong Marcos. Maraming
paraan ng kilos protesta ang ginawa, kabilang na
ang civil disobedience. Noong panahon ding iyon,
nagsisimula nang humina ang kalusugan ni
Marcos dahil sa kaniyang karamdaman
na Lupus.
10. Noong 1984, inatasan ni Marcos ang isang
komisyon, sa pamumuno ng Punong
Hurado Enrique Fernando, na magsagawa ng
imbestigasyon sa pagpaslang kay Aquino. Ayon
sa kanilang huling report, ang mga militar ang
tunay na sangkot sa nasabing pagpaslang.
Naging malaki itong dagok sa pabagsak nang
pamahalaan.
11. Snap election
Dahil sa patuloy na pagdududa ng mga Pilipino sa
kakayahan ng pamahalaan, minabuting minungkahi ng
Amerika[4] kay Marcos ang pagsasagawa ng dagliang
halalan (snap election). Pinakinggan ni Marcos ang
mungkahing ito. Pinagbisa ang biglaang halalan sa
pamamagitan ng Batas Pambansa Blg 883 ng Regular
Batasang Pambansa, isang unikameral na kongreso na
kontrolado ni Marcos. Tumakbo muli si Marcos sa halalan,
kasama si Arturo Tolentino bilang kanyang pangalawang
presidente. Tumakbo si Corazon Aquino, ang balo ni Ninoy
Aquino, matapos ang matinding pakikiusap at suporta ng
oposisyon at maging ng taong bayan. Si Salvador Laurel ang
naging pangalawang presidente ni Aquino.
12. Naganap ang halalan noong Pebrero 7, 1986. Ang
eleksyon na ito ang isa sa mga pinakakontrobersyal sa
kasaysayan ng bansa, na may maraming balita ng
malawakang dayaan na naganap. Dineklara ng opisyal
na tagabliang ng boto, ang Komisyon ng Halalan
(Commission of Elections o Comelec), si Marcos bilang
nagwagi. Ayon sa kanila, nanalo si Marcos na
mayroong 10,807,197 boto laban kay Aquino na
nakakuha lamang diumano ng 9,291,761 boto. Ayon
naman sa National Movement for Free Elections
(Pambansang Kilusan ng Malayang Pagboto o
Namfrel), isang akreditadong tagamasid ng halalan
(poll watcher), nanalo si Aquino ng 7,835,070 boto
laban kay Marcos na nakakuha lamang diumano ng
7,053,068 boto. Dahil sa malawakang dayaan sa
halalan nag-walk-out ang 29 na computer
technician bilang protesta sa sapilitang
pagmamanipula ng boto para palitawin na si Marcos
ang panalo.
13. Dahil dito nagpahayag ang Kapulungan ng mga
Katolikong Obispo ng Pilipinas (CBCP) ng
pagkondena sa nasabing halalan. Ganun din ang
pinahayag ng pamahalaan ng Estados Unidos.
Ayon mismo sa pangulo ng Amerika na si Ronald
Reagan, na siyang kaibigan ni Marcos,
"nakakabahala" [6] ang mga bali-balita ng
malawakang dayaan. Sa kabila ng mga
malawakang protesta at pagkondena, pinahayag
pa rin ngCOMELEC na si Marcos ang nanalo sa
pamamagitan ng 51 porsyento. Pinahayag
naman ng NAMFREL na nanalo si Aquino ng 52
porsyento
14. Ang rebolusyon sa edsa
Dahil na rin sa mga balita ng malawakang pandaraya
sa eleksyon, nagbalak ang ilang mga sundalo sa
pamumuno ng noon ay Kalihim ng Pambansang
Depensa, si Juan Ponce Enrile, na pabagsakin ang
pamahalaang Marcos. Sa kasamaang palad, nalaman
ni Marcos ang balak na ito, at agad na pinag-utos niya
ang pagdakip sa mga pinuno nito. Dahil nahaharap siya
sa napipintong pagdakip sa kaniya, humingi ng tulong
si Enrile sa AFP Vice- Chief of Staff na si Lt Gen Fidel
Ramos. Pumayag si Ramos na magbitiw sa kaniyang
puwesto at sinuportahan ang mga rebeldeng sundalo.
Kinausap din ni Enrile ang Arsobispo Katoliko ng
Maynila na si Jaime Cardinal Sin para sa suporta.
15. Noong 6:30 ng gabi nagkaroon ng press
conference si Enrile at Ramos sa Kampo
Aguinaldo. Ipinahayag nila ang kanilang
pagbibitiw sa puwesto sa gabinete ni Marcos at
ang kanilang pagtiwalag sa suporta ng
gobyerno. Nagpatawag din ng sariling press
conference si Marcos at sinabi niya kay Ramos
at Enrile na sumuko na lang, at "tigilan ang
kamangmangang ito."
16. Bandang ika-siyam ng gabi, sa pamamagitan
ng Radio Veritas na pinapatakbo ng Romano
Katoliko, nanawagan si Cardinal Sin sa mga
taong bayan na pumunta sa EDSA para
suportahan ang mga rebeldeng sundalo sa
Kampo Crame at Kampo Aguinaldo sa
pamamagitan ng iba't ibang bagay na
makakatulong sa kanila, tulad ng pagbibigay
ng pagkain at ng iba pa nilang
pangangailangan. Sa kabila ng kapahamakan
na maaaring dumating sa kanila laban sa
puwersa ng gobyerno, nagpunta ang mga
sibilyan, maging ang mga madre at pari, sa
EDSA.
17. Noong kasagsagan ng rebolusyon, tinatayang
nasa isa hanggang tatlong milyong katao ang
pumuno sa EDSA mula sa Abenida Ortigas
hanggang Cubao
Ang ilan sa kanila ay may dala ng rosaryo at
imahe ng Birheng Maria. Marami ang nakilahok
sa malawakang pagdarasal (prayer vigil) sa
pamumuno ng mga pari at madre. Marami
naman ang gumawa ng mga harang o barikada
gamit ang mga sako ng buhangin at mga
sasakyan sa mga kanto sa kahabaan ng EDSA
katulad ng Santolan at Abenida Ortigas.
18. Marami ding grupo ang kumanta ng "Bayan
Ko”, na, simula pa noong 1980 ito ang naging
makabayang awit ng oposisyon. Marami ding
tao ang gumamit ng sagisag pang-kamay
(hand sign) ng LABAN[9] ; na ang hinlalaki at
hintuturo ay bubuo ng letrang "L".